Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19

Athena


"Mama, kain na po kayo"

As usual, wala akong sagot na natanggap kay Mama. Nasa loob lamang sya ng kwarto, nagkukulong. Sinubukan ko kahapon na pumasok sa kuwarto pero ang natanggap ko galing sa kanya ang isang malalang sermon kaya wala na akong balak pa na ulitin iyon.

Nilagay ko na lamang sa lamesa ang pagkain na para kay Mama. Tumungo nalang ako sa kwarto para magpahinga muna kasi may trabaho pa ako mamaya sa bar. Hindi kasi ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho kasi simula noong matapos ang interogasyon ng mga pulis sa amin ay tumigil na kaagad si Mama sa pagtatrabaho.

Dalawang linggo na pero nag-iimbistiga pa rin ang mga pulis. Kada gabi naman ay nagdadasal ako para lang mahuli ang pumatay kay Rick. Nahihirapan na kasi ako kada nakikita ko si Mama na walang buhay na nakatingin sa sahig.

Her body is alive but its soul isn't.

"Kamusta na si Cathy?" tanong ni Ate Rosa sa akin.

Napalingon ako sa kanya at malungkot na ngumiti. "Ganoon pa rin, te. Palaging nasa kwarto. Kada gabi nga ay naririnig ko ang mga iyak nya."

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko para pigilan ang sariling maiyak. Naalala ko naman kasi bigla ulit ang hitsura ni Mama. The dead eyes that shattered my heart into pieces. She looked like a sunflower that has already withered away.

Hinaplos ni Ate Rosa ang likod ko. "Kumapit ka lang, Athena. Magiging okay rin iyan ulit si Mama mo."

As what Ate Rosa said, I kept on holding on to that hope...that Mama will be okay again. Nakaya naman ni Mama noon...alam kong makakaya nya ulit ito. She's the strongest woman that I've ever known.

[Ayos ka lang ba?] tanong ni Sabrina sa akin habang nag video call kami.

Kaagad akong tumango sa tanong nya. "Oo naman," tumawa ako para kumbinsihin syang okay lang ako. "Bakit? Mukha ba akong hindi okay?"

Ang nakakaalam lang ng nangyari ay kami nila Mama, Ate Rosa, Magnus, at Sir Leon. Wala akong balak na idamay pa silang dalawa ni Ayesha sa problema namin ni Mama.

[Para kang may problema pero hindi mo sinasabi sa amin ni Sha.]

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Sabrina. I giggled at her. Kilalang kilala nya na ako pero ayoko pa ring sabihin kaya kinumbinsi ko lang sya nang kinumbinsi na okay lang talaga ako hanggang sa naniwala na sya.

[Kamusta kayo ni Magnus?] biglaang tanong nya.

Dahil sa tanong nya, napaisip ako bigla kay Magnus. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mapagtantong bukas na pala sya babalik. I just answered Sabrina that Magnus and I are okay before ending our call.

Kaagad kong hinanap sa contact list ang pangalan ni Magnus bago sya tinawagan. Hindi sya sumagot kaagad kaya tinawagan ko sya ulit. After 5 rings, he answered.

Napangiti kaagad ako kasi sumagot na sya pero kaagad napakunot ang noo ko nang mapansin na hinihingal sya sa kabilang linya. "Are you okay?" kaagad na tanong ko.

Natagalan sya bago sumagot. [Y-Yes, love.]

"Bakit ka hinihingal?" tanong ko naman kaagad, nag-aalala ako para sa kanya.

[T-Tinakbo ko ang phone ko.] sabi nya sa kabilang linya. I heard him chuckle. [I'm just excited to answer your call.]

"Ah, ganoon pala. Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sayo." I sighed then he chuckled. "Babalik ka na bukas diba?" nakangiting tanong ko. "I'll be waiting."

Natahimik sya sa kabilang linya. Tinignan ko ang phone ko kung nawala ba ang tawag. Hindi naman nawala kaya tinawag ko sya. "Love? Are you still there?"

[Y-Ye-] bigla syang pumiyok kaya nag-alala ako. He scoffed. [I'm sorry. Dahil lang sa pagkahingal ko,] rason nya.

"You should drink some water."

[I-I will,] sagot nya sa akin. Akala ko ay iiwan nya ang phone para uminom ng tubig pero nagulat ako nang nagsalita ulit sya. [L-Love, can you tell me that you love me?]

Naguluhan ako sa pinagawa nya sa akin pero ginawa ko pa rin naman. "I love you, love." I said genuinely.

[I love you,] sabi nya rin. [I will always love you, okay? Love, there will be no woman after you.] sabi nya kaya napangiti ako. [You're my last.]

"Ako rin, love. Ikaw rin ang panghuli ko." nakangiting sabi ko. "You're my first and last."

[T-Thank you. I-I love you so much.]

Napangiti ako. "I love you. Do you still have work right now?"

[Y-Yes.]

Kaagad akong naguilty kasi inistorbo ko sya. "Oh, okay. Focus on your work muna, ha? I love you! See you tomorrow."

[Goodbye, love.]

Napangiti ako dahil sa usapan naming iyon. Excited akong natulog para maaga akong magising kinabukasan. Excited na kasi akong makita ulit si Magnus. He's my happy pill and stress reliever.

Habang nagbibihis, napansin ko ang phone na regalo ko sana para kay Mama noong birthday nya pero hindi ko nabigay. Ibibigay ko nalang kapag medyo okay na si Mama.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas na kaagad ako ng kwarto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mama na kakalabas lang ng kwarto nya. Kaagad ko syang nilapitan at nadurog na naman ang aking puso ng makitang walang buhay syang nakatingin sa akin ngayon.

"Saan ka pupunta?" kaagad na tanong ni Mama ng makitang ayos na ayos ako.

"Susunduin lang po si Magnus sa airport." sagot ko naman.

Napataas ang kilay ko nang mapansin na may kakaibang emosyon na dumaan sa mga mata ni Mama....para itong lungkot at awa na pinaghalo. "Ganoon ba? Sige, mag-ingat ka." sabi nya sa akin. "Umuwi ka na kapag ala singko na."

Bumagsak ang aking mga balikat nang daanan lang ako ni Mama pagkatapos akong kausapin. She really changed. "Sige po," tanging sabi ko bago umalis na.

Sumakay lang ako sa tricycle patungo airport. Nang makarating na ako, kaagad akong umupo at nag-abang kung sakali mang papunta na si Magnus. Excited ako na kinakabahan kaya hindi ako mapakali.

I keep on tapping my feet on the ground. Tinitext ko rin si Magnus kasi parang ang tagal nya naman na. Tatlong oras na akong nandito pero wala pa rin sya. Naisipan ko nalang na ichat sya sa Messenger.

Athena Dennis Zarate:


hey, love. nasaan ka na?
kakain muna ako sa mall, ha? medyo gutom na ako.
kung nakarating ka na tapos wala ako, tawagan mo lang ako, ha? love u

Kumain muna ako sa malapit na Mall. Wala pa namang tawag galing kay Magnus kaya bumili muna ako ng gamit para sa bahay. Nang alas dos na, bumalik naman kaagad ako sa airport.

Athena Dennis Zarate:

love, nasaan ka na?

Para akong tanga rito sa airport pero wala naman akong pake, e. Basta hinihintay ko ang jowa ko rito. I just keep on finding him everytime there's a lot of people coming out, mga kakarating lang.

Alas tres. Alas kwatro. Ala singko. Walang dumating. Wala sya. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso pero huminga lamang ako nang malalim. Baka mamayang gabi pa....baka maaga lang talaga ako. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Kaagad akong napatingin sa phone ko nang nag ring ito. Excited ako kasi akala ko na si Magnus na ito. Si Mama pala....hindi ko magawang maging excited kasi alam ko naman na kung bakit sya tumatawag.

[Anak, uwi na.] sabi nya kaagad pagkasagot ko sa tawag.

Hindi ako sumusuway kay Mama pero ngayon....gusto kong sumuway muna. "Ma, mamaya na po. Hinihintay ko pa po si Magnus." sabi ko sa kanya.

[Athena, umuwi ka na. Hali ka na rito.]

"Mamay-" naputol ang sasabihin ko ng isang sigaw ang bumungad sa aking tenga galing sa kabilang linya.

[Athena, umuwi ka na! Huwag mo na akong paulitin pa. Kapag hindi ka pa uuwi, itatapon ko mga gamit mo.] ani ni Mama bago pinatay ang tawag.

Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot at pagkagulat kay Mama. This is the first time I heard her scream at me. Niminsan ay hindi nya ako pinagtaasan ng boses kasi alam nyang iyakin ako noong bata pa ako....pero ngayon sinigawan nya ako na para bang wala na syang pake kung ano man ang maramdaman ko.

Is this my mother?

Wala akong choice kundi ang umuwi nalang kasi takot ako kay Mama. Nag chat nalang ako kay Magnus na kapag nakarating na sya, dumiretso na sya sa bahay. I keep on waiting for him...but he didn't come.

Dahil doon, nag search kaagad ako baka kasi may nag crash na eroplano noong araw na iyon pero wala. Nag chat lang ako nang chat kay Magnus, tinatanong sya kung bakit wala pa rin sya. But....I didn't get any response from him.

Tinawagan ko ang mga kaibigan nya pati na si Ayesha pero wala silang sinabi tungkol kay Magnus. For three months, I keep on waiting for him at the airport.

Naghintay ako nang naghintay kahit na sobrang nakakapagod na. I looked at the sky. Nandito ako sa ngayon sa likuran ng bahay, nakaupo lang ako sa lupa kahit marumi.

"Lord, nasaan na po ba sya?" napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. I bit my lips to stifle my sobs. "Ayos lang po ba sya? Magnus naman! Babalik ka pa ba?" naiiyak na tanong ko habang nakatingin sa mga ulap.

I bit my lips. Naalala ko ang huling pag-uusap namin sa phone. Napakuyom ako sa kamao ko ng nakaramdam ako ng galit. I could still hear the words he spitted that night.

"Sabi mo babalik ka....." naiiyak na sabi ko, inaalala ang huling pag-uusap namin. "Ngayon...nasaan ka na?"

Maiintindihan ko naman kung hindi natuloy ang flight nya...pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ni isang reply ng mga chats at texts ko ay wala. Hindi na rin sya sumasagot sa mga tawag ko.

It feels like he vanished without me knowing about it.

Para akong tanga rito sa likuran ng bahay namin, iyak nang iyak. Napapakagat na rin ako sa kamay ko para pigilan ang mapahagulhol ng malakas. Ayokong marinig ni Mama na umiiyak ako....papagalitan nya ako.

"Please....bumalik ka na." pagmamakaawa ko. "Kailangan kita....." I sobbed. "Sobrang sakit na."

Umiiyak lang ako sa likuran ng bahay hanggang sa may nag doorbell sa gate namin. Kaagad kong inayos ang sarili ko bago tumungo sa gate para tignan kung sino ito.

Mga pulis.

Kaagad ko silang pinagbuksan ng gate kasi akala ko may update na tungkol sa pag iimbistiga nila sa pagkamatay ni Rick pero nagulat ako nang mariin ang mga titig nila sa akin.

"Maaari ba naming malaman kung nasaan si Cathy Seran?" tanong ng isang pulis sa akin.

Napayakap ako sa sarili ko dahil niyakap ako ng lamig. "Nasa kwarto po. Bakit?"

Nagulat ako nang diretso silang pumasok sa loob ng bahay. Kaagad ko silang hinarangan para pigilan. Para kasing kakaiba ang nais nila kay Mama. Hindi katulad dati kapag nagbibigay sila ng update sa amin.

"Bakit po? Ano po ang gagawin nyo sa Mama ko?!" nagpapanic na ako.

Hinarap ako ng isang pulis at pinakita sa akin ang arrest warrant na dala nila. Napaawang ang labi ko dahil sa nakikita ko ngayon. "Aarestuhin nyo ang Mama ko?!" kinakabahan na ako ngayon para kay Mama.

Hinarangan ko lalo ang pintuan para hindi nila kunin si Mama pero malakas sila kaya ang dali para sa kanila na itulak ako. Malakas ang kabog ng didbib ko kasi ayokong makulong si Mama! Hindi ko rin alam kung ano ang ginawa ni Mama!

Pagkabukas nila sa pintuan, kaagad akong bumangon at tumayo para sana lumapit kaagad kay Mama.....pero lahat kami ay nagulat nang makita kung ano ang nangyari sa loob ng kwarto ni Mama. Nakaawang ang labi ko at napaluhod ako sa sahig dahil sa nakita ko ngayon.

Si Mama...nakabitay sa kisame.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro