~*Chapter 12: Bra*~
~*Chapter 12: Bra*~
~*Jeric POV*~
"Inaantay mo pa ata ako." Agad kong tinanggal isa-isa sa pagkakabutones ang polo ko. Nakita ko ang biglang paglaki ng kanyang mga mata sabay ang pagbuka ng kanyang bibig.
'Haha asaran pala ang gusto mo ahh.'
Unti unti pa akong naglakad palapit sa kaya at agad naman siyang nagmadaling pumasok sa banyo at dali dali ring isinara ang pinto. Natawa nalang ako sa naging reaksyon niya.
Habang nasa banyo si Yumi, tinanggal ko na nang tuluyan ang aking damit para makapagpalit. Nanatili lang ako sa kwarto niya kahit na binantaan niya ko na dapat paglabas niya ng banyo wala na ako dito. Natakot ako syempre kasi alam kong kaya niya talaga akong saktan, physically. Malakas talaga siya at marunong makipaglaban, pero mas nanaig sa akin ang kagustuhang inisin siya, kabayaran ng pagpapahiya at pang aasar niya sa akin kanina sa harap ng magulang niya at kay Mr. Eddie. Sabihin ba naman niya sa kanila na natatae ako, well nangyayari naman sa lahat ng tao yun pero napahiya pa rin ako. Pikon na kung pikon. Basta kailangan kong bumawi. Physically lang naman niya ako kayang saktan kaya kong tiisin yun, makaganti lang.
Nag ikot-ikot ako sa kwarto niya at inobserbahan ito. May kaliitan ito kumpara sa kwarto ko. Ang kwarto niya parang kasing laki lang ng study room ko.
'Yeah may study room ako, pero bihira ko lang gamitin, hindi naman kasi ako pala-aral pero kahit ganun may utak naman ako.'
Habang naglilibot sa maliit niyang kwarto, napatigil ako sa study table niya. Maraming gamit doon pero ang nakaagawa ng atensyon kong ay ang isang picture frame sa gilid.
May apat na tao ang makikita sa litrato. Isang babaeng buntis na may hawak hawak na batang lalaki. Si Eomma (Mama ni Yumi) ang babaeng buntis at kahawig naman ni Shaun ang batang lalaki pero nasisigurado ko na si Kuya Jun ang batang yun dahil mas singkit ang mata nito kumpara kay Shaun na mukhang nasa tiyan pa ni Eomma sa panahong iyon. Ang Papa naman niya ay may buhat buhat na batang babae na nakatakip ang mukha na parang umiiyak. Sigurado akong si Yumi yun dahil wala naman siyang kapatid na babae. So automatic na siya yun.
May nakadikit na sticky note roon na may nasulat na Our 1st Whole Family Picture 😄.
Ang ganda tingnan ng pamilya nila, hindi man maayos kuha ng picture dahil hindi makita ang mukha ni Yumi pero makikita mong masaya talaga sila. Hindi man magandang sabihin pero nakakainggit ang pamilya niya dahil kumpleto't masaya sila.
Napangiti nalang ako at ibinaba na ang picture frame. Dumeretso sa kama niya at umupo. Nag iisip na kung anong gagawin ko para asarin siya.
"Paano nga ba? Guluhin ko nalang kaya ang kama niya. Para mainis siya kasi makalat paglabas niya. Haha Tama yun nalang." Pakikipag usap ko sa sarili ko.
Una kong ginulo ang ang kumot niya na parang bagong palit lang niya at inihagis ito sa sahig, pagkatapos, yung tatlong unan naman niya ang pinagdiskitahan ko. Pinaghahagis ko ang unang dalawang unan sa sahig. Nang ikatlo at huling unan na ang iniangat ko, biglang tumambad sa akin ang isang bagay na hindi ko dapat nakita. Napalunok nalang ako ng laway ko nang kinuha ito.
'Totoo pala ang mga kwento na bago matulog ang mga babae ay tinatanggal nila ang bra nila at isinusuksok sa ilalim ng unan.'
Pero imbes na ibalik iyon ay may sumilay na ngisi sa aking labi at nakaisip ng mas magandang ideya na gagamitin sa kanya.
Dali dali kong inayos ang mga bagay na inihagis ko kanina sa sahig at ibinalik ko sa dati nitong ayos. Isinuot ko ang bra niya. Nakasabit lang ito sa magkabilang balikat ko kasi hindi ko masara ang hook dahil maliban sa maliit yung bra niya, hindi din kasi ako marunong kung paano ko iyon gagamitin.
'Syempre kasi lalaki ako.'
Maya maya lang ay narinig ko ang pagpihit ng doorknob ng banyo, senyales na lalabas na siya ng banyo. Kaya naman agad akong humiga sa kama na para bang handa ng matulog. Ginamit ko rin ang kumot para matakpan ang bra na suot ko. Masaya ito, lagot ka sa'kin. Ito ang panay sinasabi ng utak ko.
"Ano pang ginagawa mo dito?" Iritableng tanong niya.
"Inaantay ka." Sagot ko na nakangiti.
"At bakit naman?" At nagcrossed arms pa siya.
"Kailangan nga kasi kita bukas." Ito nalang ang unang pumasok sa isip ko.
"Sabi ko nga sa'yo, A-YO-KO di ba." Sagot niya.
'Ang hirap naman kumbinsihin nitong babaeng 'to.'
"Edi hindi nalang kita yayain. Inuutusan kitang samahan ako bukas. Tutal alalay kita, so susundin mo ang mga orders ko, remember." Nakangising tugon ko.
"Saturday tomorrow di ba? Ang usapan natin, weekdays lang ang applications ng pagiging alalay at fake girlfriend ko sa'yo, remember." Panggagaya niya sa'kin.
'Oo nga pala.'
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
'No choice na ako. Hayst kailangan ko talaga siya.'
"Ano ba kailangang kong gawin para sumama ka bukas?"
"Ano din ba kasi ang dahilan, bakit mo ako pinipilit? Noong nakaraan lang ayaw mo din sumama sabi ni Kyle, kaya nga natawag tayong bagay dahil pareho tayong KJ." Umupo muna ako ng maayos bago magsalita ngunit nakabalot pa rin ang kumot para hindi makita yung suot kong bra.
"Ayaw ko naman talagang sumama, kaso nagpustahan kasi kami ni Bespren kanina, kung sino sa aming dalawa ang mas maraming puntos sa basketball siya ang masusunod, kaya ayun, kailangan kong pumunta sa welcome party niya dahil mas marami siyang nashoot." Paliwanag ko.
'Ewan ko ba bakit ako pumayag sa pustahan na yun, alam ko namang mas magaling si Bespren kaysa sa'kin.'
"Oh ano namang kinalaman ko doon? Bakit ako kailangan doon?"
'Nagtaray na naman. Tsk.'
"Kailangan kita dahil siguradong andoon din yung kapatid niya." Nakita kong biglang nagsalubong ang mga kilay niya.
"Yung Ex mo?" Nagulat ako sa tanong niya.
'Sinong nagsabi non?'
"Saan mo naman nasagap yan?" Tanong ko pabalik sa kanya. Bigla nalang bumalik sa isip ko ang pag uusap namin sa may cafeteria. "Alam ko na, namisunderstood mo ang sinabi ni Bespren last time. For your information lang, hindi ako pumapatol sa kapatid ng mga kaibigan ko dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin kaya mas lalong hindi ko ex girlfriend ang utol ng bestfriend ko." Tapos binigyan ko siya ng Gets-mo-look. Tumungo lang siya.
'Maganda si Violet pero kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya.'
"ee bakit ayaw mong pumunta nang andoon yung kapatid ni Kyle?" Tanong niya ulit.
"Makulit yun ee." Deretsyong sagot ko. "Panay kasi ang habol niya. Sunod ng sunod sa akin." Naiinis kong sagot. Pwede mo ring masabing stalker siya. Kaya nga napabalik sila dito sa Pilipinas dahil sinundan niya ako. "So anu? sasamahan mo na ba ako?" Tanong ko.
"Ayoko pa rin." Napakamot nalang ako ng ulo.
'Loka loka. tsk. lagot ka sa akin.'
Tinalikuran niya ako at pumasok saglit sa banyo. Paglabas niya agad akong nagsalita.
"Ganito pala ang itsura ng kwarto mo." Pagkukunwari ko.
"Ano naman sa'yo?" Pagtataray niya tsaka lumapit sa study table niya at umupo sa upuan doon na nakatalikod sa akin.
"Wala naman, nakakaamaze lang." Hindi na siya sumagot sa halip ay kinuha niya ang suklay na nakapatong sa lamesa at ginamit ito. "Oo nga pala, Yumi." Tawag ko sa kanya. Nakita kong nakatingin siya sa akin sa pamamagitan ng replekyon sa salamin. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang voice recording. Masaya 'to. "Bakit gumagamit ka pa nito? Hindi mo naman ito kailangan." Sabay baba ko ng kumot na kanina pa nakabalot sa akin.
Hindi maipinta ang mukha niya nang makita niya. "F*uck." Yun nalang ang nasambit niya tsaka patakbong lumapit sa'kin. "Amin na yan!" Agad naman akong tumayo at hinubad ang bra sabay taas. Natatawa ako sa ginagawa niya. Pilit niyang inaagaw ito kahit hindi niya abot.
'Ito na ang pagkakataon ko.'
"Sabihin mo munang sasamahan mo ako bukas?"
"Oo na. Oo na." Mabilis na pagpayag niya.
"Ano ba yan labas sa ilong. Gusto ko yung sincere." Pangaasar ko.
"Oo na, gusto kong sumama sa welcome party bukas." Mahinahon niyang sagot.
"Wala ng bawian yan ah. Nairecord ko na." Natatawang sabi ko sabay pakita sa kanya ng cellphone kong nakavoice record.
"Ok na. Ngayon ibigay mo na sa akin niyan." pero imbis na sundin ang inutos niya, tumakbo ako papalayo sa kanya.
'Hindi pa ako tapos. Haha'
"Sandali lang? Bakit pilit mo bang kinukuha 'to, ee wala ka namang panggagamitan nito." Pangaasar ko at naghababulan na kami sa kwarto niya.
Tumigil siya kaya napatigil din ako dahil hinihingal na ako. "Kris Jeric Oxford, sinasabi ko sa'yo ibalik mo sa'kin yan. Binabalaan kita, masasaktan ka talaga." Pananakot niya sa akin.
"Why? It's true naman. You don't need this stuff, hindi ka naman kasi babae, hind--." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinugod na niya ako agad.
Sa lakas ng pakahigit niya ng suot kong damit nawalan ako ng balanse kaya naghanap ako ng makakapitan ngunit nagkataon na ang nahawakan ko ay ang braso niya kaya pati siya ay kasamang bumagsak sa kama.
Nakapatong ang katawan niya sa akin habang pareho kaming nakahawak sa Bra niya.
Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
'Ito na naman kami, nasa isang nakakahiyang posisyon.'
Hindi ko maiwasan na hindi maalala ang nangyari sa amin sa clinic. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Ganito rin yung naramdaman ko noon, kaya nga agad akong bumangon noon dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, pero ngayon, hindi ko magawa yun dahil siya ang nakapatong sa akin.
Ilang sandali pa, tatayo na sana siya pero parang ewan, kusa nalang na gumalaw ang kamay ko at hinigit siya pabalik sa akin at niyakap siya ng mahigpit.
Dug dug. Dug dug.
"A-Ano bang ginagawa mo?" Gulat na tanong niya at nagpupumilit pa na kumawala sa pagkakayakap ko.
"Sandali lang, kahit 1 minute lang. Please."
Hindi ko alam pero parang nagkukusa ang katawan ko kahit na hindi koi to pinahihintulutan. Bigla na lang ito lumabas sa bibig ko ng hindi ko sinasadya.
Nang maramdaman kong hindi na siya pumiglas ay napapikit nalang ako at pinagpatuloy lang ang pagyakap sa kanya.
'Ano bang nangyayari sa akin? Ang plano ko, gagantihan ko siya sa pagpapahiya niya sa akin pero bakit ganito ang ginagawa ko? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kasama pa ba 'to sa plano ko o sariling kagustuhan ko na 'to? Pero bakit? Imposibleng magkagusto ako sa babaeng mas malakas pa sa akin. Naguguluhan na ako sa sarili ko. Umaayos ka nga, Kris Jeric Oxford.'
*Knock Knock
Napadilat nalang ako bigla ng marinig ko ang katok mula sa pinto.
~*Yumi POV*~
"Yumi? Kris?" Pagkarinig ko noon, dali dali kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at bumangon sa pagkakapatong ko sa kanya."Anong nangyayari dyan?" Tanong ni Mama mula sa labas ng kwarto.
Tinignan ko si Jeric na nakatulala at hindi pa rin bumabangon sa pagkakahiga niya sa kama ko kaya't hinawakan ko ang braso niya at hinigit ng buong lakas dahilan para tumalsik siya paalis ng kama ko.
"Aray ko." Daing niya sabay tingin ng masama sa akin pero binabayaan ko lang yun at hinanap ang bra ko na kanina naming pinag aagawan. Nang makita ko ito, itinago ulit sa ilalim ng unan ko.
"Anong ingay yan?" Inis na tanong ni Mama. "Buksan niyo nga ang pinto!" Utos pa ni Mama.
"Sandali lang po Eomma!" Sigaw ko. "Buksan mo na yung pinto." Mahinang utos ko kay Jeric. Magrereklamo pa sana siya pero pinandilantan ko siya ng mata kaya nakangusong niyang sinunod ang utos ko.
Pagbukas niya ng pinto, tumambad sa amin si Mama na galit ang mukha.
"Bakit ang tag---, anak ng?" Gulat na tanong ni Mama nang makita niya ang itsura ng kwarto ko. "Anong nangyari dito? Bakit ang gulo?" Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.
'Paano ba ito?'
Pumasok si Mama sa kwarto ko at punulot ang unan sa gilid ng kama ko. Bigla nalang siyang napaupo sa kama ko na parang nanghina.
"Umma, calm down." Sabi ni Jeric tsaka inalalayan si Mama umupo tsaka siya umupo sa monobloc sa kwarto ko. "Mali po ang iniisip mo. Namisplaced po kasi ni Yumi yung notebook niya sa Music and Arts namin. Hinahanap lang po namin yun kasi kailangan po yun for presentation bukas. Kaya po nag away kami. Siya lang po kasi ang may copy kasi nakatulog ako habang nagdidiscuss si Sir Avanzado. Sorry po." Sabay kamot pa niya sa ulo niya na parang nahihiya.
'Wow akala mo talaga totoo yung sinabi niya. Ang galing niya talaga umakting. Kaya naloko niya ako at nagpanggap na Ken ang pangalan.'
"Nakita niyo na ba?" Tanong ni Mama.
"Opo." Sabi ni Jeric sabay pakita ng isang notebook.
'Hindi naman yun ang notebook ko sa Music and Arts. Ang galing niya talaga. Pang best actor.'
"Hay naku yun lang pala, kaliit liit na bagay pinag aawayan, paano pa kaya kung malaking bagay na yan? Maghihiwalay na kayo agad? Ganyan ba ang pagmamahalan sa kabataan ngayon?" Hindi na kami nakasagot sa sermon ni Mama at nakikinig na lang. "Alam niyo, noong panahong magkasintahan pa lang kami ni Miguel, isa lang ang tanging pinag awayan namin, yun ay ang pag iibang bansa ko." Bumuntong hininga muna si Mama.
"Dahil mahirap lang ang pamilya ko, kaya kailangan kong magtrabaho sa ibang bansa pero ayaw yun ni Miguel, syempre noong panahong yun mahirap pa ang komunikasyon hindi katulad ngayon. Gusto ni Miguel na siya nalang daw ang bahala sa pamilya ko, huwag lang daw ako umalis dahil may kaya ang pamilya ng Papa mo." Tumingin si Mama sa akin.
"Pero alam ko noong panahong iyon, magkaaway ang Papa at Lolo mo dahil magkasintahan kami ng Papa mo at ayaw yun ng Lolo mo. May ipinagkasundo na rin sa Papa mo na babae pero tinanggihan ng Papa mo para sa akin kaya pinalayas siya sa bahay nila. Kaya mas lalo akong nagpursige na umalis ng Pilipinas para makabalik na ang Papa mo sa pamilya niya. Sabi pa ni Miguel kung aalis ako, maghihiwalay na kami pero hindi niya ako napigilan dahil mas kailangan ako ng pamilya ko noon kaya umalis ako at ayokong mahirapan ang siya dahil hindi naman siya sanay sa buhay mahirap. Kaya ayun umalis ako ng bansa at tuluyan na nga kaming naghiwalay." Pagkukwento ni Mama.
Sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman ang kwentong ito nila ni Papa. May masakit din palang pangyayari sa buhay nila.
"Noong panahong nasa ibang bansa ako, nalaman kong pinabalik na nga ng Lolo mo ang Papa mo sa bahay nila at magkasintahan na din sila ng babaeng gusto para sa kanya ng Lolo mo. Alam mo bang bestfriend ng Papa mo ang babaeng yun." Nakangiting sabi ni Mama.
'May naging Girl Bestfriend pala si Papa.'
"Si Christelle ang nagkukwento sa akin noon sa pamamagitan ng mga sulat. Hindi madali ang naranasan ko doon lalo na at namiss ko ang pamilya ko at syempre ang Papa mo. Kaya ang laking pasasalamat ko talaga sa bestfriend ko na yun at sa pamilya ko na nakatapos ako ng kolehiyo bago pumunta ng ibang bansa kaya magandang trabaho ang nakuha ko."
"Kung ganon, paano pa kayo nagkatuluyan ni Papa?" Tanong ni Jeric.
'Oo nga, Paano?'
"Paano nga ba?" Natatawang tanong din ni Mama. "Hmm, dalawang taon din akong nagtrabaho sa ibang bansa bago umuwi dito sa Pilipinas. Nakapagpatayo na akong ng bahay para sa pamilya ko, may maliit na rin na negosyo at napagtapos ng pag aaral ang Tita Maggie mo." Nakangiti parin habang nagkukwento si Mama. "Pero nagulat nalang ako pagkauwi ko sa bansa, andoon na ang Papa mo sa bahay at inaaya akong makipagtanan. Noong una ayaw ko pang pumayag pero sina Lolo at Lola mo na ang pumilit sa akin. Gusto daw kasi nilang lumigaya din ako kaya ayun sumama naman ako sa Papa mo dahil mahal na mahal ko parin siya noon kahit lumipas na ang dalawang taon at ganoon din naman siya sa akin." Pagtatapos ni Mama ng kwento.
"Wow." Yun nalang ang lumabas sa bibig ko. Sobrang namangha ako sa lovestory nila Mama.
"Ang ganda naman non, Umma." Wika ni Jeric. "Ipinapangako ko po, hinding hindi na kami mag aaway ni Yumi sa maliliit na bagay." Tinaas pa niya ang kanyang kanang kamay na parang nanunumpa.
"Mabuti naman kung ganoon at mabuti na rin at ako lang ang nakarinig sa ingay niyo dahil kung pati si Miguel, nako, baka ngayon tuluyan na kayong naghiwalay. Pero huwag kayong mag alala, sa ating tatlo lang ito." Pangako ni Mama.
"Thank you po. Umma." Sabay na sagot namin ni Jeric.
"Oh siya ayusin na muna natin itong kwarto niyo." Inayos nga naming tatlo ang kwarto ko, tsaka bumama. Sinalubong naman kami ni Papa.
"Ang tagal niyo namang dalawa. Kanina pa nag aantay si Eduardo dito." Wika ni Papa.
"Hinanap pa kasi nila yung notebook ni Yumi para daw sa presentation nila bukas. Tsaka pinabihis ko muna sila ng damit." Pagtatakip sa amin ni Mama.
"Ahh ganoon ba, mabuti naman at nag aaral kayo ng mabuti." Sabi ni Papa.
'Nakokonsensya tuloy ako. Hindi naman kasi totoo na may presentation kami bukas ee.'
"Oh sige na, alas otso na rin, baka hanapin na kayo sa bahay niyo." pakikipag usap ni Papa kina Mang Eddie at Jeric. Hinatid namin sila sa labas ng bahay.
"Maraming salamat po sa masarap na hapunan." Sabi ni Mang Eddie kay Mama.
"Ano ka ba Eddie, po ka pa ng po, mga magkaka edad lang naman tayo." Tatawang sabi ni Mama. "Tsaka ayos lang yun, naging masaya naman ang hapunan namin lalo na si Mister dahil may kakwentuhan." Sabay tingin pa ni Mama kay Papa at binalik ang tingin kay Mang Eddie tsaka nag ngitian.
"Sige po Umma, Papa, alis na po kami, paki sabi nalang po kay Shaun, maglalaro nalang po kami next time. Salamat po." Pagpapasalamat naman ni Jeric. Ngumiti lang sina Mama at Papa. "Ikaw naman." Sabay tingin niya sa akin. "Susunduin nalang kita bukas."
*KINABUKASAN*
"Besty! Besty! Gising!" Naramdaman kong may nang aalog sa akin pero kahit na hindi ko buksan ang mata ko, alam kong si Tiffany yun.
"Bakit ba?" Walang ganang tanong ko.
"Bumangon ka na kasi. Mag aalauna na. Hindi na ito oras ng tulog." Sabay higit pa niya ng kamay ko para bumangon.
"Bakit ba? Hayaan mo muna akong matulog sabado ngayon ee." Sabi ko nakapikit parin.
"Yun na nga ee, sabado ngayon. Don't tell me nakalimutan mo?" Nakapamewang niyang tanong. "Diba may welcome party si Kyle."
"Ano namang kinalaman ko doon?" Tanong ko habang pilit na binubuksan ang mga mata ko.
"Huwag mo akong ineechos Besty ahh, nagchat sa'kin kagabi si Prince Jeric mo na pumayag ka na daw na sumama ngayon, kaya bumangon ka na dyan at magready na ng gagamitin mo." Sabay higit pa niya ng braso ko at pilit na pinaupo ako. "Subukan mo lang bumalik sa pagtulog, nako nako nako." Panggigigil ni Besty.
Hindi na ako humiga ulit at pinilit na imulat ang aking mga mata.
"Asan na ba ang iba mong mga damit, yung pang party." Paghahalungkat niya ng gamit ko. "Hoy! Anong oras ka na naman ba natulog kagabi ahh?" Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko rin alam kung anong oras na ako natulog kagabi, basta ang alam ko madaling araw na yun, kakaisip ng nangyari kagabi. "Besty, pansinin mo naman ako." Pagmamakaawa niya.
"Ayoko nga kasing pumunta. Magmamarathon nalang ako ng videos ng Girls' Generation sa Youtube." Pagdadahilan ko sa kanya.
"Gusto ko rin yan Besty, pero minsan lang naman magkaroon ng welcome party. At isa pa, pumayag ka na nasasama ka ngayon di ba. Susunduin tayo ni Prince Jeric mamaya. Kaya kumilos-kilos ka na dyan." Wala na akong nagawa dahil hinigit na niya ako patayo at pinagtulakan papuntang banyo. "Maligo ka na dyan, hindi matulog!" Sigaw ni Besty mula sa labas ng banyo.
Naligo na nga ako at pagkalabas ko ng banyo ay may mga nakalatag na damit sa kama ko.
"Wala akong makitang matinong damit na pangparty sa mga drawer mo. Pero ito nalang, nakita ko 'to sa cabinet mo." Sabay taas pa niya ng isang maong na short, off-shoulders na black at checkered na longsleeves.
"Kaya nga nasa cabinet ee, kasi tinatago ko yun. Ayoko suotin yung mga damit dyan." Pagrereklamo ko. "Isa pa, ang ikli niyan oh." Turo ko pa sa maong na short.
"So anong gusto mo mag ala Maria Clara sa isang Pool Party, ganon." Nakapameywang pa niyang wika. "Ngayon susuotin mo yan, sa ayaw o gusto mo." Pag uutos pa niya sa akin.
"Ayoko nga sabi ee." Pag iinarte ko.
"Sige, ayaw mo. Edi ipopost ko nalang yung picture niyo ni Prince Jeric sa FB page niyo." Sabay kuha niya ng cellphone niya.
"Anong picture yang pinagsasabi mo?" Pagtataka ko.
"Ito oh." Sabay harap niya ng cellphone niya.
Tumambad sa akin ang litrato namin ni Jeric na katulad ng DP sa FB page ngunit ibang anggulo naman ito.
"Don't tell me ikaw ang gumawa ng FB Page na yun?!"Inis na tanong sa kanya.
"Hindi ahh, new admin lang ako doon pero hindi ako yung creator." Pagdedepensa niya.
"Kung hindi ikaw, sino?"
"Secret. Suotin mo muna yan." Sabay pa ang mapang asar na ngiti. "Dali." Wala akong nagawa at sinuot ko nalang iyon. "Oh di ba sabi ko na ee. Ang galing ko talaga."
"Heh. So sabihin mo na sakin kung sino."
"Ayoko nga. Hindi pwede ee." Sabi niya sabay takbo.
"Loka loka ka talaga." At hinabol ko siya at pinaghahampas.
"Yumi." Napatigil kami ni Besty sa paghaharutan. "Anak ng. Bakit ang gulo na naman dito?" Tanong ni Mama pagpasok niya ng kwarto ko.
"Na naman, TiNang?" Pagtataka ni Besty.
"Ahh yun ba? Kagabi kasi magulo din itong kwarto, ito kasing si Yumi at Kris ee." Narinig ko namang biglang natawa si Besty.
"Uy, uy, uy, alam ko yang iniisip mo ahh. At sinasabi ko sa iyo mali yan." Pangunguna ko sa kanya.
"Bakit? Hindi wala naman akong iniisip ah. Haha."
"Ewan ko sayo."
"Mabuti pang bumaba na kayong dalawa, andyan na ang sundo niyo." Wika ni Mama.
"Sige po, magpapalit lang ako ng damit." Tsaka ako pumunta sa kama at naghanap sa mga damit doon na kinalat ni Besty.
"Bakit magpapalit ka pa ng damit, mabuti nga yan at nagagamit mo na yung damit na binili ko para sa iyo. Ang tagal ko nang gusto makitang suot mo yan." Masayang wika ni Mama.
"Oh di ba, sabi ko sa'yo maganda ee. Galing ko di ba." Pagmamalaki ni Besty. "Kaya bumaba na tayo at puntahan na ang boyfriend mo. Tara na." Tsaka ako pilit na hinala ni Besty pababa.
"Sandali, sandali lang. Liligpitin ko muna yung kinalat mo."
"Hindi na, ako ng bahala dito at baka malate pa kayo sa pupuntahan niyo." Pigil ni Mama sa akin.
Walang ano anu'y hinigit na niya ako ng tuluyan. Pagkababa namin, andoon na nga si Jeric at kalaro si Shaun.
"Tagal mo tol, kanina ka pa inaantay ni bayaw oh." Inis na sabi sa'kin ni Kuya Jun habang nanonood ng Tv at kumakain ng Piattos.
"Okay lang yun bayaw. Worth to wait naman yang utol mo ee." Nagtawanan naman sila. Pinaghahampas naman ako ni Besty dahil sa Kilig.
"Ewan ko sa'yo. Tara na nga, dami mo pang sinasabi." Agad naman akong lumakad palabas ng bahay. Narinig ko pang nagpaalam siya kay Kuya at Shaun. Ilang sandali lang ay sumunod silang dalawa.
"Hindi ka man lang nagpaalam kina bayaw." Sabi niya pagkalabas nila. Hindi ko siya sinagot at sasakay nalang sana sa kotse ng tinulak ko ng bahagya ni Besty.
"Dyan ka nalang sa unahan, ako na dito sa likod." Tsaka siya pumasok at nilock ang pinto sa likod. Kaya no choice ako at sa unahan na ako pumasok.
Agad naming binuksan ni Jeric ang pinto ng driver's seat at pumasok dito.
"Anong ginagawa mo dyan? Asan si Mang Eddie?" Tanong ko.
"Hinatid si Daddy sa airport kaya ako ang magmamaneho." At binuhay na ang sasakyan.
Napatingin naman ako sa back seat kung nasaan ni Besty. Agad siyang iwas ng tingin at kunyari nagtuturo sa labas ng kotse.
'Kaya pala niya ako pinasakay sa unahan. Tsk'
May isang oras din ang biyahe bago namin marating ang isang exclusive subdivision at tumigil sa isang malaking bahay.
Agad namang bumaba si Jeric at pinagbuksan kami ni Besty ng pinto.
"Wow, yayamanin." Manghang usal ni Besty.
"Tara pasok na tayo." Aya ni Jeric at naglakad na.
Maglalakad na sana ako ng pigilan ako ni Besty. Napatigil din sa Jeric ng mapansin niyang hindi kami sumunod.
"Bakit?" Tanong ni Jeric.
"Ahh wala naman, magpapapicture lang sana ako." At inilabas niya ang cellphone niya.
'Talaga naman itong Besty ko. Hay'
"Sige mauna ka na, susunod nalang kami ni Besty." Sabi ko kay Jeric. Tumungo na lang siya at naglakad na.
~*Jeric POV*~
Pagkapasok ko sa loob, agad akong sinalubong ni Kyle.
"Bespren, mabuti naman at sumunod ka sa pustahan natin." Sabay abot niya ng inumin.
"Bakit naman hindi. Happy Birthday Bespren." Nakangiti kong inabot ang regalo ko sa kanya.
Iniwan muna ako ni Bespren para salubungin ang iba pang dumarating. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa mga lumalangoy sa pool nang may kumalabit sa likod ko kaya naman napatingin ako doon.
*TSUP*
Nakaramdam nalang ako ng halik sa pisngi ko.
"Hi Kris." Masiglang bati niya tsaka pinulupot yung braso niya sa bewang ko. "I miss you." Mas lalo pang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
'Ito na nga ang sinasabi ko ee. Kaya ayokong pumunta dito.'
'Yumi nasan kana? Ipagtanggol mo ko.'
~~~~~~~~
Please don't forget to vote, comment and follow.
For more info about me and the story, you can visit my social media account.
~Facebook Account : Maria Teresa Flor Matula
https://www.facebook.com/IamBlaCkPrincesS17
~Instagram : akosiblackprincess
https://www.instagram.com/akosiblackprincess/
~Twitter: Maria Teresa Flor Matula
https://twitter.com/teresa_matula18
THANK YOU!
~IamBlaCkPrincesS17
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro