~*Chapter 18 : Legal*~
~*Chapter 18 : Legal*~
*~Yumi POV~*
May malapit na Basketball court sa bahay nila Kyle kaya napagdesisyunan naming mag ensayo ng basketball pagkatapos magpractice ng Mahal Kita Pero performance namin. Dahil natalo ang section namin sa ginanap na laro kahapon, kahit tatlong puntos lang ang lamang ng kalaban ay hindi ito matanggap ni Jeric.
"It's our first game and we failed already." Reklamo ni Jeric habang dinidribble ang bola.
"Don't think too much. It's a good game anyway." Sagot naman ni Kyle habang binabantayan si Jeric.
"No. I'll make sure that will be our first and last failed game especially to that Olivarez." Sabay bato ni Jeric ng bola sa ere at pumasok ito sa ring.
Nakaupo lang ako sa bench habang pinapanood silang nag eensayo ng basketball kasama ang iba pang players ng section namin.
Makikita mo sa mukha ni Jeric ang pagkairita sa pagkatalo kahapon sa laban. Kung tutuusin maganda ang pinakitang laban kahapon ng section namin dahil varsity players ng school ang mismo ang nakalaban namin at hindi man lang nagkalayo ang mga puntos.
Sabi ni Besty, wala pa daw talo ang Oxford High sa Inter-high kahit na isang beses. Simula ng maging varsity player si Terence ng Basketball. Nilalamangan na nila ang kalaban na hindi bababa sa sampu. Ibig sabihin magaling ang section namin dahil tatlo lang ang nilamang nila.
"Yumi, tulong!" Narinig kong sigaw ni Bay mula sa likod.
Lumingon agad ako sa kanya. Hirap na hirap sa pagbuhat ng isang gallon ng tubig. Akala mo'y babae ito sa sobrang pag iinarte. Nasa likod naman niya sina Besty at Teresa na may bitbit ding paper cups at merienda.
Lumapit ako sa kay Bay para tulungan siyang buhatin ang gallon at ipatong sa inupuuan ko kanina.
"Hindi talaga keri ng powers ko ang magbuhat." Hingal na umupo si Bay at nang mahabol na niya ang kanyang hininga ay agad ding siyang tumayo at sumigaw. "Time out! Break Time!"
Tumigil na sila sa paglalaro. Isa-isa na lumapit ang players ng section namin maliban lang kay Jeric na patuloy pa rin sa paghagis ng bola sa ring.
"Wow may pamerienda si Reinford." Nagagalak na sabi ni Aldrin at agad na kumuha ng paper cup para makainom ng tubig.
"Sana laging may pakain." Sabay dampot naman ni Dexter ng sandwich.
"Salamat sa food." Sabi ni Arlan habang nginunguya ang kanyang kinakain.
"Basta ba siguraduhin niyong mananalo na tayo sa next game." At kumuha na rin siya ng sarili niyang makakain.
"Saan ka ba kasi nagpunta kahapon? Hinintay ka namin. Ikaw pa naman ang alas ng grupo." Biro ni Aldrin.
Nasanay na si Bay sa mga hirit sa kanya ng mga kaklase namin. Lagi siya nilang pinagtitripan kapag nag eensayo sa gym dahil kahit isang beses ay hindi pa ito nakakapasok ng bola sa ring.
Pero kahit na ganoon, hindi naman siguro pumapasok sa isip nila na bakla si Bay dahil lang sa hindi siya marunong magbasketball. Miski ako hindi ko nahalata kung hindi siya umamin sa akin sa MOA. Inalalabas lang niya ang tunay na siya kapag kaming tatlo lang nila Besty.
"Ako pang lokohin niyo. Kahit andoon ako matatalo pa rin tayo dahil magaling talaga yung kalaban." Sabi niya sa toning lalaking lalaki.
"Grabe. Ang sakit naman nun." Sabay hawak pa ni Aldrin sa dibdib na niya na akala mo'y nasaksaktan. Nagtawanan sila at nag asaran pa.
Nalipat ang mata ko sa lalaking naiwan mag isa na naglalaro. Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga at humigpit ang pagkakahawak niya sa bolasenyales na narinig niya ang sinabing iyon ni Bay.
Hindi ko mapigilang hindi siya titigan dahil kakaiba ang kinikilos niya.
"Hayaan mo na lang muna siya." Gulat akong napatingin sa nagsalita sa gilid ko. "Nag eemote lang yan dahil natalo kay Terence." Sabay abot niya sa akin ng sandwich na bitbit kanina nila Teresa at Besty.
"Magaling naman kayo, siguro'y lamang lang sila nang tatlong ensayo." Natatawa kong kinuha ang binibigay niya at kumagat.
"He's not like that when we lost before in States. Maybe because Terence is the one who defeated him, kaya iritado siya and he can't accept it." Sabi niya tsaka umupo sa tabi ko.
Noong nakaraan pa bumabagabag sa utak ko ang bagay na yun. Sinubukan kong magtanong tungkol doon pero sa tuwing nagtatanong ako kay Jeric ay binabago niya lang ang usapan o kaya nama'y biglang aalis, animo'y tinatakasan niya talaga at ayaw iyon pag usapan.
Mabuti na lang, si Kyle na mismo ang nagbukas ng topic na iyon, kaya't siya na lang ang tatanungin ko.
"Sa pagkakaalala ko Kris din ang tinawag sa kanya ni Terence. Ibig sabihin na noon, magkakilala sila?" Muli akong kumagat sa sandwich at patuloy pa rin sa panonood kay Jeric.
"Hindi lang magkakilala, they're close. Really close." Pagtatama niya.
Nabigla man ako sa sinabi niya, pero hindi ko ito pinahalata. Baka makahalata siya na wala akong kaalam-alam tungkol kay Jeric, samantalang boyfriend ko ito.
Hinayaan ko lang siyang magsalita at patuloy lang ako sa pakikinig sa kanya habang kumakain ng sandwich.
"My position in his life was Terence position before."
Nang tingnan ko si Kyle. Hindi ko mabasa ang pinapakita ng mukha niya. Masaya ba siya o malungkot sa sinabi niya.
Ano kayang nangyari? Bakit nasira ang pagkakaibigan ni Jeric at Terence?
Sa dami kong gustong itanong pero walang gustong lumabas sa bibig ko.
Hindi na rin nagsalita pa si Kyle. Inubos lang niya ang sandwich at uminom ng tubig. Ilang sandali ay nagpaalam na siyang babalik na sa pag eensayo.
"Bakit andiyan ka? Sa amin ka na sumabay, Besty." Ani ko.
Nakasilip si Besty sa bintana mula sa loob ng sasakyan na regalo kay Kyle ng Daddy niya noong birthday niya.
"Ayokong makaistorbo sa inyo ni Prince Jeric kaya dito na ako sasabay kay Prince Kyle. Tutal ihahatid naman din niya si Teresa at Bay. Ako naman pupunta pang Mall. May pinapabili pa si Eomma. Okay lang naman di ba Prince Kyle?" Kalabit pa niya sa lalaking nasa driver's seat.
"Yeah, of course." Animo'y napipilitang sagot pero bigla ring nagbago ang mukha ng may maalala ito. "Ay susunduin ko na rin pala si Violet sa bahay ng classmate niya." Ngayon ay hindi na napipilitang sagot.
Nagpaalam na sila maging ang mga kaklase namin na may sari-sariling sundo at dalang bisekleta. Niyaya ko na silang sumabay sa amin ngunit miski isa sa kanila ay walang gustong sumabay.
Naiwan kaming dalawa sa labas ng bahay nila Kyle. No choice na ako. Kami lang talaga ang magkasama ngayon. Pero hindi nag uusap o kahit pansinan man lang.
Ilang sandali lang ay humakbang na siya palayo.
"Sandali! Saan ka pupunta?" Habol ko sa kanya.
"Kukunin yung sasakyan ko. Maghintay ka na lang dito." Walang ganang tugon niya.
Nang makabalik siya, agad din akong pumasok sa kotse niya. Tulad ng dati binuksan ko ang bintana at ako na mismo ang nagpatay ng aircon. Wala siyang kibo kahit anong ginagawa ko. Parang tipikal Driver-Passenger Relationship.
Dahil sa katahimikang bumabalot sa amin ay kung anu-ano na lang ang naglalakbay sa utak ko, tulad ng pag uusap namin ni Kyle kanina.
Pumasok bigla sa isip ko ang una naming pagkikita ni Jeric. Kaya niya ba ako niligtas noon dahil alam niyang si Terence ang nagpapadukot sa akin.
Kaya ba siya pilit na lumalapit sa akin dahil alam niyang may gusto sa'kin si Terence? Ginagamit niya ba ako para pagselosin si Terence? Para masaktan si Terence?
Isang malakas na tunog ang bumasag ng katahimikan. Agad kong hinanap pinagmulan noon at nakita ko ang nagliliwanag na cellphone ni Jeric na nakapatong sa gitna.
*My Angela's Calling
Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Ito ba yung Angela na sinabi niya noong nakaraan.
Kukunin ko na dapat ang cellphone niya nang unahan niya ako at agad na sinagot ito nang makahinto kami sa gilid ng kalsada.
"Hello?" Napansin ko ang pagbabago ng mukha niya dahil sa naririnig niya sa kabilang linya. "What's the problem, my princess?" Sabi pa niya na may pag aalala.
'My princess? Akala ko ba ako lang ang nag iisa niyang prinsesa. Sinungaling.'
Sa halip na makinig sa pakikipag landian niya sa tumawag sa kanya ay nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana.
Maya maya ay naramdaman ko nang muli niyang binuhay ang sasakyan. Akala ko'y ihahatid na niya ako ngunit pagdaan sa intersection ay agad siyang nag U-turn na ikinagulat ko.
"Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi sa amin." Natataranta akong lumingon sa likuran, kung saan ang daan pauwi sa bahay.
"Mamaya na kita ihahatid." Yun lang ang sinabi niya tsaka pinaharurot ang sasakyan niya.
"Don't tell me, pupuntahan natin yung my princess mo?" Hindi niya ako sinagot kaya mas lalo akong nairita. "Bakit kailangan pa akong sumama? Ihatid mo na muna ako." Pagpapaktol ko. Hindi niya muli ako sinagot kaya't napagpasiyahan ko na lang tumahimik dahil wala naman akong mapapala sa pakikipag usap sa kanya.
Hindi nagtagal, pumasok kami sa isang exclusive subdivision. Malalaki ang mga bahay dito. Iba iba ang desenyo at kulay pero lahat maganda. Every streets had their own trees. Parang kang nasa ibang bansa.
Huli ko nang napansin na tumigil na pala ang sasakyan. Tumambad sa akin ang isang napakalaking bahay. Mas malaki ito kahit ikumpara pa sa mga naunang bahay na nadaanan namin. Kahit pa sa bahay nila Kyle.
Makikita mula sa labas ang garden. Maraming iba't ibang bulaklak, may tables and chairs for mini tea at may may fountain pa.
Nabigla ako nang kusang bumukas mag isa ang gate. Muling umandar ang sasakyan at ipinasok sa loob ng bahay. Nang maipwesto niya iyon, agad din siyang nagtanggal ng seatbelt at ambang bababa ng sasakyan.
"Hindi ka ba bababa? Sige dyan ka nalang." Hindi pa ako nakasagot nang bumaba siya ng sasakyan. Nginiwian ko na lang siya bago rin bumaba at hinabol siya.
Binuksan niya ang napalaking double door. Literal na napanganga ako sa pagkamangha sa itsura ng bahay. Nagkikintabang mga crystal na nagmumula sa isang malaking chandelier ang tumambad sa akin. Pagbaba ng bata ko, hagdaang parang pangpalasyo ang nasilayan ko. Grabe.
"Young Master, nakauwi na pala kayo." Lumapit ang isang babae na mukhang nasa late 40s na ang edad.
Pagkalapit na pagkalapit niya ay agad itong yumuko. Tinignan niya ako at ngumiti. Sinuklian ko rin siya ng ngiti at bahagyang yumuko bilang paggalang.
Hindi na ako nakinig sa usapan nila dahil abala ako sa pag oobserba ng bahay. Sandali pa akong napaisip ng maaalala ang tinawag sa kanya ng lumapit sa aming babae.
'Young master? Bahay nila ito? Di ba yung Angela ang pupuntahan namin? Ibig sabihin kasama niya sa bahay yun? Live in sila?'
"Let's go." Utos niya sa akin matapos ang usapan nila ng babae. Hindi na ako nagtanong pa.
Sumunod ako sa kanya hanggang makarating kami sa 2nd floor ng bahay. Mula dito ay kita ang baba, pakiramdam ko tuloy nasa terrace ako at ang labas, kita rin mula dito sa loob dahil more on glass ang ginamit dito.
Tumigil kami sa harap ng isang kwarto. Kumatok si Jeric ngunit walang nagbukas at wala ding sumagot. Binuksan niya ang bag niya at may inilabas na maraming susi. Nang mabuksan niya ang pinto, agad agad siyang pumasok at parang may hinahanap.
Based on my observation, I'm pretty sure, it's not his room. The designs are all in pink katulad ng kwarto ni Besty ang kaibahan nga lang ay sobrang laki nito at sobrang daming teddy bears na nakalagay sa kama maging sa sahig.
"Ms. Izsa is that you? I'm here!" Narinig kong sigaw ng isang babae.
Mukhang narinig din ito ni Jeric dahil agad siyang nagtungo sa pinagmulan noon. Sumunod din ako. Pagbukas ng pinto isang napakacute na babae ang tumambad sa akin na nakaupo sa inodoro.
"What happened my princess?" Pag aalalang tanong ni Jeric. Lumapit siya at lumuhod sa harap ng babae habang nakasilip lang ako mula sa labas ng banyo. Ito yung sinasabi niyang My princess at yung Angela?
"I'm sick big brother." Naluluhang yumakap ang babae kay Jeric. "There's blood in the bed and super sakit ng stomach ko. I don't know what to do." Pilit na pinatahan ni Jeric ang bata.
Iniwan ko muna sila para tingnan ang sinasabing dugo sa kama. Mukhang tama nga ang hinala ko. Muli along bumalik sa kanila at patuloy pa rin ang pagpapatahan ni Jeric.
"Hi." Ani ko. Nakuha ko ang atensyon nilang dalawa. Kumunot naman ang noo ng bata ng makita ako.
"Who is she?" Nagtatakang tanong niya kay Jeric. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.
"She's ate Yumi."
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang iniScan niya ako at siya naman ang scanner. Tumaas ang kilay niya pagkatapos niyang gawin yun.
"The girlfriend you're talking about? What is she doing here?" Sa tono ng pagtatanong niya ay masasabi mong hindi siya gustong andito ako.
Pati ako napaisip kung ano nga bang ginagawa ko dito. Ihahatid lang naman niya dapat ako pero napadpad ako dito.
"She's here because I think you need her help." Nakangiting sagot ni Jeric.
Lumingon siya sa akin. Hindi siya nagsasalita pero parang sinasabi niyang ako na magsabi sa kapatid niya kung anong kalagayan nito. Tumungo ako sa kanya at nilipat ang tingin sa kapatid.
Ngumiti muna ako bago magsalita. "Don't worry, you're not sick. It just--- dalaga ka na."
Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya ipinaliwanag ko sa kanya ang kalagayan niya.
Lumabas muna si Jeric para utusang pabilhin ng napkin ang kasambahay nila. Walang sanitary napkin dito sa loob ng kanyang banyo dahil first timer siya. Mabuti na lang ay lagi akong nagdadala ng extra, baka sakaling datnan ako habang wala sa bahay.
Umupo ako sa kama pagkatapos ko siyang lagyan ng mainit pero hindi nakakapasong bimbo sa puson. Ito ang ginawa sa akin ni Mama noong first mens ko.
"Feeling better now?" Nakangiti kong tanong habang inaayos ang magkumot sa kanya.
Pinapalitan agad ni Jeric sa mga katulong ang bedsheets ni Angela na may marka ng dugo kaya't nakahiga na agad siya sa kama niya.
"Yeah. You can leave now. I want to sleep already." Tsaka siya nagtaklob ng kumot hanggang ulo.
Napabuntong hininga ako pero muling ngumiti kahit na ganoon ang pakitungo niya sa'kin. Ilang sandali pa akong nanaliti bago ako tumayo sa kama nang masigurado kong tulog na siya.
"Pagpasensyahan mo na siya." Napalingon ako bigla sa pinagmulan ng boses.
Nakatayo na pala ito sa may paanan ng kama. Hindi ko napansing may iba pa kaming kasama sa kwarto. Kanina pa ba siya diyan?
Sa unang tingin aakalain mong si Jeric ngunit hindi. Isang matandang lalaking version ni Jeric ang nakita ko. Nakaformal attire pa ito na mas lalong magpalinis ng itsura niya. Kung pagbabasehan ang mukha niya, sa tingin ko kaedad lang niya si Papa.
"Are you Yuri Megumi?" Tanong nito na nagpagising sa aking pagkatulala. Kilala niya ako?
"Y-yes po Sir." Utal na sagot ko habang nakayuko.
Narinig ko ang pagtawa niya ng malakas. "Don't be nervous." Tsaka muling tumawa.
Inangat ko ang ulo ko at napahimas sa batok ko. Sino bang hindi kakabahan kung isang mataas na tao ang nasa harapan niya.
Ngayon ko lang siya nakita sa personal, puro sa videos lang na pinapalabas sa school programs ko pa lang siya nakita at iba ang itsura niya doon at in person.
Sabay kaming napatingin sa pinto ng makarinig kami ng katok mula rito. Pagbukas noon ay isang gulat na Jeric ang niluwa ng pinto.
"D-Dad?"
"Oh perfect. Kris is here." Nagulat ako ng bigla tumingin sa akin si Mr. Oxford. "Ms. Cortez, stay for dinner." Nakangiti man niyang sinabi yun sa tono niya it's not a request but an order.
Tinap lang niya ang balikat ni Jeric bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Tatlo lang kaming nakaupo sa mahabang mesa pwedeng kumasya ang may dalawangpung katao. Sa dulo nakaupo si Mr. Oxford habang magkaharap namang ang kinauupuan namin ni Jeric.
"Let's eat." Aya ni Mr. Oxford.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hawak ko na ang kubyertos ngunit hindi ko magawang galawin ang pagkain sa harap ko.
"You don't like the food? Magpapaluto ako ng bago." Napalingon agad ako kay Mr. Oxford at umiling.
"Hindi po. Okay na po ito." Pagmamadali kong sagot.
Kahit na hindi komportable, pinilit kong kumain na hindi pinapahalataang kanakabahan ako.
"How did you guys met?" Panimula ni Mr. Oxford ng usapan sa hapagkainan.
Hindi ko alam ang isasagot. Mabuting na lang at nagsalita na si Jeric.
"We're classmates, Dad." Nang tingnan ko si Jeric na nakaupo sa harapan ko, napansin kong hindi rin niya masyadong ginagalaw ang kanyang pagkain.
"You told me once about the friend you want to have, is it her?"
Napaisip ako sa sinabing iyon ni Mr. Oxford. Totoo naman palang naghahanap siya ng kaibigan. Pero sa daming tao sa mundo, bakit ako?
"Yeah." Sagot niya na hindi tumitingin sa Daddy niya.
"Pero ang sabi mo friend ang ipapakilala mo hindi girlfriend." Nakita ko ang biglang pagbuga ng kaunti sa pagkain ni Jeric at napatingin sa Daddy niyang may pagtataka sa mukha. "Do you think, I wouldn't know?" Natatawang tanong ni Mr. Oxford. Napapalunok na ako ng laway sa kaba.
Sumilay naman ang ngisi sa labi ni Jeric. "Not really. Sabi nga nila, may tainga ang lupa, may pakpak ang balita. Makakarating talaga yun sa inyo. It just too early for you to know."
Nalipat ang tingin ko kay Mr. Oxford na nakatingin din pala sa akin. Agad akong yumuko at nagkunwaring kumakain.
"So what should I call you, Ms. Cortez?" Muli kong tinignan si Mr. Oxford. Nakita kong inaantay niya ang isasagot ko.
"Yumi na lang po. Sir." Sabi ko tsaka agad na yumuko at nagkunwari muling kumakain.
"Come on, no more Sir. You can call me Daddy." Mabuti na lang pasubo palang ako, kung hindi, naibuga ko na ang pagkain sa pagkagulat.
Hindi ko inaasahan na ganito pala ang isang Marcus Oxford, may authority man minsan sa pananalita niya pero hindi ko masabing strikto siya. Para lang siyang Papa ko. Parehong sa unang tingin akala mo kakatakot pero kapag nakausap mo na, makakapanatagan mo na ng loob.
Inangat ko ang ulo ko bago sumagot. "Okay po, D-Daddy." Napipilitang sagot ko pero nakangiti.
Natapos ng tahimik ang hapunan na iyon. Ang awkward lang sa part ko ang pagtawag kay Mr. Oxford nang Daddy. Parang hindi ko deserve sa taas niyang tao at hindi ko naman totoong boyfriend ang anak niya. Hayst.
"Hindi mo man lang sinabing may kapatid ka palang babae?" Inis kong tanong sa nagmamanehong si Jeric.
"Hindi ka naman nagtanong. I thought, you're not interested." Pabalik palik na tingin niya sa akin at sa daan.
Inirapan ko na lang siya at tumingin sa labas ng bintana.
'Pinag isip ko pa yung sarili ko kung sino yung Angela na yun, kapatid lang pala niya. Hays.'
"Paano ba yan legal na tayo both sides." Napaisip ako sa sinabi niyang yun.
Hindi pumasok sa utak ko ang pagkakaroon ng boyfriend sa murang edad pero ito na. Kahit pagpapanggap lang ito, naging ligal kami at hindi nagtatago.
"Eh di mahihirapan tayong maghiwalay niyan?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya habang nagmamaneho pa rin.
Ang kaninang seryosong mukha niya ay napalitan ng nakangising labi. "The question is, maghihiwalay ba tayo?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro