06
Athena
"May nangyari ba? Hoy! Bakit ayaw mo mag share? Last week pa iyon, eh, pero wala pa rin kaming alam."
Namula ang mga pisngi ko dahil sa tanong ni Sabrina. Kaming dalawa lang ang nandito sa bench kasi may klase sa mga oras ngayon si Ayesha. Kanina nya pa ako kinukulit tungkol doon sa amin ni Magnus last time.
Napakagat ako sa labi ko ng maalala na hinalikan nya ang labi ko. I closed my eyes. Nababaliw na talaga ako. Nilingon ko na lamang si Sabrina at umakto akong kalmado para hindi nya mahalata ang pamumula ng pisngi ko.
"Wala naman. We just talked." ....then he kissed me. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko para pigilan ang sariling sabihin iyon kay Sabrina.
I trust my friends but I can't share this with them. Kapag sasabihin ko ito kay Sabrina, alam kong sasabihin nya rin ito kay Ayesha kaya ayoko. It's not that I don't want Ayesha to know anything but because she's Magnus' cousin.
Baka sabihin nya kay Magnus na sinabi ko sa kanila! Nakakahiya! Baka isipin ni Magnus na gusto ko iyon!
"Are you sure?" tanong ni Sabrina kaya tinanguan ko kaagad sya. Napabuntong hininga ito. "Sayang naman yung pagtakas namin."
Napairap ako kay Sabrina. "Iniwan nyo ako."
Napahalakhak si Sabrina. "Binigyan lang namin kayo ng bebe time!" napahalakhak lalo sya ng makitang namula ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. "Kinilig amputcha."
I just rolled my eyes at her. Naghintay lamang ako mag alas dos bago tumungo na sa next subject ko. Pagkatapos ng klase, dumiretso na ako sa pag-uwi para magbihis bago dumiretso na sa bar para magtrabaho.
"Table 5 ito." sabi ni Ate Rosa sa akin sabay abot ng tray.
Kaagad kong kinuha ang tray at nilapag ang mga ito sa table 5. I just focused myself on work. Natigil lamang ako sa paghahatid ng mga order ng pinagpahinga na ako ni Sir Leon. Kanina nya pa raw kasi ako napapansin na trabaho nang trabaho.
May mga break time kasi kaming mga waitresses. Ayaw ni Sir na pinapagod namin ang sarili kasi baka raw magkasakit kami. Tumungo na lamang ako sa locker area at kinuha ang phone kung may messages ba.
Tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa excitement ng makitang nag text na naman si Magnus. Since that incident where we gave each other's number, he always texts. Pero syempre hindi ko ito sinabi kila Ayesha at Sabrina. Baka kasi asarin nila ako.
Binuksan ko ang message ni Magnus at binasa ito. Napangiti ako pagkatapos itong mabasa.
magnus: drink some water
magnus: also, eat three times a day
Mahina akong natawa. Ganito minsan si Magnus sa mga text messages nya sa akin. He acts like my mother sometimes. Iyong pagpapaalala nya na kumain ako at pinapainom nya rin ako ng tubig.
me: you too
After I replied, binuksan ko na ang bag ko para sana ibalik ang phone ko roon pero biglang tumawag si Magnus kaya nagulat ako. Why did he call? Teka, nakakakaba. Huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang sarili bago sagutin ang tawag nya.
"H-Hello?" napamura ako sa isipan ko ng nautal ako.
He chuckles. Napapikit ako kasi ang hot pakinggan ng tawa nya. [Are you working right now?]
"Uh, yeah." simpleng sagot ko. "How about you?" dagdag ko sa response ko para humaba pa ang usapan namin. I like talking to him.
[I'm done working. I'm on a break.]
"Ah, you should sleep already, I guess." sabi ko ng makita ko sa orasan kung anong oras na. "You need to let yourself rest."
[Yeah, after this, I'm going to sleep.]
"Then, I'm going to end this call already." nakangiting sabi ko. "Para makatulog ka na tsaka may trabaho pa ako ngayon. Nagpapahinga lang ako saglit sa locker area."
He chuckles. [Okay. Goodbye, then. Matutulog na ako. Take care on going home later, Athena.]
Napangiti ako sa sinabi nya. "Bye!"
Ako na ang nagbaba ng tawag. I really like it when we talk with each other. He seems like my sunshine. Sa madilim na buhay na meron ako, sya ang nagsilbing liwanag ko.
Weeks later, Magnus and I text each other frequently. Inaasar na ako nila Sabrina at Ayesha pero hindi ko na lamang sila pinapatulan para hindi lumala iyong mga pang-aasar nila.
"Dalaga ka na talaga!" napatili si Sabrina sa akin. "Inlove na inlove!"
Tinulak ko nang marahan ang mukha nya papalayo sa akin kasi ang dikit nya sa akin ngayon. "Sira! Hindi naman ako inlove." pagtanggi ko sa sinasabi nya.
Malakas na natawa si Sabrina dahil sa sinabi ko bago nilingon si Ayesha. "In denial," turo ni Sabrina sa akin kaya natawa sila pareho ni Ayesha.
Napairap ako sa kanila. "Hindi kasi."
"Okay," natatawang sabi ni Ayesha, halatang hindi naniniwala sa akin.
Hindi ko na lamang sila pinansin na hanggang sa tumigil na sila sa pagtawa. Napailing pa ako kasi todo suyo kaagad sila sa akin na para bang hindi nila ako inaasar kanina. Binago ko na lamang ang topic para naman may mausapan kami.
"Pagkatapos ng klase, saan kayo?"
Umaktong nag-iisip si Sabrina. "Hindi ko alam, eh. Wala pa akong plano. Kayo ba?"
"Vacation," sabi ni Ayesha bago ngumiti.
"Saan naman?" tanong naman kaagad ni Sabrina kay Ayesha.
"Sa Spain lang naman." sabi ni Ayesha.
"Ay ni 'lang' lang yung Spain. Who you tayo nyan, girl!" malakas na natawa si Sabrina.
Napailing na lamang ako. I just told them that I'm planning on having another job for summer. Plano kong bumalik sa coffee shop na pinagtrabahuan ko noong last summer. Maayos din ang kita roon at ang mga costumers. Strikta lang talaga si Ma'am Liz- iyong may-ari ng coffee shop.
"Hindi kayo lilipat ng paaralan?" tanong ko.
"Ako, ayokong lumipat. Okay na ako rito, beh. Nandito mga kaibigan ko, eh." ngiti ni Sabrina sa amin ni Ayesha bago kumindat. "Pwede na kayong kiligin."
Napailing na lamang kami ni Ayesha sa kanya.
"Ikaw, Sha?" tanong ko kay Ayesha.
Inilingan nya ako. "Gusto ko rito." ngumiti sya nang malawak kaya napangiti na lamang ako.
We just talked for a couple of minutes before we leave to go to our own blocks. Pagkatapos ng klase, nagkita na lamang kaming tatlo sa may bandang gate.
"Hihintayin ko nalang na sunduin kayo bago ako aalis." sabi ko sa kanila habang kumakain ng fishball.
"Hatid ka nalang namin." sabi ni Sabrina.
Sinamaan ko sya ng tingin. "Huwag na. May pupuntahan pa ako."
Napakunot ang noo nilang dalawa dahil sa sinabi ko. "Where are you going?" mahinahong tanong ni Ayesha sa akin.
"Bibili lang ng mga paso. Inutusan ako ni Mama." sabi ko.
Napatango na lamang sila. Nag-usap lamang kaming tatlo habang hinihintay ang mga sundo nila at ng sinundo na nga sila, naglakad na lamang ako patungo sa kanto para makasakay ng tricycle. Kaso walang dumadaan na tricycle miski isa.
"Ma, hindi ako makasakay. Wala akong masakyan pauwi, eh." sabi ko kay Mama sa tawag, tinawagan ko kasi si Mama. "Pakisabi nalang po kay Sir Leon na malilate ako sa trabaho."
Ilang minuto pa bago sumagot si Mama. [Ha? Nak, wala ako sa bar, eh.]
"Po?" tanong ko, naguguluhan. "Hindi pa po natin day off, Ma." sabi ko.
Mahina syang natawa sa kabilang linya. [Nag absent ako, nak.]
"Bakit po? May sakit ka po, Ma?" nag-aalala kong tanong kasi nag-aabsent lang naman si Mama kapag may sakit sya at kapag may sakit ako.
[Malalaman mo rin pag-uwi, nak. Ingat ka papunta rito. Bye! Love you!] sabi ni Mama bago binaba na ang tawag.
Napakunot ang noo ko dahil doon. Hindi ko maintindihan ang inakto ngayon ni Mama. Napailing na lamang ako patuloy na lamang sa pag-aabang ng tricycle pero wala talaga. May mga motor na humihinto para pasakayin ako pero palagi kong sinasabi na 'ayoko'. Mahal kasi ang pamasahe kapag sa kanila ako sasakay.
"Naku! Walang tricycle ang makakadaan dito, ineng! Kita mo naman iyang daan, oh! Under construction! Sobrang konting space lang ng kalsada ngayon. Hindi makalusot ang mga tricycle."
Napatingin ako sa kalsada at tama nga si Kuya pero tumanggi pa rin ako sa offer nya. Konti lang ang pera kong dala, hindi ko ma afford ang pamasaheng gusto nya.
Naghihintay lamang ako hanggang sa may isang motor ang tumigil sa akin. Naka helmet ang driver kaya hindi ko ito mamukhaan. Hindi rin sya mukhang namamasada kasi maayos ang porma at ang motor nya. Namukhaan ko lamang sya ng tinanggal nya na ang helmet nya.
Napaawang ang labi ko ng makita kung sino ito. It's Magnus! He's wearing a leather jacket and leather pants. He smirked when he saw my reaction.
"Angkas na,"
Parang isang maamong tuta na kaagad akong sumunod sa kanya. "Salamat," kaagad na sabi ko pagkatapos kong makaangkas at masuot ang binigay nyang helmet.
"Give me your address. I'll send you home." sabi nya bago pinaandar na ang makina at nagsimula ng magmaneho. "Hold me tightly. Baka mahulog ka."
Napakagat ako sa labi ko bago ko sya niyakap. Nahihiya pa ako kasi ang lakas ng tibok ng puso ko. Baka marinig nya pa. Sinabi ko na lamang na huminto muna kami sa isang malapit na store para makabili ako ng paso. Pagkatapos naming bumili, kaagad kong binigay ang address ko at tumungo na kaagad kami sa bahay.
Habang nasa byahe, ramdam ko ang pagkatuwa ng puso ko. This is my first time hugging him. Namula ang pisngi ko ng maalala ang halikan namin noon. We've grown closer each day because of our text messages but still it's awkward in personal.
"We're here."
Kaagad akong bumaba ng marinig na sinabi nya iyon. Nakakahiya pa kasi nakaramdam ako ng dismaya kasi ang konti lamang ng oras naming magkasama. He smiled while looking at my face. Nagulat ako ng hinaplos nya ang labi ko.
"Go inside already. Let's just meet each other again." kumindat sya sa akin at napangisi ng makitang namula lalo ang pisngi ko. "Bye, Athena!"
"Bye," nahihiyang sabi ko.
Tinignan ko lamang syang umalis. Nalungkot kaagad ang puso ko kasi wala na sya sa harapan ko....pero natuwa rin kaagad ng maalala na sinabi nyang magkikita ulit kami. I can't stop myself from getting too excited at the thought of us meeting again.
"Ma, nandito na ako. Nandito na rin ang mga paso para sa mga anak mo." pagtukoy ko sa mga minamahal nyang bulaklak.
Naglakad lamang ako papunta sa kusina. May ngiti ako sa labi habang naglalakad pero nawala lamang ito ng makitang may kasamang lalaki si Mama sa kusina. He's a good-looking man and he also looks expensive. Mukha ring kaedad nya lang si Mama. Halatang gentleman ito kasi inalalayan nya si Mama habang naghahanda ito sa lamesa.
"Ma," tawag ko kay Mama kaya gulat akong tinignan ni Mama. Gulat ding napalingon sa akin ang lalaki. I smiled at her. "Sino po sya?"
Napaawang ang labi ko ng makitang hinawakan nito si Mama sa bewang habang si Mama naman ay napahawak sa dibdib nito. They look so romantic. Ngumiti sa akin si Mama nang malawak.
"He's Rick." pagsabi ni Mama sa pangalan nito. "Boyfriend ko, nak." lumawak lalo ang ngiti sa mga labi ni Mama. "Rick, si Athena, nag-iisang anak ko." pagpakilala naman ni Mama sa akin.
Rick reached his hand for me. "Nice to meet you, Athena. Just call me Rick."
While staring at his hand, a thought came into my mind. Siguro kung lumaki akong napamahal sa Papa ko, masasaktan ako sa ideya na may bago na si Mama. Maybe I would be shouting at Mama for being happy with her new right now. Siguro magiging selfish akong anak na sasabihing sana si Papa nalang ulit.
But I thank myself for not getting attached to my father before. Buti nalang lumaki akong may galit sa kanya. Not that my mother told me to get angry with him. It's just that I'm mad at him for breaking Mama's heart.
I smile genuinely at Rick before accepting his hand. "Nice to meet you too, Rick."
Napangiti lalo si Mama bago ako niyakap kaya napabitaw kami ni Rick sa isa't isa. Tuwang-tuwa akong tinignan ni Mama. She keeps on telling me that she's so happy since I'm not against with it. Mahina akong natawa bago sya niyakap pabalik.
Habang yakap ko si Mama, napalingon ako sa kisame na para bang tinitignan ang Panginoon. I smile at him happily. Iyong ngiti ng isang bata na nakatanggap ng malaking regalo.
Right now, I'm completely happy. Thank you, Lord, for allowing me to see my Mama smile once again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro