Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21

Athena


The hardest thing to do than dying is suffering.

Tama nga talaga ang sabi nila na 'It takes a lot of strength to be weak' kasi nahihirapan ako ngayon na maging totoo sa nararamdaman ko. Infront of Sabrina and Ayesha...nakangiti ako.

They're now living their life with happiness. Hindi ko alam kung paano nila nagagawang maging masaya kasi ako...nakalimutan ko na ang ganyang klaseng pakiramdam.

"Hoy! Excited ka na ba sa bar exam?" tanong ni Sabrina sa akin. May pa hampas pa sya sa braso ko. "Kinakakabahan talaga ako kasi malapit na. Dalawang buwan nalang at bar exam na."

Kahit isang emosyon ay wala na ngayon sa sistema ko kaya binuhos ko lahat ng lakas ko para lang umaktong masaya ngayon sa harapan nila. "Oo, kinakabahan din naman ako." simpleng sagot ko lamang.

"Taray pero kaya mo iyan! Kayo ni Ayesha. Pareho kayong matalino, eh."

I just forced myself to laugh. Nang tumigil na si Sabrina sa pakikipag-usap sa akin, napahinga ako nang maluwag. Wala na talaga akong lakas para ngumiti, tumawa, makipag-usap...maging masaya.

While looking at Ayesha and Sabrina, I hid my relieved smile. Hindi ko inaakala na darating ang panahon na magkakaroon na ng ibang kaibigan si Sabrina bukod sa akin.

They looked happy and I'm okay with it. Hindi ko magawang magselos kasi sila na yung close. I feel relieved for Sabrina kasi kapag mawawala ako, may isa pa syang kaibigan na nasa tabi nya. Kampante ako ngayon na hindi ko sya maiiwan na mag-isa.

"Athena!" natigilan ako nang tawagin ako ni Ayesha. Napalingon kaagad ako sa kanya, hinihintay ang sasabihin nya. She looked at me with her concerned eyes. "Are you okay? We keep on asking you but you're only staring at us."

"Gusto mo ata kami, eh." pagbibiro ni Sabrina.

I only gave them a little smile. "Ano ba iyon? Sorry, lutang lang." rason ko.

"Tinatanong ka lang namin kung nasaan si Tita?" my heart immediately sunked when Ayesha asked me this. "Wala kasi sya kanina noong sinundo ka namin ni Sab sa bahay nyo."

I stopped breathing to stop myself from crying. Palihim ko ring kinurot ang sarili bago huminga na. I faked a smile at them. "May pinuntahan lang saglit." I lied.

Wala si Mama kanina kasi wala na sya. Hindi na sa babalik pa. Hindi ko na sya makikita pa. Hindi ko na sya makakasama pa. Wala na si Mama sa mundong ito.

"Ah, ganoon ba? Pero infairness ah, hindi ka na nagtext kay Tita para magpaalam na umalis." sabi ni Sab kaya natahimik ako.

I faked a laugh. "Sira ka. Pinapayagan nya naman na ako." sabi ko nalang.

"Oo, pero hindi ka gumagala. Kung hindi ka kinuha kanina sa bahay nyo, hindi ka ata sasama sa amin ni Ayesha ngayon, noh?" nakangusong aniya ni Sabrina na tinawanan ko lang.

We just walked around the Mall. May mga binili sila habang ako ay sumasabay lang sa kanila. I'm just enjoying this moment I have with them. Kasi hindi ako sigurado kung may susunod pa ba na ganito o wala na.

Having them was one of the nice thing I had in my life. Sila, si Mama...at si Magnus. Thinking about him still hurts. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit sa pakiramdam kada naghihintay ako sa airport pero wala pa ring Magnus na bubungad sa aking mga mata.

The day he left was the last day I saw him. Kung iyon pala ang huli...sana hindi ko sya hinayaang umalis. Sana hinigpitan ko ang paghawak sa mga kamay nya. Sana niyakap ko sya nang matagal. Sana pinigilan ko sya. Sana hindi nalang sya umalis.

"Restroom lang ako," sabi ni Sabrina. "Hintayin nyo nalang ako rito." aniya bago tumungo na sa restroom.

Kami nalang ni Ayesha ang natitira rito kaya kinuha ko na ang chance na ito para tanungin sya. "Sha, where's Magnus?"

Natigilan sya sa tanong ko at nag-iwas ng tingin kaya napakunot ang noo ko. "I don't know about his whereabouts, Nana." nilingon nya ako para bigyan ng isang tipid na ngiti. "I'm sorry,"

While looking at her, I can sense that she's hiding something. But even though I really want to know it, I couldn't ask her again since I don't have any strength left anymore. Kaya kahit na gustong gusto ko na malaman kung nasaan na si Magnus, hinayaan ko na lamang sya.

"I'm here! Kakatapos ko lang. Sorry kasi medyo natagalan." napalingon kami kay Sabrina nang kakabalik nya lang. "Kain muna tayo dyan bago uuwi." turo nya sa isang fastfood restaurant.

Tumango na lamang kami ni Ayesha sa kanya. Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang maging masaya at maging malungkot. Masaya kasi masaya silang dalawa at malungkot kasi gusto ko rin iyan......iyang maging masaya.

I left home feeling nothing and now I came home feeling nothing again. Napasandal kaagad ako sa pintuan pagkasara ko nito. Napakagat ako sa labi ko nang unti-unti na namang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.

The memory of Mama welcoming me immediately after I came home...I miss it. Even the memory I had on Christmas and New Year....I remember it. The memories that stayed as a memory.

"Ang daya...." naiiyak na sabi ko. "....iniwan nyo akong mag-isa."

Napayakap na lamang ako sa sarili ko habang humahagulhol dito sa sala. Lamig at sakit ang bumalot sa akin ngayon. Napatingin ako sa kisame na para bang tinitignan ang Panginoon na nasa taas.

"Niminsan hindi ko kayo hiningan ng materyal na bagay! Niminsan hindi ko kayo tinanong kung bakit hinayaan mo kaming maghirap ni Mama! Niminsan hindi ako nagalit sayo dahil sa sakit na nararamdaman namin ni Mama! Pero bakit ganito?!"

Hindi ko na mapigilan ang sarili na sumabog ngayon sa kanya. I grew up talking with him while I'm in pain. Kaya ngayon gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Kanya.

Kasi Sya lang naman ang meron ako ngayon.

"Bakit ganito?! Bakit wala na sila ngayon sa tabi ko?!" napahikbi ako. "Bakit mo pinaranas sa akin ang saya na iyon kung babawiin mo lang naman sa huli?!"

"Bakit mo sya pinakilala sa akin kung hinayaan mo lang naman syang iwan ako?! Bakit hindi mo tinulungan si Mama?! Bakit kinuha mo na si Mama galing sa akin?!" napahagulhol ako. "Bakit hindi ako pwedeng maging masaya?"

I screamed while crying. The pain that I got used to got worsened kaya hindi ko na mapigilan ang sarili na sumabog pa. Kapag lahat ng ating nakasanayan ay lumala, hindi na natin makakaya pa ito.

"Isa lang naman ang nais ko..." napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit na naramdaman ko rito. "....ang maging masaya ako."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro