Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~*Chapter 2 : Marcus Oxford High*~

~*Chapter 2 : Marcus Oxford High*~
  
    
 
*~Yumi POV~*
  
 
  
"Grabe besty ang dami namang tao." Kitang kita sa mukha ni Besty na manghang mangha siya sa maraming taong kanyang nakikita.
  
  
"Syempre first day, angalan naman walang tao." Natutuwa akong pinopolosopo ko siya.
  
  
"Hindi kasi first time lang ito. Hindi naman ganito yung mga last first days." Nauunawaan ko naman sinasabi ni Besty.
  
  
Nitong mga nakaraang taon kasi kaunti lang talaga ang mga pumasok kasi 1st day palang naman daw, may 2nd, 3rd, 4th, 5th and so on, so bakit pa daw kailangan pumasok ng first day.
  
  
"Hayaan mo na lang sila Besty. Sa natripan nilang pumasok ngayon. Pakielam natin doon?" Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Sumunod naman si Besty.
   
  
"Feeling ko, tulad ko nagbabakasakali silang makita yung anak ng may ari. Gwapo daw kasi yun. Kyahh!" Kinikilig na sabi ni Besty sabay hampas pa sa braso ko. Hindi ko naman siya pinakialam dahil matutuwa akong nakikita siyang masaya. Nang mahismasmasan siya sa kakiligan niya bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. "Tara hanapin nalang natin yung magiging classroom natin."
    
  
"Wow, first time atang ayaw mong gumala?" Natatawa kong sabi.
  
  
"Anong ayaw gumala yun na nga yung gala natin. Tara doon na lang tayo sa Gymnasium, doon naman natin makikita ang mga schedule." Sabay higit naman ng kamay kong hawak niya.
 
  
 
Nang makarating kami sa Gymnasium, napansin kong mas marami ang tao rito. Bawat lingon ko, nakakakita ako ng mga taong nagdadaldalan kasama ang kani-kanilang mga kaibigan, mayroon din nagsisiksikan papunta sa mga white board kung saan nakapost ang mga pangalan, section, at schedule ng bawat mga estudyante, yung iba naman nakatambay at nakikinig sa may stage kung saan may nagsasalita for orientation.
 
 
  
Hinila ako ni Besty papunta sa may white board para makita ang schedule namin.
 
  
 
"Excuse me, makikiraan." Hawi pa ni Besty sa mga nakaharang na babae.   
 
  
 
Mas matangkad si Besty sa akin kaya't mas mabuti na nasa harap ko siya para mas madali kaming makausad.
 
 
  
"Andito na si Yumi!" Sigaw ng lalaking sa may di kalayuan.
 

Sabay sabay namang tumingin ang mga tao sa kinaroroonan ko. Ngayon hindi na masikit dahil lumayo yung mga tao noong nakita nilang ako pala ang katabi nila. Nagkatinginan kami ni Besty na parehong naguguluhan.
 
 
"Hala ano na namang meron?" Bulong ni Besty.
  
  
"Hindi ko rin alam. Bakit ako yung tinatanong mo, sabay lang tayong pumasok hindi ba."
  
  
 
Ilang sandali lang nakaramdam ako na may naglalakad sa likuran ko, lilingunan ko na sana ngunit hindi ko na natuloy dahil biglang may nagtakip ng bibig ko ng panyo na may masyadong matapang na amoy, na naging dahilan ng pagkahilo ko.
  
 
Nilabanan ko ito kaya't natanggal naman ang panyo na nakatakip sa ilong ko ngunit patuloy akong nakakaramdam ng hilo. Pinakpan din nila ang mga mata ko ng isa tela, kaya nakapiring ako.
  
  
Naramdaman ko na lang na binuhat nila ako. Hindi na ako nakapalag dahil nahihilo pa rin ako.
  
 
Kung pagbabasihan ko ang itsura ng pagbuhat nila sa akin ay yung parang sa laro. Magkahawak ang dalawang lalaki at naupo ako sa mga braso nila habang may nararamdaman din akong nakahawak sa likuran ko na sa tingin ko ay inaalalayan ako upang hindi mahulog.
  
 
"Hoy mga balasubas kayo, saan niyo dadalhin ang besty ko?" Narinig kong sigaw sa di kalayuan.
  
 
"Sa puso ng boss namin." At nagtawanan pa sila.
  
  
"Huwag niyo akong pinagloloko, hindi kasya ang Besty ko doon. Ibaba niyo siya." Patuloy lang ang pagsigaw ni Besty pero tila hindi nila siya narinig dahil hindi pa rin naman nila ako binababa.
  
 
   
Sa paglalakad nila unti unting humihina ang tinig ni Besty hanggang sa tuluyan na rin itong naglaho. Ilang sandali pa ang aking inaantay, huminto na rin sila sa wakas.

  
  
"Andito na tayo." Ibinaba nila ako at pinaupo. Mabuti na lang hindi nila tinali ang kamay ko. Agad ko namang tinanggal ang panyong nakatakip sa ang aking mga mata.
  
  
  
Kinusot kusot ko pa ang aking mata upang ang malabong kong paningin dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw at sinag ng araw ay unti unting luminaw. Isang lalaki nakaluhod at may hawak na bulaklak ang tumambad sa aking harapan.

  
  
"I am Terence Olivarez, the most handsome and popular student in Oxford offers you, Yuri Megumi Cortez to be my girl." Sabay nito ang isang malaking ngiti na nagmula sa kanya.
 
 
  
Umalingawngaw ang ingay sa loob ng Gym. Magkahalong reaksyon ang nakikita ko sa mga taong nasa baba ng stage. May matutuwa, kinikilig at syempre mayroon din naiirita at naiinis sa kanilang napapanood, lalo na ang mga kababaihan na siguro'y may gusto sa lalaking nasa aking harapan.
  
  
 
Tumayo ako sa pagkakaupo kaya't tumayo na din siya sa kanyang pagkakaluhod. Dahan dahan akong lumapit sa kanya ng walang makikitang reaksyon sa mukha.
   
  
Inabot niya ang bulaklak na hawak niya, tinanggap ko naman ito na ikinatuwa niya. Kinuha ko rin yung microphone na hawak niya at ipinatong sa upuan upang hindi marinig ang aming pag uusapan.
  
  
Tumingin muna ako sa mga tao na tahimik na inaantay ang sasabihin ko at binalik ang tingin kay Terence. 

  
  
"Anong kalokohan na naman ba ito Mr. Olivarez?" Bungad ko.
 
  
"Hindi ito kalokohan. I'm giving you an offer that no one can resist." Ngiti pa niya na parang bilib na bilib sa sarili.
  
 
 
'Ang kapal naman ng mukha mo. Ako pa talagang hinamon mo.'
  
  
 
"Then I will be that 'no one' can resist." Inis kong hinampas sa kanya ang bulaklak na binigay niya. Napaatras siya ng kaunti at nagkalat ang mga petals sa sahig. Akmang aalis nang hawakan niya ang braso ko.
  
  
"What's your problem?" Nagtatakang tanong niya pa.
  
  
"Ask yourself." At tinanggal ko ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa braso ko. Tinalikuran siya.
  
 
Narinig ko tumunog ang ingay ng microphone kaya kahit na hindi ako lumingon alam kong kinuha niya ang microphone na kaninang ipinatong ko sa upuan.
  
  
"May nagsabi sa aking gusto mo ko, bakit pakipot ka pa. Doon naman din punta natin." Sabi niya na with matching microphone pa na siguradong hindi lang ako ang nakarinig kundi narinig din sa buong gymnasium.
     
  
Bulungan naman ng mga tao ang ngayo'y naririnig ko.
   
 
Lumingon muna ako sa kanya bago magsalita.
   
 
"Puwes sinungaling yung nagsabi sa'yo. Good Luck nalang." Sigaw ko at tuluyan ng bumaba sa stage.
  
  
Nakita ko namang inaantay ako ni Besty sa baba. Mabuti nalang at nakaopen ang back exit kaya hindi na kami kailangan pang dumaan at makaranas ng matatalim na tingin ng mga tao. Pasalamat siya medyo nahihilo pa ako sa matapang na amoy ng panyo kanina, kung hindi, hindi lang pagbato ng bulaklak ang gagawin ko sa kanya.
  
  
"Sandali lang Besty." Natauhan ako ng marinig ko Besty. "Kanina pa pakita kinakausap pero mukhang wala ka sa mood kaya hinayaan nalang kita, kaso ang bilis mong maglakad." Reklamo niya.
  
  
"May ginawa ba sa iyo yung mga lalaki kanina?" Nag aalalang tanong ko, umiling naman siya.
  
 
"Tinakpan lang nila ang bibig ko. Ang ingay ko daw kasi." Natatawang sabi niya. Natawa nalang din ako pero bigla nalang akong may naalala.
  
 
"Paano pala yan, hindi natin nakita yung schedule at section natin. Ayoko nang bumalik pa sa gym." Magmamaktol na sana ako ng biglang inabot sa akin ni Besty ang cellphone niya at may pinakitang picture, litrato ng schedule namin.
  
 
"Piniktyuran ko na bago kita sundan sa stage." Kinuha ko ang phone niya at zinoom-in ko pa para makita ang mga pangalan ng magiging mga classmates namin. Natigilan na lang ako ng napansin ko ang pangalan ng isa sa bago naming classmate.
  
 
Mukhang napansin naman ni Besty ang naging reaksyon ko. "Oo, classmate natin si Kris Jeric  Oxford. Oh diba kabisado ko kaagad ang full name niya." Pagmamalaki ni Besty. "Pangalan palang pangOppa na. Kyahhhh!" Pinaghahampas niya na naman ako dahil sa kilig.
 
  
"Yung Oxford na yun ang hampasin mo tutal sa kanya ka naman kinikilig, bakit kailangan ako ang masaktan." Kunyaring inis ko.
  
 
"Ikaw naman Besty, hindi ka pa nagkakalove life pero humuhugot ka na ah." Natatawang asar niya. "So puntahan na natin siya sa room natin para makita ko na siya ng personal at siya na mismo ang hampasin ko sa kilig. Kyahhh!" Sabay hawak niya sa braso ko at akmang hihilain patakbo.


*BOUGSSHH
  
  
 
Napaupo ako sa sahig ng may bumunggo sa akin. "Aray ang sakit ng puwet ko." At hinimas himas ko pa ang puwet ko.
 
 
"Miss, I am very sorry." Tinignan ko ang lalaking nagsalita na siyang nakabunggo sa akin.
  
 
Pinupulot niya ang salamin niya na nalaglag na lalong nagpainis sa akin.

  
'Inuna pa talaga ang gamit niya imbes na tulungan ako.'
 
  
"Kuya, gaano ba kataas ang araw para magshades ka sa Hall way??" Hindi ko na napigilan ang inis ko.
  
 
Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay lumapit siya sa akin.
 
 
"Pasensya na nagmamadali kasi ako, let me help you." Inilahad niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo pero hindi ko ito tinanggap.
 
  
"Hindi okay na. Kaya ko. Umalis ka na lang, baka ako pa ang sisihin mo kapag hindi mo naabutan yung dahilan ng pagmamadali mo." Taboy ko pa sa kanya.
  
 
"Are you sure?" Paninigurado niya. Tinunguan ko lang siya at winasiwas ang kamay ko na sinyales na pinapaalis ko siya. "Okay. Again I'm sorry." Tumakbo na siya ulit.
  
 
Tumayo ako at sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya.
  
 
Lumapit sa akin hawak ang cellphone niya na nalaglag ko. "Besty kilala mo?"
  
  
"Mukha bang kilala ko yun at ikaw hindi mo manlang ako tinulungan, tinitigan mo lang yung lalaking iyon." Inis kong saad kay Besty.
 
  
"Ikaw naman kinuha ko muna yung cellphone ko na nabitawan mo, nagcrash gear kaya, naging tatlo bigla cellphone ko." Nagpapaawang sagot niya.
   
 
 
Naguilty naman ako kasi ako nga naman ang nakabagsak ng cellphone niya. Tinignan ko naman ang hawak niyang cellphone, natanggal na ang battery at casing.
  
  
'Kaya pala sabi niya naging tatlo bigla ang cellphone niya.'
  
  
"At tsaka feeling ko transferee yun. Parang ngayon ko lang siya nakita, pero in fairness mukhang branded, may accent."
 
 
"Parang kilala mo naman lahat ng estudyante dito."
 
 
"Syempre hindi, pero kapag gwapo kilala ko." Pagmamalaki niya.
  
 
'Talaga naman.'
 
 
"I don't care, hila ka kasi ng hila eh yan tuloy tumorpet ako." Reklamo ko naman sa kanya.
 
 
"Sensya na." at tinawanan nalang ako.


Natapos na nakasimangot ang unang araw namin ni Besty. Ako dahil sa kamasalang naganap sa akin sa buong araw kay Besty naman dahil umasa siyang makikita yung anak ng may ari ng school kaso hindi pumasok.
 
 
Mabuti nalang talaga hindi ganoong nag turo ang mga teachers sa aming IV-Grahambell dahil first day palang, puro introduce yourself lang ang naganap hanggang matapos ang klase.
 
  
 
"Besty, mauna ka nang umuwi may pupuntahan lang ako." Paalam ko sa kanya.
  
 
"Mabilis lang ba yun? Samahan na kita." Alok niya pero agad kong tinanggihan ito.
 
 
"Hindi na, matagal yun baka mainip ka lang." Pagdadahilan ko.
 
 
"Sige, ikaw bahala. Mag ingat ka ah." Inantay ko nalang siyang makasakay sa Jeep bago ako pumunta sa pupuntahan ko.
 
 
 
Hindi siya maaring sumama sa akin dahil para sa kanya ang lalakarin ko. Nagiguilty ako na nasira ko ang casing ng phone niya kaya bibilhan ko na lang siya ng bago at sasamahan ko pa tempered glass para makabawi.
  
 
Nang mabili ko na lahat agad na naman din akong naglakad papuntang sakayan ng Jeep dahil nasa alas sais na rin ng gabi kaya hindi na din gaano kaliwanag, wala ring gaanong naglalakad dito sa dinaanan ko. May bigla nalang nagtakip ng bibig ko at hinila ako sa may eskinita.
  
 
'Sino naman 'to?? Hindi pa ba matatapos ang kamalasan ng araw na 'to?
  
  
  
TO BE CONTINUE .
  
  
 
~~~

   

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro