BM1: Promotion
MIKAELA
I heard of a story that revolves around two unfortunate lovers, they lost the things they cherished and never recollected. Reading that book is a big opener for me, it taught me what is most important.
Being in a relationship is not something to take it lightly, it’s a trap that every person turned a blind eye to it and accepted as if it’s a blessing.
Foolish beings, blinded by the word of love. How I wish I stand guarded with that book’s message and never accepted the words of love, then I can never be in this state.
Trying to smile away all the negative emotions that is piled up, it was yesterday. So fresh yet too blur to even feel the pain, it feels like I’m still listening to the words that came out of his sinful lips.
“Gurl, gising na huy!” I woke up from my thoughts when someone pushed me on the side.
“Ayan ka na naman sa ka-eemote mo, tigilan mo nga yang panonood mo nang mga drama.” She pulled my phone out of my hands and wiped the tears from my cheeks. Agad ko naman itinuloy ang pag-punas sa mukha ko, hindi ko man lang napansin na umiiyak na pala ako.
“Hindi naman ako nanonood ah, I’m reading!” I exclaimed trying to grab my phone from her grasp, she’s so tall I can’t even reach her hands that is raised above her head.
Tinaasan ko siya ng kilay ng tumatawa lang siya sa paghihirap ko, grabe naman siya makatawa parang hindi kaibigan. Umupo na lang ako sa upuan ko at hindi siya nilingon pa, bahala siya dyan hindi naman niya naman ako mapipigilan na magbasa o manood man ng mga drama.
I have back-ups: tablet, laptop, and physical books. Nandito lahat sila sa bag ko, ilalabas ko lang and then boom– I’m back in track. Pipindutin ko na sana ang power button ng nawala na naman ito sa harapan ko.
“Hep, hep. Mika, stop na kanina ka pa nakatutok sa mga gadget mo. You need to review for the exam.” She scolded me like a mother who raised a dozen of kids, just kidding she’s single and just an acting mother to me.
I gave her a glare that she returned and grabbed all my source of drama. Napadukdok na lang ako sa lamesa ko at huminga nang malalim, alam ko na exam na namin pero I need drama to relax – more like the charms of those male leads.
Mga guwapo ba namang mukha ang makikita ko sa lahat ng drama, those Korean actors is to die for.
“I’m reviewing you know,” I lazily said and faced her, still placed my head on my arms. Totoo naman ang sinasabi ko na nag-aaral ako, sa paraan ko nga lang na pag-aaral.
Mamayang hapon kasi ay mag-take kami ng final examination namin sa Korean language, I’m hitting two birds with one stone, less stress and more fun.
Hindi ako yung tipong mag papakalunod sa mga textbooks para matutunan ang isang subject, too much text makes my head ache like crazy. Though it only happened once, I’m not triggering my brain to hurt again just because I need to pass the exam.
“I know that face,” she warned as she shake her head in disbelief. “Alam ko na masasagot mo yung exam na parang wala lang pero please lang hindi mo alam kung ano man ang ilalagay nila doon.”
She’s right that I can pass the exam like I am the one who made the questions, she’s just worrying too much for me. Ako pa na mula pagkabata ay kagustuhan ko na ang pag-aaral ng lunguwahe ng mga koreano, expert na ata ako eh… kahit pa nakapikit ako pwede ko na ma-perfect yun.
But she’s also right that I need to at least re-read the lectures given, sa ingay ba ng mga kaklase ko kakabigkas ng mga salita ay kakabahan na ang iba kaya nakikisabay na rin.
Paano ba naman hindi kabahan ang mga kaklase ko kung ang items ay isang buong bond paper, questionnaire pa lang yun. Yung teacher pa naman namin sa subject medyo may pagkasungit, ayaw niya ng tao na tanong ng tanong eh common sense lang naman yung sagot sa tanong.
They’re tensed while I’m just chilling here like on vacation, malapit na rin ang summer vacation so why not i-advance ko ng kaunti lang, malay natin maging long vacation pa.
Ipipikit ko na sana ang mata ko dahil inaantok ako katitig sa mga kaklase ko nang bigla na naman akong itinulak ng magaling kong kaibigan, ang brutal naman ng kaibigan ko na ito. Muntikan na nga ako mahulog sa kinauupuan ko ah, bigyan ko nga ng isang kurot sa singit.
“Aurora Alvarez, tigil-tigilan mo ako baka makatikim ka ng matulis kong kuko.” Nakatayo na ako habang inaambaan siya ng kuko ko na kating-kati nang bigyan ng kurot ang babaitang ito, kanina pa ako pinagtutulak. Mukha ba ako trolly na kung saan-saan na lang itutulak sa parking lot?
Pinanlakihan ko siya ng mata ng umatras siya palayo sa akin, aba gusto pa niyang tumakas. Hindi ko na hinintay na maka-atras pa siya dahil hinabol ko na siya, napanganga ako ng ang bilis niyang naka-alis sa table niya. Ang bilis naman niya…
“Huy! Yung notes ko wag mo namang apakan!” nanlulumong sigaw ni Adrian sa mga papeles niyang nahulog sa sahig, dumaan ba naman si Aurora na parang hangin. Napasingal na lang ako at napa-atras para pulutin ang mga ito, hindi naman ako masamang tao kaya tinulungan ko na siya.
I have no enemies kaya, well except sa kaibigan ko na palagi na lang ako iniinis.
Lumayo na ako kay Adrian na kanina pa bulong nang bulong habang pinapagpag ang papeles niya. Adrian Paredez, ang academic conscious na palagi na lang nag procrastinate.
Ewan ko ba sa kanya kung paano niya yun na gagawa, himala nga at isa siya sa mga outstanding students dito sa amin.
Napatigil ako sa pagtakbo ng bigla na lang dumaan ang ibang kaklase ko, nag-aagawan na sila kung sino ang sunod na mag hihiram ng libro. Napailing na lang ako at nagpatuloy, probably dictionary yun na limited edition.
Napangiti ako ng isang hakbang na lang ay maabot ko si Aurora, hinihinggal siyng nakatalikod sa akin habang nakasandal sa isang table kaya hindi niya pansin na malapit na ang katapusan niya.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko ng bigla na naman siyang tumakbo papunta sa pinakalikod ng classroom, hindi ba siya titigil katatakbo? Maawa naman siya mga binti kong maliliit, hindi naman masyadong maliit sadyang ang haba ng mga binti ng babaeng iyun. Hindi na ako nag pahinga pa at tinakbo ang distansya ng pinakadulong upuan.
“Aurora! Humanda ka talaga kapag na-abutan kita, hindi lang kurot makukuha mo kundi isang matinding kurot sa singit!” Hinihinggal kong sigaw ng hindi ko na naman siya naabutan dahil nagtago siya sa likod ng mga malalaking taong ito, mukha na kaming naglalaro ng patintero dahil hindi ako pinapalagpas ng mga lalaking ito.
Malapit na yun eh, isang hila ko na lang makukuha ko na siya.
“Hoy! Lucas umalis ka nga sa harapan ko, baka gusto mo rin ng kurot,” hinggal na hinggal kong sabi habang pinapakita sa kanya ang kuko ko, napatigil ako sa pagtakbo ng hindi na talaga ako pinalusot.
Nakahawak ako sa mga binti ko habang ibinabalik ang mga hangin sa katawan ko, hindi talaga ako mananalo sa mga higanteng ‘to.
“Ang daya niyo talaga hah,” habol hininga kong saad at tininggala si Lucas na nasa likod niya lang si Aurora na naka-peace sign.
“Ikaw babae ka, kanina mo pa ako pinagtutulak, mukha ba akong punching bag?” reklamo ko, maayos na ako at nakatayo na rin habang nakaturo sa mukha niya. Agad naman siyang umiling at nilingon si Lucas na parang siya pa yung inaapi, aba nag-pa-cute.
“Mika, ako na lang, intindihin mo na lang si Aurora hah?” napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Kailan pa naging kakampi ni Aurora ang lalaking ito? Sa pagkakaalala ko mortal silang mag-kaaway mula highschool hanggang ngayong college, kailan pa sila nagkamabutihan?
“Hoy! Itigil mo kung anong iniisip mo Mika,” depensa ni Aurora na ikinataas naman ng dalawang kamay ko, umiling lang ako at napaiwas sa mata niya ng nagmamakawa siyang tigilan ko kung ano man ang nasa utak ko.
Masisisi niya ba ako? Sila nga tong masyadong close kung saan ang pagkakalam ko ay magka-away sila na pati ang isang dikit ng lang ng hibla ng buhok ni Lucas sa kanya ay nagrereklamo siya.
“Wala akong sinasabi huh, masyado ka namang defensive.” Nagpipigil kong tawa habang itinaas-baba ang dalawa kong kilay, hindi ko na na pigilan ang tawa ko ng bigla niyang binatukan si Lucas na nanahimik lang na nanonood sa amin.
“Aurora,” tulala na tawag nito habang nakahawak sa kawawa niyang ulo, napahalagpak na ako sa kinatatayuan ko ng humarap sa akin si Lucas na may malaking question mark sa ulo niya.
“Oy, kay laki mo ng tao wag kang umiyak dito,” natataranta kong sabi ng bigla na lang namuo ang luha sa mga mata niya. Hala siya, kailan pa to umiyak dahil inaway siya ni Aurora? Nilingon si Aurora na ngayon ay nakaupo na sa upuan niya habang nagbabasa ng lectures, balik aral matapos niya akong takasan at tarayan si Lucas.
“Lucas, may regla ba si Aurora?” bigla ko na lang naibulalas na agad namang sinagot ni Lucas na parang isang iskandalo ang sinabi ko, masama ba magtanong? Feel ko kasi alam niya kasi siya naman palagi ang kasama nito kapag umuuwi sila, naisip ko lang na baka same dorm sila.
“I don’t know, siya kaya tanungin mo!”
“Makasigaw ka naman, oh sige na namumula ka na eh.” Iniwan ko na siya doon na parang kamatis sa pula ng mukha niya, may lagnat ba siya?
Napailing na lang ako habang naglalakad papunta sa pwesto ko, ang weird nilang dalawa silmula ng iniwan ko sila sa bench doon sa park na malapit lang sa restaurant na palagi naming pinupuntahan.
Nakaupo na ako sa upuan ko kaya nag-simula na akong mag-aral, hindi ko na siya pinansin kasi mukhang hindi niya gusto madesturbo sa pagdikit pa lang ng dalawang kilay niya ay alam ko na concentrated na siya sa pag-aaral.
Isang oras ang inubos ko sa pag babasa ng mga terms at meaning ng mga salita, alam ko naman yung ibinigay ni Sir Fontes na words pero sisiguraduhin ko lang para ma-perfect ko talaga.
“Good evening class, keep your things…”
Napangiti ako nang matapos ko na ang pag-babasa, tamang-tama at dumating rin ang proctor namin ngayon. Nakangiti lang ako habang hinihintay na matanggap ang papel ko, habang hinihintay ay minamasdan ko lang silang mag bigay ng iba’t-ibang reaksyon matapos nilang mabasa ang mga nakalagay.
“Makakapasa pa ba ako nito?”
“Paalam korea, mukhang hindi ako makakapunta ngayong taon.”
What you heard is right, may free plane ticket to Korea kung makahighscore ka sa subject na ito. According to the faculties ay isa itong sponsor ng Korean personnel na may matalik na kaibigan dito sa paaralan namin, hindi man lang sinabi kung sino ang matalik na kaibigan pero may hula na ang mga estudyante na si Sir Fontes ang tinutukoy nila.
Siya lang naman ang teacher na marunong mag Korean dito eh, probably doon siya nag-aral para maging professor sa Korean literature.
I’m sure na siya talaga dahil isang beses ay narinig ko siyang may kausap sa kanyang telepono. They were speaking in hangul kaya alam ko na hindi bero yung sponsorship, malamang naintindihan ko dahil mahasa na ako kapag naririnig ko ang mga salita.
Sa dami ba namang Korean drama ang pinanood ko mula 7th grade hanggang ngayon, sinong hindi matututo sa lenguwahe nila? I literally lived hearing Korean language, my mother is one-fourth Korean and my father is a full Korean pero hindi ko naman siya nakilala kaya wala siyang ambag.
Well medyo dahil sa buhok ko na masyadong healthy na nagmumukhang animated, but the rest of my beauty is from my mother.
When I was five years old mother introduced me to the Korean culture. She talked to me in Korean at home, in tagalog outside the house, and I learned English while attending school.
Nung bata ako akala ko normal lang na tatlong lenguwahe ang ginagamit namin pero nang mag tanong ako sa mga kaibigan ko hindi daw, unless I’m half and living in another country then it’s possible.
One time tinanong ko si mother kung may lahi ba ako, hindi niya inaasahan na mag tatanong ako ng ganun sa edad na sampu. Hindi ko naman siya masisi na magulat dahil sa edad na yun marami ng nagsasabi na mukha daw akong may lahi, hindi ko nga alam kung anong meaning non kung hindi ko pa tinanong si mother.
From then on, naging interesado na ako sa lahat ng bagay na related sa Korean kaya nga ako napunta sa kursong ito eh.
“Times up!”
Napahinga ako ng malalim ng matapos ang dalawang oras na pag sasagot, yung iba hindi pa gustong ipasa dahil may kulang pa sa mga sagot. Masaya kong ipinasa sa harapan ang akin dahil sa wakas hindi ko na makikita ang mga letra na kanina ko pa tinitingnan, like I said bawal ako malunod sa mga printed texts.
Napalingon ako kay Aurora ng masydao siyang tahimik, dapat kinukulit niya ako kung ano ang isinagot ko sa isang item o tama ba yung sagot niya sa ibang items.
Mahina kong itinulak ang balikat niya para kunin ang atensyon niya, masyado siyang malungkot sa isang exam. I mean I know naman kung ano ang halaga ng exam na ito pero wag naman masyadong ikimkim.
“You’re doing great, makakapasa ka niyan, ikaw pa ba,” pabiro kong sabi habang nakangiting hinawakan ang magkabila niyang balikat, mahina siyang ngumiti sa akin na ikinatango ko.
At least she still have the energy to smile, alam kong makakapasa siya. Masyado lang siyang negative mag isip kaya minsan ako ang na-istress, well I’m good in handling stress kaya okay lang sa akin.
“Woohoo! Tapos na ang torture!”
“Tara food trip, libre ko!”
Masyado silang energetic sa isang tao na katatapos lang mag sagot ng halos tatlong oras na final examination. I shrugged and proceeded to tidy up my things.
I need to arrive at my work fast, like at this very moment I should be on my way outside the school premises. Knowing my manager, bubuga na naman 'yun ng apoy na parang dragon dahil sa galit na late na naman ako.
Nagpaalam na ako kila Aurora at Lucas dahil late na talaga ako, sinabihan lang nila ako na mag-ingat which is palagi ko naman ginagawa and thankful ako dahil they care for me.
Lakad-takbo ang ginawa ko dahil fortunately ang lapit lang nito sa school namin, sakto kasi na naghahanap ako ng extra work tapos hiring sila for waitress.
Hinihingal akong nakarating sa restaurant na ngayon ay punong-puno ng mga tao. Nakakunot ang noo ko habang naglalakad papasok sa loob, never pa napuno ng ganito ang restaurant sa pagkakaalam ko.
Puro ka-age ko lang ang nakikita ko kaya nalilito na ako kung ano ang mayroon ngayon, nakarating na ako sa locker room para magpalit na ng uniform.
Mabuti nga at hindi ko nadaanan si Sir Mark, baka hindi na ako noon papasukin eh. Habang nag bibihis ay nakikinig rin ako sa labas, puro sigawan naririnig ko kaya nagmadali na ako.
“The menu's on me, pick all the food you want!” Nakalabas na ako sa locker room at bumungad sa akin ang hiyawaan ng mga tao. Dumeretso na ako sa pwesto ko, ang cashier line number 3.
“Miss Villanueva, buti nakarating ka na.” Napalingon ako kay Maya na may daladalang isang tray na puno ng ibat't ibang flavor ng frappe, agad ko siyang tinulungan na siyang ipinagpasalamat niya.
“Nasaan si Sir Mark? Bakit ang daming tao ngayon?” tanong ko habang siya naman ay pinipindot ang cashier para i-total ang price ng isang dozenang frappe, sa totoo niyan ako ang kinakabahan sa nangyayari ngayon.
Baka kasi bigla na lang umalis ang grupo na yun na hindi nagbabayad, mukha pa namang kadudaduda ang sumigaw kanina na siya ang babayad.
“Huy, salamat sayo at ngayon ay nasa office siya sinasagot ang mga tawag na kahapon pa nagsimula,” masaya niyang saad na ikinalunok ko, bakit masaya siya doon?
“Bakit daw? Hindi naman ako matatanggal ngayon noh?” Inayos ko ang mga straw sa tray habang hinihintay na mag-salita siya, sabi na eh may mangyayari hindi maganda pero sa akin naman. Maghahanap na naman ako nito ng trabaho, sayang ito na kasi ang pinakamalapit.
“Matatanggal? Huy gurl, baka ma-promote ka pa niyan!” tili niya at lumapit sa akin para bigyan ng yakap. Litong-lito akong nakatayo habang siya ay mahigpit na nakayakap, agad naman siyang lumayo at nakangiti akong tiningan.
“Promotion? Bakit ako?” I'm so confused. Six months na akong nag trabaho dito kumpara sa kanya na dalawang taon na, bakit ako ang tatanggap ng promosyon kung dapat siya ang tatanggap?
“Dahil ikaw sinabi niya?” Napatawa ako sa sinabi niya iniisip na baka biro lang, napatigil na lang ako ng mapansing hindi nga siya nagbibiro. Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang kanyang magkabilang balikat, hindi ko kayang tanggapin ang promotion kung may mas karapatdapat.
“Dapat ikaw ang ipromote hindi ako, matagal ka na dito sa restaurant kaya bakit ako na baguhan pa lang?” napalingon ako sa cashier kung saan matagal na siyang nakatayo para kunin ang mga order ng customer.
“Claim the promotion, then maybe I can take your place behind the counter.” There, I made a deal. Hindi ko naman pwedeng maunahan siyang umaangat dahil mas naghirap siya kaysa sa akin.
“Mikaela Villanueva the next face of the restaurant.” Nag sign pa siya na parang naka sulat sa isang billboard, napanganga ako habang nakatitig sa kanya. Next face? Huh?
“Alam mo, napili ka kaya sa isang kompanya para maging endorser ng franchise na ito. Kaya kung ako sayo kunin mo na, sa Korea pa naman yung may-ari nito eh, baka doon ka mapunta.” Napalayo ako sa kanya sa gulat, anong pinagsasabi nito.
“Korea? Huh? Weh?” sunod-sunod kong tanong habang nakatingin sa mata niya, napatalon ako sa tuwa ng tumango siya. Is this a dream? Hala! Totoo talaga na sa korea ang magiging next destination ko kung tatanggapin ko ang alok nila??
Bakit naparami ata ang sponsorship na sa Korea ang pupuntahan? Una sa school tapos dito na naman? Malapit ko na ba makuha ang matagal ko ng gusto??
Nagyakapan kami ni Maya habang natutuwang tumatalon, nagsasaya na kami dito na hindi man lang napapansin ng mga tao dahil maingay rin naman sila.
“Nasaan na po yung order namin?” napatigil kami sa ginagawa namin. Ngumiti ako at kinuha na ang tray na kung saan ay sa kanila, tumulong yung lalaki sa pagbitbit kaya napabilis ang pag-serve ko ng mga pagkain nila.
Sa dami ng opportunity na makakapunta ako sa Korea, bakit ako kinakabahan?
••დ••
A/N:
Ngayon lang naka update, busy sa school eh... But I'll be updating maybe around this time if kakayanin, for now enjoy this chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro