Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~*Chapter 11: Unang Beses*~

~*Chapter 11: Unang Beses*~



~*Tiffany POV*~



"Si Terence Olivarez." Sabi ko kay Yumi. Napanganga lang siya sandali tapos balik ulit sa normal ang mukha niya. "Ikaw Besty, wala ka talagang kaalam alam sa paligid mo."


"Wala naman kasi akong pakialam sa kanila." Pagdedepensa niya.


"Pero sa tingin mo ba mananalo tayo? Mga players talaga yan." Turo ko pa ng makita ko sina Terence na nagdi dribble ng bola sa kabilang court.


"Hindi ko alam pero kailangan. Nakasalalay yung grades natin dito." Sabi niya ng nakatingin kay Prince Jeric na nagshoo-shooting.


Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend niya si Prince Jeric. Parang ang bilis kasi ng mga nangyari.


Niligtas ni Prince Jeric si Besty sa mangingidnap sa kanya. Ang hindi inaasahang pagkikita nila sa MOA at pareho pang magsuot ng Couple Shirt. Nagkataon ding naging magkaklase sila at ngayon mag boyfriend-girlfriend na sila.


Naiinggit ako kay Besty, hindi dahil sa may crush ako 'dati', dati lang kay Prince Jeric, kundi naiinggit ako dahil natagpuan na niya ang Real Life Prince Charming niya, ee ako, wala. Pati ang My Precious First Kiss ko nawala nalang din parang bula. Malaman ko lang kung sino yung lalaking nagnakaw noon, malalagot talaga siya sa akin.


"Oy Besty. Besty." Kalabit pa niya sa akin dahilan upang natauhan nalang ako bigla. "Kanina pa kita tinatanong. Hindi mo ba ako naririnig? Masama ba pakiramdam mo?" Hawak pa niya sa noo ko. Nakita ko ang pag aalala ni Yumi.


"Ayos lang ako. Ano na nga bang tinatanong mo?" Tanong ko nalang pabalik para hindi na siya mag alala.



"Pinapatanong kasi ni Honeylet kung sasali ka ba daw sa Basketball para sa girls kaso hindi ka sumasagot, kaya ayun lumayas nasiya?"


"Ako lang, ee ikaw, naglalaro ka ng Basketball diba?" Tanong ko din sa kanya.


"Oo nga pero hindi naman ako magaling." Napabuntong hininga nalang kami ni Yumi.


Ilang sandali lang nagsimula na ang friendly game. Kaya katabi na namin si Bay Geoffrey. Section namin laban sa III-Argon. Ang mga players ng section namin ay sina Prince Jeric, Prince Kyle, Dexter na Vice President namin, Arlan na pinanglalaban ng klase sa talent show sa school at mabuti nalang dahil may isa ring player ng basketball na kaklase namin, si Aldrin.


Magaling ang kalaban ng section namin kahit na lower year sila sa amin. Habang nanonood, ngayon ko lang napagtanto na magaling din palang maglaro si Prince Jeric lalo na si Prince Kyle ng basketball, kaya kami ang lamang simula 1st quarter hanggang matapos at nanalo. Dalawang quarter lang ang naging laban tutal friendly game lang naman.


Matapos ang laban nagsipunta na ang mga naglaro sa washroom para magpalit ng damit. Nag ayos naman ang susunod na maglalaro na sina Terence.


Ang ibang students naman nagsialisan na dahil may mga susunod na klase pa, pero may mga nagsidatingan ding ibang estudyante para makinood at sumuporta kay Terence na may mga bitbit pang mga posters. Syempre dahil sikat din talaga si Prince Terence.


Lumapit sa amin si Jeric. "Asan si Kyle?" Tanong si Bay.


"Pumunta sa locker room, naiwan niya daw yung pamalit niya. Ayun binalikan pa niya." Sagot naman ni Prince Jeric at bumaling kay Besty. "Yung pamalit ko?" Tanong din ni Prince Jeric. Agad namang kinuha ni Besty ang bag niya at hinanap ang damit roon.


Nagkatinginan sina Besty at Prince Jeric nang iabot ni Besty ang isang damit at bottled water kay Prince Jeric. Bigla akong nakaramdam ng selos na may kahalong kilig habang tinitignan silang dalawa.


Kagabi inis na inis pa si Besty noong tumawag si Prince Jeric sa kanya dahil nagpapadala daw ng bola ng basketball at nang kung anu ano pa. Ayaw pa nga niyang sundin pero ito siya't sinunod pa rin niya.


Ngayong pinagmamasdan ko sila, masasabi kong kailangan ko na talagang magmove on kay Prince Jeric. Gusto kong sumaya rin si Besty.


"Tara na Bay, Besty." Aya sa amin ni Besty nang makaalis na si Prince Jeric papuntang washroom.


"Hindi ba na natin papanoorin yung ibang game?" Tanong ni Bay kay Besty.


"Gusto niyo ba?" Tanong niya din sa amin. Tumungo naman si Bay.


"Sana, tutal last subject na rin naman natin ito." Sagot ko sa kanya. Nag isip siya saglit at nang magsasalita na sana siya ay bigla naman akong nakaramdam na nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito na nakalagay bulsa ng jogging pants ko. Pagtingin ko, may nagtext.



FROM: Captain Jaylyn
Good Afternoon Cheerers. We will having our meeting today at 5:00 pm in Quadrangle with the new members of our cheering squad. Attendance is a Must. A great Cheerleader is not lazy, laziness makes you weak. So please cooperate. Thank you.



Tinignan ko ang oras sa phone ko. 4:36 pm. Ibig sabihin halos kalahating oras nalang.


"Sinong nagtext?" Tanong ni Besty.


"Si Captain, may meeting daw kami ngayon." Makabusangot kong sagot.


"Oh bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba gusto mo nga yan." Pagtataka niya.


"Syempre gusto ko, pero ibig sabihin nun, simula ngayon hindi na tayo sabay na uuwi. Mamimiss kita Besty." Paglalambing ko at niyakap siya. Natatawa nalang si Bay sa amin ni Besty.


Natatawa niyang tinanggal ang pagkakayakap ko siya kanya. "Ang OA mo Besty, pero pasensya ka na dahil hindi kita mamimiss. Bleh." Dumila pa siya para pang aasar.


"Oh baka kaya ka malungkot dahil hindi ka makakalibre sa pamasahe. Nako Bay." Dugtong pa ng pang aasar ni Bay.


"Grabe talaga kayo sa'kin." At nagtawanan nalang kaming tatlo.


Napagdesisyunan naming manood nalang saglit ng game nila Prince Terence habang inaantay namin si Prince Jeric na magpalit ng damit.


Wala paring kupas ang galing ni Terence sa pagbabasketball. Ang daming beses ko na siyang nakapanood maglaro hindi dahil gusto ko kundi dahil required ang cheering squad na manood ng mga laban nila, to support them especially tuwing ibang schools ang kalaban.


Nang makabalik na si Prince Jeric, kasama na niya ding bumalik si Prince Kyle sa kinaroroonan namin kaya kinikilig na naman itong si Bay.


Agad naman din kaming tumayo nila Besty at inayos ang aming mga gamit. Habang naglalakad palabas ng gymnasium patuloy parin akong nanonood ng laban nila Terence. As usual mukhang sila na ang mananalo dahil tinambakan lang naman nila ang kalaban nila ng 31 points.


Sinamahan na ako nila Besty patungong Quadrangle kaya biglang umingay ng makita ng mga estudyante sina Prince Jeric at Prince Kyle at Bay. Bago pa sila dumugin ay pinagtulakan ko na sila para umalis.



'Hay ang hirap ng may mga kaibigang gwapo.'


"It's already 5:18 pm, hayaan na natin yung mga late mas papahirapan natin yung training nila. So let's start. It's been a while ng hindi tayo nagkita-kita. So kumusta ang mga buhay buhay natin? I hope naging okay kayo dahil magsisimula na ang paghihirap niyo sa training." Panimula ni Captain Jaylyn. "First, for those who don't know me yet, let me introduce myself, I am Jaylyn De Ocampo and I am your Captain since last year." Pagpapakilala niya. "Second, I don't want to hear complaints that mahirap ang pinapagawa ko dahil from the start, I've already told you to prepare yourself not just your mind but also your body. Now, it's your turn to introduce yourselves."


Pinakinggan ko lang sila na isa-isang nagpapakilala. Hanggang sa akin na siyang muli. Ngumiti ako nagsimula na ng magpakilala.


"Hello, I'm Christine Stephanie Santos, but you can call me Tiffany sa mga hindi pa nakakakilala sa akin and I'm from IV-Grahambell. Dati pa akong member ng cheering squad sa payat kong ito kaya alam kong kakayanin niyo din ang hirap ng training. Goodluck." Sabi ko habang nakatingin sa mga bagong miyembro.


Ilang sandali lang may narinig kaming sumigaw na lalaki sa likuran ko."I'm sorry, I'm late." Kaya napatingin kaming lahat. Nang makita ko ang mukha niya nasabi kong kilala ko ito.


"Bakit ngayon ka lang?" Mataray na tanong ni Captain sa kararating lang na lalaki.


"Ang taray naman nito. Sorry na, katatapos lang ng laban namin sa gym ee." Paliwanag niya na hinihingal pa dahil mukhang tumakbo pa siya para makarating dito.


"Ewan ko sa iyo, nagpumilit ka pa kasing sumali, sige na magpakikila ka na." Utos ni Captain.


'Magkakilala siguro sila kasi ganyan sila mag usap.'


"I'm John Daniel Montes from IV-Franklin, a basketball player and now part of cheering squad." Napansin kong kinikilig ang mga nasa harap kong freshmen dahil sa lalaking ito.


Pagkangiti niya saktong nagtama ang mata namin. Nginitian ko nalang din siya pabalik at itinuon na ang paningin kay Captain.



~~~~~~~



~*Yumi POV*~

Tatlo nalang kaming natira ngayon sa sasakyan ni Jeric. Ako, siya at si Mang Eddie. Nagpababa kasi Kyle sa Mall para bumili ng mga kailangan sa welcome party niya bukas at si Bay naman, ayun sumama kay Kyle, sabay nalang daw sila kasi may bibilhin din daw.


'Palusot ni Bay ee. Haha'


"I need you to join me tomorrow." Pambabasag ni Jeric katahimikan na kanina pa namamayani mula ng bumaba sina Kyle at Bay.


"Saan naman?" Mahina kong tanong para hindi magising si Mang Eddie.


"Sa welcome party ni Best friend." Sabi niya habang nagmamaneho.

"Ayoko." Deretsong sagot ko.

Napatingin siya sa akin bago sumagot. "Bakit naman?"

"Diba ayaw mo ring namang pumunta doon, sabi ni Kyle. Bakit nagpupumilit ka ngayon?" Inis kong tanong.


"Ayoko parin naman, pero kailangan." Sabi niya dabay binagalan ang pagmamaneho. "I need you to be there."


"At bakit naman? Para may mautusan ka. Huwag nalang." Mataray kong sagot.


Binaliwala ko nalang ang mga sumunod niyang sinabi dahil kahit anong mangyari hindi pa rin niya ako mapipilit.


Nang makarating kami sa bahay, nakaabang na si Mama sa labas na parang hinihintay akong makauwi o hinihintay si Jeric.


"Good evening po Eomma." Sabay mano pa niya ng makababa kami sa sasakyan. Hinalikan ko naman si Mama sa pisngi at nagmano din.


"Mabuti naman at naabutan kita ngayon Kris." Tuwang tuwang sabi ni Mama.


"Sorry po Eomma, pinapauwi kasi ako agad nung isa dya--, este ni Daddy ee." Sabi niya na nakatingin sa akin.


"Ganon, ngayon ba? Malapit na akong matapos sa pagluluto ng hapunan. Dito ka muna kumain tutal sabado naman bukas, wala kayong pasok." Nakangiting alok ni Mama.


Napatingin naman si Jeric sa akin na parang inaantay ang magiging sagot ko. Tinunguan ko nalang siya bilang pagsang ayon. Baka kasi damdamin ni Mama kapag hindi tinanggap ni Jeric ang alok niya.


"Sige po Eomma. Matatanggihan ko ba kayo." Ngiti pa niya kay Mama.


"Mabuti naman." Masayang wika ni Mama tsaka nagpalinganga na parang may hinahanap. "Si Panyang pala nasaan?" Tanong ni Mama.


"May meeting po sa cheering kaya naiwan pa po sa school." Sagot ko naman.


"Magsisimula na ang practice niya? Nako mag aalala na naman si Christy nito." Nag aalala din siya para sa bestfriend niya. "Oh siya, gisingin niyo na rin si Mang Eddie para makakain na din tsaka kayo sumunod sa loob." Tsaka tumalikod si Mama at nagtungo na sa loob ng bahay.


Nakilala na rin ng pamilya ko maliban kay Kuya Jun si Mang Eddie, dahil siya ang laging kasama ni Jeric sa pagsundo sa akin. Inayos muna ni Jeric ang pagkakaparada ng sasakyan niya bago namin ginising si Mang Eddie na natutulog sa backseat.


Pagpasok namin sa loob, nakahain na si Mama at nasa hapagkainan na rin sina Papa at Shaun.


"Good evening po." Bati ni Jeric sa kanila.


"Hyung!" Tuwang tuwang sinalubong ni Shaun si Kris nang makita niya ito. "Dito ka ba kakain?" Masiglang tanong ni Shaun.


"Yeah, gusto mo ba yun?" Sabay buhat pa niya kay Shaun.


"Syempre naman Hyung, gustong gusto." Masaya silang lumakad papuntang lamesa, habang nasa likod ako, inaalalayan ko baka mahulog si Shaun. Nasa likuran ko rin si Mang Eddie.


"Magandang gabi. Pasensya na at makikikain pa ako sa inyo." Sabi ni Mang Eddie bago umupo.


Ito ang unang beses na makakasama namin si Mang Eddie sa hapunan kaya nahihiya pa siya.


"Ayos lang yun, pasasalamat din namin ito dahil laging ligtas na paghatid-sundo sa anak ko at isa pa, mas maraming kasama sa hapagkainan mas masaya." Sagot naman ni Papa at binaling ang mata kay Mama. "Asan na pala si Jun?"


"Sa kwarto niya, busog pa daw siya at pagod sa biyahe kaya ayun, matutulog na daw siya." Sagot ni Mama. "Magsiupo na kayo at magsikain na tayo."


Nagsisukad na kami. Habang kumakain panay ang pag uusap nila Papa at Mang Eddie hanggang sa matapos kumain at tumambay na sa sala, hindi pa rin sila nawawalan ng pag uusapan. Sumali na rin si Mama sa usapan nila.


Napansin ko namang hindi mapakali ang katabi kong si Jeric sa kinauupuan niya kaya kinalabit ko siya.


"Problema mo? Bakit hindi ka mapakali?" Tanong ko sa kanya.


"Ano kasi ee, ahm." Paligoy ligoy niya. Parang hindi niya alam kung sasabihin ba niya o hindi.


"Ano nga kasi?"


"Pinapatawag ako ni Kuya sa Confession Room, ang dami ko kasing nakain." Sa una nagulat ako sa sinabi niya, pero narealize ko kung ano ang ibig sabihin nun. Kaya napagdesisyunan kong asarin siya.


"May kuya ka pala."


Napabuga nalang siya ng hangin na para bang suko na tsaka napakamot sa ulo.


Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko tsaka bumulong.


"Najejebs ako." Nahihiyang sabi niya.


Kahit na alam ko na kanina na ang gusto niyang sabihin ay hindi ko pa rin maiwasan ang matawa.


"Kung anu-ano pang sinasabi mo. May paConfession-confession room ka pang nalalaman." Pabulong kong pang aasar. "Alam mo naman kung saan ang banyo namin bakit hindi ka pa pumunta doon." Pagtataka ko.


"Pumunta na ako kaso kapapasok lang ni Shaun." Sabay hawak pa niya sa tiyan niya na parang masakit.


'Nako mahirap 'to. Matagal pa naman talaga gumamit ng banyo si Shaun. No choice na ako.'


"Ah Pa, Ma, pupunta lang po kami ni Jeric este ni Kris kwarto." Pagpapaalam ko. Agad namang nagsilakihan ang mga mata nila sa narinig nila.


'Anong problema?'


"Hoy, magnobyo at nobya palang kayo, bakit kayo nagmamadali?" Nagulat nalang din ako sa sinagot ni Mama at nagkatinginan kami ni Jeric.


"Hahaha mali po ang iniisip niyo, wala pa po sa isip namin yan." Mabilis na pagdepensa ni Jeric na may kasamang pilit na tawa.


"Anong gagawin ng isang magkasintahan sa kwarto ng silang dalawa lang, magtititigan?" Medyo pagalit na sabi ni Papa.


"Hindi po kasi, ano po, ahm,.." Hindi alam ni Jeric kung ano ang sasabihin.


"Bakit hindi mo masabi?" Tanong ni Mama.


"Nako pinayagan kong maging magkarelasyon kayo, hindi yung mga bagay na dapat hindi niyo ginagawa." Sabi ulit ni Papa.


Minsan hindi ko alam kong ako ba ang anak nila o si Besty. Hay nagiging overacting na naman sila.


"Ma, Pa, natatae po si Kris." Deretsang kong tugon. Napatigil silang dalawa sandali, pati na rin si Mang Eddie.


Nang tumingin ako kay Jeric hindi maipinta ang mukha niya. Parang hiyang hiya siya at parang gusto niyang sabihin na 'Bakit mo sinabi yun?'


"Bakit hindi mo pa sinabi kanina?" Sabi ni Papa habang nagpipigil ng tawa. Hindi naman sumagot si Jeric sa hiya.


"May tao ba sa banyo sa may kusina?" Tanong naman ni Mama na napipigil din ng tawa.


"Si Shaun po." Sagot ko dahil hindi nagsasalita si Jeric.


"Nako matagal pa yun." Sabi nalang ni Mama.


"Kaya nga doon ko nalang siya sa kwarto ko pagbabanyuhin. Sige na Ma, Pa, mamaya hindi na ito makapagpigil, bahala kayo baka dito pa yan maglabas ng masamang hangin." Sabi ko habang ako naman ang nagpipigil ng tawa.


"Sige na, sige na. Umakyat na kayo. Para umayos na ang pakiramdam ni Kris." Sabi ni Mama kaya tuluyan na kaming umakyat.

Tatlo ang banyo sa bahay namin. Isa sa kusina, na siyang pinakamalaki, isa sa master's bedroom na ginagamit nila Mama at Papa, at ang huli ay yung sa akin, na siyang pinakamaliit. Pinilit lang kasi nila Mama na palagyan ng banyo ang kwarto ko dahil nag iisa akong babae. Para daw walang ibang makakita.


Nakayuko lang siya habang sumusunod sa akin. Siguro nahihiya parin. Pagdating namin sa tapat ng kwarto ko, agad ko naman binuksan ang pinto at pinapasok siya.


"Asan na yung cr mo?" Tanong niya na parang hiyang hiya pa rin.


"Ayun." Turo ko sa banyo.


Dali dali siyang pumasok doon at isinara ang pinto ng banyo. Isinara ko na rin ang pinto ng kwarto ko. Habang inaantay siya, inayos ko nalang ang kwarto ko at kumuha ng pamalit na damit dahil nakauniporme parin ako para paglabas niya ng banyo ako naman ang gagamit nito para makapagpalit na. Kumuha din ako ng malaking Tshirt ko na pwede niyang suotin pamalit.


Ilang sandali lang ay bumukas na rin ang pinto ng banyo at lumabas siya dito. Mukhang naghilamos pa siya dahil basa ang kanyang mukha at buhok.


"Baka may naiwan pang bakas sa inodoro ah." Pang aasar ko sa kanya. Ngumiwi lang siya at nilampasan ako at umupo sa kama ko. "Ano pang gagawin mo dito?" tanong ko.


"Wala naman, I just inspecting my girlfriend's bedroom." Sabi niya na nakangisi pa rin.


"And for what?" Nakapamewang kong tanong.


"Wala lang."


"Kung wala ka nang gagawin ay lumabas ka na." Papasok na sana ako sa banyo pero mag iiwan muna ako ng babala sa kanya. "Dapat paglabas ko ng banyo wala ka na sa kwarto ko, kung hindi, nako." Sabay bato sa kanya ng malaking tshirt na tumama sa mukha niya.


"Para san yun?" Iritang tanong niya.


"Wala lang din." Pang aasar ko.


Kinuha niya ang tshirt na nasa ulo niya. "Ano 'to?" Pagtataka niya.


"Damit, pamalit mo." Napa 'ahh' lang siya sa sinabi ko.


Ilang segundo din niyang inobserbahan yung tshirt at biglang napangiti ng nakakaloko.


"Sa'yo ba 'to?" Tanong niya. Tumungo nalang ako bilang tugon. "Hindi ka pa ba papasok?" Nagtaka naman ako sa tanong niya. "Inaantay mo pa ata ako."


Agad niyang tinanggal isa-isa sa pagkakabutones ang polo niya. Napalaki ang mata ko. Ngayon ko lang napagtanto kung ano ang sinasabi niya.


Walang anu-ano'y, nagmadali akong pumasok sa banyo at nilock ang pinto.


"Siraulong yun, sa harap ko pa maghuhubad." Bulong ko nalang sa sarili ko.


Pinabayaan ko nalang ang mga tumatakbo sa isip ko at nagsimula ng manibin (half bath).


Nang matapos ako, agad din akong nagbihis at nagtoothbrush. Ilang sandali lang, natapos ko na ang mga ritwal ko kaya napadesisyunan ko nang lumabas ng banyo.


"Siguro naman lumabas na yung siraulong yun." Pakikipag usap ko sa sarili ko pero doon ako nagkamali. Paglabas ko ng banyo, nakita kong nakahiga na siya sa kama ko na parang ready ng matulog dahil nakakumot pa. "Ano pang ginagawa mo dito?" Iritable kong tanong sa kanya.


"Inaantay ka."


Napacrossed arms ako sa sinagot niya. "At bakit naman?"


"Kailangan nga kasi kita bukas." Pangungulit niya.


"Sabi ko nga sa'yo, A-YO-KO di ba." Madiin na sabi ko sa kanya.


"Edi hindi nalang kita yayain. Inuutusan kitang samahan ako bukas. Tutal alalay kita, so susundin mo ang mga orders ko, remember." Nakangising tugon niya.


"Saturday tomorrow di ba? Ang usapan natin, weekdays lang ang application ng pagiging alalay at fake girlfriend ko sa'yo, remember." Panggagaya ko sa kanya.


Ilang saglit pa bago siya bago sumagot. "Ano ba kailangang kong gawin para sumama ka bukas?" Tanong niya.


"Ano din ba kasi ang dahilan, bakit mo ako pinipilit? Noong nakaraan lang ayaw mo din sumama sabi ni Kyle, kaya nga natawag tayong bagay dahil pareho tayong KJ." Umupo muna siya ng maayos bago magsalita ngunit nakakumot pa rin na parang nilalamig.


"Ayaw ko naman talagang sumama, kaso nagpustahan kasi kami ni Bespren kanina. Kung sino sa aming dalawa ang mas maraming puntos sa basketball siya ang masusunod. Kaya ayun, kailangan kong pumunta sa welcome party niya dahil mas marami siyang nashoot." Paliwanag niya.


"Oh ano namang kinalaman ko doon? Bakit ako kailangan doon?" Tanong ko ulit sa kanya.


"Kailangan kita dahil siguradong andoon din yung kapatid niya." Napasalubong nalang bigla ang kilay ko sa sinabi niya.


"Yung Ex mo?" Tanong ko.


Nakita ko ang pagbabago sa mukha niya na tila hindi niya nagustuhan ang narinig niya.


"Saan mo naman nasagap yan?" Tanong niya ngunit hindi ako nakasagot. "Alam ko na, namisunderstood mo ang sinabi ni Bespren last time. For your information lang, hindi ako pumapatol sa kapatid ng mga kaibigan ko dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin kaya mas lalong hindi ko ex girlfriend ang utol ng bestfriend ko." Tapos binigyan niya ako ng Gets-mo-look. Tumungo nalang ako, pero may biglang pumasok na tanong sa isip ko.


"Bakit ayaw mong pumunta nang andoon yung kapatid ni Kyle??" Tanong ko na naman.


"Ayoko sa makulit." Deretsyong sagot niya. "Panay kasi ang habol niya. Sunod ng sunod sa akin." Sabi niya na parang naiinis. Natawa naman ako saglit.


'Yun pala yun.'


"So anu? sasamahan mo na ba ako?" Tanong niya.


"Ayoko pa rin." Napakamot nalang siya sa ulo. Ayaw niya sa makulit, ganoon naman din siya.


Tinalikuran ko siya at pumasok saglit sa banyo. Paglabas ko agad siyang nagsalita.


"Ganito pala ang itsura ng kwarto mo." Nakangiting sabi niya.


"Ano naman sa'yo?" Pagtataray ko tsaka lumapit sa study table ko at umupo sa upuan doon na nakatalikod sa kanya pero nakikita ko parin siya sa repleksyon sa salamin.


"Wala naman, nakakaamaze lang." Narinig ko sabi niya. Hindi ko na siya sinagot sa halip ay kinuha ko ang suklay na nakapatong sa lamesa at ginamit ito. "Oo nga pala, Yumi." Tawag niya kaya napatingin ako sa repleksyon niya sa salamin na nakaupo pa rin sa kama. "Bakit gumagamit ka pa nito? Hindi mo naman ito kailangan." Sabay baba niya ng kumot na kanina pa nakabalot sa kanya.


"F*uck." Yun nalang ang nasambit ko nang makita kong suot suot niya tsaka patakbong lumapit sa kanya. "Amin na yan!" Tumayo siya agad at hinubad ang iyon sabay itinaas niya. Pilit kong inabot ang bagay na yun na pilit din niyang iniiwas.

"Sabihin mo munang sasamahan mo ako bukas?" Natatawang utos niya. Hindi na ako nag isip pa at pumayag na ako. Makuha ko lang ang bagay na yun.


"Oo na. Oo na." Mabilis na pagpayag ko.


"Ano ba yan labas sa ilong. Gusto ko yung sincere." Tawa pa rin niya.


'Ang arte naman.'


"Oo na, gusto kong sumama sa welcome party bukas." Mabagal kong wika.


"Wala ng bawian yan ah. Nairecord ko na." Pakita pa niya ng cellphone niya na may sound recording.


'Hay no choice na talaga.'


"Ok na. Ngayon ibigay mo na sa akin niyan." Inis kong utos sa kanya. Bigla nalang siyang tumakbo palayo.


"Sandali lang, hindi pa tapos. Bakit pilit mo bang kinukuha 'to, wala ka namang panggagamitan nito." Pangaasar niya.


Hinabol ko naman siya. Nagpaikot-ikot lang kami sa kwarto ko.


"Kris Jeric Oxford, sinasabi ko sa'yo ibalik mo sa'kin yan. Binabalaan kita, masasaktan ka talaga." Pananakot ko sa kanya.


"Why? It's true naman. You don't need this stuff, hindi ka naman kasi babae, hind--." Hindi ko siya pinatapos dahil sinugod ko na agad siya habang wala siya sa focus.


Nahabol ko siya sa wakas ng higitin ko ang damit niya at ang kanina pang pinag aagawan naming dalawa dahilan para mapatumba siya sa kama. Ngunit sa gulat niya bago tuluyang tumumba bigla siyang napahawak sa braso ko kaya pati ako ay kasamang bumagsak pero hindi sa kama kundi sa kanya mismo.


Nakapatong ang katawan ko sa kanya habang ang pareho kaming nakahawak sa bagay na yon.


Hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa mga mata niya kahit na nakatitig siya sa akin.


'Ito na naman kami, nasa isang nakakahiyang posisyon.'


Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinigit pabalik sa kanya.


Mas lalo pa akong nagulat ng susunod niyang ginawa, yinakap niya ako ng mahigpit.


"A-Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko at nagpumilit kumawala sa pagkakayakap niya pero hindi niya ako pinakawalan.


"Sandali lang, kahit 1 minute lang. Please." Bulong niya sa tainga ko na may tonong naglalambing.


Dug dug. Dug dug.


Parang nakaramdam ako may kung anong naglalaro sa sikmura ko.


'Hindi ko alam, anong nangyayari sa akin? bakit pinapabayaan ko lang siya na yakapin ako. Mali ito. Hindi ito tama. Hindi ko dapat ito maramdaman kahit na kanino lalo na sa kanya. Ito na ba ang sinasabi nilang KILIG. Gumising ka Yuri Megumi Cortez, hindi ito pwede.'


~~~~~~~~

Please don't forget to vote, comment and follow.

For more info about me and the story you can visit my social media account.

~Facebook Account : Maria Teresa Flor Matula
https://www.facebook.com/IamBlaCkPrincesS17

~Instagram : akosiblackprincess
https://www.instagram.com/akosiblackprincess/

~Twitter: Maria Teresa Flor Matula
https://twitter.com/teresa_matula18

THANK YOU!

~IamBlaCkPrincesS17

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro