17
Athena
"Really? They did that to you?"
Napatango ako sa tanong ni Magnus. Nandito kami sa bahay. Sinabi ko kasi sa kanya kung paano ako itrato ng mga kagrupo ko sa thesis. As expected, he didn't like the idea of them hurting me.
"They're rude." sabi nya kaagad pagkatapos kong tumango. "If they're men, I would challenge them for a fight. I hate people whose mean to you," sabay haplos nya sa buhok ko.
Napangiti ako sa sinabi nya. He really cares for me. Kaagad ko syang hinalikan sa pisngi nya. "Thank you." I sincerely said.
"Anything for you, love." hinalikan nya ang likod ng kamay ko.
Napangiti ulit ako bago umupo sa tabi nya. Napasandal ako sa balikat nya habang ang isang kamay nya ay hinahaplos ang hita ko.
"Bakit ka pala napaaga sa pag-uwi?" biglaang pagtanong ko nang naalala kong sabi nya sa akin last time na next week pa ang uwi nya rito. "Please, don't tell that it's because I told you that I miss you!" kaagad na sabi ko nang mapansin ang reaksyon nya.
He chuckled because of what I said. "No, don't worry. It's just that I finished my work early than what I expected. Makakahabol pa ako sa graduation mo." sabay ngiti nya sa akin.
Napailing nalang ako. "Medyo matagal pa." sabi ko.
"Then, we'll have a lot of time for preparation for your outfit."
Gaya ng sinabi ni Magnus, nagkaroon nga kami ng mahabang oras para mag prepare sa graduation ko. Hindi ako valedictorian pero si Sabrina ay oo. I'm really proud for her.
"Mama,"
Nandito kami ngayon ni Mama sa kusina, nagluluto para sa pang hapunan namin. Sasabay sana sa amin si Magnus kaso may urgent meeting daw kaya kailangan nyang umuwi sa bahay nila. Sa laptop lang naman na meeting.
Napalingon si Mama dahil sa biglaang pagtawag ko. She's staring at me while she's smiling. "Bakit, nak?" tanong nya habang inaasikaso ang luto nya.
Lumapit ako sa kanya bago sya niyakap galing sa likuran. "Pasensya na po kung hindi ako Valedictorian," sabi ko kasi pangarap talaga namin ni Mama na maging Valedictorian ako. "Pero huwag ka pong mag-alala, Ma. May dalawang taon pa naman po ulit ako. Kailangan ko lang pumasa sa bar exam para ipatuloy ang dalawang taon na iyon."
Mahinang natawa si Mama dahil sa sinabi ko. Pinatay nya muna ang stove bago ako hinarap. Nakangiti nyang hinaplos ang pisngi ko. "Wala akong pake sa mga achievements na iyan, nak. Ang mahalaga sa akin ay masaya ka sa ginagawa mo at syempre na makapagtapos ka."
Napanguso ako. "Nakakahiya kasi naghanda pa ako ng speech noong bago ako mag college tapos hindi pala ako Valedictorian."
Natawa si Mama sa sinabi ko. "Ano ka ba, nak? May chance ka pa na bumawi. Ipasa mo ang board exam tapos mag-aral ka ng two years. Doon ka maging Valedictorian." pagpapagaan ni Mama ng loob ko.
Napabuntong hininga ako bago ngumiti kay Mama. "Babawi ako, Ma! Gagawin ko talaga ang lahat para lang maging proud ka sa akin."
Napaingos si Mama sa sinabi ko. "Kahit naman hindi ka Valedictorian, proud ako sayo."
I still have two days preparations before the graduation. Nakabili na ako ng outfit ko tsaka nakapagrenta na rin ng toga – salamat sa tulong nila Mama at Magnus. Wala na akong magawa kaya nandito nalang ako sa bahay ni Magnus kasi bored ako sa bahay. Wala naman si Mama kasi may trabaho sya ngayon.
Hindi pa rin kasi ako bumabalik sa trabaho. Gusto ko na munang ifocus ang sarili sa paparating na graduation.
"Are you sure that you just want to watch some movie?" tanong ulit ni Magnus. Pang limang beses na itong tanong nya sa akin! Konti nalang at maiinis na ako.
I sighed to calm myself. "As what I said earlier, yes. Gusto ko lang manood ng movie. Bakit ba? Ano ba ang gusto mong gawin natin?" tanong ko sa kanya kasi parang may gusto syang sabihin sa akin pero hindi nya magawa.
Napaawang kaagad ang labi nya at nag-iwas sya ng tingin. Napakunot ang noo ko ng makitang namula ang mga tenga nya. I sighed before asking him again. Nang lingunin nya ako para sagutin, pulang pula na ang dalawa nyang tenga.
"M-Make love," nahihiyang sabi nya.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Napakagat ako sa labi ko at napaisip. Watching a movie right now is good but making love with him is better.... so we did the deed. Afterward, we found ourselves cuddling each other while being naked underneath the sheets.
"That was amazing," nakangiting sabi sa akin ni Magnus bago hinalikan ang noo ko.
Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. "Shut up," nahihiyang sabi ko kaya natawa sya. Biglang napakunot ang noo ko nang tignan nya ako nang mariin. "Bakit? May problema ba?" kaagad na tanong ko sa kanya.
He just smiled at me before shaking his head. "I'm just proud of you."
My heart melted because of what he said. Kaagad kong isinubsob ang mukha ko sa leeg nya kaya mahina syang natawa sa akin. "I love you," naiiyak na sabi ko dahil sa tuwa.
I heard him chuckle before kissing my head. "I love you,"
I'm thankful that I have him in my life. Simula noong dumating sya, nawala yung dilim bigla. No matter what happens, I will always crave his light, for he is my light.
"Handa ka na ba, nak?"
Nakahanda na kami ngayon ni Mama. Nandito na kami sa paaralan. It's already my graduation. Silang dalawa ni Magnus ang kasama ko habang maglalakad kapag tinawag na ang pangalan ko. I'm just wearing a pencil cut skirt partnered with a Chinese collar blouse underneath my toga graduation dress.
Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Mama bago sya nginitian. "Handa na po, Ma."
As I walked on the red carpet escorted by my mother and Magnus, I can feel something weird in my heart. I can feel myself tearing up because of happiness. Alam kong hindi pa tapos ang journey ko. I still have a long way ahead to become a Psychologist.
However, I cannot stop myself for being happy. Masyado akong masaya ngayon at alam kong kapag graduation ko talaga na tapos na ang lahat, mas sasaya ako lalo.
As the program goes by, I can't stop myself from smiling. Alam kong proud sila Mama at Magnus sa akin kahit na honor lang ang award na meron ako. Noong sinabitan ako nila Magnus at Mama noong medal ko, hindi ko mapigilang mapangiti lalo sa kanila.
"Picture tayo, nak. Mahal pa naman nitong suot ko,"
Mahina akong natawa sa sinabi ni Mama bago kami nagsidikitan nila Magnus para sa picture. I can sense the gaze of other people towards Magnus but I couldn't care less. Siguro ganito talaga ako kakampante kasi alam kong kahit sino pa ang babae na nasa harapan nya, ako pa rin ang pipiliin nya.
"Ang ganda mo," Magnus said after the picture taking at the stage.
I smiled at him. Bumalik ako sa upuan ko at sila naman ay bumalik sa mga upuan nila. Awarding na para sa mga nakakakuha ng mga special awards kasama na roon si Sabrina. Kami kasi ni Ayesha ay hanggang honors lang ang nakaya.
Noong speech na ni Sabrina, nilabas ko ang phone ko para makapagvideo sa kanya ngayon. I looked like a proud mother supporting her own daughter. Napangiti pa ako kasi halatang naiiyak na sya.
"Good evening, honored guests, teachers, deans, and all of you, graduates. First, I want to thank our teachers for guiding us into the path that we're walking on right now and I also want to congratulate everyone for making it here! Finally, it's already the end of the chapters! Our efforts has paid off!" napangiti si Sabrina ng napahiyaw ang lahat dahil sa sinabi nya. Naiiyak na ako habang nakavideo pa rin sa kanya.
"However, books about our lives aren't limited. As it ends, another one will start over again.... but in different dimensions. My point is, as we leave, another book will start over again. We'll be focused on the bar exam and then on our career as we get our license. The journey will never end, and so the blessings."
"The blessings could have been awards or people. As for now, we still have people as our blessings since our career hasn't started yet. However, it's still a blessing that you can keep every day and won't be ruined, unlike the awards. My blessings are my family and friends."
"Let us thank our family for supporting us financially and mentally, for always being there at our house, welcoming us with a warm hug just to cheer us. Also, let us thank our friends for always being there for us throughout our journey which includes mental and nervous breakdowns."
"When you leave here today, be proud and celebrate what you accomplished! Let's look forward to our new book, for the new chapters. Once again, congratulations to us!"
As she ended her speech, lahat ng tayo ay napahiyaw. Ako naman iyak nang iyak dahil sobrang proud ako sa kanya ngayon kaya nang tapos na ang program at nagkita kami ni Sabrina, tawa lamang sya nang tawa sa akin.
"I'm so proud of you," naiiyak naming sabi ni Ayesha sa kanya.
She just smiled at us. Nagkasabay lamang kaming kumain kasama ang aming mga pamilya. It was fun.... we even took some pictures that night. We just enjoyed it since there's a new path that is waiting for us to walk on it.
"I'm planning on working immediately at my parents' company." sagot ni Sabrina ng tanungin sya kung ano ang balak nya kapag nakapasa na sya ng board exam.
Napangiti ang lahat sa kanila. Ang sunod namang tinanong ay si Ayesha na kaagad nya namang sinagot. "I'm still be studying since I still have a lot of way to go." sagot naman ni Ayesha.
"Just same with Ayesha." sagot ko naman nang ako na ang tinanong.
We heard a lot of congratulations that time. I'm so happy since that dinner is so full of love and support. Nang nakalabas na kami sa restaurant kung saan kami kumakain ngayon, kaagad akong lumapit kay Sabrina at niyakap sya.
She chuckled because of what I did. Nahalata nya kasi na ginawa ko ito kasi may napansin ako sa kanya. Even though she's smiling earlier on the stage while having a speech, her eyes keep on wandering around the audience..... she looked like she's founding someone among them.
Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung sino ang hinahanap nya sa mga oras na iyon. Ngayon nga ay napapasilip pa sya sa phone nya.... halatang nag-aabang ng text o tawag.... galing kay Myst.
"He's also proud of you." tanging sabi ko para pagaanin ang loob nya.
She smiled because of what I said. "I like to hear that from him."
Kaagad akong nalungkot sa sinabi nya kasi halatang umaasa pa rin sya. I just smiled at her. "I hope you will," sabi ko kahit alam naming dalawa pareho na malabo itong mangyari... kasi tapos na talaga sila.
Nang uwian na, sa bahay nila Magnus ako natulog. We did a lot of rounds that time since he was too excited and hungry for me. I also enjoyed it, so I didn't complain. We just cuddled each other tiredly after the deeds.
May tatlong araw pa sya rito kaya sinulit namin ito kasi ang dami ko na rin namang free time dahil bakasyon na. We went to parks, mall, and restaurants for a date. We just enjoyed that three days kasi alam naming matagal pa bago kami ulit magkita.
"I'll be leaving... again."
Nandito kami ngayon sa airport. I'm sending him off. Ayoko pa nga sanang paalisin sya kasi mamimiss ko sya pero ano nga ba ang magagawa ko? I can't stop him from working!
I hugged him tightly. "I'll be waiting." nakangiting sabi ko sa kanya.
Bumitaw sya sa yakap bago hinaplos ang pisngi ko. He smiled at me. "Dito mo ulit ako hintayin,"
Mahina akong natawa bago tumango sa kanya. I just smiled while watching him leave. As I watched him leave, I get a weird feeling. It feels like this is my last time seeing him again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro