09
Athena
"Enrollment nyo na bukas. May pang bayad ka na ba sa tuition fee, nak?"
Magkasabay kaming kumakain ni Mama ngayon. Kasama na rin naman si Rick-jowa nya. Nabanggit ni Mama ang enrollment kasi August na. Balik skwela na.
It's been months already since that dancing with Magnus. Mas lumalim na rin ang pagsasamahan naming dalawa. Iniissue na rin kami nila Mama dahil doon.
"Kung wala, pwede kitang paglaanan ng pera, Athena. Alam mo namang para na rin kitang anak, diba?" ani ni Rick.
I smiled at him and kindly refuse. "May pera naman na po ako. Salamat nalang po."
Medyo naging ka close ko na rin si Rick kasi madalas na syang pumupunta rito sa bahay. Minsan pa nga ay naririnig ko sila kada madaling araw. Napapailing nalang ako kila Mama kinabukasan.
"Sino kasama mo bukas sa enrollment? Iyong jowa mo bang si Magnus?" tanong ni Mama, inaasar ako. Natawa sila pareho ni Rick ng namula ang pisngi ko. "Rick, inlove iyong anak ko." sabi ni kay Mama kay Rick.
"Oo nga, eh. Pareho kayo ng anak mo. Parehong inlove." sabi ni Rick at natawa.
Napailing ako sa kanila. "Hindi ko sya jowa, Ma, tsaka hindi sya yung kasama ko. Sila Ayesha at Sabrina. Sabay po kami bukas kasi mag-i-enroll din po sila." sabi ko.
"Ay ganoon ba? May allowance ka pa ba? O mababayad mo iyan lahat sa tuition fee mo?" nag-aalalang tanong ni Mama. "Pwede naman kitang bigyan, eh."
"Malaking pera po ang i-wi-withdraw ko bukas, Ma. Pang bayad sa tuition fee tsaka pambili ng school supplies. Allowance ko rin po." sabi ko kay Mama.
Kaagaad na napatango si Mama sa sinabi ko. "Buti naman at naisipan mong mag withdraw ng malaki bukas. Ingat kayo bukas nila Sabrina at Ayesha."
Pagkatapos naming kumain, naghanda na ako kasi may trabaho pa ako sa bar. Wala na ako sa coffee shop kasi tumigil na ako sa pagiging waitress doon. May klase na kasi, eh. Buti nalang at hindi nagalit si Ma'am Liz, hindi kagaya noon.
As usual, nagseserve lang ako sa bar at umuwi ng ala una sa madaling araw para magpahinga na. Natulog kaagad ako sa bahay kasi may lakad pa ako bukas.
"Ma, may pagkain na sa lamesa. Kumain ka nalang po kung kailan nyo gustong kumain. Rick, huwag mong pagurin masyado si Mama!" sabi ko sa labas ng kwarto ni Mama. Inasar ko pa sya kasi nandyan si Rick sa kuwarto nya.
Malakas na natawa si Mama galing sa kwarto. "Siraulo ka talaga, nak! Aalis ka na ba? Mag-ingat ka, ha! Pagkauwi mo, may bunso ka na!" natawa ulit si Mama.
Napailing na lamang ako at nagpaalam na. Napangiti pa ako habang naglalakad patungo sa kanto kasi masaya na si Mama ngayon. Dati puro lamang sya iyak habang hawak ang picture frame ni Papa pero ngayon puro na sya ngiti at tawa.
I always wish for her happiness and now that it's already fulfilled, I'm happy. Hindi ko maintindihan ang sayang nararamdaman ko para kay Mama. Sobrang sakit ang dinanas nya kaya nakakatuwa lang na masaya na sya ngayon.
"Ang tagal mo namang dumating. Mahaba pa naman ang pila." sabi ni Sabrina pagkarating ko.
Nandito ako ngayon sa may bandang gate ng paaralan. Pagkarating ko, nandito lamang sila Sabrina at Ayesha- nakaupo sa upuan dito sa waiting shed. Si Ayesha ay nakasuot ng earphone habang si Sabrina ay nag-i-scroll lang sa social media.
"Tagal mo," napanguso si Sabrina bago tumayo at nilagay sa bulsa ang phone.
"Sorry naman. Naghanda pa kasi ako sa bahay para kila Mama at Rick. Nandoon sila, eh. Ako nalang nagluto ng pagkain nila."
"Hali ka na nga," hinawakan nya ang kamay ko bago hinawakan ang kamay ni Ayesha na ngayon ay nagulat. Hindi nya ata napansin na nandito na ako dahil nakikinig sya ng music. "Tara na, Sha."
Tinanggal lamang ni Ayesha ang earphone sa tenga at binulsa ang phone. Sabay lamang kaming naglakad papunta sa registrar office para mag enroll. Mahaba ang pila kaya naghintay na lamang kami. Nag enroll lamang kami bago umalis na sa paaralan at tumungo sa Mall.
Pumunta lamang kami sa isang fastfood restaurant sa loob ng Mall at doon nag lunch. Ako lamang ang nanatili sa upuan kasi sila Ayesha at Sabrina na raw ang pipila. Nang dumating na sila sa banda ko, tinulungan ko lamang silang ilapag ang mga ito sa lamesa bago kami sabay sabay na kumain.
"Hoy! Ang sarap nitong akin. Try nyo!" nakangiting sabi ni Sabrina bago tinuro ang pagkaing inorder nya.
Kumuha ng konti si Ayesha at tinikman ito. Napatango tango pa ito pagkatapos tikman ang pagkain. "Yeah, it's delicious. You should also try it, Nana."
Nakitikim na rin ako at napangiwi kasi medyo maalat. "Hindi ko bet," sabi ko naman kaya iningusan na lamang nila ako.
Nag-usap lamang kami habang kumakain. Noong una ay sa academic namin kasi last year na ito ni Sabrina. Graduating na kasi sya. Ako may 2 years pa kasi AB psych ang gusto ko habang si Ayesha naman ay 8 years kasi BS psych sya.
"Ako kunin nyong architect, ha! Gagandahan ko mga bahay nyo! Promise!" sabi ni Sabrina habang kumakain ng halo halo.
Ayesha chuckles. "Sure."
"Kapag nakaipon na ako ng pambahay, ikaw kukunin ko." sabi ko naman.
Kaagad nagningning ang mga mata nya kaya napangiwi kaagad ako. Si Ayesha naman ay natawa sa kanya. "Ang sweet nyo talaga! Kiss ko kayo!" sabi ni Sabrina.
Napailing na lamang kami ni Ayesha sa kanya. Pagkatapos naming kumain, nag shopping kaagad sila Ayesha at Sabrina. Naisipan kasi nila iyon kasi wala na raw silang damit na susuutin. Ako naman ay pumunta muna sa bookstore para bumili ng mga school supplies ko.
Pagkatapos kong bumili ng mga kakailanganin ko sa paaralan, binayaran ko na lamang ito sa cashier bago tumungo na kung nasaan sila Ayesha at Sabrina. Si Ayesha ay nasa fitting room daw habang si Sabrina naman ay nakaupo lamang.
"Ang dami mo namang binili," pansin ko kasi ang dami ng mga paperbags na dala nya.
Mahina syang natawa. "Ang iba dyan ay kay Sha."
Napangiti na lamang ako hanggang sa napansin kong malungkot na napatingin si Sabrina sa bracelet nya habang hawak ito. "Nagkabalikan na ba kayo?" tanong ko.
"Nope. Ayaw nya na, sis." mahina syang natawa, halatang peke ito. "Hayaan na natin. Ayaw nya na talaga, eh. Gusto ko pa sana kaso napapagod na rin ako kaya wala na akong choice kundi huwag na syang pilitin pa."
Natahimik ako sa sinabi nya. That's what the scariest part of falling inlove. Iyong gusto mo pa pero sya ayaw na. I just hugged Sabrina to comfort her. I know how much she loves Myst. For sure, sobrang sakit para sa kanya noong naghiwalay sila.
"Kamusta ang gala? May natangay ka bang gwapo sa paaralan nyo? Like nabangga mo ba sya habang nagfifill up ka?" pang-aasar ni Mama habang kumakain kami.
Kaming dalawa lang ang magkasabay ngayon. Wala kasi si Rick, may trabaho raw sya.
"Mama, hindi ako interesado sa mga ganyan." sabi ko kay Mama.
"Sus! Kasi kay Magnus ka lang interesado?" kaagad namula ang pisngi ko dahil sa tanong ni Mama kaya natawa sya sa akin. "Huli ka, nak! Inlove ka pala doon, ha!"
Napailing na lamang ako kay Mama. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas sa mga pinggan bago dumiretso na sa kwarto para matulog. Kinuha ko muna ang phone ko para tignan kung may text ba si Magnus. Napangiti naman ako ng makitang meron nga.
Magnus: can we meet tomorrow?
Me: oo naman bakit
Magnus: I have something to tell you at 6 pm. I'll fetch you at your house.
Kaagad akong na curious sa kung ano ang sasabihin nya kaya tinawagan ko sya. Buti nalang at sinagot nya naman kaagad. Muntik pa akong mapatili ng bumuga sya ng hininga sa kabilang linya. Nagulat ako doon, ha.
"Ano yung sasabihin mo sa akin bukas? Hindi ako mapakali!"
Mahina syang natawa sa kabilang linya. [It's a secret, Athena. You should sleep already. I'll meet you tomorrow. Good night.]
Napanguso ako ng pinatay nya na ang tawag. Pinilit ko na lamang ang sarili ko na matulog na. Kinabukasan ay hindi ako mapakali kaya kung anu-ano pinanggagawa ko sa bahay. Hindi ako mapakali kahit na 6pm na.
Kabado akong nakatayo sa may kanto, hinihintay si Magnus. Isang simpleng short at t-shirt lamang ang suot ko. Nang tumigil ang sasakyan nya sa harapan ko, kaagad akong pumasok doon.
"You looks so beautiful." bungad nya sa akin pagkapasok ko.
Napakagat ako sa labi ko ng tumibok ng malakas ang puso ko dahil doon. "Thank you."
Nagmaneho kaagad sya kaya hinayaan ko nalang. Sabi nya kasi ay doon nya lang sasabihin sa akin kapag nakarating na kami doon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero may tiwala naman ako sa kanya kaya hinayaan ko na lamang.
Nang nandito na kami, bumaba na kaagad ako. Napansin kong nasa isang lublob na lugar kami kaya napakunot ang noo ko. Anong ginagawa namin dito?
Mahina syang natawa ng makita ang reaksyon ko. "Tumingin ka sa taas."
Kaagad kong sinunod ang sinabi nya at napaawang ang labi ng makita ang mga bituin sa kalangitan. Ang ganda ng mga bituin. I'm not a fan of stars but I like seeing one. I'm just not obsessed with it. Napangiti na lamang ako.
"Ang ganda," sabi ko habang nakatingin pa rin doon.
Nagulat ako ng may nilagay sya sa leeg ko. Kaagad akong napahawak doon at nanlaki ang mga mata ng makitang isa itong kwentas. It's a color gold necklace with my name on it.
"Salamat," naiiyak na sabi ko dahil sa tuwa.
Mahina syang natawa. "No worries."
Napahawak pa ako roon, hinahangaan nito bago nilingon si Magnus. Hindi mapakali si Magnus habang nakasandal sa kotse nya. He looks nervous for some unknown reasons. Napakunot ang noo ko dahil doon.
"Magnus, ayos ka lang ba?" tanong ko. "Diba may sasabihin ka? Ano pala iyon?"
Napalunok kaagad sya dahil sa tanong ko bago huminga nang malalim. Naguluhan ako sa ginagawa nya kaya napataas ang kilay ko. Umayos sya sa pagtayo bago lumapit sa akin.
"I-I like you."
Para akong nabingi sa sinabi nya. Iyong puso ko ay kaagad tumibok ng mabilis at ang labi ko ay kaagad namang nanginig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya kaya para akong napipi, hindi makasalita kumbaga dahil sa gulat.
Napalunok ulit sya bago nagsalita. "I was the one who chose you at that time. You chose my interest. Sa lahat ng pictures ng mga waitresses, sayo lang ako naging interesado. So, I decided to choose you."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam na sya pala ang pumili sa akin.
"Until I decided to come back so I can...." napakagat sya sa labi nya. "...see you again." he chuckles. "Hindi ka kasi mawala sa isipan ko noon, eh. Kahit noong nasa trabaho ako, hindi ka mawala sa isipan ko. Kaya naisipan kong pumunta sa bar kung saan kita nakita para makita kita ulit kahit na sobrang pagod ng katawan ko noon." he chuckles again. "That time, I still don't know why I feel like I am so comfortable with you."
"I like the way you smile, talk, and even laugh." he smiles at me. "You don't know how much happy I am to know that you are one of my cousin's friends right now. I am so happy since the two women who I treasure the most are now friends."
"T-Treasure?" gulat na tanong ko sa kanya.
He chuckles. "Yes, Athena. I treasure you so much since..." he genuinely smiles at me. "....you are one of the reasons why I'm not giving up on my life right now."
Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Napalunok ako ng naglalakad na sya ngayon patungo sa akin. Hinawakan nya ang pisngi ko at giniya ang noo ko sa labi nya para mahalikan ito.
"Actually, simula bukas ay wala ako rito sa Pilipinas. Kailangan kong pumunta sa ibang bansa para lang mag trabaho. Ilang buwan pa bago ako makakabalik kaya bago ako umalis...." tinitigan nya ako sa mga mata. ".....gusto kong tanungin ka. Can I date you?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. I'm inlove with him and hearing him tell me that makes me happy.
Hinalikan nya ulit ang noo ko. "It's okay if you need some time. I can wait. I will wait, Athena."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro