~*Chapter 20: Sunday Morning*~
~*Chapter 20: Sunday Morning*~
*~Tiffany POV~*
Kanina pa ako aligaga sa pag aantay ng paglabas ni Besty mula sa Horror House. Hindi na kasi nagpapapasok doon ang mga bantay dahil cut-off na. Itong mga kasama ko ang isa sa last batch na pumasok at alam din nilang kasamahan namin Jeric na basta na lamang pumasok ng walang paalam kaya wala na kaming nagawa kundi maghintay.
Kanya kanyang upo yung iba naming kasama sa sahig man o sa upuan sa di kalayuan. Samantalang panay naman ang lakad ko.
"Huminto ka nga sa kakalakad." Sita ni JD sa akin na nakaIndian sit.
Napatigil ako at sinamaan ko siya ng tingin. "Mas mabuti na ito kaysa maubos ang tubig sa katawan ko kakaiyak."
"Wala din namang maitutulong yan kaya umupo ka na lang."
"Ano bang paki mo?" Inis na tanong ko.
"Nahihilo kasi ako sa ginagawa mo." Napaigting ang panga ko sa sinabi niya.
"Bakit ka ba kasi tumitingin. Tsaka, bakit andito ka? Saan na yung kahalikan mo kanina?" Medyo napalakas ang boses ko pero wala namang ibang nakarinig dahil may kanya kanya rin silang pinag uusapan.
"Akala ko ba wala kang nakita." Ngisi pa niya sa'kin.
"Wala nga. Narinig ko lang. Kaya umalis ka na." Pagtataboy ko sa kanya pero ayaw pa rin niya kaya hinayaan ko na siya. Wala akong panahon ngayon na makipagtalo pa sa kanya. Mas kailangan ako ni Besty.
Ilang sandali pa ang lumipas at bumukas na rin sa wakas ang pinto ng exit ng horror house kung saan niluwa nito si Jeric na buhat si Besty sa likod.
Patakbo akong lumapit sa kanila at sumunod naman yung iba naming kasama.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko nang napagtanto kong walang malay si Besty.
"Nakatulog na siya sa kakaiyak. Don't worry, nag usap na kami."
Napagkasunduan naming sa bahay nalang dalhin si Besty kaysa sa bahay nila para hindi na malaman pa nila TiNang at TiNong ang nangyari ngayong araw. Mabuti nalang umalis ang mga magulang ko kaya ako lang ang tao sa bahay.
Pumunta ako kina TiNang para sabihin na tulog na si Besty sa bahay para hindi na sila mag alala pa.
*~Yumi POV~*
Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng ingay mula sa pagsigaw. Pagmulat ko, napansin kong hindi ito ang kwarto ko kundi ang kwarto ni Besty na puro pink.
Hinanap ko ang cellphone ko na nakapatong sa may lampshade sa gilid ng kama. 11:47 P.M. na pala. Almost midnight na. Tatlong oras din pala akong nakatulog.
Ibinalik ko ang cellphone ko at bumangon sa kama. Lumapit ako sa bintana upang hanapin ang ingay na nakapagpagising sa akin ngunit wala ng tao sa labas. Babalik na sana ako sa kama ng marinig ko muli ang ingay. Doon ko napagtanto na hindi pala sa labas ng bahay ang ingat kundi sa loob. Lumapit ako sa pinto upang mas maindintihan ang usapan sa kabila.
"Sinabihan ko na kasi kayo. But you didn't listen. Paano kung may mas masama pang nangyari." Dinig kong boses ni Besty.
Gusto ko sanang buksan ang pinto para makita kung sino ang sinisermunan niya pero mas minabuti ko nalang na makinig.
"Sorry na. Gusto lang naming makasama siya horror house para mag enjoy. Hindi naman namin alam na hindi lang pala isang simpleng takot sa dilim ang mayroon siya." Narinig kong boses ni Bay. Hating gabi na, bakit andito pa si Bay?
Sa imahinasyon ko ay nakayuko si Bay na takot sa sermon na inaabot mula kay Besty.
"Ngayon alam niyo na, mag ingat na kayo. At ikaw Prince Jeric, boyfriend ka niya tapos hindi mo alam na may nyctophobia siya." Pati si Jeric narito?
"Just because I'm her boyfriend, alam ko na agad ang lahat tungkol sa kanya." May punto naman ang sinabi niya na iyon. Kahit kay Besty, hindi ko pa alam ang lahat sa kanya even we knew each other for a very long time.
"But still, you should ask her, hindi yung iba pa ang tinulungan mong makalabas." Mabilis kong binuksan ang pinto na nakakuha ng atensyon nila.
Nakaupo sina Bay at Jeric sa sofa habang nakatayo naman si Besty sa harapan nila. Pareparehong gulat ang mga mukha nila nang makita nila ako.
"B-Bay, g-gising ka na?" Utal na tanong niya. Sinuklian ko lang siya ng tungo at ngiti.
"Besty, matulog ka pa. Hindi pa tapos ang pagsesermon ko sa boyfriend mo?" Pilit pa niya akong pinapasok sa loob ng kwarto pero pinigilan ko siya.
"Mamaya na at isa pa, tama na ang sermon, Besty. It's not their fault especially him." Turo ko kay Jeric. I can see the worry in his eyes. Huminga muna ako ng malamin at kumuha ng lakas ng loob. "Dahil wala ka pa kaya hindi nila ako maiwan mag isa kahit gusto nilang magpumunta sa horror house. No one forced me na sumama sa kanila. Alam mo namang ayokong maging dahilan ng malungkutan ng ibang tao. At ako ang nagpumilit kay Bay na kami nalang ang magkasama. Nagkagulo lang kaya naiwan ako doon and one more thing, hindi na kasi kailangang malaman pa ni Jeric about sa phobia ko."
"Anong hindi kailangan? Kailangan yun, boyfrien--"
"Hindi ko siya totoong boyfriend kaya huwag mo na siyang sisihin." Nasabi ko na rin sa wakas.
Parang naistatwa si Besty at Bay sa kanilang narinig mula sa akin. Ang mukha naman ni Jeric ay parang nagtatanong sa akin na bakit ko sinabi yun.
Ilang sandali lang, isang malakas na kalabog ang narinig sa buong bahay sa padabog na pagsara ni Besty ng pinto ng kwarto niya.
"Besty!" Kumatok ako sa pinto pero hindi niya ako pinagbubuksan. "Alam kong galit ka. Sorry na." Unti unting tumulo ang luha ko pero pinigilan kong ang paghikbi.
Natigilan ako sa kakakatok nang maramdaman ko na may humawak may likuran ko.
"Hayaan mo na muna. Nagulat lang yun, like me." Himas pa niya sa likod ko.
Inalalayan niya ako hanggang makaupo sa sofa. Huminga ako ng malalim para mapigil ang iyak ko. Pag angat ng ulo ko, isang dismayadong mukha ang tumambad sa akin.
"Bakit mo sinabi? Nag usap na tayo, di ba?"
Tama. Nag usap kami habang nasa loob ng horror house na aakuin niya ang kasalanan sa nangyari at huwag ng magsalita pa pero hindi ko pwedeng gawin yun dahil kasalanan ko yun. Napahamak ako dahil kasalanan ko.
"Oo nga, nag usap tayo pero hindi ako pumayag."
Napasabunot siya ng sariling buhok sa naging dipensa ko. "Bakit ang tigas ng ulo mo?" Inis siyang napatayo.
"Bakit ko naman hahayaang pagalitan ka kung hindi mo naman kasalanan ang nangyari." Hindi ko na napigilan. Napatayo na rin ako.
"Kasalanan ko naman talaga. Kung hindi sana ako pumayag na magkasama kayo ni Geoff, tayo ang magkasama." Hindi ako nagpatalo sa titig na binabato niya sa akin.
"Yun na nga. It's my decision na pumayag sumama sa inyo kahit na may phobia ako. It's not your fault dahil hindi niyo naman alam."
"Kahit na. Dapat inalam ko, e di sana hindi ka naiwan sa loob."
"Kung hindi mo ko binalikan e di sana may masama nangyari sa akin. Kaya imbis na pagalitan ka dapat pinapasalamatan ka pa!" Sigaw ko sa kanya. Nabibigla ako sa sarili ko dahil sa mga lumalabas sa bibig ko.
Magsasalita pa sana si Jeric nang pumagitna sa amin si Bay. Andito pa pala siya? Hindi ko na siya napansin.
Nagpalipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa na may pagtataka sa mukha. "You both really not in relationship?" Pareho kaming umiling sa tanong niya. "Bakit imbis na magsisihan kayo, pinagtatanggol niyo pa ang isa't isa?"
Nagkatinginan kami ni Jeric pero agad ring siyanv umiwas. May pagtataka din sa mga mukha niya.
Napaisip ako sa doon. Hindi ko naman siya pinagtatanggol. Ayoko lang may magbayad ng kasalanan ko.
Nalipat ang atensyon ko when I heard Besty's doors opened. Walang lumabas pero nanatili lang itong nakabukas. Sumilay ang ngiti sa labi ko. Ibig sabihin, gusto na niya akong makausap. Agad akong tumakbo doon at pumasok sa loob.
"Besty." Tawag ko.
Nakaupo siya sa kama niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang reaksyon sa mukha niya. Lalapitan ko na siya ng tumayo siya sa kama ang naglakad palapit sa akin.
Nginitian ko siya at akmang yayakapin ng lampasan niya ako at pumunta sa pinto. "B-Besty?"
Nakatalikod siya sa akin habang nakahawak sa doorknob. "Matulog ka na dito, doon na ako sa kwarto nila Eomma." Pagkatapos niya sabihin yun agad niyang sinara ang pinto na hindi man lamang ako pinitignan.
Walang salita ang lumabas sa bibig ko kundi hikbi. Hindi ko napigilang tumulo muli ang luha ko. Napaluhod ako sa sahig habang tinatago ang mukha ko gamit ang aking mga kamay.
Mas nakakatakot pa ata ito kaysa sa pagkakaroon ko ng nyctophobia. Mas masakit na galit ang isa sa mga taong pinapahalagahan mo sa iyo. Hindi ko naman gustong magsinungaling o magtago sa kanya kaya ko nga rin sinabi dahil hindi ko na kayang itago pa sa kanya dahil Besty ko siya.
Sikat ng araw ang gumising sa akin. Nagulat pa ako dahil pagmulat ko nasa kama na ako. Sa pagkakatanda ko, nakatulog ako kakaiyak ng kagabi at wala na akong lakas na buhatin pa ang sarili ko papuntang kama kaya sa sahig ako nakatulog.
Sinong naglagay sa akin sa kama? Napangiti ako ng isiping si Besty iyon. Kahit na galit siya sa akin hindi niya talaga ako matiis.
Inabot ko ang cellphone ko sa may lampshade. 7:39 A.M. na. Kaya pala mataas na din ang sikat ng araw.
Paglabas ko ng kwarto, walang tao sa sala. Sandali pa akong naghintay baka sakaling magising na si Besty pero hindi kaya napagdesisyunan kong umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kwarto ni TiNang at Tito. Sa harap nito ang isa pang kwarto na walang nagmamay ari. Dahan dahan kong binuksan ang guest room para hindi marinig ni Besty na nasa loob ng Master bedrooom na natutulog.
Sa guest room nila kung saan minsan ako natutulog, nakalagay ang mangilan ngilan kong damit. Naiiwan ko kasi ang iba dito kapag nag oovernight at naliligo ako dito. Pagbukas ko ng aparador nakita ko ang isang pulang bistida na nakahanger at katabi nito ang tuwalya. Kinuha ko iyon pareho at agad na lumabas at pumunta sa banyo sa kwarto ni Besty para naligo.
Nang matapos ako, doon ko lang napagtantong damit lang ang kinuha ko at walang underwear. Wala akong choice kundi bumalik sa guest room para kumuha ng underwear at doon na din magbihis.
Ibinalot ko sa katawan ko ang tuwalya at kinuha ang bistida. Lumabas ako ng banyo at ng kwarto ni Besty. Pero yun na ata ang maling ginawa ko para sa araw na iyon.
*~Jeric POV~*
Paglabas ni Tiffany ng kwarto akala ko'y susunod si Yumi pero hindi. Pinauwi niya kami ni Geoff kahit na ayaw namin pero we don't have a choice, bahay ni Tiffany 'to.
Kinaumagahan, agad akong bumalik sa bahay nila. Mga ala sais ng makarating ako. Nagdoor bell ako. Ilang sandali lang, bumakas na ang gate at si Tiffany ang bumungad sa akin.
"What are you doing here?" Walang ganang tanong niya.
"I just want to know if ayos na kayo ni Yumi?" Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Bakit kailangan mong malaman?" Kasabay noon ang pagtaas ng kilay niya.
"Nag aalala lang ako." Nag aangalang sagot ko.
"Bakit ka nag aalala? Hindi ka naman niya boyfriend, di ba?" Hindi ako nakapagsalita.
May parang kung anong matalim na tumusok sa dibdib ko dahil lang sa sinabing iyon ni Tiffany. Hindi ko alam pero parang sumakit ang dibdib ko sa katotohanang hindi nga ako boyfriend ni Yumi.
Nakaramdam ako ng hiya at hindi na naglakas pa ng loob na magsalita kaya naisipan ko nalang na umalis.
Sa pagtalikod ko narinig ko ang mahinang tawa ni Tiffany bago ito nagsalita. "So, ganoon na lang yun. Sunday morning, pumunta ka dito ng napakaaga tapos tatalikuran mo lang ako kasi hindi mo masagot sa sarili mo kung bakit nag aalala ka sa kanya."
Napalingon ako sa kanya. Anong gusto niyang isagot ko? Kahit ano namang tanong ko sa sarili ko lumalabas pa rin na wala naman akong karapatan dahil hindi nga ako boyfriend ng kaibigan niya.
Tanging buntong hininga ang sinagot ko sa kanya.
"Ewan ko sa'yo. Crush pa naman kita dati kasi pogi ka at akala ko matalino ka pero sa ganitong bagay nagiging tanga talaga ang tao." She said in dismay. Nagkibit balikat na lang ako sa confession niya. Dati pa naman yun. Maganda siya sa totoo lang pero sabi nga nila hindi mata ang nagmamahal. "Pumasok ka na, tulungan mo ko."
Kahit naguguluhan sumunod ako sa kanya. Hanggang sa makapasok kami sa sala. Uupo na sana ako sa sofa ng tawagin ako ni Tiffany at pinapapasok ako sa kwarto niya. I find it weird dahil kwarto niya yun tapos pinapapasok niya ako but still I followed it. Baka dito siya pagpatulong.
Sa pagpasok ko nakita ko agad si Yumi na nasa sahig. Agad akong lumapit at inalalayan ang ulo niya. "What happened?"
"Diyan na siguro siya nakatulog sa sobrang iyak niya kagabi." Makikita ang pag aalala sa mukha niya pero pinipilit niyang huwag iyon ipakita.
"I thought you talk after mo kaming paalisin pero mukhang hindi dahil you let her cry." Inis na sisi ko kay Tiffany.
"It also her punishment for lying to me. Besty niya ako but still nagsinungaling siya sa'kin. At isa pa, hindi lang siyang ang umiyak, okay." Hindi ako agad nakapagsalita. Binuhat ko muna si Yumi at inilagay sa kama. Inayos ang pagkumot sa kanya bago muling lingunin si Tiffany.
"Don't blame her for lying, it's my fault. I forced her not to say anything to anyone, same as me. Even Kyle didn't know about my fake relationship with Yumi. So, please don't blame her and punish me instead." Napansin kong napaawang kaunti ang kanyang bibig bago niya ako binigyan ng makahulugang tingin.
"Sige. As your punishment, from now on, I will no longer call you as Prince Jeric kasi hindi na kita crush, so you'll let me call you, Kris." Tawag niya na ikinagulat ko. Akala ko kung anong parusa.
Ngumiti ako sa kanya. "Of course." Sandali ko tinignan ang babaeng nakahiga sa kama at binalik ang tingin kay Tiffany.
She rolled her eyes on me. "Hindi ko kayo maintindihan pareho." Umiling lang siya tsaka ako pinalabas sa kwarto.
Naguguluhan din ako sa mga sinasabi niya. May mali ba sa sinabi ko? Napaupo nalang ako sa sofa at kung anu ano ang pinapatakbo sa isip pero nakaramdam nalang ako ng antok.
Maikli lang naging tulog ko dahil nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Nang tingnan ko ang pinto ng kwarto na tinutulugan ni Yumi, nakasara naman iyon. Baka si Tiffany lang yun.
Bumangon ako sa sofa, nagstretching ng kaunti dahil hindi naging komportable ang higa ko sa sofa. Bahagyan akong mapayuko kaya nahagip ng mata ko ang sulat na nakalapag sa mesa.
To Mr. Kris who's Not really my Besty's Boyfriend,
Paggising mo, pakainin mo ang pinakamamahal kong kapatid na nakatali sa labas. Mas mahal pa yan ng magulang ko at Besty ko than me.
Sandali lang ako.
Still not trusting you,
Pretty Tiffany
Hindi ko alam kung matatawa ako ko masasaktan sa sulat niya. Nagulat ako sa part na nakatali sa labas ang kapatid niya but I remembered na wala naman siyang kapatid. Ibig sabihin alaga nila. Pero ng i address niya akong Not really my Besty's Boyfriend at Still not trusting you, it hurts. Big Time.
Sinunod ko nalang ang utos niya instead na isipin pa ang nakalagay sa sulat. Kinuha ko na lang ang Dog food na nakapatong malapit sa sulat at lumabas ng bahay. Hinanap ko ang sinasabi niyang kapatid at nakita ko ito sa likod ng bahay. May sarili itong bahay at nakatali. Mabuti na lang hindi ako takot sa aso at hindi rin ito takot sa tao. Hindi niya ako tinatahulan. Hinawakan ko ang ulo niya para maamuhin. Nang itaas ko ang ulo niya nakita ko ang nakasuot na kwintas sa kanya at may nakasulat. Itian? Ano yun short for Christian?
"Mabuti ka pa, mahal ka niya."
Parang tanga akong kinausap ang si Itian, hindi naman siya sumasagot miski tingin wala. Abala siya masiyado sa pagkain niya. Napabuntong hininga na lang ako pumasok na mula sa loob.
Hinanap ko ang kusina at nang matagpuan ko, kape naman ang sunod kong hinanap pero hindi ko makita.
Mabilis akong bumalik sa sala ng marinig ko ang muling pagbukas ng pinto. Magtatanong sana ako kay Tiffany kung saan nakalagay ang kape kaso hindi siya ang lumabas mula sa kwarto, kundi---- si Yumi.
Nagkasalubong ang mga mata namin at dahil sa gulat, nabitawan niya ang damit na hawak kasabay ng paghulog ng tubig na nagmumula sa basa niyang buhok.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kaya agad ako napayuko sa hiya pero mas lalo atang mali ang ginawa ko dahil ngayon lang nagsync in sa akin ng makita ko ang mga binti niya.
She's f*cking in front of me and only that f*cking towel covers her whole body! She's almost naked!
"Y-Yung damit mo nasa sahig." Nanginginig akong lumapit at yumuko para sana kunin ang damit niya nang bigla din siyang umupo para kunin yun.
Agad ako napatingin sa kanya. For the second time, mali na naman. Dapat hindi na ako tumingin sa kanya dahil nakakita ako ng tinatawag nilang puwet ng bata.
Ang lapit niya masyado sa akin. Nararamdam ko ang paghinga niya. Hindi ko mapigilang tumingin sa pinagmumulan ng hininga niya. Ang mapula niyang labi parang gusto ko muling matikman. Napapalunok ako ng laway habang parang hinihilan ako ng mga labi niya.
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa labi niya at sa sumisilip na puwet ng bata na napansin niya. Sa isang iglap lang, nakahandusay na ako sa sahig. Pagbalik ng tingin ko sa pwesto niya, wala na siya doon, tanging bakas na lang ng tubig ang naiwan doon na nagpaalala ng itsura niya kanina.
That legs, that cleavage and every drops of water pouring from her wet hair. Her sweet lips. Nakapagpatayo ng aking---. Agad kong tinakpan ang gitna ko. Biglang uminit ang mukha at katawan ko.
Hindi ako malibog! Shit!
*~Yumi POV~*
Hingal na hingal ako sa pagmamadaling makapunta sa guest pagkatapos ko siyang sapakin.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya at bigla niya na lang inilapit ang mukha niya sa akin. Napansin ko ang pagtitig niya sa labi ko kaso biglang bababa ang tingin niya sa---ano ko, kaya kusa ng gumalaw ang kamao ko.
Napaupo ako sa kama at nilapag ang bistado dito. Napalingon ako sa salamin na nasa gilid. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko dito.
"Wala na, nakita na niya."
Hindi pa ako nagbihis. Nakapikit kong binagsak ang katawan ko sa kama. Parehong nilapit ko ang kamay ko sa dibdib ko. Pilit na pinapakalma ang puso kong kanina pa mabilis ang pagtibok.
Hangal lang ito o dahil sa labi niya kanina?
Inis akong napabangon at napasabunot sa sariling buhok. Naguguluhan ako. Kinakabahan ako. Natatakot ako.
Nagbihis ako at inayos na ang sarili bago tuluyang bumaba. Dahan dahan pa akong sumilip mula sa hagdanan kung naandoon ba si Jeric sa sala, pero wala.
Naglakad pa ako papuntang kusina ng marinig kong may naghihiwa doon. Dahan dahan muli akong sumilip at nakahinga ako ng maluwag nang mapakompirma kong si Besty yun at hindi si Jeric.
"Kanina ka ba pa dyan?" Tanong niya hang napansin ako. Umiling ako at tumalikod sa kanya. "Anong nangyari kay Kris?" Gulat akong napaharap sa kanya. "Why?"
"Anong tinawag mo sa kanya?" Gusto kong makompirma kung tama ba ang narinig ko.
Tumawa muna siya bago sumagot. "Kris, why can't I call him that?" Muli akong umiling.
Bumalik siya sa paghihiwa. Binalot kami ng katahimikan. First time kong mailang na kasama si Besty. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin pero. "Sorry."
"Para saan?" Pinagpatuloy lang niya ang ginagawa.
"For lying, hindi ko gusto yun pero kailangan. Besty kita kaya nagtapat na ako kagabi. Ayokong maglihim pa sa iyo kaya ayos lang kung bibigyan mo akong ng punis---."
"Hindi na kailangan, sinabi na lahat sa akin ni Kris. Kaya don't worry we're Bestys pa rin." Nakangiting sabi niya.
Hindi ko napigilan ang saya ko, agad akong patakbong lumapit sa kanya at yinakap siya. Naramdaman ko pa ang pagdaloy ng luha ko sa mga pisngi ko. Bumitaw ako at tumingin sa kanya. "Sorry and Thank you. Besty."
"Anong iniiyak iyak mo diyan? Ako itong naghihiwa ng sibuyas." Pareho kaming natawa sa sinabi niya.
Ilang sandali pa kaming nag usap at kinuwento lahat ng tungkol sa deal namin ni Jeric habang nagluluto siya nang muli siyang magtanong. "Saan ka nga pala pupunta ngayon at nakabistida ka?"
"As usual, sunday routine, magsisimba." Sagot ko.
"Bakit hindi pa kayo nagsabay ni Kris?" Nahalata naman niya ang pagtataka sa mukha ko. "Nagmamadali siyang umalis kanina. May nagawa daw siyang kasalanan kaya ayon, pupunta daw siyang simbahan. Magkukumpisal?"
Muntikan ko ng maluwa ang iniinom kong kape sa narinig ko.
Sa nangyari kanina, parang pati ako kailangan ding magkumpisal. Hayst.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro