~*Chapter 16: Heartless turns into Princess*~
~*Chapter 16: Heartless turns into Princess*~
~*Yumi's POV*~
Masayang masaya ang pamilya ko pagkauwi ko sa bahay ng makita nilang kasama ko si Jeric. Sa bahay na rin siya kumain at nakipagkwentuhan sa pamilya ko.
Sa sobrang pagkamiss siguro ay hindi na nila ako napansin pati na rin ang suot kong uniporme na hindi sa'kin kundi kay Jeric. Mabuti nalang at may dala ring siyang T-shirt sa saksakyan kaya hindi lang siya nakasando noong pumunta sa bahay.
Bago makaalis, may iniabot si Mama kay Jeric. Nang tuluyan makaalis si Jeric tsaka ako nagtanong kay Mama.
"Ano yun Eomma?"
"Cellphone ni Kris, sinauli ko lang."
"Kailan pa niya naiwan?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko napansing iba pala ang cellphone nagamit niya.
"Hindi ko sigurado pero nakita ko yun nung nilinis ko yung kwarto mo nung umalis kayo nila Panyang para pumunta sa birthday ng classmate niyo." Paliwanag ni Mama.
Inalala ko ang sinasabing araw ni Mama. Noong birthday iyon ni Kyle.
"Paano mo po nalamang kanya yun?"
"Sa wallpaper, walang namang lock yung cellphone niya. Ang nakakapagtaka lang, ilang beses ko na ding pinabalik-balik yan sa kwarto mo kasi chinacharge ko tapos pagkakita ko ulit lowbat na naman. Akala ko alam mo na pero mukhang hindi mo nakikita na nakapatong iyon sa kama mo kaya hindi mo naisuli kay Kris." Hindi na ako sumagot at hinayaan nalang na pumasok si Mama sa loob ng bahay.
Kung birthday pa ni Kyle nakita ni Mama yung cellphone, hindi na naman pumasok ng kwarto ko si Jeric nung araw na yun. Ibig sabihin, naiwan niya yun nung mismong araw kung kailan siya nagrecord.
'Shit! Nautakan ako nung asungot na yun ah.'
Wala naman pala siyang pang blockmail sa'kin edi sana hindi na ako napilitang sumama nung birthday ni Kyle at sana hindi na ako uminom ng alak at hindi na rin sana naganap yung halik na yun.
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" Sigaw ko dahil sa inis.
"Huwag kang maingay Noona!" Narinig kong sigaw ni Shaun.
Hinanap ng mata ko kung nasaan siya. Hanggang sa tumingala ako at nakita siya na nakaupo sa may Terrace.
"Problema mo?!" Sigaw ko sa kanya.
"Ikaw yung may problema, makasigaw ka dyan, hating gabi na." At pinakitaan ako ng kanyang ngiwi.
Parang mas maganda siya kung makapagsalita sa akin.
"Pasalamat ka andyan ka sa taas ka, kung hindi baka nakutusan na kita." Kunyaring amba ko pa ng kutos.
"Edi thank you, Noona." Sabay irap pa niya kaya inirapan ko rin siya pabalik.
Tinanggal ko ang tingin ko sa kanya at yumuko. Inisip kong mabuti ang tungkol sa cellphone ni Jeric.
"Shaun!" Tawag ko sa kanya.
Tumingala ako para makita ko siya. "Tsk. Bakit?"
"Nalolowbat ba ang cellphone kahit hindi ginagamit?"
"Bakit ako yung tinatanong mo?" Inis na tanong niya.
"Syempre ikaw ang adik sa gadgets kaya sagutin mo na lang. Nalolowbat ba ang cellphone kahit hindi ginagamit?" Pag uulit ko ng tanong.
Nakita kong inis niyang pagkamot ng ulo bago magsalita. "Hindi. Unless sira yung battery." Tumungo tungo na lang ako at hindi na sumagot.
Hindi maaaring sira iyon dahil mukhang bago pa iyon. Ilang sandali pang nag analisa ang aking isipan.
"Anong kayang pwedeng dahilan ng pagkalowbat ng cellphone kahit hindi ginagamit." Bulong ko sa aking sarili habang hinihimas ang baba ko.
"It means, there's an application that didn't turned off." Gulat akong lumingon ng biglang sumagot sa aking likuran.
"K-Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko kay Shaun.
"Yes, Noona and you didn't even notice me." Nginiwian na naman niya ako ng labi ngunit hindi ko nalang pinansin iyon.
"Anong klaseng mga apps yung magpapalowbat ng cellphone ng hindi ginagamit?"
"Maybe bluetooth, games, facebook app, recording, internet, wattp--."
"Wait, wait, wait. Pakiulit nga." Pagpuputol ko sa sinabi niya.
"Bluetooth, games, facebook app, recording--."
"Stop." Pigil ko sa kanya. "Recording?"
Yun yung last na alam kong ginawa niya. Inalala ko ang mga nangyari noong gabing iyon.
Nirecord niya ang pag uusap namin at ginamit iyon para mapilitan akong sumama sa birthday ni Kyle. Natatandaan ko pang hanggang sa naghabulan kami at natumba sa kama. Pagkatapos noon, hindi ko na nakita pa ang phone niya.
"Pwede bang makarecord ang cellphone ng buong araw o higit pa?" Bigla kong tanong kay Shaun.
"It depends, Noona."
"Saan?"
"Internal and memory card capacity."
"AHHHHH! Shit!" Sigaw ko pa.
Yung mga ganoong klase cellphone ay siguradong malaki ang internal memory noon. May posibilidad na nairecord nga talaga yun.
"Noona, quiet. You're too noisy." Saway niya sa'kin.
"Wala akong pakialam. Isa pa, bakit ka ba biglang bumaba dito galing terrace at bakit ba kanina ka pa english ng english diyan ha?" Iritang tanong ko.
"Kris Hyung told to me that I need to practice my english vocabulary." Paliwanag niya.
"Kris Hyung, Kris Hyung. Pumasok ka na sa loob." At pinagtulakan ko siya at tuluyan ng makapasok sa bahay.
Kailangan kong malaman kung narecord nga ba o hindi yung mga sumunod na nangyari pagkaalis niya ng bahay noong gabing maiwan niya ang phone niya sa kama ko.
May mga nasabi akong hindi niya dapat malaman.
"Ngayon, magtitigan kayo." Utos ni Bay."Dahan dahan lang ang paglapit sa isa't-isa."
"KYAHHHHHHHHHHH!!!" Sigaw ng mga tao sa paligid namin at nakita kong naghahampasan pa sila.
Nagpapractice kami ngayon sa field para pa rin sa magiging performance namin kay Sir Avanzado.
"Then hawakan mo yung kamay ni Jeric." Utos sa'kin ni Bay.
Tinignan ko ang kamay na nasa gilid ng niya at malapit sa bulsa niya. Napansin ko ang umbok doon na sinyales na andoon yung cellphone niya.
'Paano ko ba makukuha yung cellphone na yun?'
Hinawakan ko yung kamay niya ng napakahigpit, yung alam kong masasaktan siya.
Unti-unti rin niyang inilapit ang ulo niya sa tainga at bumulong. "Gusto mo talaga akong saktan no."
Ngumiti pa siya kaya mas lalong lumakas yung tilian ng mga tao sa paligid namin.
Akala nila siguro naglalambingan kami, hindi nila alam nagsasakitan na kami.
"Cut!" Sigaw ni Bay. "Quiet!" Sigaw din niya sa mga tao at tumahimik naman sila. Huminga siya ng malalim at lumapit sa'min pati narin sina Besty. "Wala ba tayong ibang pwedeng pagpraktisan? It's too ingay dito." Inis na tanong ni Bay. Feel na feel niya talaga ang pagiging Director namin. Ito rin kasi ang pangarap niya.
"Kahit saan naman may tao." Sagot naman ni Besty.
"I know a place na hindi maingay." Si Kyle.
"Saan?/Where?" Tanong naming lahat.
"Library." Parang bumagsak sabay sabay ang mga balikat namin sa naging sagot niya. "Aray." Reklamo niya ng batukan siya ng best friend niya.
"Nag expect pa naman kami sa isasagot mo." Inis na sabi niJeric kay Kyle.
"Biro lang." Himas pa niya sa parte ng ulong binatukan ni Jeric. "Bakit hindi nalang sa tambayan niyo?" Sabay turo pa niya sa'ming dalawa ni Jeric.
"Hind—." Hindi na pinatapos ni Besty sa pagsasalita si Jeric.
"Tama. Tama. Doon nalang tayo. Matagal ko nang gustong makapunta doon Besty." Nakangiting sabi ni Besty. Kumapit pa siya sa braso ko at pinilit ako.
Tinignan ko si Jeric at sinenyasan niya ako na huwag pumayag pero syempre hindi ako susunod.
"Sige, doon nalang."
"Wow!" Sabay na bigkas nina Besty at Bay tsaka tumakbo papunta sa mismong puno na lagi kong pinagpapahingahan, agad din namang sumunod si Kyle at Teresa sa kanila.
Susunod na rin sana ako nang makaramdam ako ng may humigit sa bag ko kaya napaatras ako.
"Ano ba?"
"Bakit ka pumayag na dito magpractice?" Pabulong na tanong ni Jeric.
"At bakit naman hindi?"
Inantay ko ang magiging sagot niya ngunit wala akong narinig mula sa kanya hanggang sa tawagin na rin kami nila Besty.
"Ang ganda pala talaga dito, Besty. Nakakarelax." Manghang-manghang sabi ni Besty.
"Perfect dito magpractice. Malayo sa mga tao. Malayo sa ingay kaya makakapokus tayo sa performace natin. Ngayon, nasisigurado kong maganda ang kakalabasan nito."
Ilang oras na rin kaming nagpapraktis nang biglang kaming tumigil ng tumunog ang cellphone ni Besty. Pagkatapos niyang kausapin ang tumawag sa kanya ay lumapit siya sa amin.
"Sino yun?" Tanong ko sa kanya.
"Si Captain, nakalimutan kong may practice din pala kami ng cheering."
Tiffany's POV
Sabay sabay kaming umalis sa napakagandang tambayan na yun. Sisiguraduhin kong yun lang ang una at hindi magiging huling pagpunta ko roon.
Pinauna ko na ring umuwi si Besty at siniguradong ihahatid siya ni Prince Jeric tsaka ako pumunta sa Quadrangle para mag practice ng cheering.
Strong ako. Pinapahirapan ang sarili kakapractice.
"Single, single. Double, double. Single, single. Double, double." Bilang pa ni Captain Jaylyn. "Ngayon, buhat!" Utos niya.
May humawak sa bewang ko at agad akong inangat.
"Very good." Palakpak pa ni Captain. "That's for today. Inform ko nalang kayo for our next practice."
Isa isa nang nagpaalam at nagsialisan ang mga kasamahan namin. Inayos ko na agad ang mga gamit ko, pagkatapos ay nagsimula na rin akong maglakad ng biglang sumulpot sa harap ko.
"Wait lang." Sabi pa niya.
"Bakit?"
"Pwede bang magsuggest?" Seryosong tanong niya.
"Ano yun?"
"Magdiet ka, ang hirap mong buhatin eh." Sabi niya nagpakita ng mapang asar na ngiti.
"ANO!?" Medyo napalakas na tanong ko. Namilog ang mata ko sa gulat.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Captain Jaylyn ng makalapit sa'min. Hindi ako sumagot, samantalang tumawa lang yung isa tsaka umalis. "Pagpasensyahan mo na si JD, medyo loko loko talaga yun." Tap pa niya sa balikat ko para mawala ang inis ko.
'Medyo? Saksakan ng loko loko yung pinsan mo.'
"Okay lang, masasanay din ako. Sige una na ko."
Pagkalabas ko ng school, kaunti nalang ang mga tao dahil may alas otso na rin ng gabi.
Habang papunta sa sakayan ng Jeep, may bigla nalang humawak sa braso ko at tinakpan bibig ko.
'Sino 'to?'
Bigla nalang ako nabalot ng kaba at mas lalo pang lumala noong hatakin niya ako papunta sa isang nakaparadang sasakyan at pwersahan akong isinakay sa back seat. Ngayon ko nakita kung sino ang humatak sa'kin.
"Anong kailangan mo?!" Sigaw ko sa kanya.
"Sabi ko sa'yo, hindi pa tayo tapos, di ba." Sabi niya at kumuha ng tali at pilit na tinalian ang kamay at paa ko.
Kahit na anong pagpiglas ko, sa lakas niya ay nagtagumpay siyang matalian ako. Hindi pa siya nakuntento, piniringan din niya maging ang mga mata ko.
Naramdaman ko ang pagsara't bukas ng pinto ng sasakyan at hindi nagtagal ay binuhay na niya ang sasakyan.
"Saan mo ko dadalhin?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya.
"Malalaman mo rin." At nagpakawala niya ng malakas na tawa.
"Tarantado ka! Ihinto mo 'tong sasakyan! Darryl!" Utos ko sa kanya pero hindi niya ako sinunod. "Tulong! Tulungan niyo 'ko!" Sigaw ko habang sinisipa ang bintana.
"Tumahimik ka kundi masasaktan ka talaga!" Sigaw niya pabalik.
Kung kanina kaba lang nararamdaman ko, ngayon takot na.
'Eomma, Appa, Besty. Tulungan niyo ko.'
"Saan na yung magiting mong boyfriend? Bakit mag-isa ka? Iniwan ka na niya? Sabi ko kasi sa'yo, ako nalang, hindi kita iiwan."
Imbis na makahinga ako ng maluwag sa sinabi niya ay mas lalo akong binalot ng kaba't takot.
Habang tumatagal ang biyahe ay mas lalo akong naluluha sa takot.
Maya maya, bigla nalang prumeno si Darryl na naging dahilan ng kamuntik ko nang pagkalaglag sa upuan.
"T*ng *na, muntik na akong mabunggo noon ah." Narinig kong sabi ni Darryl.
"A-Anong nangyari?" Utal kong tanong ngunit hindi niya ako sinagot.
Hindi nagtagal, nakarinig ako ng katok mula sa bintana, ibig sabihin ay may tao sa labas. Manghihingi na sana ako ng tulong nang bantaan ako ni Darryl.
"Huwag kang mag iingay, kundi makakatikim ka sa'kin."
Third Person's POV
Ibinaba ni Darryl ang bintana ng sasakyan ng masiguradong hindi mag iingay ang dinukot niyang babae.
"Kung gusto mong mamatay, huwag ka nang mangdamay! Alisin mo yung sasakyan mo, nakaharang sa daanan ko!" Utos ni Darryl sa taong nakasumbrero sa labas.
"Pasensya na, bigla kasing tumirik ang sasakyan ko. Pero tumawag na ako ng mekaniko." Paliwanag ng lalaking nakasumbrero.
"Ayokong maghintay ng ganoong katagal dahil malayo na ito sa bayan kaya itabi mo yang sasakyan mo." Inis na utos ni Darryl.
Napahimas nalang ng batok ang lalaking nakasumbrero tsaka bumalik sa sasakyan niya. Sinubukan muling paandarin ang kanyang sasakyan ngunit kahit anong subok niya ay ayaw nitong umandar. Kaya pumunta siya muli sa naharangan niyang sasakyan para humingi ng tawad.
"Anong magagawa ng sorry mo, nagmamadali ako!" Nag isip sandali si Darryl kung paano mas mapapabilis ang pag alis ng sasakyan sa harap niya. "May mga gamit ka ba diyan?" Tanong niya si lalaking nakasumbrero. Napahimas na naman ng batok ang lalaki na sinyales na walang itong dala. "Tss. Umalis ka nga diyan." Utos ni Darryl sa lalaki na naharang din sa pintuan niya.
Itinaas muna ni Darryl ang salamin ng bintana bago lumabas ng kanyang sasakyan at pumunta sa likod ng sasakyan para kuhanin ang mga gamit para siya na mismo ang mag ayos ng sasakyan ng lalaking nakasumbrero.
Agad siyang lumapit sa sasakyan ng lalaki at sinimulang tingnan ang sira ng sasakyan, hindi alam ni Darryl, habang tutok siya sa pag aayos ng sasakyan ay unti-unti na palang lumalapit ang lalaking nakasumbrero sa back seat ng kanyang sasakyan.
Maingat itong sumilip sa salamin ng bintana at nang masiguradong tama ang hinala niya na may tao roon. Tsaka niya dahan dahang binuksan ang pinto ng sasakyan kaya tumambad sa kanya ang isang babaeng nakatali ang kamay at paa at nakapiring ang mga mata.
Naririnig rin niya ang hikbi ng taong iyon kaya nakaramdam siya ng awa.
Hinawakan niya ang ulunan nito para sana tanggalin ang pagkakapiring Ngunit biglang sumigaw si Tiffany.
"H-Huwag mo kong hawakan!" Pilit niyang pinatahimik si Tiffany gamit ang pagtakip ng kamay niya sa bibig nito ngunit bigla ring kinagat ni Tiffany ang kamay ng lalaking nakasumbrero na naging dahilan ng pagsigaw ng lalaki na narinig ni Darryl.
"Hoy! Anong ginagawa mo dyan!" At mabilis na tumakbo si Darryl at pilit na inilabas ang lalaki sa sasakyan at agad itong sinuntok na naging dahilan ng pagbagsak nito sa sahig at pagkatanggal ng sumbrero.
Biglang lumaki ang mga mata ni Darryl ng makita ang mukha ng lalaki.
"Ikaw na naman!"
Tiffany's POV
"Ako nga! May problema ka ba?" Narinig kong sigaw ng isang lalaki.
'Magkakilala sila?'
"Paano mo nalaman kung nasaan kami?" Narinig ko namang tanong din ni Darryl.
"Dapat lang alam ng boyfriend kung nasaan ang girlfriend niya, di ba?" Natatawa pang sagot ng isa pang lalaki.
Napaisip bigla ako sa aking narinig.
'Ako lang naman ang nag iisang babae rito, ibig sabihin ako kung sinasabi niyang 'girlfriend'? Don't tell me, siya yung lalaking nagpanggap na boyfriend ko. Yung IMPOSTOR KONG BOYFRIEND? Anong ginagawa niya dito?'
"Huwag kang tumawa! Alam kong hindi ka totoong boyfriend ni Tiffany!" Galit na sigaw ni Darryl.
"Kung hindi niya ako boyfriend, ano pang ginagawa ko dito? Engot." Tawa pa niya ulit.
Dahil sa mga naririnig kong sinasabi ng lalaking yun, nababawasan ang takot at kaba sa isip ko at napapalitan ng tuwa. Ang lakas mang asar ng impostor kong boyfriend.
"Sinong engot?!" Sigaw ulit ni Darryl at nakarinig ako ng isang tunog na animo'y suntok at naging sunod-sunod ito.
Habang tumatagal bumabalik ang kaba sa'kin ngunit pilit ko itong nilalabanan.
Hindi nagtagal bigla nalang nawala ang ingay, mas lalo pa akong kinabahan ng may biglang humawak sa aking paa.
"Huwag mo kong hawakan!" Sigaw ko at pilit siyang pinagsisipa.
"Ano ba! Huwag mo nga akong sipain." Narinig ko ang pigil na inis sa pagkasabi niya noon. "Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa itong nananakit."
Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong ang impostor kong boyfriend ang kausap ko.
Tinigilan ko ang pagsipa sa kanya kaya nagawa niyang tanggalin ang pagkakatali ng paa ko at tinulungan akong lumabas ng sasakyan.
"Saan na si Darryl?" Tanong ko nang tuluyan na akong makalabas ng sasakyan.
"Andiyan lang yan sa tabi tabi. Mahimbing na natutulog." Natatawa pa niyang sagot at pati ako nakitawa na rin, ngunit ilang sandali lang ay nilamon ako ng pagtataka kung bakit hindi pa niya tinatanggal ang pagkakatali ng kamay ko at ang piring ko.
"Patulong naman, patanggal ng tali sa kamay ko." Mahinang sabi ko.
"Hindi pwede." Mahinahong sagot niya na mas lalong ipinagtaka ko.
"Bakit naman hindi pwede?"
"Basta." Mabilis niyang sagot.
"Bakit mo pa ako tinulungan kung hindi mo naman din ako kakalagan?" May halong inis na tanong ko.
"Pwede naman kitang tulungan nang hindi kita kinakalagan, di ba?" Natatawang sagot niya sa'kin.
Nakakaramdam na ako ng inis sa sinasagot niya sa'kin. Hindi ako nagpapatalo sa asaran pero mukhang nakahanap na ako ng katapat.
"Ano? Tatahimik ka nalang ba dyan." Tanong niya.
"Bakit ano bang gagawin ko, hindi naman ako nakakakita." Inis na sumbat ko.
"Oo nga pala." Narinig ko na naman siyang tumawa. "Sige aalalayan kita hanggang makapunta sa sasakyan ko." Sabi niya.
Gaya ng sinabi niya. Inalalayan niya akong makalabas ng sasakyan. Hinawakan pa niya ang ulunan ko upang masiguradong hindi ako mauuntog.
"Akala ko sira yung sasakyan mo?" Nakaalalay pa rin sa akin habang kami'y naglalakad.
"Akting lang yun, para mapatigil ko yung sinasakyan mo?"
Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa may bewang ko.
"Anong hinahawak hawak mo diyan?"
"Ano pa, edi bewang. Aalalayan kita sa paglalakad."
"Bakit kasi hindi mo nalang ako kalagan. Pinapahirapan mo lang yung sarili mo eh." Medyo inis na sabi ko sa kanya.
"Ayos lang mahirapan basta para sa'yo." Napataas nalang ang kilay ko at hindi na nakapagsalita pa.
Narinig ko lang siya muling tumawa at naramdaman muli ang kamay niya na humawak sa'king bewang. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang pakiramdam ng pagkakahawak niya sa bewang ko.
Habang naglalakad bigla nalang akong nakaramdam ng hilo na naging dahilan ng muntikan ko ng pagbagsak sa lupa, mabuti nalang at nasalo niya ako agad.
"Tiffany, what's happening?" Narinig kong pag aalala niya. Naramdaman ko pang hinawakan niya ang mukha ko at pilit akong ginigising. "Hoy, anong nangyayari sa'yo? Sandali tatanggalin ko na yung piring mo." Sabi niya pero bago pa niya matanggal ang piring ko, kadiliman na ang bumalot sa paningin ko.
"Besty, Besty. Bumangon ka na dyan." Dinig kong may nagsalita sa gilid ko. Kahit na nakapikit ako, alam kong siya iyon. "Besty. huwag mo akong iwan." Sabi pa muli niya.
"Ang OA mo, Besty." Natatawang sabi ko at minulat ang aking mga mata. Nakita ko ang paglaki ng mata ni Besty at ang luha na nagmula sa kanya mga mata.
"Besty, gising ka na!" Sigaw niya tsaka niya ako niyakap. "Nahawa lang ako sa kaOAyan mo." Ilang sandali lang ay lumapit din sina Mama at Papa.
"Baby ko!" Narinig sigaw ni Mama.
"Eomma, ingay mo po." Natatawang sabi ko kay Mama.
Umalis na si Besty sa pagkakayakap sa'kin kaya nagawa kong usisain ang paligid. "Ang ginagawa ko dito?"
"Wala ka bang naaalala?" Tanong ni Mama.
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang impostor kong boyfriend.
"Sino po ang nagdala sa'kin dito?" Napansin kong nagkatinginan lang sila tatlo. "Bakit?"
"Hindi din namin alam. May tumawag lang sa'kin gamit ang phone mo at sinabi na nasa Marcus Oxford Hospital ka daw." Sagot naman ni Besty.
"Hindi niyo siya naabutan?" Pare-pareho lang silang umiling.
'Sino kaya talaga yung lalaking yun?'
Umalis sila Mama at Papa matapos kong ikuwento ko sa kanila ang nangyari sa'kin. Pupunta daw silang presinto para ipaBlatter daw si Darryl kaya kami lang ni Besty ang naiwan sa ospital dahil ayaw ni Besty na nakakakita ng pulis.
"Besty." Tawag ko sa kanya na busy maglaro ng COC sa cellphone.
"Bakit?" Tanong niya na nakatutok parin sa kanyang nilalaro.
"Ang hirap pala ng nangyari sa iyo no. Nakakatakot." Huminga muna ako ng malalim. "Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng makidnap." Kahit pabulong ang pagkakasabi ko nun, alam kong narinig niya dahil bigla niyang nabitawan ang hawak niyang cellphone at unti unting lumingon sa'kin. Nakita ko sa mata niya ang luha unti unti na ring tumutulo. "B-Besty, sorry. Hindi ko na dapat pinaalala." Nag aalalang sabi ko. Niyakap ko siya at pilit na pinatahan. "Sorry. Sorry talaga."
"A-ayos lang. Hindi ko naman din maalala yung mga nangyari sa'kin." Pigil na iyak ni Besty. "Kaya hindi ko alam kung bakit naiiyak pa rin ako."
Hindi ko na siya sinagot pero patuloy ko parin siyang niyakap hanggang sa nakatulog na siya sa pag iyak.
Noong gabi ring yun, pinilit ko sina Mama na umuwi sa bahay dahil wala namang masakit sa'kin pero hindi ako pinayagan ng mga doctor. Kaya madaling araw palang nag asikaso na kami ni Besty para pumasok. Mabuti nalang dinalhan kami nila Mama at TiNang (Tita-Ninang) Megan ng uniporme at nakiligo sa CR dito sa Ospital.
~*Yumi's POV*~
Pinilit ni Besty na pumasok para raw hindi niya maisip ang nangyari sa kanya kagabi.
Miski ako, mas gusto kong libangin ang sarili ko kaysa magmukmok at ipaulit ulit na patakbuhin sa utak ko ang mga nangyari.
Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung paano ko makukuha yung cellphone nang mokong na yun.
"Class dismissed." Pagkaalis ng Teacher namin, nakaramdam ako nang may kumalabit sa'kin mula sa likuran kaya naman napalingon ako.
"Problema mo, mahal na prinsipe?" Pilit na nakangiting tanong ko.
Wala akong magawa, kailangan kong magkunyaring malambing.
"Nareceive mo ba yung text ko sa'yo kagabi?" Tanong niya sa'kin.
"WAAAAHHHHH!!! Narinig niyo ba yun! Nagtext daw si Prince Jeric kay Heartless! Kyahhhh!"
Pare-pareho kaming napatingin sa labas ng bintana at nakita ang mga babaeng nakakapit pala sa harang ng bintana habang nagsisigawan dahil sa kilig.
"Shut up! Magsitabi nga kayo!" Nabaling ang tingin namin sa nagsalita. Si Shiela. Papadaan na pala ang KSP Bitches.
"Lunch break na, don't block our way." Pagpapatabi pa ni Chantrelle sa mga babae sa labas ng classroom.
Akala ko'y dadaan lang sila pero bigla na lang huminto sa harap ko si Tori at lumingon sa gawi ko. Inirapan niya muna ako bago inaya sina Chantrelle at Shiela na umalis.
"Anong problema nun?" Narinig kong tanong ni Bay kaya naman napalingon ako sa gawi niya.
"Siya mismo kamo ang problema." Sabay tawa pa ni Besty.
Masayang akong makitang nakangiti na si Besty at agad na nakarecover sa nangyari sa kanya kahapon.
"Tigilan niyo na nga yan. Nagugutom na ako."
Hinatak ko na silang dalawa at sumunod naman sina Kyle, Teresa at Jeric.
Pagdating namin sa cafeteria, agad kong inilahad yung kamay ko sa harap Jeric para humingi ng pera.
"Anong gusto mong pagkain?" Tanong ko kay Jeric.
"Ikaw na bahala." Mabilis niyang sagot. Ako palang bahala. Kahit ano pwede.
"Ang sweet!! Kyaahhhhh!!"
"Oo nga. Si Heartless pa ang bibili ng pagkain nila. Kyahh!!"
Bigla namang itong tinapik ng kasama niya. "Oy! Hindi na Heartless si Yumi ngayon, hindi na siya nananakit basta-basta."
Napataas yung ikaw ko sa narinig ko. Talaga bang nananakit ako basta basta.
Lalakad na sana ako papalapit sa kanila ng hawakan ni Besty ang braso ko.
"Huwag mo ng patulan." Bulong na nito sa'kin.
"Para malaman niya yung pananakit na sinasabi niya." Inis na bulong ko din sa kanya.
"Kalma lang. Hayaan mo nalang." Bulong niya ulit. "Sa ngayon." Pahabol niya sabay tawa.
Naglakad na lang kami ngunit hindi pa rin natatapos ang usapan nila tungkol sa akin.
"Yan na siguro ang epekto ni Prince Jeric sa kanya." Sabi pa ulit nung isa.
Kung anu-ano na ang naririnig kong pinagsasabi nila. Naiinis na ako.
"Tutal Prince naman ang tawag natin kay Prince Jeric dapat Princess na din ang itawag natin kay Heartless." Napabuga ako ng hangin sabay kunot ng noo. Princess? Kadiri!
"Tama, tama. Princess Yuri Megumi. Masyadong mahaba."
Nagulat nalang ako ng biglang lumapit si Jeric sa kanila na ikinagulat din nila.
"Then, call her Princess Yumi."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro