~*Chapter 14: Hide and Seek*~
~*Chapter 14: Hide and Seek*~
~*Yumi POV*~
"Shit!" Bulalas ko, matapos kong makita ang litrato sa cellphone ni Besty. "Ako ba talaga 'to?!" Pagkukumpirma ko. Tumungo lang siya bilang tugon.
"Ano bang pinaggagagawa mo habang wala ako?" Tanong ni Bay.
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin maalala.
"Imposibleng ako 'to." Sabi ko habang nakatitig pa rin sa picture. Hindi ako makapaniwala. Hindi pwede.
"Ikaw yan, tingnan mo yung damit. Nakachecked na longsleeves, nakadenim shorts tapos hawak ang mukha ni Prince Jeric na mukhang gulat na gulat. Ikaw na nakapikit at yung Violet na yun na nakapikit din dahil akala niya mahahalikan niya si Prince Jeric. Pero hindi, dahil labi mo at labi ni Prince Jeric ang naglap---prjwpejfdknf!" Tinakpan ko na ang bibig ni Besty bago pa niya masabi ang bahay na hindi ko gustong paniwalaan.
"Oo na. Oo na, kailangan bang idescribe mo pa?" Inis ko ng tanong kay Besty.
Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari yun.
Nalipat ang atensyon namin ni Besty nang bigla pagtakip ni Bay ng mukha niya gamit ang mga kamay niya.
"Lugmok na lugmok ako noong araw na yan dahil may trangkaso ako na naging dahilan para hindi ako makapunta sa Birthday ni Papa Kyle tapos ikaw nagpapakasaya." Base sa boses niya, alam kong umaarte lang siya na umiiyak.
"Sino bang nagsabing masaya ako?" Mahinang tanong ko. "Sinong bang nagpost nito?" Tanong ko sa kay Besty.
"Sino pa nga ba." Tinignan ko kung ano ang tinitignan niya. Yung upuan ni Kaye.
'Epal talaga. Pasalamat siya at wala pa siya dito.'
Tulog ako buong araw kahapon. Noong magising man ay masakit ang ulo ko kaya hindi ko na naisipan pang mag-online. Nang dahil sa alak. Peste!
Kaya pala nakatingin sa'kin yung mga tao habang naglalakad ako sa hallway kanina. Nakakahiya.
"Anong gagawin mo ngayon?" Tanong ni Besty.
"Hindi ko alam." Napayuko nalang ako sa mesa ko.
Mabuti't maaga akong umalis ng bahay at hindi na inantay pa si Jeric na sunduin ako.
Ilang sandali lang, nakarinig ako ng tilian ng mga tao sa labas at kasabay nito ang tilian sa loob ng aming silid.
Mukhang andiyan na ang mga Prinsipe.
"Ang gwapo talaga ni Prince Jeric."
"Akin si lang Prince Kyle."
"Attention Seekers."
"Panget ka kasi kaya walang pumapansin sa'yo."
Hindi ko magawang tumawa sa narinig ko kahit pa nakakatawa yun.
Nanatiling nakasalpak ang mukha ko sa mesa ko at hindi pinapansin ang nasa paligid ko.
"Besty nakaupo na silang dalawa sa likod. Pwede ka ng umayos ng upo." Bulong niya sa'kin.
Tumunog na ang bell. Hudyat na magsisimula na ang klase at tsaka dating ng guro.
Natapos ang maghapong klase na hindi ko pinapansin yung Prinsipe.
Noong lunch break, sa tambayan ako pumunta at doon kumain. Alam ko kasing hindi na siya pumupunta doon simula nang dumating si Kyle.
Nakabisado ko papunta doon noong pabalik kami ni Jeric para hindi na ako ulit maligaw.
Mabuti na lang, nagdadala ako ng pagkain at least hindi ko na kailangan pumuntang cafeteria para bumili.
Hanggang sa pag uwi, inaantay ko munang umalis yung sasakyan niya tsaka ako pupunta kay Besty sa Quadrangle. Hihintayin matapos yung practice nila ng cheering para sabay kaming umuwi.
Pag uwi sa bahay, nakita ko si Mama na nagliligpit na ng kinainan.
"Bakit ngayon ka lang?" Nagmano muna at humalik sa pisngi niya bago sumagot.
"Hinintay ko pong matapos yung practice ni Besty, para sabay kaming umuwi."
Nagbago ang mukha ni Mama sa sinabi ko. "Hindi mo ba sinabihan si Kris?"
Taka akong tumungin kay Mama. "Hindi po. Bakit?"
"Kaninang umaga, sinundo ka niya dito kaso wala ka na. Nitong gabi naman, pumunta din siya dito. Akala ko nga hinatid ka niya kaya siya pumunta dito pero hinahanap ka niya." Paliwanag ni Mama.
"Nakalimutan ko po siyang sabihan. Sorry." Tinignan niya ako na parang nadismaya. Humugot muna ako ng lakas bago magsalita muli. "Eomma, pwede bang hindi na 'ko magpahatid sundo."
"Sabihin mo nga sa'kin anak, may nangyari ba sa inyong dalawa ni Kris? Nag away na naman ba kayo?" Tanong ni Mama na may pag aalala.
"Hindi po. Wala po kaming pinag awayan. Naaawa lang po kasi ako kay Manong Eddie, nadagdag pa ako sa trabaho niya." Half-truth, Half-lie.
"Napag usapan niyo na ba 'to ni Kris?" Tanong niya muli.
"O-Opo." Whole lie.
"Kung napagdesisyunan niyo, eh di sige, sumasang-ayon ako. Ako na rin ang magsasabi sa Papa mo mamaya, pagkauwi galing trabaho."
"Kamsamnida, Eomma." Nginitian naman niya ako.
"Basta sabihan mo na rin Kris na nakauwi ka na ng bahay para hindi na siya mag alala. Pabalik balik din yun dito mula pa kahapon." Tumungo nalang ako.
Kumain muna ako at naghugas bago pumunta ng kwarto ko.
Pabagsak akong humiga sa kama ko na parang pagod na pagod. Feeling ko ang haba ng naging araw ko.
'Ang hirap palang magtago.'
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng palda ko.
'Itetext ko ba siya?'
Hindi ko kayang kausapin siya. Nahihiya pa rin ako sa ginawa ko.
Napagdesisyunan kong si Besty na lang yung itext at siya na ang magsabi kay Jeric tungkol doon. Bahala na.
"Bay, hindi ka pa rin ba sasabay sa'ming kumain." Iling lang ang sinagot ko sa kanya. "Panglima araw mo na 'tong hindi sasabay sa'min kumain. Ang alam ko si Papa Jeric lang ang iniiwasan mo, bakit parang nadadamay kami." Bulong ni Bay para hindi marinig ni Ma'am Orcullo na teacher namin sa Math na nagtuturo sa unahan.
Ilang araw na rin kasi ang lumipas at ganoon pa rin ang ginagawa ko. Hindi na rin ako pinupuntahan ni Jeric sa bahay, siguro dahil natanggap na rin niya yung pinapasabi ko pero dahil sa pagtatago sa kanya pati itong dalawa hindi ko na nakakasabay sa pagkain.
"Pasensya na." Napabuntong hinanga nalang ako. "Sige sasabay ako ngayong kumain sa cafeteria." Nakita ko naman agad ang pag aliwalas ng mukha nilang dalawa.
Sakto din ang pagtunog ng bell na hudyat na Lunch break na.
Pagkalabas ng ni Ma'am Orcullo, agad din akong tumayo. Pinangunahan naming ang paglabas ng aming silid aralan.
Nasa bungad palang kami ng cafeteria, tinginan at bulungan agad ang sumalubong sa amin.
"Break na ba sila ni Prince Jeric? Hindi ko na kasi sila nakikitang magkasama."
"Break ka dyan. Nakita mo naman na nagkiss pa sila noong birthday ni Prince Kyle."
"Swerte ni Heartless."
"PDA. Yuck."
"Ang sweet kaya nila."
"Si Geoffrey My Loves. Kyahhh."
Napabuntong hininga na lang ako. "Kaya ayokong ditong kumain eh." Bulong ko sa dalawang kasama ko.
"Ako din, parang ayoko na." Sabi ni Bay sabay irap sa babaeng nagsabi ng 'Geoffrey My Loves' na akala mo diring diri.
"Hayaan niyo na sila. Gutom na ako." Bulong ni Besty sa amin.
Pinagitnaan niya kami ni Bay at hinawakan niya braso. Pilit na hinila hanggang makapunta sa pila. Mabuti nalang kaunti pa lang yung tao kaya nakabili kami agad ng makakain.
Nang makaupo kami sa dulo't pinakagilid, kung saan wala ganoong tao. Siya namang dating ng dalawang prinsipe kasunod ang pagdagsa ng tao kaya umingay sa cafeteria.
Tinitigan ko lang sila hanggang makapunta sila sa pila, pero hindi naman din sila pumila dahil nahawi rin yun para paunahin sila. Ang unfair.
Unang beses ko pa lang silang makitang bumili dito sa cafeteria dahil ako naman lagi ang gumagawa noon para sa kanila. Pinapahirapan pa niya ako pumila, siya naman pala hindi na pumipila.
Magsisimula na sana akong kumain nang mapansin kong parang naghahanap sila ng mapupwestuhan.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong nagtago sa ilalim ng lamesa. Mabuti na lang at may sapin ang bawat lamesa dito kaya hindi nila ako makikita.
"Besty, anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya habang nakasilip.
"Huwag kayong maingay, andiyan na yung mga asungot."
Hinanap naman ni Besty kung sino yung sinasabi ko.
"Besty, nakatingin dito sila Prince Jeric at Prince Kyle." Sabi niya na habang hawak pa rin yung sapin.
"Umupo ka ng maayos at huwag kang tumingin sa'kin." Utos ko at ginawa nga niya.
"Besty, palapit na sila." Wika niya na parang nakangiti lang at hindi bumubuka yung bibig. Hindi tuloy halata na nagsasalita siya.
"Basta huwag kayong maingay. Huwag niyo ring sabihin na andito ako and act normal" Paalala ko.
"Okay." Sabi niya ulit nakangiti lang at hindi bumubuka yung bibig.
Hinila ko na yung sapin na nakaangat pababa. Narinig ako ng yapak papalapit sa'min.
"Kayong dalawa lang ulit?" Dinig kong tanong ni Kyle.
Kinuwento nga sa akin ni Besty na silang apat ang magkakasabay kumain nitong mga nakaraang araw.
"Ah eh parang ganoon na nga." Pagsisinungaling ni Besty.
"So, pwede ulit kaming makiupo." Dinig kong tanong ni Kyle.
'Sabihin niyo, hindi pwede.'
"Syempre naman." Kinikilig na sagot ni Bay.
Napahampas nalang ako ng noo ko. Bakit umasa pa akong papaalisin niya sila. Si Bay talaga.
Naramdaman kong hinigit nila ang dalawang upuan, isa sa gilid ko at yung isa sa likod ko na inupuan ko kanina. Paano pa ako makakakain nito. inagawan na ako ng upuan at ayoko ding magpakita sa kanya.'
"Let's eat." Dinig kong aya ni Kyle.
"Sandali, bakit tatlo yung plato dito? Kanino itong isa?" Boses ni Jeric.
'Shit na malupet! Akin yun.'
"Ahm... Yan ba... Kay ano yan...Kay.." Hindi matapos na sagot ni Besty.
"Kay Bay yan." Talaga namang hindi makapagsinungaling si Bay kapag andiyan si Kyle.
"Where is she?" May otoridad sa tanong na iyon ni Jeric.
"Nasa--- ouch! Ang sakit noon ah." Nakita kong inapakan ni Besty yung paa ni Bay.
"Sorry, akala ko kasi may gumapang na kung ano sa paa ko, kaya inapakan ko. Paa mo lang pala yun Bay. Hehe." Palusot ni Besty.
"So again, where is she?" Tanong ulit ni Jeric.
Hindi naman agad nakasagot yung dalawa. Kailangan kong umisip ng paraan.
Kinapa ko yung bulsa ng palda ko. Mabuti't andoon ang cellphone kaya maaari kong matext si Besty at Bay.
TO: Besty ko; Geoffrey Bayot
Sbihin nio nagcr aqu.
Narinig ko ang message tone nila na senyales na natanggap nila yung text ko.
"Sabi niya pumunta daw siya sa banyo." Si Besty.
"NagCr lang pala. Eh di antayin na natin siya." Si Kyle.
TO: Besty ko; Geoffrey Bayot
Sbihin nio mata2galan aqu sa banyo.
"Matatagal daw siya doon eh." Sagot ni Bay.
"It's okay, we'll wait for her, mahaba pa naman yung oras natin." Si Kyle. Bakit kasi hindi nalang sila kumain tapos umalis na.'
TO: Besty ko; Geoffrey Bayot
Ang kulit. Sbihin nio mauna n kaung kumain. Wag n kamo aqung intayin.
"Ang kulit niyo d--- este sabi niya mauna na daw tayong kumain at huwag na daw siyang hintayin. Hehe." Kamuntik pang madulas ang sila ni Besty.
"What about her food?" Si Kyle. Siyempre kakainin ko. Sayang yung binayad ko diyan no.
TO: Besty ko; Geoffrey Bayot
Pakibalot nlang ng pagkain ko.
"Ipapabalot na lang daw namin." Si Bay.
"Alright then, let's eat." Nakahinga na ako ng maluwag pagkarinig ko ng sinabi ni Kyle.
Kahit na natatakpan ako ng sapin, amoy na amoy ko pa rin yung kinakain nila.
Chicken Curry, Adobo, Sinigang, Barbeque at yung pagkain ko Dinuguan.
Nagugutom na nga ko tapos nakakangalay pa itong posisyon ko. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa liit ng mesang pinagtataguan ko. Pang apat na tao lang ito.
'Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko? Pwede ko namang siyang harapin. Tapos ano naman sasabihin ko? Nagustuhan mo ba yung halik, ako kasi oo---.'
'Mali mali. Hindi ko nagustuhan yun. Hindi ko nga maalala ee, dapat yung naaalala ko. Kaya dapat may isa p----. Shit. Ano ba itong iniisip ko.'
Sa ngalay ko, nagpalit ako ng pwesto kaso kung minamalas ka nga naman, napaharap ako doon sa inuupuan ko kanina na may nakaupong isa sa dalawang asungot---ang masama pa dito, nakabukaka siya sa harapan ko.
Nakaangat yung sapin at nakapatong sa hita niya kaya kitang kita ko na nakabukaka siya.
'Sino kang hinayupak ka?'
"Sino nga palang players natin sa Basketball na babae?" Boses yun ni Kyle pero hindi ko madetermine kung kanino yun galing. sa nakabukakang lalaki o sa katabi niya.
"Hindi nga kami sigurado eh. Hindi naman kasi nagreply si Honeylet sa text ko." Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Besty, alam kong nakapout siya dahil ganyan pag hindi siya narereplyan.
"Mamaya na daw magsisimula yung laban. Sino kayang una nating tatalunin?" Masayang tanong ni Jeric narinig ko pang nag apir sila.
"Tsk. Yabang."
"Syempre nama---, wait, sino yun?"
Napatakip nalang ako ng bibig ko. Shit. Bakit kasi ako nagsalita.
"Anong 'sino yun'?" Takang tanong ni Kyle.
Mukhang si Jeric lang ang nakarinig.
"May narinig akong nagsalita. Sinabihan ba naman akong mayabang." Inis na sabi niya. Totoo naman.
Bigla na lang tumayo yung nasa harap ko--- yung lalaking nakabukaka.
"Where are you going?" Tanong ni Kyle.
Ngayon, kumpirmado si Jeric yung lalaking nakabubuka.
"Hahanapin yung nagsalita." Inis na sagot niya.
"We didn't hear anything. Maybe it's just your imagination." Si Kyle.
"Oo, tama, imahinasyon mo lang yun." Panggagatong ni Besty. Mukhang alam niya na ako ang nagsabi noon.
"Imagination? Mag iimagine na lang ako, bakit mayabang pa, eh di sana gwapo na lang." Inis na naman wika.
"Just sit down. Tapusin mo na lang yung pag kain mo." Utos ni Kyle.
Wala namang nagawa si Jeric. Umupo siya ulit sa harap ko at bumukaka--- mas maluwak pa yung pagbukaka niya ngayon.
'Ano? Init na init lang.'
Napapatakip nalang ako ng mata dahil pakiramdam ko habang tumagal nagkakasala na ito.
"Kayong dalawa, walang bang sinasabi sa inyo si Yumi." Kinabahan ako bigla sa naging tanong ni Jeric.
Hindi naman sumasagot si Besty at Bay dahil wala naman din akong sinasabi sa kanila.
"I guess wala siyang sinabi sa inyo, kung bakit niya ako iniiwas - No, let me rephrased it---Kung bakit niya ako pinagtataguan." Mas lalo akong kinabahan.
Alam kaya niya na nagtatago ako sa ilalamin ng lamesa. Sa tingin ko hindi, dahil hinanap pa niya yung nagsalita kanina.
"Paano mo naman nasabing pinagtataguan ka niya?" Dinig kong tanong ni Bay.
"Because it's obvious. Since that kiss happened, hindi na siya sumabay sa'kin sa pumasok even sa pag uwi and what's the reason, naaawa daw siya kay Mr. Eddie." Narinig ko lang tumawa siya ng malakas pero pilit lang. "What a lame excuse."
"Nahihiya lang yun dahil sa nangyari." Dinig ko naman sabi ni Bay.
"But why? Dapat nga ako yun mahiya, dahil ako yung hinalikan hindi siya." Naririnig ko sa boses niya ang pagkairita.
Oo na, hinalikan na nga kita bakit inuulit ulit mo pa. Kung pwede lang sanang ibalik yung araw na yun, pipigilin ko talaga ang sarili.
"Best friend, syempre lalaki ka, babae siya, kaya mas makakaramdam ng hiya yun." Mahinahong pakikipag usap ni Kyle kay Jeric.
"Bakit naman siya mahihiya? Hindi nga siya nahiya noong hinalikan niya ako tapos ngayon nahihiya siya." Kahit na hindi kami magkaharap, parang pinapamukha na ako ang humalik sa kanya at hindi siya ang humalik sa'kin.
Napatakip nalang ako ng mukha ko. Nahihiya talaga ako sa ginawa ko. Bakit ko nga ba kasi ginawa yun? Dala lang ng alak yun dahil sa pesteng Truth or Dare yan.
"Alam niyo nagtataka ako sa inyong dalawa." Panimula ni Bay. "Bakit kayo nagkakahiyaan, samantalang magkarelasyon naman kayo." Sa pananalita ni Bay parang pati ako pinaringgan niya. "First time niyo bang magkiss?" Napalunok nalang ako ng laway ko.
Parang nanghihingi ng kumpirmasyon itong si Bay sa pagtatanong niya. Pero dahil sa hindi pagsagot ni Jeric mukhang nakumpirma na nga ni Bay.
"Ok, gets ko na bakit kayo nahihiya. Well, ito din pa yung first time na may nahalikan kayo?" Tanong niya muli.
"Hell no! Swerte naman niya at siya ang first kiss ko." Sabi niya na parang diring diri sa'kin. Ang Kapal! "Baka siya, first kiss niya ako, kaya siya nahihiya. Siguradong wala naman din nagtatangkang humalik doon dahil alam nilang mababalian sila ng buto bilang kapalit." Tapos tumawa pa siya ng malakas. Lakas makainsulto.
'Magtimpi ka Yumi! Magtimpi ka!'
"Hindi totoo yan. May first kiss na ni Besty noong bata pa kami." Bigla singit ni Besty.
'Mayroon na nga ba? Hindi ko maalala.'
Napatigil si Jeric sa pagtawa niya ng marinig niya yun. "Seriously?" Tanong niya parang hindi makapaniwala. Nakakainsulto na talaga.
"Oo naman, hindi ko ganoong maalala kasi sobrang bata pa naming dalawa, mga nasa five palang ata kami noon. Nakwento lang niya sa'kin umuwi sila sa probinsya dahil namatay yung Lola niya. May nakilala siya doon na bata, ayun yung naging kaibigan habang wala ako sa tabi niya. First crush din niya yung batang yun. Hindi ko lang maalala yung pangalan noong bata." Pagkukwento niya.
Alam kong mas matalim yung memorya ni Besty kaysa sa akin pero hindi ko talaga maalala na nangyari yung mga kinuwento niya. Parang ang imposible namang hindi ko maalala ang ganoong pangyayari.
Sakto naming biglang tumunog ang Bell na hudyat na tapos na ang Lunch Break.
"Let's go." Narinig kong aya ni Kyle sa kanila.
Nakita kong isa-isa na silang nagtumayo sa kani-kanilang kinauupuan. Kung pwede ko lang silang pagtulakan para mapabilis sila.
Tinext ko na sina Besty at Bay na mauna na sila sa classroom namin at susunod na lang ako.
Nang masigurado kong nakaalis na sila, doon ako dahan dahang lumabas sa pinagtataguan ko.
Nagpalingon lingon pa ako para hindi rin makita ng ibang pang taong natitira sa cafeteria. Baka masabihan pa akong mukhang tanga. Nagstretching muna ako para maalis yung ngalay sa katawan ko.
Hindi mawala sa isip ko yung narinig kong kwento ni Besty, parang gustong hagilapin ng utak ko yung mga alaala ng mga sinabi niya.
Maglalakad na sana ako nang unti-unti ako nakaramdam ng sakit ng ulo. Umataki na naman na ang migraine ko.
Isang iglap lang dumilim na ang paligid ko.
~*Third Person's POV*~
Katatapos lang nilang maglaro ng basketball dahil hindi na daw nila kailangan pang magpractice dahil magaling na na sila.
Napagdesisyunan nilang pumunta ng cafeteria kahit na oras na ng klase.
'Who cares. I'm Prince Terence, no one can disobey me---Oh, there is one.'
Ito ang nasa isip ng isa sa kanila.
Kaunti nalang ang tao dito dahil tumunog na yung bell, kaya nagsibalik na sila sa mga klase.
"Terence, may naisip ka na bang uulamin mo?" Tanong ni JD na matalik niyang kaibigan.
"The usual." Tugon nito tsaka hinayaan ang kaibigan na pumunta sa bilihan ng pagkain.
Nauna na si Terence na pumunta sa laging pinagpupuwestuhan ng Basketball Team sa cafeteria. Nang malapit na siya roon, may kung ano siyang napansing nakahandusay sa sahig.
Agad niya itong pinuntahan at laking gulat niya ng makita ang nag iisang taong hindi niya napapasunod.
"My Yumi." Bulalas niya. Dali dali siyang lumapit dito. "Yumi, Yumi, wake up." Sabi niya habang inaalalayan yung ulo niya.
Ngunit hindi pa rin ito gumigising kahit na anong gawin. Hindi nagtagal nakalapit na rin sa pwesto niya ang mga kaibigan niya.
"Anong nangyari?" Tanong ni JD mula sa likuran ni Terence ngunit hindi siya sinagot nito. "Sino yan?" Sa ikalawang pagkakataon hindi siya ulit sinagot ni Terence, kaya napagdesisyunan niyang umikot para masagot ang tanong niya. "Ayaw mo sabih--- SHIT! Si Heartless ba yan?" Gulat na tanong niya.
"Mamaya na ako kakain. Dadalhin ko muna siya sa clinic." Hindi na hinintay ni Terence ang sasabihin ni JD.
Agad niyang binuhat si Yumi na parang bago silang kasal. Napangiti naman si Terence sa ideyang yun.
'Soon, My Yumi.'
Dahan dahan lang siyang naglakad habang buhat si Yumi. May mangilan ngilan siyang nakakasalubong at makikita sa mukha nila ang gulat.
Syempre naman, ikaw kayang makakita ng isang gwapong prinsipe na may buhat buhat ng ang isang walang puso pero magandang babae. Sinong hindi magugulat? Ito ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Nang makarating sila sa clinic agad agad ding inasikaso ng tao roon si Yumi.
"What happened Mr. Olivarez?" Sabi ng Doctor-in-Charge na si Doc. Macarine.
"Hindi ko rin alam, basta nakita ko lang siyang walang malay sa cafeteria." Sagot ni Terence.
Sinuri nila si Yumi. Hindi mapalagay si Terence kaya't nagtanong siya. "Is she okay?"
"Yeah, she just needs to rest. We will handle her now. Thank you for your concern, you can go back to your class now." Utos ng Doc. Macarine.
"I don't want to, Tita." Nilakihan siya ng Doc. Macarine/Tita niya ng mata.
"Do I have to repeat it again? We are in school, call me Doctor or Ma'am, not Tita." Pagalit niyang wika.
"Alright, but please, let me stay here, Doctor." Pamimilit niya. Huminga na lang ng malamin ang Doktor na sinyales na pinayagan niya ang pamangkin.
"Umayos ka, alam ko mga kalokahan mo dito sa school. Kaunti nalang makakarating talaga ito sa Papa mo." Banta sa kanya ng Tiyahin niya tsaka siya iniwan sa kwarto.
Lumapit si Terence sa kama ni Yumi at naupo sa malapit na upuan. Pinagmasdan lang niya yung mukha ni Yumi na mahimbing na natutulog.
"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka hinimatay?" Tanong niya na may pag aalala kahit alam niyang wala siyang sagot na makukuha.
Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin doon, pero ayaw niyang iwan mag isa si Yumi.
"Ang tagal tagal na kitang nililigawan pero hindi mo pa rin ako sinasagot, ngayon nalaman ko na may boyfriend ka na pala." Humugot muna siya ng lakas ng loob. "Bakit ba ayaw mo sa'kin?"
Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan ang likod nito.
"Bakit? Bakit si Oxford pa? Bakit si Oxford pa rin?"
'Hindi ako makakapayag.'
Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Tinitigan ang mga labi nito at unti unting inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Yumi.
Nang mapagtanto niyang malapit nang maglapat ang labi nilang dalawa tsaka siya pumikit. Ngunit sa pagpikit niya, may humablot sa uniporme niya at isang matigas na bagay ang sinalo ng kanyang mukha.
Agad napaupo si Terence dahil sa lakas ng suntok na natamo niya.
"How dare you to kiss my girlfriend!" Sigaw sa kanya ng lalaking sumuntok sa kanya at lumapit sa kanya para muli siyang suntukin pero nakailag na siya.
"Wala kang paki!" Sigaw rin ni Terence. Siya naman ngayon ang kumilos at nagbigay suntok kay Jeric.
Nagulat nalang si Terence nang parang walang naramdaman si Jeric dahil mabilis lang nitong nakarekober at sumugod ulit sa kanya. Hinawakan nito ang kwelyo ng uniporme niya.
"Tarantado ka! Girlfriend ko yan eh!" Sigaw ni Jeric at akmang susuntukin niya muli si Terence ng biglang pumasok sa kwarto ang kaibigan ni Jeric.
"Bitaw na, Kris." Utos ni Kyle habang pilit na pinaghihiwalay ang dalawa.
Sumunod ding pumasok ang kaibigang bakla ni Yumi.
"Ahhh!" Sa sobrang gulat, hindi napigilan ni Geoffrey ang pagtili na parang babae. Tinignan siya ni Kyle na nagtataka. Inayos ni Geoffrey ang sarili at tumindig na parang lalaki. "Anong nangyayari dito?"
"Tulungan mo ko dito." Utos ni Kyle.
Sinunod iyon ni Geoffrey. Pilit siyang humaharang sa pagitan nila Terence at Jeric na ayaw pa ring mapaawat.
Hindi nagtagal niluwa din ng pintuan sina JD at Tiffany.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Tiffany ngunit walang sumagot. "Tumulong ka nga, Montes." Agad nitong sinunod ang utos sa kanya ni Tiffany.
"Terence, tama na." Sabi ni JD nang makalapit kay Terence.
Dahil sa tatlo na silang umaayat, tuluyan na silang napaghiwalay dalawa.
"Bitiwan niyo ko! Hindi pa ako---" Hindi na natapos ni Jeric ang sasabihin ng marinig niyang sumigaw si Tiffany.
"Besty!" Tsaka siya lumapit kay Yumi. "Mabuti at gising ka na." At inalalayan si Yumi na umupo.
Lumapit na rin si Geoffrey kay Yumi habang yung apat na lalaki ay nanatili sa kani-kanilang pwesto.
"Sino ba namng hindi magigising sa ingay niyo!" Inis na sagot ni Yumi. Napatingin siya sa paligid na parang nagtataka. "Anong ginagawa ko dito?"
"Pinuntahan niya ako sa classroom at sinabing nahimatay ka raw sa cafeteria." Turo pa ni Tiffany kay JD.
"Eh sila? Anong ginagawa nila dito?" Tukoy ni Yumi sa mga lalaki.
"Si Prince Terence ang nagdala sa'yo dito at syempre sa sobrang pag aalala patakbong pumunta dito ang boyfriend mo." Paliwanag ni Tiffany na ikinagulat ni Yumi. Hindi siya makapaniwalang si Terence ang nagdala sa kanya sa clinic.
Tinignan muna ni Yumi si Terence bago inilipat ang paningin kay Jeric. Tinignan niya ng masama ang kanyang nobyo.
"Bakit kayo nag aaway dito?! Pagalit na tanong niya kay Jeric.
"Dahil sinubukan ka niyang halikan!" Sigaw din niya pabalik.
Nagulat si Yumi sa kanyang narinig, maging ang mga kaibigan nito. Nagpalipat lipat ang paningin nila sa tatlo.
"Totoo ba yun?" Tanong ni Yumi habang nakatingin kay Terence. Walang mabasang reaksyon sa mukha ni Yumi miski na ano.
"Yeah. Gagawin ko sanang pambayad sa pagtulong ko." Proud na sabi pa nito.
Akala ni Terence magagalit ito sa sinabi niya, tulad ng lagi nitong reaksyon kapag may ginagawa siya kay Yumi. Pero isang ngiti ang namuo sa labi ni Yumi. Isang ngiti na hindi pagpapakitang tao at walang halong inis o galit, naikinagulat ni Terence.
"Thank you." Sabi niya na mas ikinabigla pa ni Terence.
"H-Hindi ka galit?" Takang tanong ni Terence.
"Hindi, dahil napatunayan ko na mali ang narinig ko kanina. Kaya Salamat." Sabay ngiti muli ni Yumi.
Inaalala ni Yumi ang nangyari kanina sa Cafeteria tungkol sa halik. Hindi sa gusto niyang halikan siya ni Terence pero alam niya ngayon na may tao pa rin na gusto siyang mahalikan at mali ang sinabi ni Jeric.
"What?! You should punch him than thank him!" Inis na wika ni Jeric. Muli niyang sinunggaban ni Terence ng biglang may dumating.
"Mr. Oxford! Mr. Olivarez! Anong nangyari dito? Bakit nagkaganyan yung itsura niyo?" Gusot ang damit nilang dalawa dahil sa away na nangyari kanina.
"Doc. Macarine, magpalagay kayo ng CCTV dito sa clinic para matigil ang kalokohan ng pamangkin mong yan." Utos ni Jeric sabay turo kay Terence.
"Okay Mr. Oxford." Sabi ni Doc. Macarine tsaka niya hinarap ang kanyang kamangkin. "And you, what have you've done again." Hindi siya sinagot nito sa halip ay naglakad na palabas ng kwarto.
'Nagising na si Yumi kaya ayos lang na umalis na ako.' Ito ang nasa isip ni Terence.
Ngunit bago tuluyang makalabas si Terence ay huminto muna siya sa may pinto.
Hinanap ng mata niya si Jeric at nang makita niya ito, isang mapangasar na ngiti ang binitawan niya. "Namiss ko yung suntok mo. Welcome back, Kris."
~~~~~
Please don't forget to vote, comment and follow.
For more info about me and the story you can visit my social media account.
~Facebook Account : Maria Teresa Flor Matula
~Instagram: akosiblackprincess
~Twitter: Maria Teresa Flor Matula
https://twitter.com/teresa_matula18
THANK YOU!
~IamBlaCkPrincesS17
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro