Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24

Athena


"Oh, ito. Kakauwi lang ng Tita ko galing sa abroad. Binigyan nya ako ng maraming chocolates. Hati-hati tayong tatlo."

Napangiti kami ni Ayesha nang nilapag ni Sabrina ang mga chocolates sa harapan namin. We immediately take some for us to help on us on our review.

Malapit na kasi ang bar exam kaya focus kami sa pagrereview. It's been months since that incident, I started to open myself up to them. They did everything to help me heal which I really appreciate. Lahat ng ginawa nila para sa akin ay talagang hindi ko kakalimutan.

"Kapag alas dose na, matulog na tayo, ha?"

Napalingon kaagad ako kay Sabrina dahil sa sinabi nya. Napansin nya ang titig ko sa kanya kaya tinaasan nya ako ng kilay.

"Oh, bakit?"

"Dito na naman kayo matutulog?" tanong ko kasi madalas na talaga silang natutulog dito ni Ayesha sa bahay.

"Aba, oo naman!"

"Of course!"

Napangiwi ako nang sabay silang sumagot sa tanong ko. I appreciate them for being with me since they knew that I'm now alone here at the house. But I also don't want them to revolve their worlds around me.

They also have their own lives. Ayokong sa akin sila mag focus. I knew that they also have a lot on their plates.

I sighed. "Umuwi na kayo." mariing sabi ko. "Bumalik nalang kayo rito kapag magrereview na ulit kayo."

Kaagad akong inirapan ni Sabrina. "Ayan ka na naman. Sabing ayaw namin na hayaan ka na mag-isa lang rito, eh."

"Just let us be, Nana." sabi rin naman kaagad ni Ayesha.

Napabuntong hininga ako. I actually expected this kind of responses already. "Huwag nyong iikot ang mundo nyo sa akin. Hindi ko kayo jowa," sabi ko sa kanila.

Sabay silang napairap sa akin kaya napailing na lamang ako sa kanila. Ang dami pa nilang sinabi kesyo kailangan ko ng kasama pero pilit kong dinidecline ang company nila rito sa bahay.

Sinabihan ko na rin sila na huwag palaging pupunta sa bahay. Noong una, nagalit sila pareho sa akin pero kalaunan pumayag naman kaagad sila kasi pinilit ko talaga sila na pumayag sa gusto ko.

"Kamusta ka na, Athena?" Ate Rosa gently asked during our hour break.

Bumalik na ako sa bar para magtrabaho kasi kailangan ko ng allowance everyday tsaka kailangan kong dagdagan ang ipon ko para sa college kung sakali man na makapasa ako sa bar exam.

I smiled at her before replying, "Okay lang naman po. Ikaw po ba?"

"Ayos lang noh!" kaagad na sabi nya. She sighed. "Akala ko talaga na di na kita ulit makikita pa na ganito," tinutukoy nya ang ako ngayon.

Ang ako na may ganang makipag-usap sa iba. Nasaksihan kasi ni ate yong pagod na ako. Yung ako na pasuko na sa buhay ko.

That's why I am so happy with having Ate Rosa by my side. She's also been with me through my ups and downs...just like Sabrina and Ayesha.

I reached for her hand to hold it. "Thank you so much, te." I mean it with my whole heart.

Binigyan nya lang ako nang matamis na ngiti bago ako niyakap. As I hugged her, I suddenly remember Mama. Ganito nya ako yakapin noon nung mga panahong nandito pa sya sa tabi ko.

If only I could bring back the time...I would hug her tightly...as if I'm not gonna let go of her.

Kung pwede lang talagang ibalik ang oras na nandito pa sya sa tabi ko. Kung pwede lang. Pero wala na kaya wala na akong magagawa pa kundi ang magsisi kasi hindi ko sya nayakap noon.

"Ate..." tawag ko kay Ate Rosa pagkatapos kong bumitaw sa yakap. Nilingon nya ako at tinaasan ng kilay, hinihintay ang nais kong sabihin. "...sa tingin mo po ba proud si Mama ngayon sa akin?"

Natigilan si Ate Rosa dahil sa tanong ko. Her lips parted. Mukhang hindi inaasahan ang tanong ko. I gulped because I really want to hear her answer.

Her brows furrowed at me. "Kailan ba sya hindi naging proud sayo, Athena?"

Natawa lamang si Ate Rosa nang makita na naiiyak ako dahil sa sagot nya. Kaagad nya akong tinapik sa balikat at inasar kaya napanguso na lamang ako.

After Ate Rosa left, kaagad akong napalingon sa kalangitan. Nasa balcony kasi ako ng bar kaya malaya akong makatingin sa kalangitan kung gusto ko man.

"Mama..." I smiled. I talked while looking at the sky...just thinking that she was there. "...sana makapasa ako sa bar exam para matupad ko iyong pangarap natin noon."

I promised Mama that I'll be having a large house. Gusto kasi talaga namin iyong mga bahay ng mga mayayaman kaso hindi namin afford kasi mahal ang materyales para sa pagpapagawa ng bahay.

Pero kapag tapos ko na talaga ang pag-aaral ko, magsusumikap ako na magkaroon ng trabaho kaagad para makapagpatayo na ng malaking bahay.

With a dream like this...sinong hindi magkaroroon ng gana na magreview para sa bar exam?

"Are you now ready?" tanong ni Ayesha sa akin.

I nervously nodded at her. It's not the day of examination. Ang dami kong mga ritual na ginawa para lang makapasa. Nagsuot pa ako ng kulay pula na damit, pati ang panty at bra ko ay kulay pula.

Same kami ng room ni Ayesha kaya sabay na kaming tumungo roon. Magkatabi kami ng upuan na pinili. Hindi pa nagsisimula kaya kinakabahan kami ngayon habang naghihintay.

"Sana makapasa tayo. Kinakabahan talaga ako," sabi ko kay Ayesha.

Ayesha chuckles. "I also hope that too."

As the examination begins, we did our best on answering it. Pagkatapos ng exam ay kaagad kaming lumabas ni Ayesha sa room. Hindi na kami lumingon pa kasi bawal daw iyon tsaka sinipa pa namin iyong upuan bago lumabas.

"Nakakamatay! Hindi ko talaga alam kung tama lahat ng mga sagot ko!" napatili si Sabrina habang umiinom ng milktea nya.

Ayesha sighed. "We did our best though."

"Ngayon ay kinakabahan na ako para sa result ng bar exam natin," sabi ko na kaagad silang napatango.

Mga ilang buwan pa bago inilabas ang results namin. Ang dami kong mental at nervous breakdowns na nagaganap dahil dito kaya nang nandito na ang results, hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdamang kaba ngayon.

Dahil ba confident ako o dahil naiinip na ako ngayon sa kakahintay kay Sabrina?

Nandito kasi kami ngayon ni Ayesha sa bahay. Hinihintay nalang namin si Sabrina kasi ang usapan naming tatlo ay sabay kami na titingin sa results.

"Ang tagal nya," naiinip na sabi ko.

Ayesha chuckled at me. "Let's just wait patiently, Nana. While we're waiting, we can talk." mahinanong sabi nya. "How are you? Are you still grieving over Tita?" diretsahang tanong nya.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Hindi na," totoong sagot ko kaya napangiti sya. "Hindi ko alam kung healed na ba ako pero kasi hindi na ako umiiyak kada naaalala ko si Mama."

Inabot nya ang kamay ko para hawakan ito. "I feel so proud of you, Nana."

I looked at her with my gentle eyes. "Thank you, Sha."

I also feel proud with myself right now. Hindi na kasi ako umiiyak na kapag tungkol na kila Mama...at Magnus. Am I now finally healed?

"Are you still waiting for him?" biglaang tanong ni Ayesha kaya napalingon ako sa kanya. "Are you still waiting at the airport for him?"

Napangiti ako sa tanong nya. "Oo naman," kaagad na sagot ko kaya dumaan kaagad ang lungkot sa mga mata nya. "Mahal ko sya, eh."

Napaiwas sya nang tingin sa akin. "Aren't you getting tired of it? Waiting for someone who's you're not sure if that person is coming back. Hindi ka ba nasasaktan?"

Napatingin ako kay Ayesha. She looks so sad for me. I smiled while looking at her.

"Noong una, masakit." napalingon sya sa akin dahil sa sagot ko. "Sobrang sakit kasi umaasa talaga ako na makikita ko pa sya ulit. Minsan iniisip ko kung ano na ba ang nangyari sa kanya. Kung may iba na ba sya roon sa Spain o baka ayaw nya lang talaga akong makita pa ulit."

"I had doubts before." pagpatuloy ko. "Minsan, napapaisip ako kung..." I smiled sadly. "...buhay pa ba sya o hindi na."

Randam kong natigilan si Ayesha sa sinabi ko pero hindi ko na lamang iyon pinansin pa. I just continued on what I was talking about.

"Pero ayokong dumating sa ganoong punto na pag-iisip. As much as possible, I still want to assume that he's still out there. Na babalik pa sya. Na makikita ko ulit sya." I smiled genuinely. "So I can still have a reason to live every day."

Hindi nakapagsalita si Ayesha dahil sa mga sinabi ko. A lone tear fell from her eyes after I said those words. Mahina lamang akong natawa sa kanya.

"You're so in love with him," naiiyak na sabi nya.

Mahina akong natawa. "I really am, Sha." I smiled softly. "Kahit na pakiramdam ko ay hindi na sya babalik pa, mananatili pa rin akong maghihintay sa airport."

Napaawang ang labi ni Ayesha dahil sa sinabi ko. "Every day?"

Kaagad akong natawa nang malakas sa tanong nya. "Hindi naman! I can't revolve my world around him too much. I still have a life, you know?"

Napapunas si Ayesha sa mga luha nya. "Oh, I thought you're gonna wait for him at the airport every day. I'm sorry," she smiled apologetically.

No, not every day anymore. Just on June 22...the day he promised that he'll come back.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro