~*Chapter 15: Cutting Class*~
~*Chapter 15: Cutting Class*~
~*Yumi POV*~
Nakatambay lang ako sa kwarto ko simula ng sunduin ako ni Papa sa school. Hindi ko na nakausap pa sina Besty kanina dahil pinalabas na rin sila ni Dra. Macarine sa Clinic, para daw makapagpahinga ako.
Ang daming naglalaro sa utak ko tulad nang kamag anak pala ni Terence si Dra. Macarine. Pati na ang pagtawag ni Terence kay Jeric nang Kris. Ibig sabihin ba noon, hindi lang sila basta magkakilala kundi malapit talaga sa isa't isa dahil ayaw niya na tinatawag sa Kris ng mga hindi malapit sa kanya except nalang sa pamilya ko na unti unti na ring napapalapit sa kanya.
Naudlot nalang pagmumuni muni ko nang makarinig ako ng katok mula sa pinto.
"Sino yan?" Tanong ko.
"Ang pinakagwapo mong kuya." Isa lang naman ang Kuya ko. Kaya wala siyang kalaban sa pagwapuhan. "Pwede bang pumasok?" Hindi pa ako nakakasagot ay agad ding niyang binuksan ang pinto at pumasok. "Ang tagal mong sumagot eh."
Napansin kong nagpalinga linga ang ulo niya na parang bang inoobserbahan ang kwarto ko. Naalala ko, ngayon nalang pala siya ulit nakapasok dito mula noong nag-boardinghouse siya.
"Anong kailangan mo?" Pagtataray ko.
"Kauuwi ko lang, pagtataray mo agad ang sinasalubong mo sa'kin." Nakabusangot niyang sagot hanggang makalapit siya kama at maupo doon. "Anong nangyari sa'yo? Totoo bang hinimatay ka? Ayos ka na ba?" Tanong niya na may pag aalala. Hinawakan niya ang noo ko at agad ding tinanggal nang mapagtantong hindi ako mainit.
"Isa-isa lang yung tanong, mahina ang kalaban." Inayos ko ang pagkakaupo ko.
"Mahina ka pa niyan? Natatarayan mo na nga ang pinakagwapo mong Oppa." Natatawang wika ni Kuya Jun.
Natawa din ko sa sinabing yun ni Kuya pero hindi ko pinahalata.
Namimiss ko na yung pangungulit niya tulad ng dati pero kailangan kong iparamdam sa kanya ang pagtatampo ko dahil sa paglilihim niya sa akin ng dahilan kung bakit siya biglang nagpalipat ng ibang eskwelahan.
"Sinabi rin pala sa'kin ni Mama na hindi ka na daw nagpapahatid sundo kay Kris. Bakit nahihiya ka? Dahil ba yun sa halik?" Nanlaki nalang ang mata ko sa sinabi ni Kuya Jun.
"Panoo mo---." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pinakita niya sa'kin ang cellphone niya. Katulad ng litrato na pinakita sa'kin ni Besty.
"Kung hindi ko pa nakita sa facebook ay hindi ko pa malalaman. Ikaw ha, naglilihim ka na, Tol." Ngumuso siya sa harap ko na animo'y nagtatampo pagkatapos niya ibaba ang kanyang cellphone.
"Bakit, ikaw naman din. Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi kung bakit ka lumipat." Nag iba ang mukha niya dahil sa panunumbat ko.
"Ibang usapan naman yun."
"Yun din yun. Naglihim ka rin sa'kin." Nagkunyaring pagmamaktol ko. Kinuha ko ang dulo ng kumot. Tinaklob ko ito sa akin para matago ang ulo ko.
"Hindi naman kasi mahalaga yun. Mababaw lang ang dahilan." Unti unti niyang tinanggal ang pagkakatakip ng kumot sa ulo ko, kaya nakita ko ang paghinga niya ng malalim. "Look tol, it's a man thing. Kaya hindi ko masabi sa'yo, dahil hindi mo rin maiintindihan." Kinuha niya ang bag niya na nilapag niya kanina sa sahig at may kinuha sa loob noon. "Sorry na."
Inabot niya sa'kin ang isang balot ng Nissin Wafer. Lagi niya akong binigyan nito dati kaya naging favorite ko ito. Ginagamit niya itong suhol at pangpalubag loob sa akin kapag may iuutos o kaya galit ako.
"Ayoko na niyan." Pag iinarte ko.
"Kelan pa?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ngayon lang. Antagal na nating hindi nag uusap tapos isang balot lang pang peace offering mo. Kaya ayoko na yan." Mabilis niyang kinuha muli ang bag niya. Inilabas dito ang isa pang balot ng Nissin Wafer.
"In case na tamaan ka ng katakawan mo, kaya may reserba ako haha." Natatawang sabi ni Kuya.
Hindi ko na din napigilan ang sarili ko sa pagtawa. Kilala talaga ako ng Kuya kong into. Nang kukunin ko na yung dalawang balot ng Nissin Wafer, bigla nalang itong inilayo ni Kuya Jun.
"Sandali lang, tungkol sa niyo ni Kris. May tinatago ka rin palang bangis, Utol ah." Napang asar na tawa pa ang binatawan ni Kuya Jun.
Sasagot na sana ako ng may nakakita akong nakasilip sa pintuan. "Hyung! Noona! Kakain na daw sabi ni Eomma."Sabi ni Shaun kaya napatingin sa kanya si Kuya Jun.
Yun na ang pagkakataon ko. Agad akong tumayo sa kama at hinablot ang hawak ni Kuya Jun na Nissin Wafer at tumakbo palabas ng kwarto.
"Ang daya mo naman, Tol!" Ito nalang ang naisigaw ni Kuya Jun.
"Class, kailangan niyong magprepare ng isang performance per group na magpapakita ng karanasan o ginagawa ng mga kabataan na kaedad niyo. I don't care if it's dancing, singing, acting, poetry or etcetera etcetera. Basta mapakita niyo kung ano ang kabataan ngayon. This will be held on next Monday. Be ready. It will be your project for 1st grading and plus points for periodical test." Anunsyo ni Sir Avanzado bago lumabas na ng silid arala.
Nang makarating kami sa cafeteria, umorder agad kami ng makakakain at naghanap ng upuan ngunit kamalasmalasan na naman kahit anong pagmamadali namin ay wala na ding natirang bankanteng upuan dahil sa dami ng estudyanteng sabay sabay na naglunch break.
"Saan na tayo niyan?" Hindi ako sumagot sa tanong ni Besty dahil naging abala ang aking mata sa paghahanap ng bakanteng upuan.
"Ayun oh." Narinig kong sabi ni Bay kaya napatingin ako sa tinuturo niya. "Malaki yung lamesa nila kaya makishare nalang tayo." Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako papalapit sa tinuro niya kanina. "Is this sit taken?" Tanong ni Bay.
"No, not taken." Natatawang sagot ni Kyle habang yung kasama naman niya ay nakatingin ng masama sa'kin kaya ng iwas ako ng tingin.
Dahil sa nagugutom na ako ay nakiupo na rin ako. Hindi na ako pwedeng magtago dahil mamaya mahimatay na naman ako dahil hindi ako nakakain nang maayos nitong mga nakaraang linggo. Napagpasyahan ko nalang na huwag na lang pansinin si Jeric.
"Bakit wala pa kayong pagkain?" Tanong ni Besty.
Sinulyapan ko sandali ang kanilang harapan. Wala nga silang pagkain doon.
"Nauna na kasing bumili yung dapat na bibili ng pagkain ko." Alam kong ako yung pinariringgan ni Jeric pero nagkibit balikat lang ako. "Sige bibili lang kami." Tsaka tumayo.
Tulad ng nangyari noong Friday, nahawi ulit ang pila at sila ang pinauna, kaya nakabalik sila sa pwesto namin agad pero ngayon kasama na nila si Teresa.
"Nakita ko siyang nakapila mag isa kaya pinasama ko na sa'min. Okay lang naman di'ba?" Sabi ni Kyle.
"Oo naman, of course. The more the merrier." Natatawang sagot ni Bay. Nagsiupo na sila at nagsimula na kaming kumain. "May naiisip ka na ba?" Bigla niyang tanong sa akin.
"Tungkol saan?"
"Yung performance kay Sir Avanzado?" Umiling lang ako bilang sagot at pinapatuloy ang pagkain. "Eh kayo? Tutal andito naman lahat tayo, may naiisip na ba kayo para sa performace kay Sir Avanzado?" Tanong ni Bay sa kanila.
Napatingin din ako sa harapan pero iniiwasan kong mapatingin kay Jeric. Nahihiya pa rin ako sa ginawa ko.
'Hindi na ako iinom.'
"Wala din. Hindi gumagana yung utak ko sa mga ganyan, pang kalokohan lang ako." Sabi ni Kyle.
"Paano na yan?" Nag aalalang tanong ni Besty.
"Pwedeng bang magsuggest?"
Pareho pareho kaming napalingon kay Teresa. Hindi mahilig magsalita kaya nagulat kami na magsasuggest siya. Matalino niya kaya siguradong maganda ang magiging suwestyon niya.
"O-Oo naman. Ano ba yun?" Utal na sagot ni Bay. Pati siya nagulat sa biglang pagsasalita ni Teresa.
"Ano kasi..kung sing and dance kaya tapos acting."
"Paano?" Tanong naming lahat.
Andito kami ngayon sa may field. Wala na kaming klase sa last two subjects namin kaya ginamit namin ito para makapag usap.
"So tulad ng napag usapan kanina yung Mahal Kita Pero ni Janella Salvador ang gagamitin nating kanta." Sabi ni Bay.
Ewan ko, pero sila ang pumili ng kanta. Ayoko sana noon hindi dahil sa pangit yung kanta, maganda siya actually, pero love story na hindi sila pwede dahil bata pa sila yung meaning ng song. Alam niyo namang wala akong karanasan sa love love na yan kaya hindi ko alam ang dapat gawin.
Tulad ng suwestyon ni Teresa kanina, sayaw, kanta at pag arte nga ang gagawin namin. At sino pa nga ang gaganap na Marlo Mortel at Janella Salvador ---- edi kami ni asungot.
Hindi ko pa rin siya pinapansin kahit na magkaharap kami ngayon at nagpapractice ng lines.
Ngayon ko lang nalaman na maganda ang boses ni Teresa at Kyle dahil sila ang kakanta habang sumasayaw naman si Besty at Bay. After every stanza ay titigil silang apat dahil aarte naman kami ni Jeric.
Hindi pa tapos ang script na ginagawa ni Teresa kaya puro titigan lang ang pinapagawa sa amin ni Jeric ngayon. Si Bay ang siyang tumatayong Direktor.
"Now, pagkatapos ng titigan. Hawakan mo Yumi yung kamay ni Jeric." Utos sa akin ni Bay pero hindi ko magawa. "Hawakan mo na dali."
Nanginginig kong sinunod ang utos ni Bay ngunit ng malapit na ang kamay ko sa kamay ni Jeric, ay siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at hinawakan yun ng mahigpit tsaka kinaladkad ako kung saan.
"Saan kayo pupunta?!" Sigaw ni Bay pero parang walang narinig si Jeric dahil patuloy lang ang pagkalakad niya sa'kin.
Hanggang sa hindi ko inaasahan nasa tambayan na pala kami.
"Anong ginagawa natin dito?" Unti unting tumigil si Jeric sa paglalakad nangmarinig niya ako.
Humarap siya sa'kin nang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
"Anong ginagawa natin dito?" Pag uulit ko ng tanong.
Hindi niya sinagot ang tanong ko sahalip ay gumawa rin siya ng sarili niyang tanong. "Bakit mo 'ko iniiwasan?"
Binawi ko muna yun kamay ko bago sumagot. "H-Hindi ahh."
"Hindi ba pag iwas yung ginawa mo mula last week? Kaya ka rin nahimatay kasi sa hindi mo pagkain dahil dyan sa pagtago-tago mo sa ilalim ng lamesa." Lumaki na lang ang mata ko sa gulat dahil sa narinig ko.
"A-Alam mo?"
"Yes! I know all of it!" Sigaw niya. "Pati na rin ang pagkain mo dito tuwing lunch at pag aantay mo sa parking lot nang pag alis ko. Ngayon mo sa'kin sabihin na hindi mo 'ko iniiwasan!"
Hindi na ako makasagot dahil nahuli na niya ako. Bistado na. Wala akong maisip kung paano ko ito malulusutan kaya napayuko nalang ako.
"Don't tell me, it's all about that kiss." Kasunod nito ang isang nakakainsultong tawa kaya napatingin ako sa kanya. "I knew it. It's about that stupid kiss!"
Hindi ko na napigilan yung inis ko kaya pati ako napasigaw na rin. "Yes! That stupid kiss na hindi ko matanggap na ako ang gumawa!"
"Bakit mo nga ba ginawa yun?" Deretsyong tanong niya.
"E-Ewan! Ni hindi ko nga maalala na hinalikan kita!" Palaban pa rin ako kahit na nahihiya ako.
"Huwag mong sabihin na nagkakagusto sa'kin." Sabi niya. Muling sumilay ang mapang asar na ngiti sa kanyang labi.
"Don't flatter yourself, Mr. Oxford dahil kahit kailan hindi ako magkakagusto sa'yo!" Sigaw ko sa kanya. "Nakainom ako kaya nagawa ko yun. Yun lang ang dahilan at wala nang iba!"
"Kahit nakainom ang isang tao alam niya ang ginagawa niya."
"Pwes iba ako. Kaya kita iniiwasan dahil hindi ko matanggap na hinalikan ko ang isang tao na hindi ko gusto!" Lumaki ang mata niya. Napansin ko rin ang pagbabago ng mukha niya.
Kung kanina nakakangisi pa siya, ngayon, mukha na talaga siyang galit.
"Bakit?! Sino gusto mong halikan?! Yung crush mo noong bata ka pa? Dahil siya ang first kiss mo!" Sigaw niya.
Nagulat pa ako sa panduduro niya. Mas lalong uminit ang ulo ko.
"Huwag mo kong duru-duruin ha!" Sabay palo sa kamay niya. "Ni hindi ko nga maalala yung batang kinuwento ni Besty, yung first kiss ko pa kaya?!"
"Edi sino? Si Terence?!" Sigaw niya.
Napabuga na lang ako ng hangin. Nadidismaya ako sa pinapakita niya sa akin. Ganoon ba ako sa paningin niya?
"At bakit naman napasok si Terence dito?!" Sigaw ko din.
"Paanong hindi siya masasali dito, nagpasalamat ka pa nung malaman mo na sinubukan ka niyang halikan!"
Dahil sa pagpasok ng pangalan ni Terence sa usapan, naalala ko yung tungkol sa kanilang dalawa.
"Paano mo nga pala nakilala si Terence?" Hindi ko napigilang magtanong dahil sa kuryosidad.
"Don't change the topic. Mas lalo mo lang pinahalata na interesado ka sa kanya?" Napamasahe na lang ako ng sintido.
Kung anu-anong pumapasok sa utak niya. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin.
"Ewan ko sa'yo." Hindi ko na kayang magkipag away sa taong sarado ang utak.
Tumalikod na ako at maglalakad na sana palayo ng hawakan niya ang balikat ko.
"Sino ba? Terence o ako?" Tanong niya habang nakatalikod pa rin ako.
Hinarap ko siya. Tinignan ng masama tsaka ko hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko at agad kong binalibag.
"Wala! Magsama kayong dalawa! Pareho kayong hambog!" Iniwan ko siya doon na iniinda ang sakit ng katawan.
~*Jeric POV*~
Hanggang makauwi, hindi pa rin naalis ang sakit ng katawan ko sa pagkabalibag sa'kin ni Yumi kanina kaya nagpahid na ako ng oil pangtanggal sakit.
'Inaasar ko lang naman siya. Bumabalik na naman siya sa pagiging Heartless niya. Pikon.'
Sa pagmumuni muni ko bigla nalang ding pumasok ang isang tanong sa isip ko.
'Kung hindi maalala ni Yumi na nagka first kiss na siya pwedeng nagsisinungaling si Tiffany, ibig sabihin, pwedeng ako ang First Kiss niya?'
Hindi ko alam pero sumilay ang isang ngiti aking labi.
Swerte naman niya kung ganun. Isang pinagpapantasyahan prinsipe ang first kiss niya pero pasensya siya hindi siya ang first kiss ko.
"Saan mo dinala si Yumi kahapon?" Tanong ni Kyle habang naglalakad kami papuntang cafeteria.
"Sa hideout." Sagot ko naman habang nakatingin kay Yumi na nasa unahan namin kasama sina Geoff, Tiffany, at Teresa.
"But why?"
"To clear things between the two of us."
Nasa labas palang kami ng cafeteria, tilian na ang naririnig ko. Hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob.
May lumapit sa'ming mga kababaihan at sabay sabay na may inilahad na papel sa harap namin.
"Prince, tanggapin mo sana. Mula yan sa puso ko." Sabay abot pa niya sa'kin.
"Ito rin Prince Jeric, matagal ko nang gusto ibigay ito." Sabi pa noong isa nang nakayuko.
'Hindi ba nila alam na may girlfriend na ako?'
Hinanap ng mata ko sina Yumi at nakita kong maging si Geoffrey ay pinaliligiran din ng mga babae.
Tinignan ko ang walang pusong babae at nakita kong sinamaan muna niya ako ng tingin bago siya umiwas at naglakad para pumila.
'Problema non?'
Ibinalik ko ang tingin sa mga babaeng nasa harap ko. Huminga ng malamin bago sila kausapin.
"Sorry, may maganda na akong girlfriend eh." Sabi ko tsaka naglakad na papunta sa pwesto namin.
Habang nakaupo naririnig ko ang mga usapan ng mga tao na nakaupo malapit sa amin.
"Wow. Napakaloyal naman ni Prince Jeric."
"Ang swerte talaga ni Heartless."
"Uy huwag mo nang tawagin si Yumi nang Heartless baka marinig ka ni Prince Jeric. Naku lagot ka."
'Okay lang, totoo namang heartless si Yumi.'
Habang inaantay namin ni Best friend sina Yumi, we decided to play Clash of Clans
While I'm searching for enemy, may naglapag na ng pagkain sa harapan ko. I also saw her in my peripheral view na umupo siya sa tabi ko. Bahagya kong binaba ang cellphone ko para silipin yung pagkain sa harap ko. Nagsalubong ang kilay ko ng makitang hindi iyon ang pinabili kong pagkain kay Yumi.
"Bakit hotdog with egg yung binili mo? Do you think it's breakfa—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mapagtanto ko na hindi pala si Yumi ang nasa tabi ko.
"Don't you like it, my Kris?" Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat. Kumapit pa siya sa braso ko.
"Vi, what are you doing here?" Sabi ko habang pilit na tinatanggal ang pagkakapit niya sa braso ko.
Tinignan ko si Kyle na tumatawa lang sa may kaliwa ko while still playing on his phone. Parang walang nakialam sa akin, even sa kapatid niya.
Muli kong binalik ang mata ko kay Violet nang magsalita siya.
"I'm gonna sabay maglunch with you." Ngayon ko lang napansin na mayroon din palang pagkain sa harapan niya.
"Oh, looks like we have a bwisitor." Gulat akong napalingon ako sa nagsalita. It's Tiffany na nakataas ang isang kilay. Nasa gilid niya si Yumi na may hawak na tray with two plates on it.
"Sino ka? Mali ata ang napuntahan mo, kay Bay yang upuan?" Tanong naman ni Geoffrey kay Violet habang may hawak din na isang tray na may dalawang plato nakapatong. Para kay Kyle naman yung isa doon.
Inirapan muna ni Violet si Tiffany bago ilipat ang tingin kay Geoffrey. Ngumiti siya dito at ilahad ang kamay.
"I'm Violet and I want to sit beside my Kris."
Nakita ko ang pagbilog ng bibig ni Geoffrey. "So, you're Kyle--."
Hindi na siya pinatapos ni Violet dahil agad din itong paulit ulit na tumungo. Hindi nakapunta si Geoffrey noong birthday ni Kyle kaya he didn't know Kyle's sister looks like.
"But who's that Bay anyway?" Sasagutin ko na sana ang tanong ni Violet nang unahan ako.
"Edi yung girlfriend niyang kinakapitan mo." Singit ni Tiffany.
Napapansin kong nagkakaroon na ng tensyon sa pagitan nila. Hindi ko napigilang hindi tumingin sa paligid and I see everyone's eyes on us. Tatayo na sana ako para lumipat ng upuan ng may nagsalita.
"Tama na yan. Nagugutom na ako." Sabi ni Yumi tsaka nilapag ang dalang tray sa lamesa. Kumuha ng upuan sa may bankanteng lamesa malapit sa amin. Nang umupo siya, sumunod na rin yung dalawa sa kanya. Kanina pa kasi naupo si Teresa. "Tara kain." Aya niya at magsisimula na sanang kumain ng mapansin nakatingin kami lahat sa kanya maliban kay Teresa na busy na sa pagkain."Anong problema?"
"Kakainin mo yang dalawa?" Nagtatakang tanong ni Tiffany sa kanya.
'Oo nga naman. Akin yung isa dyan eh.'
"Bakit naman hindi?" Natatawang sagot ni Yumi.
"Para kay Jeric yan di ba?" Pagkukumpirma naman ni Geoffrey.
I saw her eyes staring on my arms. Doon ko napagtanto na makalapit pa rin si Violet sa akin.
"Bakit pa, may nagbigay na ng pagkain sa kanya. Kaya akin na 'to, sayang naman eh." Sabi niya tsaka itutuloy na sana ang naudlot na pagsubo ng pagkain kanina ngunit naudlot ulit nang hawakan ko yung plato na dapat para sa'kin.
"Hindi 'to masasayang kasi kakainin ko 'to." Kukunin ko na sana iyon nang tapikin niya ang kamay ko.
"May pagkain ka na dyan sa harap mo. Akin na 'to!" At hinila niya pabalik sa kanya ng plato.
"Ako nagpabili nito!" At hinila ko rin ng plato.
"Ako naman ang bumili!" Hila rin ulit ng plato.
"Akin naman yung perang pinangbili mo!"
"Ako naman nagpakahirap pumila para lang mabili 'to!"
Dahil sa paghihilahan namin ng plato habang nagtatalo kung sino ang dapat kumain ng pagkain ay mukhang kusa ng sumuko ang plato at pagkain sa amin dahil natapon na ito --- kay Yumi.
"Shit!" Bulalas niya habang pinupunasan yung uniporme niya na natapunan ng pagkain.
"Yan kasi, sabi nang ibigay mo na sa'kin eh. Nasayang lang tuloy." Panunuro ko sa kanya.
"Kasalanan mo ito eh."
"No, it's not."
"Yes, it's yours. Dinalhan ka na nga ng pagkain ng kabit mo tapo--." Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya ng marealize niyang ang sinabi niya.
Kita ko ang gulat sa mukha niya dahil pati ako nagulat sa sinabi niya. Tinikom niya ang bibig niya na parang wala siyang nasabi. Tinawag niyang kabit si Violet.
"Nagseselos ka ba?" Natutuwang tanong ko.
"No, I'm not." Depensa niya.
"Yes, you are."
"No, I'm not."Pag uulit niya.
"You're jealous." At nagbitaw ako ng isang mapangasar na ngiti.
Nakita ko ang inis sa mukha niya kaya natuwa ako.
Nagulat nalang ako ng bigla niyang kinuha yung pagkaing natapon sa kanya tapos inihagis sa'kin.
Napatayo ako sa inis. "Ano ba?! Kung nagseselos ka, okay lang naman, hindi yung nagsasayang ka ng pagkain!"
"Selos mo mukha mo!" At binato ulit ako ng pagkain.
"Oh my! Kris, let me help you."Sabi ni Violet.
Kinuha niya ang panyo niya at tinulungan akong tanggalin yung pagkain.
Habang tinatanggal yung pagkain sa uniporme ko hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa paligid ko. Tama nga ang kutob ko, nakatingin ang lahat ng tao sa'min dito sa cafeteria. Ngunit naagaw ng atensyon ko si Yumi na bigla nalang tumayo sa kinauupuan niya at naglakad palabas ng cafeteria.
Agad naman din siyang sinundan ni Geoffrey at Tiffany. Akala ko susunod din si Teresa sa kanila pero hindi, sinundan lang niya sila ng tingin hanggang sa makalabas ng cafeteria at bumalik na muli sa pagkain na parang walang nangyari.
Hanggang ngayon, hindi ko talaga akalaing siya na ang kakambal ni Rence (Terence). Pero ganoon pa rin siya. Napakaopposite talaga ng personality nila.
~*Yumi POV*~
Sasamahan sana ako nila Besty at Bay na magcutting class dahil ayokong pumasok na ganito ang itsura ko pero hindi ko sila pinayagan dahil ayoko na silang idamay, kaya pagkatunog ng bell na hudyat na magsisimula na muli ang klase ay pinagtulakan ko na sila na pumasok sa klase pagkatapos kong ipakuha ang bag ko sa classroom namin.
Nagpunta muna ako sa banyo para tanggalin ang mantsa sa uniporme ko kaso ayaw talaga kaya napagdesisyunan ko na pumunta nalang sa Tambayan dahil bawal namang umuwi habang may klase maliban na lang kung may emergency.
Pagdating ko doon, umupo agad ako sa ilalim ng puno tsaka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Ramdam ko parin ang lagkit ng sarsa ng pagkain na natapon sa'kin kanina at ngayon pati ang pawis na tumagtak sa'kin ay nararamdaman ko na.
Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang panyo ko doon. Hindi ko alam pero napatitig nalang ako sa panyo na hawak ko. Bigla kong alaala yung pagtulong magpunas ni Violet kay Jeric kanina. Bawat pasada niya ng panyo sa uniporme ni Jeric para iba ang dating sa akin. Mahalay.
Nagpakawala ako ng isang malakas na sigaw sabay hagis sa panyo na hawak ko. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.
Uminit bigla ang ulo ko kasabay ang init ng panahon kahit na malakas yung hangin. Napagdesisyunan kong buksan muna ang blouse ko para mabawasan ang init na aking nararamdaman. Wala namang tao kaya ayos lang.
Nang tinatanggal ko na ang mga butones ko, isang malakas na pagtawag ng pangalan ko ang narinig ko na ikinabigla ko na naging dahilan ng pagtalsik ng mga butones ko.
Nakarinig ako ng yabag papalapit sa kinaroroonan ko at agad ding tumambad sa harapan ko ang isang lalaking parang kagagaling lang sa pagtakbo dahil sa pawis at hingal na nakikita ko sa kanyang mukha .
"What happened? Tell me---." Bigla siyang napatigil sa pagsasalita at lumaaki ang matang nakatingin sa'kin.
Nang tingnan ko yung sarili ko, ngayon ko lang napagtanto na nakikita na pala ang sando ko at sumisilip na yung bra ko.
"Shit!" Bulalas ko at agad na tinakpan ang katawan ko gamit ang kamay ko. "Huwag kang tumingin!" Utos ko sa kanya.
Agad din naman siyang tumingin sa ibang direksyon pero halata sa mukha niya na namumula siya.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Baka nakakalimutan mong tambayan ko 'to." Sabi niya na nakaharap sa'kin.
"Sabi nang huwag kang tumingin eh! Tumalikod ka nga!" Sinunod naman niya ang utos ko. "Ibig kong sabihin kasi, bakit andito ka, hindi ba dapat na sa classroom ka?"
"Coming from you. Parang hindi tayo magkaklase ah."
Naintindihan ako ang punto niya pero naiinis pa rin ako sa pamimiloso niya.
"Wala akong pamilit kaya hindi na ko pumasok. Ang dumi ko eh." Sabi ko na may tonong paninisi. "Eh ikaw? Bakit andito ka? Mukhang nakapagpalit ka na naman." Malinis na kasi ang suot niyang uniporme. Wala na ang mantsa ng pagkain na binato ko sa kanya.
"Kinuha ko pa sa locker yung extrang uniform ko pero ang dami kasing tao sa cr kaya natagalan akong magpalit. Pagdating ko sa room, naunahan na ako ni Ma'am Legaspi, kaya hindi na ako tumuloy. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa'yo?" Kahit na nakatalikod siya, alam kong nakangisi siya. Yun ang lagi niyang ginagawa.
Pero mas mabuti na nga na nagcutting siya kaysa pumasok ng late kay Ma'am Legaspi na kilalang terror, nagpapahiya ng estudyante at ayaw sa late lalo na sa mga kilalang estudyante.
Sa sitwasyon ni Jeric, mas ipapahiya siya dahil hindi lang siya basta kilalang estudyante, anak pa siya ng may-ari.
Walang takot si Ma'am Legaspi kahit na matanggal siya.
"Bakit ka nga pala sumigaw kanina?" Biglang tanong ni Jeric na nakatalikod pa rin.
"Wala lang." Hindi ko naman pwedeng sabihin yung totoo.
"Akala ko kung ano na yung nangyari sa'yo, kaya nagmadali akong makarating dito tapos ganyan pa yung dadatnan ko."
Sa pagkakaintindi ko sa sinabi niya mukhang inakala niyang may masamang nangyari sa'kin dahil sa pag sigaw ko tapos nakabukas pa yung blouse ko.
"Ang init kasi kaya nagtanggal ako ng butones pero sa kasamaang palad natuluyan yung butones ko sa pagkatanggal." Nahihiyang sagot ko.
Alam kong bumuntong hininga siya kahit pa nakatalikod siya.
"Sa susunod huwag ka na muling magtatanggal ng butones kahit na gaano pa kainit. Pasalamat ka at ako ang andito at hindi ibang tao dahil baka kung ano na ang nangyari sa'yo." Sabi niya at nagpakawala ulit ng buntong hininga.
Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam kong tama siya. Baka nagkatotoo na yung nasa isip niya kanina kung nagkataong ibang tao ang nandito.
Napatingin ako sa kanya nang mapansin kong parang may kong anong ginagawa siya na hindi ko alam.
Hindi nagtagal, nakita kong hinubad niya ang uniporme niya kaya tumambad sa'kin ang likod niya na nakasando lang.
Pinagnanasaan este pinagmamasdan ko lang yung likod niya. Hindi man makita ang buong likod niya dahil sa sandong suit, mapapansin pa rin ang mahabang peklat sa bandang balikat niya. Gusto ko sanang itanong kung saan iyon nanggaling pero hindi ko na nagawa nang humarap siya at nagsimulang lumapit sa akin.
Nakaramdam bigla ako ng kaba. Paulit ulit rin ang paglunok ko ng laway.
"A-Anong ginagawa mo?" Nauutal na tanong ko.
"Minsan lang 'to." Sabi niya at pinagpatuloy ang paglapit sa'kin.
Bago pa siya tuluyang makalapit at may magawang masama sa akin, agad ko na siyang tinisod kaya siya natumba. Ako naman ay agad ding tumayo at lumayo sa kanya.
"Bakit mo ko tinisod?!" Galit na tanong niya habang pinipilit na upuan ng maayos.
"May gagawin ka kasing masama sa'kin."
"Anong pinagsasabi mo?" Naiiritang tanong niya.
"Bakit ka kasi naghubad ng damit? Tapos sabi mo 'minsan lang to'? Nagtetake advantage ka sa'kin ah." Sabi habang nakakapit pa rin sa katawan ko.
"Ang galing mong mag imagine." Sabi niya at hinilamos ang kamay sa mukha niya. "Kaya ako naghubad para ipahiram sa'yo itong polo ko. At syempre minsan lang naman talaga ako magpahiram ng damit. Anong pagtetake advance ang pinagsasabi mo?" Inis na tanong niya. Pinagpag niya ang kanyang polo pati ang sarili.
"Talaga?" Mahinahong tanong ko naman.
"Talaga!" Sabay ngiwi pa niya tsaka bato niya sa'kin ng polo niya. "Suotin mo na yan baka hindi pa ako makapagpigil, magkatotoo pa ang iniisip mo." Sabi niya tsaka tumayo at tumalikod.
'Ibig niya bang sabihin, pinagnanasaan din niya ako pero nagpipigil lang siya? Loko to ah.'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro