Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~*Chapter 1 : The Beginning*~

~*Chapter 1 : The Beginning*~
  
  
 

*~Yumi POV~*
  
  
 
»N.P. : Dancing Queen by SNSD «
  
 
♪Girls ~
Generation ~
Let's dance ~
Hit the beat it take it to the fast line ..
  
  
♪yeah yeah yeah ~
yeah yeah yeah ~
yeah yeah yeah ~
  
  
 
(alarm ko)

    

"Hay isang umaga na naman ang aking kakaharapin at isang magandang tugtugin na naman ang gumising sa aking mahimbing na pag--." Hindi ko na naituloy ang aking pang araw-araw na litanya nang makarinig ako ng sigaw.
 
   
"Yumi bumangon ka na nga dyan at pumasok ka na sa eskwelahan, baka malate ka pa sa 1st day of class mo!"
  
  
  
'Ayan na naman si Mama sigaw ng sigaw, hindi man lang pinatapos yung aking pagmumuni muni.'
   
  
  
"Eomma huwag ka ng sumigaw may alarm naman ako." Sabay unat ko pa.
  
 
"Ah basta maligo ka na." Pagmamadali niya sa akin.
 
  
"Yes Eomma, maliligo na po!" Pabalik kong sigaw kay Mama.
     
  
 
Mas gusto ni Mama na nagpapalawag ng Eomma kaysa sa Mama dahil sa sobrang pagkawili sa mga Korean dramas.
 
  
Bumangon na ako sa kama at pagewang pagewang na naglakad.
  
   
  
"Bilisan mo na at naghihintay sayo dito si Panyang sa baba." Dagdag pa ni Mama bago tuluyang umalis sa labas ng kwarto ko.
 
   
 
Si Christine Steffanie Santos a.k.a Tiffany o Panyang, siya bestfriend ko na siguro since sperm cell pa lang kami sa tiyan ng mga Nanay namin.
 
 
  
"Opo Eomma." Yun na lamang ang sinagot ko at tuluyan ng bumangon at naligo.
  
  
 
Dali dali naman din akong bumaba upang makita ang bestfriend ko ngunit iyon din ang naging dahilan nang kamuntik ko ng pagkalaglag sa hagdanan.
  
 
 
"Yumi magdahan dahan ka nga baka sumalubsob sa dyan, sayang ang mukha." Paalala ni Papa at nagbasa mula ng diyaryo.
   
  
'Kaya lab na lab ko itong si Papa, pinapahalagahan talaga niya ang aking magandang mukha.'
 
  
"Sorry Papa hindi na po mauulit." Ngumiti na lang at hinanap si Besty. "Oh Besty aga dumayo sa kabitbahay ah." Sabi ko ng makalapit ako sa kanya.
   
  
"Aga rin kasi kitang namiss." Sabi niya ng pagpaglalambing. "At isa pa, susunduin lang naman kita. 4th year na tayo. Baka hanggang ngayon late ka pa rin, first day pa naman natin." Sabi niya na nakapamewang pa.
   
  
"Wala na naman ba si Tito Stephan?" Pagbabago ko ng usapan.
  
  
"Oo, paano mo nalaman wala si Papa? Nanggaling ka na ba sa bahay namin." Pabiro niyang tanong sa akin. Tumalikod na lang ako at hindi sumagot.
 
  
"Hay mukhang ililibre ko na naman si Besty sa unang araw namin." Bulong ko at nagbuntong hininga.
  
 
 
"Anong sabi mo Besty?" Tanong niya.
 
  
 
'Narinig pa niya yun.'
 
 
 
"Ah wala, sabi ko napakablooming mo ngayon, bakit nga ba??" Palusot ko na lang.
 
  

Kapag wala kasi si Tito Stephan ibig sabihin wala rin si Tita Christy sigurado kasing magkasama sila. Kaya pumupunta si Besty dito sa bahay para lang makalibre siya kasi sasabay kami sa sasakyan ni Papa at makakain na rin dahil wala si Tita na mag aasikaso sa kanya. Nag iisang anak lang si Besty kaya wala siyang kasama sa bahay nila kapag wala ang magulang niya.
 
  
 
"Hindi pa nga kumakain blooming agad." Sabi niya sabay hawak pa sa tiyan niya.
  
  
 
'Ito na ngang sinasabi ko, mukhang nagpaparinig na siya.'
  
  
 
Sakto naman ang dating ni Mama na kakatapos lang maghain ng agahan.
 
  
 
"Oh siya siya, kumain na kayo rito at umalis na para wala ng maingay dito bahay." Pagmamadali ni Mama sa akin. Mukhang gusto na talaga akong palayasin ni Mama.
  
 
"Mahal sumabay ka na sa mga bata kumain." Tawag ni Mama kay Papa.
 
  
"Hindi na, mamaya pa naman ako aalis. Sasabay na lang ako mamaya kay Shaun." Sagot ni Papa na hindi na alis ng tingin sa diyaryong kanyang binabasa.
  
  
'Buti pa si Shaun mamaya pa ang klase kaya may oras pa siya para matulog.'
  
 
Bigla naman ang napatingin kay si Besty na nakabusangot ngayon, malungkot ito dahil hindi siya makakalibre.
  
  
"Hala Tito, mamaya ka pa aalis?" Pagkukumpirma niya sa sinabi ni Papa.
  
  
"Oo Panyang, bakit may problema ba?" Sabay baba ni Papa sa hawak niyang diyaryo.
  
  
"Ah wala po Tito, naitanong ko lang po haha" sabay nito ang pilit na tawa ni Besty.
  
  
"Eomma alis na po kami at baka malate pa kami." Tumayo na ako. kinuha ang bag ko at naglakad na palabas. Sumunod naman si Besty na masaya na ngayon dahil nakakain na.
  
  
"Yumi baon mo!" sigaw ni Mama
  
  
"Oo nga pala, muntikan pa akong magpalibre kay Besty." Sabay tingin ko naman kay Besty.
  
  
"Anong magpalibre maglakad ka." Nagtawanan lang kaming dalawa.
  
  
'Walang hiya talaga tong babaitang ito! Pero dahil dyan kaya ko siya mahal na mahal.'
  
  
Lumapit ako kay Mama para kunin ang baon at pamasahe ko. "Sige na at baka malate pa kayo." Hinalikan ko na lang sina Mama at Papa bago sumakay ng Jeep na papuntang school. Ayoko kasing magtricycle, mas mahal kasi ang bayad. tag tipid kasi ako.
  
 
Kanina pa tahimik ang Jeep at mukhang naramdaman din ito ni Besty kaya nagsimula nalang siyang magsalita.
 
 
"Besty sabi may ichichika ako sa'yo. Nakita ko lang ito kagabi sa newsfeed ko sa facebook." Umurong pa si Besty palapit sa akin. "May bagong student daw sa school natin." Simula ni Besty ng chismisan.
  
  
"Natural magkakaroon talaga ng bagong estudyante, new school year." Nginusuan naman ako ni Besty dahil sa pamimilosopo ko, kaya tinatawanan ko nalang siya.
 
  
"Iba naman yun, mahalagang tao yung bagong student ng Oxford." Pagmamaktol niya.
  
  
"Ang chismosa mo talaga. Sino ba yun aber?" Tanong ko na lang para naman may mapag usapan kami, kahit na wala naman akong pakialam sa New Student na yun.
  
  
"Base sa mga nasagap kong balita, ang sabi nila, anak daw na lalaki ng may ari ng school." Tinititigan ko lang siya habang nagsasalita dahil may mga namuong tanong sa isip ko.
  
  
'Kung anak yun ng may ari, ibig sabihin Oxford yung apelyido non, kaya nga Oxford High ang pangalan ng school namin dahil hango ito sa apelyido ng may ari.'
  
  
"Saan ba siya galing? Bakit hindi siya sa Oxford Elementary nag aral nung Elementary? Bakit ngayon lang siya mag aaral sa sarili nilang school?" Nakita ko namang sumilay ang ngiti sa labi ni Besty dahil sa sunud sunod kong tanong.
  
  
'Nacurious kasi ako, paano ba naman anak siya ng may ari ng Oxford tapos hindi siya doon nag aral sa sarili nilang school.'
  
  
"Wow Besty interesado ka ata sa new student ah." Asar pa niya sa'kin pero syempre hindi naman ako papahalata.
  
  
"Nagtatanong lang, kung ayaw mo ba sige okay lang." Pangongonsensya ko naman sabay talikod.
  
  
Bigla naman niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap sa kanya. "Hindi ka naman mabiro, nakakapagtaka lang ako at nagkainteres ka bigla, kapag nagkukwento ako ng ganito wala lang sa iyo pero ngayon mukhang interesado ka sa Oxford na yun." Saad pa niya. Ngitian ko na lang siya.
 
   
"So ano nga, bakit hindi siya nag-aral sa Oxf--" hindi ko na natapos ang tanong ko ng magsalita si Manong Driver.
  
  
"Mga ineng andirito na tayo sa Oxford High, hindi pa ba kayo bababa?"
  
  
'Enebeyen lahat na lang ba puputulin yung pasasalita ko. Remember kanina si Mama nung pag gising ko ngayon naman si Manong Driver.'
  
  
"Sige Mamang Driver maraming salamat. " Sabay baba namin sa jeep
  
  
"Anong maraming salamat? Mga bayad niyo." sigaw ni Mamang Driver pagkababa namin.
  
  
"Ay oo nga pala, ito po, sorry po." Sabay abot ko naman ng bayad sa nakaupo sa dulo na lalaki at pinagpasa pasahan ng iba pang pasahero hanggang makaabot na ito kay Manong Driver.
  
  
"Kayo talagang mga kabataan ngayon, mahilig mag 1,2,3." Dagdag naman ni Mamang Driver.
  
  
"Kuya nakalikutan lang 1,2,3 agad." Sabat na ni besty.
  
  
"Ah basta, mga taga Oxford pa naman kayo tapos hindi kayo marunong magbayad." Sabay maandar niya na ng jeep.
   
   
 
Loko rin talaga minsan ang mga Driver, minsan may mabait, madalas mga mapanghinala.
 
  
  
"Talaga naman, nakakaimbiyerna naman ang first day natin. Manong ang usok ng Jeep niyo!" Inis na inis na naman itong si Besty kaya ayaw niyang magCommute, ilang beses na kasi siyang nakaencounter ng ganyang mga driver.
  
  
"Tumigil ka na nga dyan Besty, wala na Manong Driver, wala ka ng magagawa pa kaya tara na sa loob." Pang pawala ng badvibes sa kanya.
  
  
"Nako, nako, nako kapag nakita ko ulit yun si Mamang Driver hihigitin ko talaga ang kilay noon." Natawa na lang sa sinabi niya.
  
  
"Ang ingay mo tara na nga."
Hatak ko nalang kay Besty.
  
  
We are back OXFORD HIGH.

    

   
  

~*~*~

    
    

Please don't forget to vote, comment and follow mga Prinsesa at Prinsipe.

For more info about me and the story you can visit my social media account.

~ Facebook Account : Maria Teresa Flor Matula
https://www.facebook.com/IamBlaCkPrincesS17

~Instagram : akosiblackprincess
https://www.instagram.com/akosiblackprincess/

~Twitter: Maria Teresa Flor Matula
https://twitter.com/teresa_matula18

THANK YOU!

~IamBlaCkPrincesS17

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro