Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~*Chapter 19: Nyctophobia*~

~*Chapter 19: Nyctophobia*~
  
  

*~Yumi POV~*

 
 
Ngayon na gaganapin ang performance project namin kay Sir Avanzado. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Kinakaban ako.
  
  
"Nararasan ng mga kaedaran niyo ang pinagawa ko sa inyong performace, kaya umaasa ako na maganda ang magiging resulta ng bawat grupo dahil nakakarelate kayong lahat. Magsimula na tayo. Sinong nakabunot ng number 1?" Tanong ni Sir Avanzado.
  
  

Agad naman nagtaas ng kamay ang mga miyembro at isa isang naglakad papunta sa unahan.
 
 
Mabuti nalang at pang Lima ang nabunot ni Bay kaya mamaya pa kami. May panahon pa ako para magsaulo ng mga linya ko.
  
 
Pagtula ang ginawa ng unang grupo. Kumanta naman ang ikalawa. Ang ikatlo ay nagSpoken poetry. Akting naman ang ikaapat. Ang ganda ng mga pinakita nilang performances at props. Pero may tiwala ako sa kagrupo kong maganda din yun amin kaso sa sarili ko ako walang tiwala.
  
 
  
"Tayo na." Kalabit pa sa'kin ni Besty. Ewan ko pero parang ayaw tumayo ng katawan ko sa pagkakaupo.
 
 
Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko at pilit akong itinayo.
  
 
Hiyawan at tilian ang narinig ko. Nang tingnan ko ang paligid, ang dami na palang tao na nanonood sa labas ng aming silid aralan. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
   
 
 
"Halikan na." Sabi ni Jeric at naglakad na hawak pa rin ang kamay ko.

Nakatayo kami sa may gilid habang inaayos ang props namin nila Teresa.
    
  
 
"Good morning Sir, classmates, and audiences out there." Kumaway pa si Bay sa labas ng aming silid aralan. "We are group five and we're going to sing, dance, and act for the Song 'Mahal Kita Pero'. Yuri Megumi Cortez as Janella Salvador and Kris Jeric Oxford as Marlo Mortel."  Pagpapakilala si Bay.
 
 
Muling naghiyawan ang mga tao na nagpapakabog lalo ng dibdib ko.
  
 
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Jeric ng kamay ko kaya't napalingon ako sa kanya.
  
 
 
"Huwag kang kabahan hindi kita pababayaan." Sumilay ang ngiti sa kanyang mukha.
 
  
Parang bigla nalang nawala ang lahat ng kaba na naramdaman ko kanina ng makita ko ang ngiti sa mukha niya.
    
 
Ginawa namin ng maayos ang performance. First time naming naperfect yun dahil tuwing nagpapractice ay nag aaway lang kami ni Jeric o kaya naman puro kalokohan lang ginagawa namin.
  
 
Natapos ang performance namin na ang katagang sinabi niya ang nasa utak ko. Ang sarap pala makarinig ng ganoong mga salita kahit sa kinaiinisan mong tao.
  
 
Nang matapos ang lahat ng grupo ay iaanunsyo na ang mga nakuhang grado mula sa kay Sir Avanzado.
 
  
  
"Para sa ikatlong pwesto na nakakuha ng 93% ang group three. Sobrang ganda ng mensahe ng kanila Spoken poetry. Congratulations." Nagpalakpakan kami para sa grupo nila Kaye.
   
  
Binigyan sila ng certificate para may patunay at dagdag sa points sa periodical exam.
  
  
  
"Sa ikalawang puwesto, with 97.8% ang Mahal Kita Pero performance ng group five. Congratulations."
  
  
Naghiyawan kami sa grupo maging ang mga tao sa labas ng silid aralan. Sa saya ko naghanap agad ako ng taong mayayakap. Wrong move ata ang nagawa ko dahil sa pag aakalang si Besty ang nayakap ko ngunit nagkamali ako.
  
  
Ang kaninang ingay na naririnig ko mula sa ibang tao ay biglang nawala at napalitan ng lakas ng tibok mula sa puso ko.  Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya sa pagkaaakalang baka marinig niya ang tibok nito.
    
   
Tinalikuran ko siya at hinanap ang iba naming kagrupo para yakapin din. Ito ang naisip kong paraan para hindi ipakita na nahihiya ako sa ginawa ko.
    
  
Nang si Kyle na ang yayakapin ko, nakita kong nakaabang na rin siyang yumakap sa akin. Nakangiti akong lumapit sa kanya at ilang sandali nalang ay magtatama na ang aming mga katawan nang biglang may sumulpot sa aming gitna.
  
  
  
"Okay, that's enough." Tsaka niya ako hinila papunta sa unahan para kunin ang certificate.
 
  
Sumunod sa amin ang iba pa naming kagrupo maging si Kyle na nakabusangot na ngayon. Tumabi siya sa akin at bumulong. "Sometimes, ang epal talaga ni Best friend."
  
  
Narinig ko pang nag'Shh.' si Jeric upang mapatahimik si Kyle. Natawa nalang ako sa inasal niya. 
  
 
  
   
  
"Sayang, 0.3 lang ang nilamang sa'tin ng group six. Exempted na sana tayo sa periodical exam. Hmp." Maktol pa ni Bay
  
  
"Don't think too much. Eat your food first." Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Bay sa sinabing iyon ni Kyle.
  
  
"Ayos lang naman dahil deserve nila Dexter yon. Sobrang nakakarelate kaya yung performance nila. Barkadang puro kalokahan ang ginagawa." Pagtatanggol ni Besty.
  
  
  
Tama siya. Kung ako ang papipiliin, deserve ng grupo nila Dexter yung 1st placed dahil kahit na lahat sila lalaki sa grupo may nagbihis babae pa kaya maeffort. Sobrang nakakatawa pa. Kahit na sayang at least plus 50% ang magiging score namin sa periodical.
 
   
   
"Kahit na 2nd placed lang tayo, we did out best. We deserves a celebration." Sumilay ang tuwa mula sa mukha ni Besty sa sinabing iyon ni Kyle.
   
   
"Yes!" Sabay kong narinig muna kina Besty at Bay.
   
  
"Where do you want to go?" Gulat kong tiningnan ko si Jeric na dapat hindi ko na ginawa.
  
  
Hindi naman masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa pero hindi na ako mapakali kapag nakikita ko ang pagtitig sa akin ng tsokolate niyang mata.
  
  
Lagpas dalawang buwan palang kaming magkakilala pero alam ko na may iba na akong nararamdaman sa kanya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya ayokong seryosohin itong nararamdaman ko.
    
   
  
"Hey guys, hindi pa ba kayo tapos magtitigan diyan?" Kasabay nito ang pagkalabit sa akin mula sa gilid ko.
  
  
Nang lingunin ko sila, nakatingin na pala silang lahat sa amin ni Jeric. Nang muli kong ibinalik ang tingin kay Jeric ay bumalik na ito sa pagsubo ng kanyang pagkain.
    
    
"As I was saying, mag EK or Star City or something like that. Para bonding celebration talaga. Game ba kayo doon?" Masayang tanong ni Besty.
  
   
  
"Game."
  
 
Pare-pareho kaming napatingin sa likuran ko ng narinig namin ang isang babae na nagsalita.
     
  
"Vi?" Narinig kong bulalas ng katabi kong si Jeric. "What are you doing here?" Nakakunot na noo na tanong ni Jeric.
 
 
Hindi ito sumagot sa halip ay kumuha ng bakanteng upuan sa malapit sa mesa namin at inilagay iyon sa pagitan ni Bay at Kyle. Ipinatong niya ang hawak na tray sa lamesa at umupo tsaka nakangiting tumingin kay Jeric.
 
   
  
"Don't worry, I'm not here for you, Kris. I'm here for my Geoffrey." Sabay sabay kaming napanganga sa tinuran niya. Maging si Bay hindi maipinta ang mukha.
     
  
Natigil kaming lahat sa pagkain at tutok sa mga susunod na lalabas sa bibig ni Violet. Mukhang napansin naman ni Violet na lahat kami nakatingin sa kanya.
  
  
  
"Why are you staring me like that?" Pagtataka pa niya.
   
    
"Vi, don't making up jokes." Hindi makapaniwalang sabi ni Kyle. Mukhang hindi siya natuwa sa sinabi ng kanyang kapatid.
    
  
Tumawa muna si Violet bago sumagot. "No Kuya. I'm really here because of my Geoffrey. Right my Geoffrey?" Nalipat ang tingin namin kay Bay. Hinantay namin siya ngunit hindi siya sumagot bagkus ay tumungo siya. "See?"
    
  
Hindi napigilan ni Besty ang sarili at minatahan ang katabi. "Bay, magsabi ka ng totoo." May otoridad na utos ni Besty.
  
  
Tahimik lang akong nakikinig dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. Masyado akong nagugulat sa mga nangyayare.
   
   
"Don't scare my Geoffrey or else magkakagulo here." Nakataas na kilay na banta pa ni Violet kay Besty.
     
  
"I'm not talking to you and no pets allowed here." Diin na pang aasar ni Besty kay Violet.
  
  
"Then, why are you here?" Balik na pang iinis ni Violet.
 
 
Aakalain mong may laser silang dalawa sa mata at naglalaban.
   
 
"That's enough." Pagpapatigil ni Kyle sa dalawa. "Vi, Geoffrey, follow me." Tumayo si Kyle at lumabas ng cafeteria.
  
  
  
Agad naman tumayo si Bay. Maglalakad na din sana palabas nang mapansin na nakaupo pa rin si Violet na parang hindi narinig ang inutos ng Kuya niya.
  
  
Binalikan ni Bay si Violet. Ayaw pa nitong sumama ngunit sapilitan na itong pinatayo ni Bay at hinila palabas ng cafeteria.
  
   
      
  
 
*~Geoffrey POV~*
    
   
  
 
"Vi, I know what you're thinking. If you're doing this for Kris. Please! Don't drag Geoffrey into this." Medyo malakas na pagkakasabi ni Papa Kyle.
 
 
Kung babae lang ako iisipin kong may gusto sa'kin si Papa Kyle dahil sa pag aalala niya. Pero ayokong mag assume.
   
    
  
"Kuya, you got it wrong. I don't care about Kris now, all I care is about Geoffrey." Tsaka niya pa hinawakan ang kamay ko.
  
 
Nakakaramdam man ako ng pandidiri dahil sa pag hawak niya sa kamay ko  pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko.
  
 
Hindi malalaman ni Kyle kung ano talaga ako kapag pumayag akong maging boyfriend niya at pagselosin si Papa Jeric.
   
  
Alam ko namang wala akong karapatan na magkagusto kay Papa Kyle dahil pareho kaming lalaki lalo na't kaibigan ko pa pero tinanggap ko pa rin ang alok ni Violet. Maaari akong maglabas-masok sa bahay nila dahil boyfriend niya ako. Pagkakataon ko na rin yun upang laging makita si Papa Kyle. Masaya na ako doon.
  
  
   
Kaibigan ko si Bay at Papa Jeric kaya may tiwala ako sa kanila na kahit anong gawin ni Violet para daw bumalik sa kanya si Papa Jeric ay alam kong hindi ito tatalab dahil hindi mabubuwag nito ang pagmamahalan nung dalawa. 
  
 
  
  
Napagdesisyunan na ngayong araw gaganapin ang selebrasyon. Sabado ngayon. Naaantay kami ni Violet sa entrance ng isang Amusement Park. Nauna kaming pumunta ng malaman na susunduin pa pala ni Papa Kyle si Teresa kaya't pinahatid na lang niya kami ni Violet sa kanilang Driver.
 
    
   
"Why they are so tagal? Ang kupag siguro ng friend mo."
  
   
May limang minuto pa lang naman kami nag aatay pero panay na ang reklamo niya simula ng makarating kami.
 
  
  
"You're so reklamadora." Panggagaya ko sa pagsasalita niya.
  
 
"Hmp. Basta later, holding hands tayo." Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na sumagot.
  
  
'Nakapandidiri talaga itong desisyon ko.'
  
  
Ilang sandali lang, isa isa na rin silang nagsidatingan. Masayang nagkukwentuhan si Bay Yumi at Bay Tiffany habang nasa likuran nila si Papa Jeric na nag iisa. Samantalang nasa dulo sina Teresa at Papa Kyle na nag uusap din.
   
  
Nakangiti si Papa Kyle habang kinakausap si Teresa na nakikinig lang. Masakit man makitang masaya ang taong gusto sa iba, wala akong magagawa. Babae pa rin ang gusto niya.
  
  
Si Teresa yung tipo ng taong mahilig mag obserba sa paligid niya pero hindi nagsasalita. Poker face din ang masisilayan sa mukha niya kaya hindi ko masabi kung may gusto ba siya kay Papa Kyle.
    
  
Nakaramdam ako ng pag hawak sa kamay ko kaya't nawala ang mga tumatakbo sa isip ko.
   
  
 
"They're here. Galingan mo mag acting." Bulong pa niya sa kin.
 
  
   
Nang tuluyan na silang nakalapit, agad kong binigay ang binili naming tickets habang naghihintay sa kanila.  Sabay sabay na kaming pumasok. First time ko sa pumunta sa isang amusement park kaya sobrang napahanga ako sa kagandahan nila.
  
 
  
"Saan tayo magsisimula?" Narinig ko tanong ni Tiffany.
    
   
"Sa dami ng rides hindi ko alam kong anong magandang sakyan." Sagot ko sa kanya.
  
 
"All. We will try it all." Masayang banggit ni Violet na halata ang excitement sa mukha.
    
  
"Vi is right. We should try it all. Let's go guys." Sabay takbo ni Papa Kyle papuntang Grand Carousel.
  
  

'Seryoso.'
   
        
   
   
   
*~Yumi POV~*
 
 
    
   
Parepareho kaming natawa sa unang napiling subukan ride ni Kyle. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya pero tuwang tuwa siya habang lahat kami nakasakay sa sarisarili naming mga kabayo.
   
  
Sa una ayaw pa ni Jeric dahil pambata daw pero sabay sabay namin siyang hinigit kaya't wala na siyang nagawa.
  
  
Sumunod ay puro extreme rides na ang sinubukan namin at tulad ng sa Grand Carousel ayaw din ni Jeric na sumakay. Manunood na lang daw siya mula sa baba ngunit tulad din noon, wala siyang nagawa.
    
  
Pagbaba namin sa Roller Coaster, napansin namin ang agarang paglapit ni Jeric sa basurahan at doon biglang sumuka.
     
   
Parepareho kaming natawa ng makitang balisa ang mukha ni Jeric. Pero ang best friend niya na si Kyle ang pinakamalakas ang tawa na parang naisahan niya ang kaibigan. Napatingin naman kami nang agad din lumapit si Violet para umalalay kay Jeric.
   
 
Sumakay pa kami sa iba pang rides pero ngayon hindi na nila pinilit s Jeric. Nananaliti na lang siya sa may bench na malapit sa mga sinusubukan naming rides, kasama si Violet at Bay.
  
 
Palubog na ang araw ng parepareho kaming nakaramdam ng gutom.  Nagdesisyon na pagpahinga at kumain na muna. Light meals lang ang kinain namin dahil baka isuka lang din namin kapag sumubok kami muli ng rides.
 
 
  
"Anong next ride natin?" Si Kyle habang nakain ng cotton candy.
     
    
"No to extreme rides, for goodness' sake." Iritadong sabi ng katabi kong si Jeric.
 
  
 
Napaisip ang lahat na nagresulta ng katahimikan. Hindi ko din naman alam ang gusto kong sakyan. Lahat ng nasubukan namin rides ay ideya nila. Go with the flow lang ang ganap ko.

 
Hindi nagtagal, naagaw ang pansin ng lahat ang pagbaba ni Teresa ng kinakaing rice in a cup.
  
 
 
"Sa Horror House tayo." Suwestyon niya.
  
 
Biglang tumayo ang balahibo ko sa ideyang papasok akong horror house. Tinignan ko ang reaksyon ng mga kasama namin at mukhang gusto nila ang ideyang iyon. Magsasalita na sana ako para kumontra nang unahan ako ni Besty.
 

"Ayaw ko at siguradong ayaw din ni Besty. Di ba?" Panghihingi niya ng simpatya. Tumungo lang ako sa kanya.
    
    
"If you're scared, then stay here." Suwestyon pa ni Violet.
   
  
"Ikaw kayang iwan namin. Hindi ka naman dapat nandito." Nakataas na kilay pa ni Besty.
  
  
"I'm here with my Geoffrey at tsaka fault ko bang duwag kayo?" Medyo tumaas na lang boses ni Violet. Nakita kong sasagot pa sana si Besty ng pigilan ko siya at pinahinahon.
  
   
"Nako. Pinapasakit mo yung pantog kong bruha ka. Makabanyo na nga muna." Sabay tayo ni Besty. Sasama sana ako ng pigilan niya ako. "Ako na lang Besty. Mabilis lang ito." Isa isa niyang tinignan ang mga kasama namin. "No more Horror House thing."
    
  
  
Muli kaming nabalot ng katahimikan sa pag alis ni Besty. Tinignan ko isa-isa ang mga mukha nila. Napansin ko ang panghihinayang lalo na sa mukha ni Bay.
  
  
 
'Ganoon ba nila kagustong pumunta doon?'
  
  
 
Ayokong ako ang maging dahilan ng panghihinayang nila kaya napagdesisyunan kong payagan na lang.
 

"Antayin nalang natin si Tiffany para may kasama ka dito." Sabi ni Kyle.
  
  
Sinabi ko kasing iwan nalang nila ako dito at pumunta na doon sa Horror house pero ayaw nilang wala akong kasama. Pinapaiwan nila si Jeric pero ayoko rin. Kaya napagdesisyunan na hintayin nalang si Besty pero ilang minuto pa ang lumipas at wala pa ring Tiffany na bumalik.
  
 
Ilang sandali lang, nakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya na matatagalan daw siya.
 
 
 
"Sige na. Iwan niyo na muna ako dito. Ako nalang ang maghihintay kay Besty." Pilit ko sa kanila.
  
  
"Hindi ka namin pwedeng iwan mag isa dito lalo na't gabi na. Babae ka pa, baka mapagtripan ka dito."
   
  
Kahit na lalaking lalaki ang pagsasalita niya, hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang may girlfriend siya at si Violet pa na kapatid ng crush niya. Alam kong may rason kung bakit sila mag-on ngayon parang sa amin lang ni Jeric.
 
 
Kahit anong pagpapaalis sa kanila ang gawin ko ay ayaw talaga nilang magsialis. Napapaisip ako na baka dahil sa'kin hindi sila makapunta sa gusto nilang puntahan.
    
  
"Sige na sasama na ako."
 
  
Sabay sabay silang nagbunyi. Masayang nagsitayo sa kanilang kinauupuan. Nang nasa tapat na kami ng horror house, doon lang ako nakaramdam ng baka.
 

Lumapit sa akin si Kyle at inakbayan ako.
  
 
"Ok girls, free hugs for everyone." Narinig ko ang hagikgikan ng mga babae sa may unahan namin dahil sa sinabi ni Kyle. "You too." Bulong niya sa akin.
  
  
"No, you can't." Narinig ko namang. boses nanggaling sa likuran. "Get off." Utos pa niya kay Kyle. "No one can hugs me or her. Okay." Alis pa ni Jeric ng brasong nakaakbay sa akin.
   
 
"Easy, possessive guy." Tawa pa ni Kyle na nang aasar.
   
 
Hindi nalang niya pinansin yun at hinila nalang ako palayo kay Kyle.
 

"I thought you hate guys, bakit nagpapaakbay ka kay Kyle?" Inis na tanong niya.
 
 
Nginisian ko lang siya at hindi na sumagot. Makapagsabi siya, hindi ba siya lalaki. Tsk.
  
  
  
 

  
*~Tiffany POV~*
 
 
  
 
Pagpasok ko ng banyo, mabuti nalang at walang tao roon. Agad akong nagbukas ng cubicle at doon naglabas ng kinain at inis. Kanina ko pa tinitiis ang pagmumukha ni Barney(Violet). Kung hindi lang siya girlfriend ni Bay baka kanina ko pa siniper ang bibig noon, kakadaldal.
  
  
'Sandali, ayos pa rin bang tawagan namin si Geoffrey na Bay(Bayot) kung may girlfriend na siya?'
  
 
  
Nang matapos ako ay nagbango na at nagpahid ng hand sanitizer. Lalabas na sana ako ng cubicle nang makita ko sa reflection na nanggagaling sa salamin ang pagpasok ng dalawang nakasomprero, isang babae at isang lalaki.
 

'Anong ginagawa ng lalaki sa female comfort room?'
 

Dahan dahan kong sinara muli at nilock ang cubicle na kinalalagyan ko upang hindi nila ako marinig. Dahan dahan din akong umupo sa nakasarang inodoro at itinaas ang mga paa ko para hindi nila malamang may tao doon. Baja sakaling silipin nila ang ilalim.
  
   
"Baby, dito nalang tayo." Malambing na saad ng babae.
   
  
Tawa lang ang narinig ko mula sa lalaki. Sumunod na ang hindi ko maipaliwanag na tunog na nanggagaling din sa kanila na naghahabol pa ng hininga.
  
 
"That's what you called goodbye kiss." Napatakip ako ng bibig sa sinabing iyon ng lalaki.
  
    
'Yun ba ang tunog ng paghahalikan? Ang weird.'  
  

"What?! You're joking, right?" Ang kaninang malambing na boses ng babae ay napalitan ng sigaw.
    
 
"You know I don't like easy-to-get girls. I kissed you, you kissed me, patas lang." Mahinang tawa ang sumunod na ginawa ng lalaki.
   
  
 
"But you sai---"
  
 
🎶Someone sent you a message🎶
 
 
🎶Someone sent you a message🎶
 
  
 
'Kung minamalas ka nga naman.'
  
 
Kinuha ko sa mula sa patungan sa likod ko ang cellphone at binuksan ang mensahe.
  
 
From: Besty ko
Eodiga? (Where are you?)
 
   
 
To: Besty ko
Mianhe. (Sorry) Baka matagal pa ako dito.
  

At agad kong inilipat sa meeting mode ang cellphone ko.
  
 
"Who's there!?" Sigaw ng babae.
    
 
Dahil sa hindi ko pagsagot, dinig ko ang isa isang pagbukas ng mga cubicle. Nasa kaduluhan ako kaya't habang naririnig ko ang palapit nila, palakas din ng palakas ang kabog ng puso ko.
  

Noong nasa pinto na sila ng cubicle ko ay hindi nila ito mabuksan dahil nilock ko. Kaya siguradong alam nila na may tao dito.
 
 
"Come out now!" Sigaw pa nung babae. "I know you heard us!" At muli pang sinubukang buksan ang pinto ng cubicle ko.
   
  
Dahil sa takot kong mabuksan ay hinarang ko ang paa ko sa pinto para mapigil ang magbukas nito.
  
 
"Rheya, step aside. Ako nang magbubukas." Pagkarinig ko doon. Agad akong tumayo para iharang ang katawan ko sa pinto. "We won't hurt you, just come out." Mahinahon na sambit ng lalaki.
   
  
"Wala namang akong narinig." Pagmamaang maangan ko.
     
  
"I don't believe you." Sigaw muli ng babae.
    
  
"Shut up Rheya, will you?" Parang inis na pagpapatahimik nung lalaki sa babaeng nagngangalang Rheya. "Don't mind her. Pwede ka ng lumabas diyan."
  
  
  
Kahit na nakinakabahan ako, naniwala akong hindi nila ko sasakyan tulad ng sinabi ng lalaki. Kinuha ko muna ang nakasabit kong bag sa pintuan. Sa pagbukas ko ng pinto isang gulat na mukha ng lalaki ang tumambad sa'kin.
  
  
  
"Anong ginagawa mo dito, Santos?" Tanong niya na dapat ako ang nagtatanong sa kanya. Dahil nasa Female's CR kami.
   
 
  
"Baby, kilala mo siya?" Sa pagsingit ng babae sa gitna usapan namin, bumalik sa utak ko yung mga narinig ko kanina.
 
 
'Siya yung lalaking nakipaghalikan kanina?'
    
 
  
"May nakita ka ba?" Nag aalalaang tanong niya.
   
  
"Wala." Sa imahinasyon lang.
  
  
"I don't believe you." Taas kilay na sambit nung Rheya.
  
 
Sasagutin ko na sana siya ng muling nagbaybreyt ang cellphone ko.
  
 
🎶Someone sent you a message🎶 
  
 
🎶Someone sent you a message🎶 
  

From: Besty ko
Arasseo (I understand) Sasama nalang ako sa kanila.
 
 
Pagkabasa ko noon, mas mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo palabas CR. Tinatawag man nila akong dalawa ay hindi ko na sila pinansin. Ang kailangan ko ngayon mapuntahan si Besty. Baka may masamang mangyari sa kanya.
  
 
  
 
  
*~Third Person POV~*
  
  
  
 
Habang nasa pila sila, nagdadalawang isip si Yumi kung itutuloy pa niya ang naging desisyon. Hindi siya yung klase ng babae na matatakutin sa multo pero iba ang takot na nabibigay sa kanya ng dilim.
  
  
Nang unti unti na silang lumalapit sa unahan ng pila, mas lumalala ang takot na kanyang nadarama. At nang sa wakas ay sila na ang papasok sa loob, bigla siyang napahinto. Sa kanyang pag atras, nabangga niya si Jeric na nasa kanyang likuran.
  
 
"Hep. Where are you going?" Pigil sa kanya nito.
 
 
"Wala." Napatikom nalang ng bibig si Yumi.
  
 
Ayaw niyang sabihin dito kung ang kalagayan niya dahil baka pagtawanan lang siya nito.
 
 
Lumapit lahat ng kasama nila sa kanila.
 
  
"Tulad ng napag usapan kanina, sabay sabay tayong papasok. Kung maaari sana, walang hihiwalay para walang maligaw." Paliwanag ni Geoffrey.
  
   
"Tutal anim naman tayo. Mag by two's tayo para naman hindi tayo masyadong kumpulan. Teresa and I, Geoff and Vi, and lastly, ikaw Kris and si Yumi." Tumungo tungo lang iba sa sinabing iyon ni Kyle maliban kay Yumi at Violet.
  
   
Ang gusto ni Violet ay si Jeric ang makasama niya ngunit dahil nagpapanggap na boyfriend niya si Geoffrey ay wala na siyang nagawa kundi palihim na mainis sa katabi niyang si Geoffrey at Yumi kahit wala silang kasalanan.
  
 
Habang magkatabi yung dalawa lumapit si Yumi para bumulong kay Geoffrey.
 
 
"Ikaw nalang kasama ko. Pwede?"
  
 
Nagulat siya at napaisip siya sa sinabing iyon ni Yumi. Sa una ayaw pa niya pero naisip niyang kung si Yumi ang makakasama niya, ibig sabihin si Jeric at Violet ang magiging magkasama. Mapagbibigyan niya ang kahilingan ni Violet at nagawa niya ang kanilang napag usapan. Isa pa, siguradong magiging maingay kapag si Violet ang makasama niya. Ayaw niya noon.
 
 
Nagtataka man ang mga kasamahan nila sa desisyun nila. Masayang namang sumang ayon si Violet. Wala na rin silang nagawa. Masamang tingin mula kay Jeric ang naibaon ni Yumi sa pagpasok sa loob ng Horror House. Nauuna sa paglalakad sina Jeric at Violet. Sumunod sina Yumi at Geoffrey. At huli sina Kyle at Teresa.

  
Nakahawak sa mga braso ni Jeric si Violet na panay ang pagtili at pagsigaw sa takot dahil bigla biglang may sumusulpot na White sa harap nila. Minsan pa nga ay sumisimpleng yakap pa siya na kinainis ni Jeric. Pero ang mas kinakukulo ng dugo niya ay isipin na may kaholding hands si Yumi na ibang lalaki kahit na kaibigan pa niya si Geoffrey.
  
  
Samantalang nakahawak nga si Geoffrey sa braso ni Yumi. Nagpipigil sa kanyang pagtili kahit na takot na takot na. Ayaw niyang marinig siya ni Kyle na nasa likod niya kasama si Teresa na hindi natatakot.
  
 
Habang lumalayo mula sa kanilang pinanggalingan, mas lalong silang nilalamon ng kadiliman na nagpapabilis sa tibok ng puso ni Yumi. Nakapikit siya habang naglalakad. Dumidepende nalang siya paglalakad na ginagawa ni Geoffrey na nakaalalay sa kanya. Sa isipan niya, mas mabuti nang pumikit siya kaysa makakita ng kadiliman habang dilat ang mga mata.
 

Ilang minuto pa ang lumipas, isang malakas na tunog ang kanilang narinig.
 
 
"Walang hihiwalay." Utos ni Kyle.
  

Isa pang malakas na tunog ang kanilang narinig. Iyak ng isang babae. At sinundan iyon ng hiyawan ng isang grupo din ng mga kabataan. Palakas ng palakas na sinyales na palapit ng palapit na ang mga ito sa kanila. Tumatakbo sa takot ang mga babae at ang mga lalake naman ay masayang pinagtritripan ang mga kasamang babae.   
  
   
Nang maramdam nila ang yabag ng lupa mula sa nagtatakbuhan ay nagkanya kanya na silang hawak sa mga katabi at nagtakbuhan na naging resulta ng kanilang pagkakawatak watak.
 
 
Abala si Jeric sa paghahanap ng labasan habang may kahawak sa kanyang kaliwang kamay. Kinakausap niya ito pero hindi ito nagsasalita. Hanggang sa matagpuan ang exit at makalabas, hawak pa rin ni Jeric ang kamay nito.
 
 
  
  
*~Jeric POV~*
  
  
 
 
Nang tuluyan kaming makalabas doon ko lang napagtanto kung sino ang kahawak ko ng kamay. Kaya naman pala hindi siya nagsasalita.
  
 
"Pwede mo nang bitawan ang kamay ko." Napatingin ako sa kamay ko na nakahawak sa kanya. Agad ko iyong tinanggal ako humingi ng tawad. Hindi niya ako sinagot sa halip ay tinalikuran at naghanap siya ng mauupuan.  
  
 
Hinayaan ko na lang siya. Naghanap na din ako ng mauupuan na hindi kalayuan sa exit ng horror house.
 
 
Kahit na nainis ako sa ginawa niyang pagpapalit ng partner kanina, nagbaka-sakali pa rin akong kamay niya ang nakuha ko kanina. But I was wrong.
 
 
Maya maya lang, isang Tiffany'ng galit na galit ang naglalakad patungo sa akin. Napansin ko din ang lalaking nasa likod niya na kaibigan ni Terrence. John Daniel ata yun. Bakit sila magkasama?
 

"Asan si Besty?!" Sigaw niya sa'kin habang nanglilisik ang mga mata.
 

"What's with the shouting?" Takang tanong ko rin sa kanya.
   
  
"Sagutin mo nalang ako!" Sigaw niyang muli.
 
 
Kahit nagtataka, tinuro ko pa rin ang Horror house. Agad siyang lumapit doon at nagpumilit na makapasok pero hinaharangan siya ng mga guard ng horror house. Kaya muli siyang bumalik sa harap ko. What's happening?
 
 
"Bakit andito kayo ni Teresa? Asan yung iba? Sinong kasama ni Besty sa loob?!" Pasigaw na tanong niya ulit sa akin ng makabalik siya sa pwesto ko.
  
 
"Nagkagulo kanina kaya nagkahiwahiwalay kami. We're the first one who come outside. The rest were left inside." Paliwanag ko.
    
  
"Si Besty ang girlfriend mo pero iba ang tinulungan mo makalabas. Ang galing mo rin eh." Sumbat niya sa'kin.

 
"It was her decision." Kung alam mo lang. Siguro naman ay kasama niya si Geoffrey tutal yun naman ang gusto niya kasama.
   
  
"Siguraduhin mo lang na kasama ni sina---" Hindi na niya natapos ang sinasabi ng makitang may lumabas mula sa exit ng horror house.
   
  
  
Parepareho kaming lumapit sa kanila. Unang lumabas si Violet at best friend, sumunod si Geoffrey. Where's Yumi?
 
 
"Asan si Besty?!" Pasigaw pa rin pero mas mahina na kaysa kanina.
  
 
"Wala siya dito? Akala namin kasama ni best friend." Dahil sa sinabing iyon ni Kyle ay sabay sabay nalipat ang tingin nila sa akin.  
  
 
"Why me? Di ba ikaw Geoff ang kapartner niya?" Turo ko kay Geoffrey.
 

"Sandali nga. Kung hindi niyo kasama si Besty at wala din dito si Besty, edi nasaan siya?" Parepareho kaming napalingon sa horror house. "Huwag niyong sabihing, naiwan siya sa loob mag isa!" Ngayon lumakas na talaga ang boses ni Tiffany.
 

"Calm down." Lapit pa ni JD kay Tiffany at hinawakan ito sa balikat para huminahon.
  
   
"I can't!" Tanggal pa niya sa kamay ni JD na nasa balikat niya. "Sinabihan ko na kayo. Huwag kayong magHorror house, di ba." Sabi niya at bigla nalang napaupo at umiyak.
  

Nakikita ko pagtataka at pag aalala mula sa mga kasama namin. Nagtataka kung bakit ganoon nalang ang reaksyon ni Tiffany. Nag aalala kung nasaan na si Yumi.
  
 
"Huwag ka nang umiyak. Makakalabas din si Bay. Matapang yun." Pagpapatahan ni Geoff kay Tiffany.
 
 
"You don't understand. May Nyctophobia siya, ayaw niya sa madilim. Kaya sigurado akong humahagulgol na yun ngayon sa isang sulok or worst, hinimatay na."
 

Parang naging start button ang binitawang salita ni Tiffany para kusang gumalaw ang katawan ko. Mistula akong nakikipaglaro ng patintero sa mga guards para lang makapasok sa loob.
   
  
Bawat sulok ng dinaanan namin kanina ay pinuntahan ko. Mistula ding may night vision ang aking mga mata na pinipilit na makakita sa dilim.
     
  
Kung kanina ang inis ang nadarama ko para sa kanya ngayo'y napalitan na ng sobrang pag aalala.
    
   
Bawat lakad, bawat liko at bawat kanto ay pinapakiramdaman ko. Maraming ingay akong naririnig tulad ng sigawan at tilian ng ibang pang tao sa loob nito at ang iyak ng nakakatakot na babae na isa sa special effects ng horror house. 
  
 
  
"Yumi, where are you?!" Sigaw ko sa kadiliman.
  
   
Biglang nakaramdam ako ng vibrate mula sa cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Kyle.
 
 
'Ang tanga ko.' 
 
 
Yun nalang ang nasabi ko sa sarili ko. Hindi ko sinagot ang tawag niya sa halip ay agad na tinawagan si Yumi. Nakailang ring na ito ngunit hindi niya pa rin sinasagot. Gayunpaman, hindi ako titigil. Hanggat nagriring ibig sabihin may pag asang sagutin niya yun.
 
 
  
 
Hindi nagtagal nakarinig ako ng isang pamilyar na tunog. Ito ang lagi kong naririnig tuwing may tumatawag kay Yumi.

  
🎶Ayo GG! Yeah yeah! ~
  
Shijakhae beolka! Omo! ~ 🎶
 
  
   
Patakbo kong hinanap kung saan nanggagaling ang tunog. Sa pagliko ko, nakita ko ang liwanag na nagmumula sa cellphone na nasa sahig. Binuksan ko ang flash light ng cellphone ko upang makakita sa dilim. Ito yung lugar kung saan kami huling magkasama bago tuluyang magtakbuhan. Ibig sabihin naiwan lang siya dito simula kanina.
 

Patuloy pa rin sa pagtunog ang kanyang cellphone. Katabi lang niya iyon ngunit hindi niya pinapansin. Nakayakap lang siya sa tuhod niya at nakayuko. Dahan dahan lang akong lumalapit sa kanya na unti unti ko ring naririnig ang hikbi mula sa pag iyak niya.
 
  
Tumigil ako sa paglalakad. Pinatay ko ang flashlight ko upang muli siyang tawagan at sa wakas ay pinansin na niya ito. Tinignan niya kung sino ang tumawag sa kanya. Pinunasan niya muna ang kanyang mga luha at huminga ng malalim bago sagutin iyon.
 

"Hello?" Bungad niya. Kita ko ang pagpigil niya ng kanyang hikbi.
  
 
"Where are you?" Mahinang tanong ko para hindi niya malamang nasa malapit lang ako.
 
 
"Hindi ko din alam. Sige na." Tapos baba niya sa tawag ko.
 

Mula sa liwanag ng cellphone niyang kakapatong lang niya sa sahig. Kitang kita ko kung paano siya muli umiyak habang yakap ang kanyang tuhod.
  
  
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit na ako sa kanya at agad siyang yinakap. "Idiot. Bakit mo binaba yung tawag ko kung iiyak ka lang." Hindi siya agad nakasagot dahil siguro sa gulat. "Sobra mo kong pinag alala."
   
  
"Iniwan mo kasi ako." Para siyang bata na naninisi. "Natatakot ako."
 
 
  
Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin at doon humagulgol sa dibdib ko.
  
  
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. "Shh. Huwag ka nang umiyak. Hindi na kita iiwan kahit na ipagpalit mo pa ako ulit sa iba."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro