Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

BM2: Suspicious

MIKAELA

“Aurora Alvarez, congratulations!”

“Sabi ko na sayo eh, makakapasa ka rin!” Masaya kong bati habang nakayakap sa kanya ng mahigpit, dalawang araw na ang lumipas at ngayon lang sinabi ni Sir Fontes ang kinalabasan ng examination.

“Congrats Miss Alvarez for garnering the highest score in the class.” Masayang bati ni Sir na proud na proud na may advisee siyang naka high score sa subject niya, lahat kami pumalakpak ng tumayo na siya para tanggapin ang ticket prize kasama ang test paper niya.

She has the highest score, one score apart from Adrian na ngayon ay nanlulumong nakatingin sa gawi ni Aurora. He also wanted to gain the prize, like every person in this class but we chose to clap for our classmate.

Mayroon pa namang ibang opportunity, it's just that it's not yet our time to travel to Korea. I'm okay na hindi ko natanggap ang prize kasi mayroon pa naman akong opportunity doon sa restaurant, as of now on-hold pa rin yung offer sa akin.

Iniisip ko pa kung tatanggapin ko, kailangan ko muna tapusin ang mga papers ko dito para smooth vacation kung sakaling pupunta ako sa Korea. Kailangan ko rin mag paalam kay mother kung pwede akong mag travel na wala siya, hindi ko alam pero hindi ko kayang iwan siya na mag-isa lang.

And traveling to korea is a serious matter to us, we need to talk really deep kung pupunta ba ako at papayagan niya ako.

“Mika.” Nagising ako sa pagkatulala ng tawagin nila ang pangalan ko, napalingon ako kay Lucas na nakangiti lang sa akin habang si Aurora ay nakatayo lang sa harapan ko.

Napakunot ang noo ko ng mukha silang may gagawin na hindi ko man lang alam, anong mayroon sa dalawang 'to na palagi silang my hidden communication. Titigan lang nila ang isa't isa para na silang nag usap ng limang minuto, parang may telepathy abilities.

“Uhm, nagtatanong kami kung free ka ba ngayon,” nagdadalawang isip niyang sabi sabay hawak sa dalawa kong kamay, nakatitig lang ako sa mata niyang nag papa-cute sa akin.

“Oo naman, pero one hour lang ako libre.” Yumakap naman siya agad sa akin at hinila na papalabas ng classroom, napalingon ako sa bag ko na naiwan ng kunin ito ni Lucas at siya na nagdala ng mga bag namin.

Napalingon ako kay Aurora na masayang hinihila ako palabas ng campus, naglalakad na kami ng mabagal habang siya ay nakahawak sa braso ko.

“Bakit ang saya mo ngayon, alam ko naman na makakapunta ka na ng korea pero parang may ibang dahilan ang ngiti mo ah,” I asked in a teasing manner. Namula naman siya bigla, napatigil kami sa paglalakad ng tinakpan nga niya ang mukha niya.

“Huy, ano nangyari sayo, so totoo nga na mayroon ngang nag papangiti sayo maliban sa akin.” Nakapamewang kong sabi habang iniisip ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nakangiti sa harapan ng screen niya.

Aba, sa tagal naming magkaibigan hindi ko pa siya nakitang ngumiti kapag hindi ako ang dahilan. Mapili tong babae na 'to kung sino ang ngingitian niya, antagal ko nga naghintay bago makita yung ngiti niya eh.

“Hooo!” Biglang singhal nito ng hindi na siya namumula, kumapit siya ulit sa braso ko at nagpatuloy mag lakad na parang walang nangyari. “Malalaman mo rin kaya kain muna tayo, libre ko.” Ngumiti siya ng malawak sa akin bago pumasok sa restaurant, sumunod na lang ako.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya pero feeling ko big news talaga ito para sa akin, napatigil ako sa paglalakad ng biglang sumulpot sa harapan ko si Maya.

“Oh, ang aga mo atang pumasok ah,” may himig na panunukso ang boses niya na hindi ko pinansin, tutuksuhin na naman niya ako na pakipot pa dahil hindi ko agad kinuha ang offer. Eh sa hindi pa ako decided, akala ko rin kasi na makakatanggap ako ng ticket prize pero hindi pala.

“Not the offer again Maya, pag-iisipan ko pa iyon.” Tinapik ko ng mahina ang balikat niya at napalingon sa entrance ng bumukas ito, kumaway lang si Lucas sa amin at hinanap na si Aurora.

“For now, customer ako ng restaurant. I'll just clock in later when it's my shift.” Tumango lang si Maya at bumalik sa pwesto niya, nakangiti akong lumakad papunta sa table namin at hinintay ang big news nila.

Dahandahan akong umupo sa pwesto ko habang hindi nagpaparamdam sa dalawang busy sa katitingin sa mata ng isa't isa, palingon-lingon ako sa paligid ko para naman makita kung may mga camera ba dito.

Mukha na kasing pilikula yung nakikita ko ngayon, mga actress at actor ata ang nasa table na ito eh. Nakangiwi akong nakatingin sa kanilang dalawa ng bigla na lang silang pumikita, binigyan ko sila ng tig-isang batok sa ulo.

“Anong ginagawa niyong dalawa?” Nakahawak sila sa kanilang mga ulo na parang ang lakas ng ginawa ko, napalingon ako sa paligid ng may biglang nanlulumung suminghal.

“Bitter mo naman ate, malapit na sila eh.”

“Wala atang jowa kaya sinisira ang moment ng dalawa.” Napataas ang kilay ko sa babaeng malapit lang sa table namin na nakanguso dito, inirapan niya ako at ganun rin ako.

“Magkakainan ba kayong dalawa? Ganun kayo kagutom?” ibinalik ko na ang atensyon ko sa dalawa na agad naman napaubo. Agad kong dinaluhan si Aurora at tinulungang mahimasmasan sa kanyang pagkasamid sa kanyang iniinom.

“Uh, Mika.” Napaangat ng tingin ko kay Lucas na ngayon kaharap naming dalawa, nakaupo ako sa tabi niya kanina dahil akala ko mapapansin ako ni Aurora pero walang epek kasi busy siya. Busy makipagtitigan kay Lucas.

“Hinayhinay naman sa paghampas sa likod niya, baka mapuruhan,” nag-aalala niyang sabi habang nakatitig sa kung saan, agad ko namang sinunod ang tingin niya na ikinalunok ko.

Inalis ko ang kamay ko sa likod ni Aurora na ngayon ay halos sumubsob na sa lamesa, sa pag-aalala ko masyadong malakas ang paghampas ko sa kanya.

“Sorry, akala ko hindi ka na makahinga ng maayos eh.” Nakangiwi kong sabi habang sinusuri ang kalagayan niya, dali-dali siyang umupo kasabay ang pagharap niya sa akin na may galit.

“Kanina yun, ngayon hindi na ako makahinga dahil sayo.” Umirap siya sa akin habang inaayos ang kanyang buhok, napaiwas na lang ako at sakto na dumating na ang pagkain namin.

Oo, hindi na kailangan isulat ang gusto namin kasi regular na sila Lucas at Aurora dito. Ako naman obvious naman na alam na ni Maya dahil palagi ko ito binibili kapag may extra cash ako.

“The usual food.” Nilapag ni Maya isa-isa ang mga order namin sa lamesa with grace, napatango ako habang nakatanaw sa mga pagkain pati na rin sa mga galaw niyang nakakamangha.

“Enjoy your food ma'am, sir.” Kumindat pa siya bago siya nagpaalam para asikasuhin ng ibang customers, napailing na lang sa pinaggagawa niya. Napalingon naman ako sa kasama ko at ganun na lang ang pag-iwas ko sa nakita ko, mag subuan ba naman sa harapan ko pa.

“Hindi ba kayo marunong kumain gamit ang sarili niyong mga kamay?” Tanong ko na hindi sila tinitingnan, sumubo na ako ng paborito kong garlic chicken with rice.

“Tsss...” Nabitawan ko yung kutsara habang pinapaypayan ang dila kong napaso, naluluha akong napaharap kay Aurora habang naka dila. Agad kong tinakpan ang bibig ko ng glass pane pala ang sa likod ni Aurora, ma-expose pa 'tong bibig ko.

“Dapat ako sinusubuan mo Aurora eh, akala ko ba baby mo ako?” Nanlilisik ko siyang tiningnan at sa kutsara na nakalahad sa bibig ni Lucas, napatigil silang dalawa at lumingon sa gawi ko.

Huminga ako ng malalim habang nakatitig pa rin sa sa kutsara na naiwan sa ere, umayos silang dalawa kaya medyo umayos na rin ako sa katitingin. Masakit sa mata kapag matagal kong i-focus sa isang bagay with matching glare pa yan, kumurap-kurap ako para mabawasan yung sakit.

“Ahm,” mahinang usal ni Aurora habang palipat lipat ang tingin niya sa amin Lucas. “Mika kasi, oo baby kita pero noon yun eh.” Tatayo sana ako para ramdam nila yung gulat ko ng hilain ako nito ulit sa kinauupuan ko, kung makahatak siya parang gusto niya akong ibalibag sa sahig eh.

“You're saying that– are you abandoning me?” Napasigaw ako ng kaunti dahil sa idea na pumasok sa utak ko, hala. Baka nga iiwan na ako nito dahil masyado akong pasaway?

Marahas akong lumingon kay Lucas at binigyan ng death glare ko, so mas mabait pa ito kumpara sa akin? Simula nung naging kaibigan ko si Aurora wala siyang ibang tinrato gaya ng ginagawa niya sakin tuwing kami lang, ako lang ang una niyang nginitian at pinagbuksan ng kanyang munting puso.

Oo, highschool days, doon kami nagkakilala. Siya yung tipong nanatili sa isang pwesto at hindi kumikibo kung hindi kailangan. She was invincible during the first day of school. Hindi ko nga maisip kung kailan ko siya napansin sa school eh.

The first time we exchanged conversations is when I needed to be paired with someone who have brains. Oo na wala akong masyadong academic achievements noong highschool ako, nalulong sa K-Dramas at novels. Kaya ayun napa-tutor ako sa kanya ng wala sa oras, it's free din kasi ayaw niya akong mag bayad kahit kaunti lang.

So, during our tutor hours sa bahay ko ay palagi ko siyang kinakausap kahit minsan hindi na ako makatanggap ng response. Maybe 1 month na tutor doon lang siya nag open up, like noong second to the last day na ng session namin is bigla siyang nag breakdown.

I'm not sharing about why her sudden breakdown. Basta ayun after that day eh iniwasan niya ako for a week bago kami nag usap ulit for a project, our project kung saan kami lang dalawa ang gagawa. Well, that's where it started.

Ngayon nag tatampo na ako dahil ipapalit niya ako kay Lucas? Ano naman ang ka-baby sa lalaking to? Ang laki kaya niya kumpara kay Aurora, paano niya yan nakitang baby? Malabo na ba mata niya para hindi ma-distinguish ang malaki sa maliit?

“Kung saan-saan na naman lumilipad ang utak mo Mika, hindi literal na sanggol ang ibig kong sabihin.” Napahawak ako sa noo ko ng pitikin niya ito. Aba, ngayon nananakit na siya?

“Eh anong klaseng baby ba yan?”

“Baby, babe, boyfriend ko.”

Napahalukipkip ako habang palipat lipat ang tingin sa dalawa na nakangiti sa akin. Paano pa naging baby ang isang boyfriend? All I know about having a boyfriend is like dating someone who you want to be with the rest of your life. Yes I watch k-daramas and read novels pero I never actually thought about it happening in real life.

“Congratulations, I guess.” Napasandal ako sa kinauupuan ko habang nakasimangot na nakatingin sa plato ko, “pwede naman love ang nickname niya ah, mahal mo naman diba?” Nilingon ko si Aurora, pwede naman yun na lang eh bakit yung nickname pa niya sa akin ang ibinigay niya.

“Eh.” Tumingin sila sa isa't isa pabalik sa akin, ano naman yang tingin nila parang hindi gusto yung idea na sinabi ko. Tama naman ako diba, kapag love niyo ang isa't isa eh pwede na yun maging tawagan nila.

Hay, bahala na nga problema nila yan, bakit ko pa pinoproblema ang relasyon nila. Makakain na nga, malapit na yung shift ko kaya kung gusto ko pa makakuha ng sweldo mamaya kailangan ko maging maaga.

Hindi na kami nagkibuan hanggang sa makaalis na silang dalawa, kasalanan ko ata ang bigla nilang pagtahimik. Hindi na nga sila nag-uusap o nag ngingitian, siguro okay na ako na tawagin niyang baby si Lucas.

Hindi ko naman pangalan yun, masyado lang akong na-attach sa nickname niya sa akin kapag kami lang. Siya ang unang tumawag sa akin no'n dahil ganun daw ako umasta kapag siya kasama ko, okay lang naman sa akin kasi never in my life na naging totoo ako sa sarili ko.

Yes I'm jolly pero it's limited when I'm in public. Trust me, when I get comfortable around you, you might need a lot of patience. Si mother nga ang haba ng pasensya sa akin, I think.

Well enough of that, kailangan ko na mag trabaho. It's payday kaya kailangan pakitang gilas kay manager para hindi niya bawasan yung sweldo ko. Nakapalit na ako sa uniform ko kaya kailangan nakangiti rin ako dahil isa akong waiter at kailangan ko ngumiti, bilin din ni manager kaya dapat lang na gawin.

“Assist the customers.”

Gulat akong napatingin kay Sir Mark na papalayo sa akin, bigla ba namang sumulpot tapos utusan. Sinong hindi magugulat doon eh hindi ko naramdaman na dadaan siya, napailing na lang ako at pumunta na sa front door para salubungin ang mga customer.

Hindi ko naman to trabaho pero wala akong magawa dahil hindi pumasok yung naka-assign dito, nag kasakit kaya kailangan niyang mag pahinga ng ilang linggo.

“Welcome to...”

Panay bati ang ginagawa ko at hinahatid sila sa mga bakanteng table, ako na rin yung kumukuha ng order nila at nag serve sa kanila. Nasa pang sampu na akong serve ng bigla akong tawagin ni Maya, kanina pa siya sa cashier at masasabi kong busy rin siya sa mga self-service na customers.

“Mika, tawag ka ni manager.” Nandito ako sa tabi niya sa likod ng counter top, ngumiti lang ako sa customer namin na nagbabayad. Napatingin kaming dalawa sa pinto ni Sir Mark na ngayon ay pumasok na may kasamang matangkad na lalaki, nagkatinginan kami ni Maya na parang alam na namin kung ano ang mayroon.

“Yung offer niya ata sayo, baka siya na yung nakapili sayo bilang model ng isang company.” She's excited, very excited for me. Inaalog na niya ako sa sobrang saya habang ako naman ay tulala dahil hindi pa ako makapag-desisyon, hindi ko pa nakakausap si mother.

“Go na, baka magalit si Sir Mark.” Napalabi ako ng itulak niya ako paalis sa tabi niya, sinenyasan niya lang akong pumasok na sa office na may malaking ngiti sa labi niya.

Kamot ulo na lang akong umalis sa station niya at naglakad na papalapit sa office, pinagpapawisan ng malamig ang mga palad ko kaya panay punas ang ginagawa ko. Ito ang sinasabi ko, matagal ko na gustong makapunta sa Korea pero bakit ako kinakabahan kung ngayon na may pagkakataon na ako?

Siguro dahil parang masyadong madali kong nakuha ang oportunidad na makapunta? Nakakaduda lang dahil hindi ako masyadong masalita tungkol sa gusto kong makapunta ng Korea, I mean verbally not but by action yes. Palagi akong share nang share ng post tungkol sa traveling at lifestyle ng isang Korean influencer.

Impossible naman na alam ni Sir Mark ang pagkagusto ko na makapunta sa Korea dahil hindi ko siya friend, private rin naman ang mga posts ko kaya friends ko lang talaga ang may alam. Napalingon ako kay Maya ng may narinig akong sigaw sa loob ng office, nag-aaway ba sila dahil kung oo hindi na ako tutuloy.

“Bring her to me, first thing in the morning.”

Isang lalaki ang biglang lumabas sa pintuan, mabuti na lang at mabilis akong napatabi dahil kung hindi baka ako ang pag buntongan niya ng galit. Maya-maya ay lumabas si Sir Mark sa kanyang office na may pilit na ngiti sa kanyang mga labi, napalunok na ako ng maramdaman ko ang nararating kong katapusan.

“Mikaela Villanueva, follow me inside.”

Pumasok na siya ng walang hintayan kaya hindi ko na pinatagal pa ang nararating kong masesante, pagkasara ko pa lang ng pinto ay isang malakas na tili ang narinig ko. Hindi ko alam kung galit ba siya o masaya, humarap na ako sa kanya ng nakayuko.

Aba, nakakatakot kaya magalit ang isang 'to. Kahit pa matapang akong pumasok dito sa office niya na alam ko naman ang sasabihin niya ay hindi ko pa rin kayang salubungin ang mga mata niya, lalo na ang labi niya na bigla na lang nagiging matulis sa kakanguso niya.

“You're going to South Korea! I'm going to be rich! WHAHAHAHAHAHA!” Napatingin na ako sa mukha niya sa pagkakataong ito, napangiwi na lang ako ng nagsasayaw na siya na wala namang music dito.

“Meet him tomorrow.” Napasandal ako sa pinto ng tumakbo siya sa akin at sa mukha ko talaga sinabi ang mga 'yun, napatango na lang ako ng wala sa oras dahil sa mukha niyang nakakasakit sa mata.

Makanguso sa akin parang hahalikan ako, away ko siya maging first kiss noh. Umalis na siya sa harapan ko kaya nakahinga na ako ng maluwag, naglakad na ako papunta sa harap ng lamesa niya ng umupo siya at may inilahad na envelope.

“Nandiyan ang mga detalye ng kontrata, basahin mo tapos puntahan mo yung address na ibinigay nila.” Nakakunot ang noo ko habang binubuklat ang mga papel sa loob, sinilop ko ang mukha niya at napabalik na lang sabinabasa ko dahil hindi ko talaga matitigan ng matagal ang mukha niya.

“PlastikSrug.com...” napakurap-kurap ako habang nakatingin sa laman ng kontrata, ang pumasok lang sa utak ko ay gusto kong ihamblos sa pagmumukha niya ang hawak ko ngayon. Anong karapatan niyang tanggapin ang alok na ito at ako ang i-reccomend?

Ang laman lang naman ng mga papeles ay pupunta ako sa Korea para maging isang model ng isang clinic na kinukuhanan ng plastik surgery. Ni walang ako ipinagawa sa mukha ko gagawin pa akong model doon, baka magulat na lang ako na wala na akong pamilya dahil lang sa naging model ako ng clinic nila.

Ito ba ang sinasabi ni Maya na offer? Kung oo tama lang pala na kabahan ako dito, masisira buhay ko nito once na maging model ako ng clinic nila. Masisira talaga dahil ang close minded ng mga relatives ko, kaya nga minsan hindi ko na sinasamahan si mother para umattend ng gatherings kasi puro masasamang bagay ang maririnig ko sa kanila.

Nalalait lang si mother kaysa mag saya siya dahil nakakasalamuha niya ang kanyang mga kapatid, ako na ang nag-adjust para kay mother para hindi niya maramdaman na pabigat ako. And I never actually liked our family reunions kaya mas bet ko sa bahay at kausap si Aurora.

“Meet him tomorrow and make me rich,” masaya niyang pagkanta na agad kong ikina-irap. “And here is your salary for the month, advance na kasi mapapalitan mo naman yan.” Isang malaking ngiti ang pumalit sa nakasimangot kong labi, maingat kong tinanggap ang naka-envelope na pera.

“End your shift today, mag beauty rest ka.”

Agad akong nagpasalamat at dali-daling lumabas ng office niya, baka bawiin eh. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat ng biglang sumulpot si Maya sa harapan ko, nakangiti siyang nag-aantay ng balita ko kaya mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya.

“South Korea here I come!”

Nagtatalon na kaming dalawa kaya lahat ng tao ay napapatigin sa amin at pumapalakpak, napatigil lang kami sa pagsisigaw ng biglang lumabas si Sir Mark parasilipin kami.

Mga ngiti lang nagawa naming dalawa ng nakangiti siyang nakadungaw sa pinto niya, napahinga kami ng maluwag ng pumasok na siya ulit. Moody si Sir kaya kailangan maingat pa rin, hindi porke't good mood siya ay tuloy-tuloy na yun kapag may nilabag kaming rules niya.

••დ••

A/N:
Suprise, may update na ako. Himala, naka update kahit ang daming schoolworks dahil monday na naman bukas. Hindi ko matiis hindi mag sulat eh, tagal na nito sa drafts kaya ito.

Enjoy reading for now. ^⁠_⁠^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro