Hayskul Life 🏤
A/N:
This chapter is dedicated to pinayblonde. Love lots, girl!
💞
It's been a year since I graduated from Elementary. Hindi na rin kami nagkakausap ni Jericho sa telepono.
Marahil ay busy na rin sila. Habang ako naman ay nag-aadjust sa bagong eskwelahan ko.
Mas malaki ito kumpara sa dati kong eskwelahan.
Kung noon, tatlong section lang kami kada level. Dito naman ay, anim na section hanggang high school.
Unang araw ko pa lang rito ay naiilang na ako. Kahit alam ko na dapat ay masanay na ako sa palipat-lipat ng paaralan, ay hindi ko pa rin kayang maging at ease agad sa kanila.
Tahimik akong naupo sa bandang likod ng classroom. Nangangapa kung paano magsisimula ng conversation sa mga kaklase.
Napalingon ako sa katabi ko at malakas ang kutob kong mabait at magaan siyang kausap. At hindi nga ako nagkamali.
Naging magkaibigan kami simula nang magtanong siya sa akin kung saang eskwelahan ako galing. Magmula noon ay may kasabay na akong magrecess at maglunch.
Napapansin ko na rin unti-unti ang mga kaklase namin at nagkaroon ako ng mas maraming kakilala. At pakonti-konti ay dumarami na rin ang nakikilala ko sa kabilang mga section.
Hanggang sa mapansin ko siya.
Katulad ni Jericho, matangkad rin siya at may singkit na mga mata. Pero, mas payat siya kumpara kay Echo.
Madalas ko siyang napapansin dahil kabarkada niya ang ilan sa aming mga kaklaseng babae at lalaki sa section namin.
"Ang pogi ni Kyler no!" Kinikilig na sambit ng isa sa mga classmates kong babae sa kaibigan niya.
Kyler.
So that's his name.
I smiled triumphantly to myself. My cheeks began flushing for no reason and then I remembered, ganito rin ako kiligin noon kay Echo!
I blew some air to my cheeks to stop myself from grinning like a fool.
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay Fourth Year na kami.
My last year as a High School student came.
Last year bago kami maghiwa-hiwalay.
And, this time...
Magkatabi na ang classroom namin ni Kyler. Mas malaki na ang posibilidad na magkasalubong ang landas naming dalawa.
CAT days.
Type C uniform.
Isa sa mga CAT Officers si Kyler.
At dumating ang isa sa mga araw na kinakilig ko ng sobra.
Kasagsagan ng type C uniform, pants and boots. Sama mo pa ang bonnet at dapat malinis ka sa suot mo, kundi, demerit ang katapat.
Since, crushie ko si Officer at sa kabilang section siya, tuwing duty days ko lang siya nasusulyapan. Yung mga kaibigan ko, ina-update ako pag parating siya. Ganoon namin ka-suportado ang isa't isa.
So, one time, inspection.
Naka-duty ako sa isang classroom magpost. Para sa flag ceremony kasi iyon. Nakatambay sya sa post ko.
Andoon yung pakiramdam na kilig na kilig ka pero hindi pwede kasi bukod sa nakakahiya, officer pa siya.
Suddenly, out of the blue, lumapit siya sa akin.
Hindi ako makakurap kasi naka-rest at halt kami. Maya-maya, inayos nya yung takas na buhok ko.
Walang kahit anong salita siyang binitawan at tanging ang simpleng gesture lang na iyon ang nagpakilig sa akin.
As in, super lapit naming dalawa. I could almost feel his breath on me.
Halos mapigil hininga ko nung pina- at ease niya ako tapos ngumiti siya sa akin.
Pagkatapos ng duty ko sa room na iyon and pagkabalik ko sa classroom namin, hindi maalis-alis ngiti ko. Napagkamalan pa akong baliw ng mga classmates ko. Haha.
Nadagdagan pa ang encounter na iyon matapos ng ilang linggo bago kami gumraduate.
Hindi ko mawari kung bakit tuwing pakiramdam ko ang dugyot ko, doon kami nagkakaroon ng encounter.
So, ayun.
Kasagsagan ng kainitan ng panahon.
Tanghaling tapat.
May event ang ibang department at nagkataong naka-duty ang section namin.
Sa kabilang hallway naman.
Katulad ng dati, inspection ulit.
"Panyo." Ang lakas ng tibok ng puso ko at inabot ko sa kanya iyon.
Pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga nang dampian niya ng panyo ang pawis ko sa noo at mukha.
"Relax ka lang." Natatawang sambit niya pa. "At ease."
Sinunod ko ang sinabi niya at nang makalayo siya ay pakawala ko naman ng malaking ngiti.
End
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro