Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~*Chapter 10: Slave Girlfriend*~

~*Chapter 10: Slave Girlfriend*~
  
  
  
 
~*Yumi POV*~
  
  
  
  
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Tinotoo niya talaga ang plano niya na sabihin sa pamilya ko na boyfriend ko siya. Kanina nakikita ko pa siyang kinakabahan pero ngayon parang wala nalang sa kanya kung anong nasabi niya. Napalingon ako at tiningnan ang reaksyon ng pamilya ko, mga nagsilakihan din mga mata nila at napanganga tulad ko.
  
  
Ilang sandali lang at napansin kong nagsync in na rin sa kanila ang sinabi ni Jeric. Nagpalipat lipat ang tingin ng kanilang mga mata sa aming dalawa ni Jeric.
  
  
Hindi ko alam ang gagawin ko, nakakatunaw ang mga tigtig nila. Napayuko na lang ako at nag isip kung anong dapat kong gawin. Maya maya pa, napaangat na lang ulit ako ng ulo nang marinig ko si Papa na magsalita.
  
 
"Mabuti naman at nagkaboyfriend ka na Yumi." Nakatinging sabi ni Papa sa akin naikinagulat ko.
 
  
'Hindi galit si Papa?'
  
  
"Confirmed Noona, babae ka. Akala ko pa naman tomboy ka na." Natatawang sabi pa ni Shaun.
  
  
'Pati siya masaya. Parang kanina lang ayaw nila si Jeric kasi hindi nila ito kinakausap.'
  
  
"Kaya pala ayaw mo sa Terence na yun kasi may Kris ka na ah. Ikaw tol, mapagtago ka rin e." Kantyaw pa ni Kuya. "Welcome to the Family Bro." Sabay tayo pa ni Kuya at niyakap si Jeric. Yumakap naman din si Jeric pabalik at nagpasalamat.
  
  
Anong nangyayari? Nakakawindang. Naguguluhan ako. Bakit parang tanggap nila at ang saya nila na may boyfriend na ako. Hindi ba dapat magalit sila dahil naglihim ako.
  
 
Nakanganga lang ako habang pinagmamasdan na masaya pinagkakaguluhan si Jeric ng Pamilya ko.
  
  
 
   
  
Alas diyes na ng gabi nakauwi si Jeric noong sabado dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya ko. Kwento dito, kwento doon. Tanong dito, tanong doon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari kaya nakatitig lang ako sa kanila habang sila'y masayang nagkukwentuhan. Kung wala pang tumawag kay Jeric ay baka hindi na ito nakauwi dahil ayaw din pauwiin nila Mama kasi delikado daw magpaneho mag isa, wala kasi si Manong Eddie kaya si Jeric lang ang nagmaneho papunta dito sa bahay.
  
  
Monday ngayon kaya pumasok na ako sa school, hindi na rin naman ganoong masakit ang paa ko, pero nakabenda pa rin ito dahil sa sugat na natamo ko.
  
  
Sinundo ako ni Jeric sa bahay gamit ang sasakyan niya kasama si Mang Eddie dahil ipinag utos ni Papa na dapat daw hatid sundo niya ako tutal magkasintahan na daw kami. Kaya noong sinundo ako kanina ni Jeric, hinatid pa ako ng buong pamilya ko sa labas ng bahay namin, ganyan sila katuwa na may boyfriend na ako. Pero mabuti na lang at kasama namin si Besty at Shaun.
  
  
Hinatid muna namin si Shaun sa eskwelahan which is Oxford Elementary. Pagkatapos ay dumiretso kami sa Oxford High.
 
  
Ang Marcus Oxford University ang kabuong pangalan ng aming eskuwelahan. Malaking eskwelahan ito. Nakapaloob dito ang Elementary Campus kung saan ako nag aral ng elementary at pinapasukan ngayon ni Shaun. High School Campus kung saan ako nag aaral ngayon and College Campus, kung saan ako mag aaral kapag nag kolehiyo ako..... kung makakagraduate hihi.
  
  
May matataas na harang na bakal na naghihiwalay sa tatlong ito para malaman kung hanggang saan lang pwede ang mga estudyante pero may gate naman na pwedeng daanan kung may importanteng gagawin ang College student sa Elementary Campus at High School Campus and vice versa. Iba iba rin ang entrance at exit nito, at maging ang cafeteria parking lot.
  
  
  
"Good Morning Class." Panimula ni Ma'am Ordonez. "It's been a month since the school year started but still you'll have another classmate. He's from America. I don't know how can he catch-up with our lessons and in other subjects. Anyway, you can now come in." Napatingin kaming lahat sa pintuan at inaantay yung magiging bagong classmates namin.
  
  
Pumasok ang isang matangkad at maputing lalaki. Nagpalinga linga ito na parang may hinahanap.

Nagulat nalang ako ng napatigil na siya sa palinga linga na mukhang nakita na niya ang hinahanap niya, pero bakit sa akin siya nakatingin.

"Good Morning, my name is Jomar Kyle Reinford your handsome new classmate. Nice to meet you." Nang ngumiti siya ay parang nagtago na ang mga mata niya, eye smile kungbaga. Sumunod nito ang tilian ng mga classmate kong babae at bading.
  
  
May pagkahambog din pala ito. Nakita ko namang nagising ang lalaking nasa likod ko na kaninang natutulog na si Jeric dahil sa ingay. Oo, first class namin tulog siya.
  
 
Kinusot kusot pa niya ang mata niya na parang bata at napalingon sa unahan. Bigla na lamang napalaki ang kanyang mata ng makita yung transferee.
 
   
"Kyle!" Tawag pa niya sa transferee. Napalingon naman yung Kyle sa kanya at ngumiti.
  
  
Tumayo naman si Jeric at lumapit kay Kyle at niyakap ito. Yumakap naman din si Kyle pabalik.

Ibig sabihin, si Jeric ang tinitignan niya kanina dahil magkakilala sila.
   
  
'Kadiri para silang bromance.'
 
  
"Excuse me. Baka gusto niyong lumabas muna kami, baka nakakaistorbo kami sa inyo." Bigla natahimik ang buong class room at napatingin silang lahat sa akin na may nakakaasar na ngiti.
  
  
'May mali ba sa sinabi ko?'
  
 
Napalingon ako kay Besty nang maramdaman ko ang pagkalabit niya sa akin.
  
  
"Besty, just now, you're acting like a jealous girlfriend." Mahina pero natatawang sabi niya.
  
  
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at napatingin na lamang sa mga classmate ko.
  
  
Kaya pala ganyan sila makatingin sa akin, na misunderstood nila ang sinabi ko. Gusto ko lang naman maupo na sila para matuloy na ang klase kaya ko sinabi yun. Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Jeric kaya napatingin ako sa kanya.
  
  
"Huwag ka nang magselos, Bestfriend ko lang 'to." Akbay pa niya doon sa Kyle. "Ikaw naman ang nag iisang prinsesa ko."
  
  
Dahil sa sinabi niya na yun, nabalot ng ingay ang amin classroom. Sigawan ng mga kinilig lalo na ni Besty at Bay(short for Bayot) na pinapagitnaan ako.
  
  
"Okay, that's enough Mr. Oxford and Mr. Reinford, you can sit down." Utos sa kanila ni Ma'am. Nakaakbay pa rin si Jeric kay Kyle habang naglalakad papalapit sa amin. Tumabi si Kyle kay Jeric sa likuran namin at nagsimula ng magdaldalan habang nagdidiscuss si Ma'am Ordonez.
  
  
'Iba talaga kapag anak ng may ari, kanina natutulog sa klase ngayon ng hindi na nakikinig, nakikipagdaldalan pa. Tsk.'
  
  
  
  
 
"Anong sa inyo?" Tanong sa amin ng tindera sa Cafeteria.
  
  
"Isang Spaghetti nga po at tatlong order ng menudo with rice. Palagay na rin po ng tig iisang itlog." Sabay turo ko pa ng mga napili ko. Nag order na rin sina Besty at Bay.
 
  
Tinulungan naman ako ni Bay sa pagbitbit ng inorder ko, pinalagay ko yung spaghetti ko sa tray niya para yung tatlong menudo na lang ang bitbit ko at naglakad na kami papunta sa inauupuan nina Jeric at Kyle. Pinatong ko nang pabagsak sa lamesa ang inorder ko kaya napatigil sa pagkukwentuhan ang dalawa.
  

"Ito na po ang order niyo mahal na prinsipe at sa kaibigan mo." Abot ko pa ng tig isang order na menudo with rice sa kanila.
  
  
Ito ang official day na magiging fake girlfriend niya ako at the same time ay alalay niya. Ito ring pagbili ng pagkain nila ang first official duty ko.
  
  
"Galit ka ba Prinsesa ko?" Nakangiting tanong niya.
  
 
'Nakakadiri yung Prinsesa ko. Tsk.'
 
 
"Hindi." Sarkastikong sagot ko.
  
  
"Hindi naman pala. Paki bili na rin kami ng maiinom, isabay mo na rin ng iyo." Nginitian lang niya ako sabay abot niya ng isang daang piso.
  
  
Tinanggap ko naman yun at umalis na agad para bumili ng inumin namin, sumunod naman sina Bay at Besty sa akin dahil bibili rin sila.
  
  
"Besty nagugulat kamo ako sa'yo." Wika niya at saka kumapit sa braso ko.
  
  
"Bakit naman?"
 

"Ginagawa mo kasi ang mga inuutos sa iyo ni Price Jeric ng hindi umaangal." Hindi na ako nagsalita dahil ayokong magsinungaling kay Besty. Naglilihim na nga ako magsisinungaling pa. "Yaan na siguro ang epekto sa'yo ng love life." At nag apir pa silang dalawa.
  
  
Nang makabalik kami ay binigay ko agad sa kanila ang inumin nila at umupo na para masimulan na ang pagkain.
 
  
"By the way, may pa welcome party kami sa house sa saturday at the same time birthday ko, baka gusto niyong sumama?" Aya ni Kyle.
  
  
"Game." Sagot agad ni Besty.
  
 
'Basta talaga party.'
 
  
"Game din ako." Sagot din ni Bay.
 
 
Napatingin sila sa akin na busy pa rin sa paglamon. Hindi ko naman sila pinansin. "What about you, Yumi?" Tanong ni Kyle.
  
  
Sumubo muna ako ng tinidor na may spaghetti bago magsalita. "Ayokong sumama." At pinagpatuloy ang aking pagkain.
  
  
Nadismaya naman sila sa sinagot ko, maging si Besty. "Bakit naman Besty?"
  
 
"Wala lang." Tipid kong tugon.
  
 
Sa totoo lang ayokong sumama dahil alam andoon din si Jeric. At kung andoon si Jeric, ibig sabihin utos na naman ang aabutin ko doon.
  

"Bagay talaga kayo ni Jeric. Siya KJ sa pangalan ikaw Bay sa ugali." Sabat ni Bay.
  
   
"Nako hindi lang nasa pangalan ang pagiging KJ ni Kris, nasa ugali rin. He doesn't want to come too." Sabi ni Kyle. Tumingin siya kay Jeric at nilapit ang bibig sa tainga ni Jeric na parang may ibinubulong. "Ito ba ang pinalit mo sa kapatid ko, Bestfriend? Pareho kayo." Napatigil ako sa pagsubo ng spaghetti sa narinig ko. Nasamid naman si Jeric sa kanyang narinig na sinabi ni Kyle.
  
  
Nakita kong napatigil din sa pagkain sina Besty at Bay at napatingin kay Jeric nakahinto din sa pagkain. Kahit na pabulong ang pagkakasabi ni Kyle nun ay narinig pa rin namin.
  
  
"Tumigil ka nga dyan Kyle, dami mo pang sinasabi, kumain ka nalang." At tinuloy ang pagkain niya.
  
  
Natawa nalang si Kyle sa sinagot ni Jeric sa kanya. Kami namang tatlo nila Besty at Bay ay nagkatinginan nalang.
  
  
'Jinowa niya ang kapatid ng Bestfriend niya.'
 
 
 
 
Nakatambay lang ako sa kwarto ko at kanina pa nag iiscroll sa Facebook ng may nagpop up sa friend request list ko. Inopen ko yun at binasa ang name ng nag friend request sa akin. Violet Del Rosario. May dalawa akong mutual friends sa kanya which is sina Jeric at Kyle na kanina ko lang din inaaccept ang friend request. Sino kaya ito. Inopen ko ang Wall niya pero nakaprivate kaya Profile Pic lang and Cover Photo lang niya ang nakikita ko. Maraming likers, umaabot ng 1k at may 21k followers.
  
  
Sabagay maganda naman siya, pero bakit naman niya ako inadd as friend? Kilala niya ba ako?

 
Inaaccept ko nalang kahit hindi ko kilala tutal babae naman siya. Hindi kasi ako basta basta nag aaccept kapag lalaki, kahit nga sina Jeric at Kyle ayokong iaccept kaso kailangan.
 
  
Bumalik na lang ako sa newsfeed ko. Nagulat ako ng nagpop up ulit pero sa notification naman. Minention ako ni Besty sa isang comment. Nung inopen ko, napalaki nalang ang mata ko at nakita ko kung saan niya ako minention.
  
  
Isang FB Page named KrisYu Couple Official pero mas nagulat ako sa Display Photo ng Page.
  
 
Sa pagkakaalala ko, ito yung suot ko noong araw ng pumunta ako sa MOA. Makikita sa picture na natutulog kami ni Jeric na magkatabi at nakapatong ang ulo ko sa balikat niya at nakapatong din ang ulo niya sa ulo ko. Hindi niya dala ang sasakyan niya, wala kasi si Manong Eddie kaya walang magdadrive para sa kanya, kaya nagBus kami pauwi.
  
  
'Pero paano at saan nila nakuha ito?'
  
 
Maghahanap pa sana ako ng iba pang picture pero wala dahil kagagawa lang ng Fb page kanina, pero kahit ganun may 200+ Likes and Followers na ito.
  
 
'Sino naman ang gumawa ng Page na ito?'
  
 
Naiinis na ako dahil hindi ko makita kung sino ang admin. Maya maya may nagpop up na naman sa notif ko. Minention ulit ako ni Besty. Pagkabukas ko nun, isang Fb Page din ang tumambad sa akin.
  
  
Kung kanina fan page, ngayon naman antis. Tinignan ko kung ano ang pangalan ng Page, Yumi Cortez Haters, mayroon na ring 80+ Likes and followers at kagagawa lang kahapon. May unang status na ito na. No To KrisYu. At ang Display photo nito ay Edited picture ko na may sungay ako.
  
 
Sa inis ko sa nakita kong picture at ibabato ko sana ang laptop ko nang bigla nalang may nagchat sa akin, yung Violet Del Rosario na kanina kong inaccept.
  
  
Violet: Hi. 😊
   

Kahit na nagulat ako sa biglang pagchachat niya ay mas minabuti ko paring replayan siya.
 
 
Me: Hi din.
 
Violet: May I know you?

Me: Ako nga dapat nagtatanong niyan.

Violet: Ahh yeah. You're right. I'm Violet, by the way.

Me: I am Yumi.

Violet: May I know na lang if you ba ang girlfriend ni Kris?
 
  
Nagulat ako bigla sa nabasa ko. Bakit nasama sa usapan si Jeric? Hindi ko alam kung rereplayan ko pa siya. Pero napagdesisyunan kong iinbox zone ko na lang.
  
 
'Ano bang nangyayari sa Earth, bakit niyo pinapakialam yung life ko.'

  
  
   
  
"Okay Class, magkakaroon kayo ng group activity, magresearch about sa Music, Dance and Arts." Sabi ni Sir Avanzado. "Dahil 36 kayo sa klase, 6 members per group. Anong gusto niyo, by friends or random?" Tanong pa niya.
 
  
"By friends!" Sigaw pa ng mga kaklase ko pero bigla ring natigil ang ingay ng mapansing unti unting tinaas ni Teresa ang kamay niya.
  
  
"Yes, Ms. Olivarez?" Tanong ni Sir Avanzado kay Teresa.
  
 
Unti unting tumayo si Teresa at nagsalita. "Ahm Sir, hindi po ba pwedeng random nalang. Hindi po kasi lahat dito may friends na." Nakatayong sabi ni Teresa.
  
  
Napatingin sa kanya ang buong klase. Tama naman siya, siya kasi mismo ang walang kaibigan dito dahil sa pagiging sobrang nerd niya, hindi niya pinapansin ng mga kaklase niya, puro libro ang kausap.
  
 
"I'm sorry Ms. Olivarez, majority wins." Sabi pa ni Sir Avanzado. "Yung mga walang friends kayo na ang mag adjust at maghanap sasamahan, ito na rin ang paraan para magkaroon na kayo ng kaibigan. Okay Class dismissed." Kinuha na ni Sir ang gamit niya at lumabas na ng room.

  
  
 
"Besty kulang tayo ng isa." Sabi sa akin ni Besty.
  
 
Nakatambay kami ngayon sa isang kainan sa labas ng School. Inaantay din kasi namin sina Jeric at Kyle na may pinuntahan lang. Hindi kasi ako makauwi ng hindi niya hinahatid.
  
 
"Bakit isa? Tatlo pa kulang natin ah." Wika ko.
  
 
"Ano ka ba naman Bay, lima na tayo, kaya isa nalang yung kulang." Sabi naman ni Bay na ipinagtaka ko.
  
 
"Paano? Ikaw, ako at si Besty palang." Turo ko pa.
  
 
"Loka, syempre automatic na kagroup natin sina Papa Jeric at Papa Kyle." Ngayon ko lang naalala na may boyfriend pala ako.
 
 
Siguradong nagmagtataka nga naman ang mga kaklase namin kung hindi kami magkagrupo.
  
  
'Hay utos na naman ang abot ko doon.'
  
 
"So saan tayo kukuha ng kulang na isa?" Tanong ni Besty.
  
 
"Alam ko na." Napatingin naman kami ni Besty kay Bay. "Hindi ba si Teresa naghahanap din ng kagrupo, siya nalang kaya ang kunin natin, tutal magloner naman siya sa klase siguradong walang mag aaya sa kanya na classmate natin. OMG, I'm so brainy." Tuwang tuwang sabi niya.
 
 
Kapag talaga kaming tatlo lang, lumalabas ang tinatago niya ng kabaklaan.
  
 
"Ayos lang sa akin basta ba tutulong siya." Sagot ko nalang.
  
 
"Siguradong tutulong yun. Baka siya pa nga gumawa ng lahat, sa sobrang talino niya." Natutuwang wika ulit ni Bay.
  
 
"No, hindi pwede." Pagkontra ni Besty sa kanya naman kami napatingin ni Bay.
  
 
"Why naman?" Tanong ni Bay.
  
 
Tumingin muna sa akin si Tiffany bago magsalita. "Besty hindi mo ba alam kung sino si Teresa?" Umiling nalang ako bilang tugon. "Si Teresa Olivarez ay anak ng Mayor natin at kakambal din ni Terence Olivarez." Lumaki nalang ng kusa ang aking mata.
  
 
Hindi pumasok sa isip ko na magkamag anak sila and worst magkakambal pa, akala ko magkaapelyido lang dahil marami namang may apelyidong Olivarez. At tsaka paanong naging magkakambal sila, ang layo ng ugali nila. Isang mahangin tapos isang kulang sa hangin. Isang famous tapos isang loner. At parang hindi rin sila magkakilala.
  
 
"Sorry OP ako. Pwede pakiexplain ha, pwede." Sabat naman bigla ni Bay.
  
  
"Oo nga pala, transferee ka, kaya hindi mo alam. Ganito kasi yan." Hindi ko na pinakinggan ang pagkukuwento ni Besty kay Bay dahil alam ko na rin naman ang mga nangyari.
  
  
Ang iniisip ko ngayon, paano namin aayayain si Teresa sa grupo, noong una ayos lang sa akin dahil hindi ko alam na kakambal pala niya si Terence pero ngayong alam ko na, nagdadalawag isip na ako.
  
  
Hindi pwedeng kulang kami dahil ayaw ni Sir Avanzado na kulang kulang ang isang grupo at ayaw din niyang may naiiwan na estudyante kaya puro by group ang pinapagawa niya. Gusto daw kasi niya na magkaroon ng pagkakaisa ngayon palang nag aaral na, para maapply daw ang unity kapag nagtrabaho na.
  
 
"Yun na nga ang nangyari." Pagtatapos ni Tiffany sa pagkukwento niya.
  
  
"Pero no choice na tayo, kung gusto niyo ako na lang ang makipag usap kay Teresa, tutal wala naman kaming isyu sa isa't isa." pagpiprisenta ni Geoffrey.
  
  
"No, I'll do it." Napatingin ako bigla sa likuran ko nang may nagsalita mula rito. Nakatayo na pala doon sina Jeric at Kyle. "Ako nalang. I'll invite her also for my birthday, isasabay ko nalang." Sabi ulit ni Kyle. Naglakad na silang dalawa para makaupo kasama namin.
  
 
"Sigurado ka? Ayaw mo bang samahan kita Kyle." Tanong ni Bay na biglang naging lalaki sa pagsasalita.
  

Natawa nalang ako ng palihim dahil mukhang may gusto ito kay Kyle.
  
  
"No need, I can do it." Pumayag na lang kaming apat sa kanya.
 
 
Kumain muna kami doon at tsaka umalis. Magkakasama kami sa sasakyan ni Jeric. Hindi ko alam kung paano kami nagkasya doon. Nasa driver seat si Jeric, nasa passenger seat naman ako, tapos nasa likod silang apat. Si Tiffany, Geoffrey, Kyle at Mang Eddie. Isa isa kaming hinatid ni Jeric. Nauna si Geoffrey at sunod kami ni Tiffany.
  
  
"Huwag ka ng bumaba." Utos ko ng mapansin kong tatanggalin niya ang kanyang seatbelt.
  
  
"Bakit naman? Maghehello lang ako kina Eomma at Papa." Akmang muling tatanggalin ang seatbelt.
  
 
Tama ang narinig niyo, Eomma at Papa na ang tawag sa niya sa magulang ko. Ganyan siya kafeeling close.
  
  
"Huwag na, baka hindi pa kayo makauwi agad. Tingnan mo natutulog na si Mang Eddie, kaya umuwi na kayo." Bigla namang naalimpungatan si Mang Eddie ng marinig niya ang pangalan niya. "Sorry po, Mang Eddie, nagising pa namin kayo."
  
  
"Ayos lang Ma'am, ako nga po ang dapat humingi ng pasensya dahil nakatulog na naman ako." Nakayukong sabi ni Mang Eddie.
  
  
"Hindi, ayos lang din po, alam po naming pagod kayo, kaya okay lang na magpahinga kayo." Sabi ko kay Mang Eddie. "Oh siya, lumarga na kayo para makapagpahinga na kayo ng maayos." Wala ng nagawa pa si Jeric at tuluyan na akong bumaba ng sasakyan sumunod naman din si Tiffany. "Babye Mang Eddie, Kyle. Mag ingat kayo." Kumaway naman sila at tuluyan ng umalis. "Uy umayos ka sa pagmamaneho ah." Paalala ko kay Jeric.
  
  
"Opo." Sabay ngisi.
 
  
Mabuti nalang at hindi lumabas ng bahay sina Mama, kundi mapapatagal na naman si Jeric dito sa bahay.
  
  
 
-----
  
  
 
~*Jeric POV*~
  
  
  

"Hindi ka na ba papasok?" Tanong sa akin ni Kyle ng maihatid ko siya sa bahay nila.
  
  
"Naku hindi na." Pagtanggi ko.
  
  
"Bakit naman? Ahh dahil ba kay Vi?" Tanong ni Kyle.
  
  
Umiling muna ako bago sumagot. "Hindi, di ba sabi ni Yumi kanina umuwi na daw para makapagpahinga na." Pagdadahilan ko. Tama naman kasi talaga si Yumi at the same time tama din si Kyle, ayokong makita ako ni Violet.
  
  
"Wow so sinusunod mo na ang bagong girlfriend mo? Nako masasaktan talaga si Vi kapag nalaman niya." Hindi ko nalang siya sinagot. "Anyway, thanks for the ride Best friend. Hayaan mo, babawi ako kapag nakabili na ako ng sarili kong sasakyan. Next month pa kasi magpapadala si Daddy ng pera." Wika ni Kyle.
   
 
"Sige, alis na ako." Binuhay ko na ang makina at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.
  
  
Bago kami tuluyang makalayo nakita ko sa rear mirror ko ang paglabas ni Violet ng bahay at sinalubong si Kyle, nakita ko rin na napalingon siya sa kinaroonan ko.
  
  
 

~*Yumi POV*~
  
  
 
 
"Dinala mo ba lahat ng pinapadala kong gamit sa'yo kagabi." Tanong ni Jeric. 
  
  

Nasa gymnasium kami ngayon para mag warm up for PE subject namin. Tumawag kasi siya kagabi para lang mag utos na magdala daw ako ng nga kailangan para sa basketball kasama na rin ang bimpo, tubig, head band, extra tshirt, bola at kung anu ano pa. Kaya ang bigat bigat ng dala dala ko.
  
  
"Opo Prince, andyan na po lahat." Pagkukunwari ko pang nakangiti.
  
 
'Grabe na ang pagiging alalay ko ah.'
  
 
"Good." Sagot nalang niya.
  
  
Maya maya lang, pinapunta na kami sa may stage dahil doon inaanounce kung anong mangyayari.
  
 
"Okay, dahil basketball ang laro na napiling game ng majority ng students, napagdesisyunan naming mga PE teachers na magkaroon ng competition sa bawat klase. Friendly game lang naman ito sa ngayon kaya huwag masyadong magsasakitan. Next time, magsisimula na talaga ang tunay na laban dahil nakabase din dito ang magiging grades niyo. Kung sino man ang maging champion ay automatic na 100% sa activity. Alam niyo namang 30% of your grades ay sa activity magagaling, which is ang pinakamalaki and the other 70% ay ang pinagsamang attendance, quizzes, periodical, and activity. So dapat ang mga maglalaro ay dapat marunong dahil buhat niyo rin ang buong klase niyo. Kung anong grade ng players yun na rin sa buong klase. At ang hindi porket Basketball ang laro natin ay dapat lalaki ang sasali, kailangan may girls din dahil iba ang laro ng babae at lalaki." Paliwanag ni Sir Reyes. "May 8 klase ang maglalaban laban. Ang III-Argon, III-Platinum, III-Hydrogen, III-Gold, IV-Descartes, IV-Einstein, IV-Franklin, and IV-Grahambell. Next meeting na namin sasabihin kung sinu-sino ang magkakalaban. Sa ngayon, mag warm up muna kayo. Mauna ang boys." At bumaba na si Sir Reyes sa stage.
  
  
Nagsibalikan na ang mga babae sa kanikanila naming upuan sa bench ng gym.
  
  
Tumabi naman si Besty sa akin at nagsimula na naman magdaldal. "Besty sasali ba si Prince Jeric sa basketball." Tanong niya.
  
  
"Siguro, sila ni Kyle. Gusto ko nga sana pati si Bay." Natatawa kong sabi habang tinitignan si Bay na binabato ang bola kaso hindi umaabot sa ring.

 
"Oo nga, laughtrip yun kapag andoon si Bay. Kaso grades natin nakasalalay dito." Napabuntong hininga na lang siya. "Kasama rin pala ang Franklin sa game. Paano na yan, andoon ang varsity players ng Basketball nitong Oxford High pati ang Captain." Pag aalala niya.
  
  
"Ahh edi mas maganda, may trill ang magiging laro." Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya sa naging sagot ko.
  
  
"Hindi mo na naman ba kilala kung sino ang Captain ng Basketball team?" Umiling naman ako bilang tugon. "Si Terence Olivarez."
  
  
   
-----
  
  
 
~*Kyle POV*~
  
  
Naglalakad ako ngayon papuntang Locker para kumuha ng damit pampalit dahil sa katatapos lang na friendly game namin against III-Argon. Magagaling sila kahit na mas bata sila sa amin, pero syempre mas magaling kami kaya kami ang nanalo.
  
  
Natigil ako sa paglalakad ko ng makita ko Teresa na nasa may vending machine sa hall way at umiinom ng Mug Rootbear.
  
  
'Bakit kaya hindi pinapagbawalan ang carbonated drinks dito sa school.'
  
  
Naalala kong nagpresinta pala akong ako na ang magyayaya kay Teresa na sumali sa group. Ginawa ko naman yun para kay Yumi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero ayokong mag away kami ni Kris dahil lang sa babae kaya tahimik lang ako. Muntik na kasi kaming mag away dati nung nalaman ko ang tungkol sa kanila ng kapatid ko pero ngayon nag kaayos na kami. 
 
  
Lumapit na lang ako sa kay Teresa na ikinagulat niya.
  
 
"You're Teresa, right?" Pagkukumpirma ko.
  
 
"Bakit? Anong kailangan mo?" Nakayukong tanong niya. Halata sa itsura niya na natatakot. Mukhang hindi niya ako kilala.
  
 
"Baka hindi mo ako nakikilala. We're in the same class. I'm just asking if may kagrupo ka na ba kay Sir Avanzado, kasi kung wala pa, gusto naming isali ka sa grupo namin, isa nalang kasi yung kulang." Alok ko sa kanya.
  
 
"Sinong namin? Kayo nila Cortez?" Tumungo naman ako bilang tugon. "Sige kayong bahala." Tumalikod na siya at nagsimula na siyang maglakad.
  
 
"Wait." Sabay hawak ko pa ng braso niya para mapatigil siya. Gulat naman siyang nakatingin sa kamay kong nakahawak parin sa braso niya, kaya bigla ko ring itong binitawan.
  
 
'Conservative.'
  
 
"I'm sorry, ano kasi-- ahm yayayain rin sana kitang pumunta sa Birthday ko sa saturday para din makasama at makabonding mo na ang grupo."
  
 
"Kailangan bang andoon ako?" Tanong niya.
 
 
"Of course, kagrupo ka namin and don't worry all our classmates are invited." Nakangiting sabi ko.
  
 
Nag isip muna siya sandali bago sumagot. "Sige, sunduin mo nalang ako sa may 7/11 sa labas." At tsaka nagmadaling umalis.
  
 
Hindi na ako nakapagsalita.
  
 
'Wala sa plano ko ang magsundo.'
  
  
  
 
~~~~~~~~

Please don't forget to vote, comment and follow.

For more info about me and the story you can visit my social media account.

~ Facebook Account : Maria Teresa Flor Matula
https://www.facebook.com/IamBlaCkPrincesS17

~Instagram : akosiblackprincess
https://www.instagram.com/akosiblackprincess/

~Twitter: Maria Teresa Flor Matula
https://twitter.com/teresa_matula18

THANK YOU!

~IamBlaCkPrincesS17

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro