Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11

Athena

"Tatlong buwan na simula noong umalis si Magnus. Hindi mo ba namimiss?"

Napalingon ako kay Sabrina dahil sa tanong nya. We're here at the Mall. Sabado kaya walang klase. Pumunta kami rito para bumili ng mga gamit para sa mga projects namin. Si Ayesha ay nasa may markers banda kasi bibili raw sya habang kami naman ni Sabrina ay nandito sa may bandang mga tapes.

"Hindi ko alam," totoong sabi ko. "Tumatawag naman sya kada gabi, eh."

Kaagad napabusangot si Sabrina sa akin kaya natawa ako. "Sana all nalang talaga."

Natawa lalo ako dahil sa sinabi kaya napairap sya. "Mag omegle ka na." sabi ko sa kanya. Kaagad nanlaki ang mga mata nya at napahawak pa sya sa dibdib nya. Ako naman ay naguguluhan sa kanya kaya napakunot ang noo ko. "Anong problema mo?"

"Paano mo nalaman yan?" tanong nya, gulat na gulat pa ring nakatingin sa akin ngayon.

Napakunot lalo ang noo ko. "Omegle ba?" tanong ko sa kanya at napatango naman kaagad sya. Napairap ako nang maintindihan kung ano ang iniisip nya ngayon. "Si Ate Rosa kasi palaging sinasabi sa akin na may ka chat sya kada gabi. Na meet nya raw sa omegle." sabi ko sa kanya.

Kaagad napahinga nang malalim si Sabrina. "Akala ko naman na may nilalandi ka sa omegle. Team Magnus pa naman ako." siraulong sabi nya kaya napailing na lamang ako sa kanya.

Nang lumapit na si Ayesha sa banda namin, sabay kaming nagbayad sa cashier bago tumungo na sa milktea shop. As usual, matcha iyong order ko habang sa kanila naman ay wintermelon.

"Ang pait naman," sabi ni Sabrina nang matikman nya iyong akin. "Grabe, beh. Magkasinglasa ng lovelife ko ngayon." hugot nya kaagad.

Napailing na lamang kami ni Ayesha sa kanya. Hindi na rin kami nagulat ng makitang paiyak na naman sya. Ayesha immediately comforted her while I keep on staring at her.

Napaisip ako bigla sa sarili ko. Kung magiging kami si Magnus.....masasaktan din ba ako kagaya ni Sabrina?

"Alam kong wala na akong karapatang masaktan kasi wala naman na kami pero..." napakagat si Sabrina sa labi nya. "...hindi ko mapigilang masaktan."

Kaagad nasaktan ang puso ko ng makitang pinipigilan ni Sabrina ang sarili nya na umiyak. Si Ayesha naman ay binubulungan si Sabrina ng mga salitang makakapag pagaan sa loob nito. I bit my lips before reaching her hand. Nang mapalingon sya sa akin, ngumiti kaagad ako sa kanya.

"Hindi ko alam kung kailan o kung saan mo makikita iyong tao na papahalagahan ka....pero alam ko na nandyan lang sya sa tabi. Malay mo hinihintay ka lang nya na maging masaya diba?" pagpapagaan ko sa loob nya. "Hinihintay ka lang nya na mag heal."

Mapait na natawa si Sabrina. "Kung hindi sya, ayoko."

Kaagad akong napailing dahil sa sinabi ni Sabrina. Si Ayesha naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. We both wanted Sabrina to move on, however, Sabrina cannot and will not move on from her ex.

Nakakatakot palang magmahal. Nagiging tanga tayo sa pag-ibig.

"Kamusta ang gala, nak?" tanong kaagad ni Mama pagkauwi ko sa bahay. "May pera ka pa bang natira dyan para sa sarili mo? O naubos mo na lahat?"

"May tira pa naman po. Pwede ko pa po ito maging allowance for 1 week." sabi ko kay Mama.

Napangiti si Mama habang may hawak na baso. "Busog ka ba? Nagkakape kasi ako. Baka gusto mong timplahan kita?" tanong nya sa akin.

"Pwede po bang Milo nalang?" tanong ko kay Mama.

Mama smiled. "Oo naman! Magbihis ka muna sa loob ng kuwarto mo. Pagkalabas mo, nakahanda na itong Milo mo." malambing na sabi ni Mama sa akin.

Napangiti kaagad ako kay Mama. "Salamat, Ma."

Niyakap ko lamang si Mama bago tumungo na sa kuwarto ko para magbihis. After changing my clothes, I check my phone's text messages. Kaagad ko na rin naman itong binalik sa bag ko nang makitang wala akong natanggap na text galing kay Magnus ngayon.

Inayos ko lang ulit ang sarili bago lumabas na sa kuwarto at tumungo sa kusina kung nasaan ngayon si Mama. Pagkarating ko sa kusina, umiinom pa rin si Mama ng kape. Tapos na ang pagtimpla nya ng Milo para sa akin kaya kaagad nya itong binigay sa akin.

"Masyado bang matamis? Medyo naparami kasi ang asukal na nailagay ko."

Kaagad akong umiling kay Mama. "Tama lang naman po ang lasa."

Kaagad napangiti si Mama sa sinabi ko. Uminom lamang ako ng Milo kasama si Mama. May pandesal kaya ipinares ko sa iniinom ko ngayon.

"Kamusta kayo ni Magnus? Sinagot mo na ba?"

Nagulat ako sa biglaang pagtanong ng ganoon ni Mama. Nakabawi rin naman kaagad kaya nginitian ko sya. "Ayos lang naman po kami, Ma. Hindi ko pa po sya sinasagot." nahihiyang sabi ko.

Natawa si Mama sa sagot ko. "Ang hirap talagang buksan ng puso mo, nak."

Nakitawa lang ako kay Mama pero ang sa totoo lang ay hindi ako sang-ayon sa sinabi nya. Nabuksan naman na kaso pilit ko pa rin itong sinasara. I witnessed my own mother breaking down because of love. Dahil doon ay lumaki akong takot magmahal. Takot mag commit sa isang relasyon kasi iniisip ko nab aka magaya lamang ako kay Mama.

It's not that I disrespect my mother. It's just that I want to prevent myself from breaking apart..... as how she did before.

"Nak, sa tingin mo, oras na kaya para maging masaya ka na?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Mama. Kaagad nya akong tinignan ng malungkot bago inabot ang kamay ko sa lamesa at hinawakan ito.

"Okay lang naman matakot, nak. Ang hindi okay ay iyong pilit ka pa ring tumatakbo papalayo rito."

Kaagad akong nag-iwas ng tingin kay Mama. Kagat ko lamang ang labi ko at mahigpit na hinawakan ang baso kong may Milo para pigilan ang sarili na maiyak sa harapan ni Mama.

"Ayos lang naman po ako, Ma. Hindi naman po sa ganyan." depensa ko sa sarili ko.

Hinawakan ulit ni Mama ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. She smiled at me sadly. "Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya sa amin ng Papa mo, nak."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Mama. Tumatak sa aking isipan ang sinabi ni Mama. Palaging sumusulpot sa isipan ko iyong sinabi nya noong hapon na iyon. Kahit na may klase at trabaho ako, palagi ko itong naiisip kaya hindi ako makapag focus.

"Uuwi na si Magnus mamaya."

Sabay kaming napalingon ni Sabrina kay Ayesha dahil sa sinabi nya. Alam ko na ito kasi sinabi ito ni Magnus sa text kagabi pero napalingon pa rin ako kasi biglaan syang nagsalita habang nag-iisip ako ng malalim. Nagulat lang ako.

Kaagad akong nilingon ni Sabrina at nginisihan. "Excited ka na bang makita ulit ang pinakamamahal mong lalaki?"

Napairap ako sa tanong nya kaya natawa sya sa akin. Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa bar. Nang break time na, binasa ko na rin ang text ni Magnus.

Susunduin nya raw ako sa bar kaya sinabihan ko naman sya huwag na kasi mamaya pang ala una ito sa madaling araw pero nagpumilit sya kaya wala akong nagawa kundi pumayag nalang.

Pagkatapos ng trabaho ko, nagpaalam kaagad ako kay Ate Rosa bago lumabas na. When I went outside, I already saw Magnus in front of me. He's wearing his usual suit attire while leaning on his car. My heart pounded loudly because of it. I can also feel the butterflies embracing my system.

Nagsisigarilyo rin sya pero nang makita ako ay kaagad nya itong tinapon. Pinaypayan nya rin ang paligid gamit ang kamay nya para ilayo iyong usok bago ako makalapit sa banda nya.

Pinagbuksan nya lang ako ng pintuan kaya pumasok kaagad ako sa loob ng kotse nya. Sya naman ay umikot para pumasok na sa driver's seat.

"You look so beautiful," kaagad na sabi nya pagkapasok sa kotse.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. He suddenly became matured. Nagkaroon na rin sya ng bigote at medyo humaba na ang buhok nya ngayon. But because of his angelic face....hindi masakit sa mata tignan ang mga bigote nya.

"Sorry about my appearance." kaagad na sabi nya ng mapansing nakatitig ako sa mukha nya. "I was so into my work to the point where I forgot to take care of myself."

Kaagad akong nag-alala para sa kanya. "Diba sabi ko sayo na dapat mo masyadong itutok ang sarili sa trabaho?" mahinahong tanong ko. "Paano kung magkasakit ka? Magastos ang hospital." medyo napangiwi ako ng sabihin ito kasi para akong si Mama dahil sa sinasabi ko ngayon.

He chuckled. "It's okay. I'm taking vitamins every night. I'm also doing work out every morning." sabay kindat nya sa akin.

Papaandarin nya na sana ang sasakyan nya ng pigilan ko sya. Nagtitigan lamang kami sa isa't isa dahil sa biglaang pagtigil ko sa kanya bago sya sumandal sa upuan nya.

"Now, what's our problem?" malambing na pagtanong nya. He smiled gently at me while caressing my cheeks. "You look bothered by something."

Napakagat ako sa labi ko. Natatakot akong magsalita kasi baka maiyak ako kaya paulit-ulit ang paglunok ko ngayon. Si Magnus naman ay napatigil sa paghaplos ng pisngi ko at napakunot ang mga noo nyang tinitignan ako.

"Did I do something wrong?" kaagad na tanong nya.

Kaagad akong umiling sa kanya. "No! It's not that! Gusto ko lang sanang tanungin ka." napakagat ako sa labi ko.

Napakunot lalo ang noo nya ngayon. "What is it?"

I gathered all of my courage to ask this question. "Do you still want to date me?"

Natigilan sya sa tanong ko pero kaagad din namang nakabawi. "I'm sorry it's just that I thought your question would be intense to make you look nervous like that." he chuckles. "Of course, I still want to date you. Nothing changed, Athena."

Napasandal ako sa upuan ko at napayuko. Kaagad nya akong tinanong kung ano ang problema ko pero hindi ko sya sinagot. Blangko lamang akong nakatingin ngayon sa kamay kong nakapatong sa hita ko.

"As wha-"

"I also want to date you." putol ko sa sinasabi nya. Randam kong natahimik sya dahil doon kaya kaagad akong nagsalita ulit. "But....I'm scared. Natatakot ako kasi alam kong sasaktan mo lang ako, Magnus. Natatakot ako na baka matulad ka kay Papa." malamig na sabi ko.

"I like you. No, in fact, I'm inlove with you. However, I'm reall-"

"Then, date me." putol nya sa sinasabi ko.

Kaagad akong gulat na napalingon sa kanya. He's smiling at me right now widely like a happy beast. Inabot nya ang kamay ko at hinawakan ito. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sariling maiyak nang tignan nya ako ng puno ng pagmamahal.

"Date me, Athena." nakangiting sabi nya. "Don't be afraid of getting hurt. I can't promise you that I won't hurt you since I might hurt you unintentionally once. I love you so much to the point where I'm willing to give my all to you." he smiles widely. "That's why, date me, Athena."

Kaagad namuo ang mga luha sa mata ko habang nakatingin ngayon kay Magnus. He's looking at me with full of sincerity and love. Natatakot pa rin ako kasi hindi pa rin nawawala sa isipan ko iyong kila Mama at Papa....pero nasa isipan ko pa rin iyong sinabi ni Mama na hindi lahat ng pag-ibig ay katulad noong sa kanila.

I don't know what will happen to us. If he will hurt me like what Papa did to Mama or not. But....I want to try. I'm scared but I want to commit. I'm scared but...I love him. That's why I'll step outside of my comfort zone and face my fears right now.

A lone tear fell on my face. "Sure. Let's date each other." I smile at him genuinely. "Let's date each other." pag-ulit ko sa sinabi ko.

Nagulat sya sa sinabi ko pero kaagad ding napangiti. Hinila nya ako para yakapin bago hinalikan ang noo ko. "I won't promise that I can't hurt you...but I'll make sure that I will protect your happiness."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro