02
Athena
"Mabuti naman at naisipan mong kaibiganin si Athena, hija." nakangiting sabi ni Mama kay Ayesha. Hinaplos ni Mama ang buhok ko habang kausap pa rin si Ayesha ngayon dito sa bahay. "Minsan lang kasing magkaroon ng kaibigan itong anak ko. Salamat naman at nandyan kayo ni Sabrina."
Napangiti sila Sabrina at Ayesha sa sinabi ni Mama. Since Sunday ngayon, walang klase kaya naisipan nilang bumisita rito sa bahay. It's still days since Ayesha and I became friends so it's still awkward for me to have her here. I'm nervous since our house is not a comfortable place for rich people.
Simple lang ang bahay namin ni Mama. Dalawang kwarto lamang tapos maliit pa ang space dahil malaki ang space ng sala. Iyong sala namin ay nagmumukha ng maliit ang space dahil sa set ng sofa na binili ni Mama last month. Malaki rin ang space sa kusina kaya doon na rin ang dining room namin. Ang lamesa namin ay iyong nafo-fold lamang na plastic- kagaya ng upuan namin dito sa kusina.
"I like your daughter po, Tita! She's a nice friend! Silang dalawa ni Sabrina." nakangiting sabi ni Ayesha.
Napangiti lalo si Mama dahil sa sinabi ni Ayesha. "Mabuti naman."
I just smile at them. Kumain muna kaming tatlo dito sa bahay bago kami umalis para pumunta sa Mall. May bibilhin kasi akong mga markers habang sila naman ay sasamahan daw ako. Sabi ko naman ay huwag na, baka kasi mabored lang sila pero sabi naman nila ay ayos lang sila kaya hinayaan ko na lamang silang sumama.
"Try mo itong color cream na marker." pag-suggest ni Sabrina. "Maganda ito pang highlight. Ito ginagamit ko, eh."
Kinuha ko ang color cream na marker at tinignan. Tinry ko na rin sya kasi pwede naman. Napangiti ako ng makitang ang ganda ng color nya. "Sige, bibilhin ko rin."
"Bakit wala kang color black na marker?" tanong ni Ayesha ng makitang wala akong ganoon na nilagay sa munting basket na hawak ko. "Black marker can be useful sometimes, you know? You should buy one."
"Okay na. Marami akong black na markers sa bahay," sabi ko kay Ayesha. She just nods at me. "Ito nalang ata lahat," sabi ko sabay tingin sa laman ng basket ko. Markers, notebooks, ballpens, at mga pang design lang ang binili ko. "Bayaran ko na," sabi ko sa kanila kaya kaagad nila akong tinanguan.
Kaagad na akong tumungo sa cashier para bayaran ang mga gamit na binili ko. I feel nervous. Baka kasi ang mahal. Hindi ko pa naman alam ang price ng mga markers. 1,500 lang ang budget ko para rito, kinuha ko sa sweldo ko noong nakaraan. Dapat may tira pa ako nito, allowance ko everyday.
"659.75 pesos po, Ma'am." sabi ng cashier sa akin.
Nanlumo ako bigla habang binibigay sa kanya ang pera. Naparami ako ng kuha. I just didn't mind it. Ang mahalaga, nakabili ako...kahit na paubos na yung pera ko.
"Are you okay?" kaagad na tanong sa akin nila Sabrina at Ayesha pagkalabas ko sa bookstore.
Pilit akong ngumiti sa akin. "Okay lang naman. Saan tayo?" kaagad na tanong ko kasi alam kong hindi naniniwala si Sabrina sa akin na okay lang ako. She knows me too well. "Hanggang 7pm lang ako free, ha? Sorry, may trabaho kasi ako."
"Okay lang! Let's eat first, then we'll shop afterwards!" jolly na pagkakasabi ni Ayesha.
Kaagad naman kaming pumayag doon. I can sense Sabrina's stares so I stare back at her. "Bakit?"
"Anong problema?" kaagad na tanong nya. "Okay ka lang ba?"
Mahina akong natawa. Tama nga ako, hindi sya naniwala sa akin kanina. I just smile at her. "Ayos lang naman ako. Tungkol lang sa allowance ko pero ayos lang. Meron pa naman. Huwag ka nang mag-alala."
I sigh in relief when she believes me. Kumain lang ako kasabay sila at sinamahan ko na rin silang mag-shopping. Bibilhan din sana nila ako kaso sabi ko ay huwag na kasi ayos pa naman ang mga damit ko- nasusuot ko pa.
After shopping at the Mall with them, 6:30 pm na kaya lumabas na kami. May susundo raw sa kanilang dalawa kaya inaantay nila ang mga sundo nila. Ako naman ay sasakay nalang pauwi sa bahay para magbihis at didiretso na kaagad sa bar para mag trabaho.
"Hatid ka nalang kaya namin?" ani ni Ayesha.
Sasagot na sana ako kaso sumingit bigla si Sabrina. "Huwag na, Sha." saad nya kay Ayesha. We call her 'Sha' since she told us to give her a nickname. "Kahit anong pilit, ayaw nya talaga. Ganyan iyan dati pa."
Mahina kaming natawa ni Ayesha sa sinabi ni Sabrina. It's true. Ayoko kasing makabahala ng tao. All my life I've been used to not bothering other people.
"Alis na ako! See you tomorrow!" sabi ko pagkatapos kong halikan ang mga pisngi nila.
"Take care!" sabay naman nilang sabi.
Kinawayan ko lang sila ulit bago tumalikod na para maglakad patungo sa kanto. Doon kasi madalas dumaan ang mga tricycle. Habang naglalakad, kaagad nawala ang emosyon sa mukha ko. I'm back again from feeling numb...from feeling empty....from not feeling anything.
"Tangina naman," mapait akong natawa sa sarili habang naglalakad. "Bakit ba ako ganito?"
I'm always like this. Kapag mag-isa ako, palaging blangko ang puso ko. Na para bang may nararamdaman lang ako kapag mag-isa ako. When I'm alone, emotions leave. I've became like this since my mother entered her job.
Dahil sa mga masasakit at masasamang salitang binabato sa amin ng ibang tao, puro ako iyak kapag mag-isa ako. Pero kapag nandoon naman si Mama, pinipilit kong maging masaya para hindi sya mag-alala sa akin. I'm always crying before...until I became tired.
No, I really don't know the reason why I stopped crying. Is it because I'm tired of doing it....or is it because I already let go of all of my tears back then?
"Mama, sabay na tayo?"
Kakarating ko lang sa bahay. She's already in her usual outfit. A bunny costume. May light make-up na rin sa mukha nya. I pretend to smile at her- like I always do.
"Ganda naman ng Mama ko." nakangiting sabi ko habang naglalakad papalapit kay Mama. Hinalikan ko ang pisngi nya. "Sabay tayo papuntang bar? Bihis lang ako saglit, Ma, tapos alis na ako."
Napailing sya sa akin habang nakangiti. "Mauna na ako. Bawal tayong magsabay papunta roon, diba?" napangiti sya lalo ng makitang napanguso ako. "Nagtatampo naman ang baby ko," natawa kami pareho nang lambingin nya ako na parang bata.
"Okay, fine." sabi ko bago bumitaw sa yakap. "Ingat ka papuntang bar, Ma, ha?"
"Ikaw rin, nak."
Hinatid ko lang si Mama sa labas bago ako bumalik ulit sa loob para magbihis na. After I'm done changing my clothes, hinanda ko lang bag ko at umalis na kaagad sa bahay pagkatapos i-lock iyon. Sumakay lang ako ng tricycle papunta sa bar.
"Good evening, Sir Leon." bati ko kay Sir Leon ng makita ko kaagad sya sa locker area. Sya ang may-ari ng bar kung saan kami nagtatrabaho ni Mama.
Kaagad syang ngumiti ng makita ako. "Athena! I've been waiting for you!"
Kaagad akong nagtaka sa sinabi ni Sir Leon. "Bakit po, Sir?"
"Mag-ayos ka muna sa sarili mo tapos pumunta ka kaagad sa opisina ko, ha? Hihintayin kita roon, Athena!"
Nagtataka pa rin akong nakatingin kay Sir na naglalakad na patungo sa area kung nasaan ang opisina. Kahit nagtataka, sinunod ko pa rin naman ang utos nya. Ate Rosa helps me fix myself. She's a friend of mine here at the bar. Pareho kaming waitress dito.
"Sir Leon, papasok na po ako." malakas na sabi ko sa labas ng pintuan bago ito binuksan.
Nang makita ako ni Sir Leon, kaagad nya akong pinapasok. He let me sit down at the chair before explaining something. Nanlaki ang mga mata ko ng sinabi ni Sir na napili ako sa VIP room. Hindi ito ang first time na napili ako sa VIP room pero kinakabahan pa rin ako.
"You already know the rules, right?" tanong ni Sir Leon. "They're in room 2. They're waiting on you."
Kinakabahan man ay napatango na lamang ako kay Sir. "Pupunta na po ako sa room nila, Sir."
Kinuha ko muna ang menu na para sa VIP room bago tumungo na sa room 2. Habang naglalakad, kabado pa rin ako. The past costumers are violent. Iyong iba ay puro reklamo sa mga pagkain, may mga nagtapon pa nga sa akin ng mga pagkain at inumin nila. Iyong iba naman ay bastos, pilit akong hinahawakan kahit bawal iyon.
It traumatized me...but I still need to do this.
"Kalma, Athena." pagpapakalma ko sa sarili ko nang nandito na ako sa tapat ng room 2. Inabot ko ang doorknob gamit ang nanginginig kong kamay. "I can do this."
Kumatok muna ako bago binuksan ito. Muntik malaglag ang panga ko ng makita kung sino ang mga costumers. They are all good-looking men. Sa lahat ng mga naging costumers ko sa VIP room, sila lang ang guwapo sa paningin ko.
They all look like a foreigner for me. One of them has a color gray hair, while the rest has black hairs. Iyong isa sa kanila ay busy sa pagte-text sa phone habang may ngiti sa labi. Ang isa naman ay nakasandal lamang sa upuan habang blangkong nakatingin sa kisame.
While the other two are staring at me...awkwardly. One of them is smiling at me gently- kumaway pa sya sa akin. While the other one has an intent stare. He looks so intimidating...but hot at the same time. He's just busy on his cigarettes while staring at me- head to toe.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng lahat. I didn't fail. "Good evening, Sir. I'm Athena, your waitress for tonight. Here are the menus. I would be grateful to hear your orders." As much as possible, gusto kong maging propesyonal kahit na kinakabahan ako ngayon sa harapan nila.
Gwapo silang apat pero itong isa ang nakakuha ng atensyon ko. His face resembles an angle....but his aura screams darkness. He's so intimidating. Kahit na hawak nya na ngayon ang menu na nilapag ko sa lamesa, nakatingin pa rin sya sa akin ngayon habang bumubuga ng usok ng sigarilyo.
"1 bottle of whiskey," biglaang sabi ng lalaking intimidating kung tumingin sa akin. "Also, add a plate of crackers."
Kaagad ko iyong nilista sa note ko habang nakakagat sa dila ko. I'm stopping myself from smiling because of his tone. His voice....is so hot. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto ng boses nya sa akin. Nagsalita rin naman ang mga kasama nya rito sa room pero sa kanya lang talaga ako nagkaroon ng interes bigla.
I keep on looking at her minutes after minutes. Natigil lamang ng kailangan ko ng umalis kasi naihatid ko na ang orders nila sa roon. Sinabihan ko na lamang sila na kapag may kailangan sila, tawagan na lamang nila ako sa telephone na nandoon sa room.
"Ayos ka lang ba? Hindi ka naman binastos ulit, diba?" nag-aalalang tanong ni Ate Rosa pagkalapit ko sa kanya.
Umupo ako sa tabi nya. "Hindi naman, te." simpleng sagot ko lamang.
Natigilan si Ate Rosa. "Himala, ha? Kamusta naman ang mga costumers doon? Hindi naman bayolente, eh, noh?"
"Hindi rin po," nakangiting sagot ko kay Ate Rosa. "Cold lang sila, ganoon." sabay tawa ko.
Napahinga nang maluwag si Ate Rosa. "Mabuti naman! Akala ko pa naman na sasaktan o babastusin ka ulit!" tinapik ni Ate Rosa ang balikat ko. "Oh siya, doon ka muna." turo ni Ate Rosa sa locker area. "Magpahinga ka muna roon."
"Sige, te." tanging sabi ko bago tumungo na sa locker area.
Naghintay lamang ako sa locker area sa tawag ng mga costumers. This is the first time feeling excited over a call from a costumer. I keep on hoping for their call and when they really did call....naghintay muna ako ng 3 rings bago sagutin ito.
"Hello, Athena. Can we have our bill? Thank you."
Kaagad akong nanlumo dahil aalis na pala sila pero kaagad ding napailing sa sarili. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? I slap myself before leaving the locker area to calm myself. Kinuha ko na kaagad ang bill para sa room 2 bago tumungo na roon.
"Here's your bill po, Sir."
Kaagad ko iyong binigay sa may color gray na buhok. Nagulat ako nang biglang inabot nila sa akin ang apat na black cards.
"Pili ka ng isa, Athena." mahinahong sabi ng isa sa kanila.
Kaagad ko namang sinunod ang sinabi nya at binigay sa kanya ang napili kong card. Nagtaka kaagad ako ng nagsitawanan sila sa lalaki na intimidating ang tingin na binibigay sa akin. I look at him. Natigilan ako ng makita na napapailing sya sa sarili nya habang natatawa.
"I guess you'll be the one who's paying, Magnus." natatawang sabi ng isang lalaki na may hawak na phone.
Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung ano ang ibig sabihin noon. Kaagad akong yumuko sa lalaking nagngangalang Magnus. Kahit nakakahiya man ito, ginawa ko pa rin. I feel sorry for what I did.
"Sorry po. Hindi ko po alam na card nyo po iyon." I feel guilty.
Muntik akong mapatalon ng hawakan nya ang ilang hibla ng buhok ko kaya napaayos ako sa pagtayo. He's looking at me...while smirking. "It's fine."
"Sorry po talaga," nahihiyang sabi ko.
Yumuko ulit ako kasi ayokong makita nya ang mukha ko ngayon. Nararamdaman ko kasi na umiinit na ang dalawang pisngi ko. Napakagat ako sa labi ko. Why am I blushing?! First time itong mangyari sa akin.
"It's okay, really." he chuckles hotly.
Inasikaso ko lang ang resibo at binigay sa kanila pagkatapos. I also send them at the exit. Nang naihatid ko na sa kanila, yumuko ulit ako para magpasalamat kasi pumunta sila rito. My voice sounds since when I said 'Thank you for coming here'.
"Nice meeting you, Athena."
"See you next time, Athena. If there will be next time."
"Thank you for taking care of us, Athena."
Napangiti ako sa sinabi nila. It's my first time hearing it from the costumers. My heart softens because of it. "Thank you rin po," sabi ko naman sa kanila.
Tumalikod na ang tatlo sa kanila para dumiretso na sa mga kotse nila habang si Magnus naman ay nanatili lamang dito. He's looking at me intently.
"Sir?" tawag ko sa kanya kasi naiwan na sya ng mga kasamahan nya.
My eyes widen when he smiles at me softly. "Eres tan hermosa,"
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay kaagad na syang tumalikod at iniwan ako. Nagulat ako dahil doon. Hindi ko maintindihan ang sinabi nya kaya kaagad akong pumasok sa bar at tumungo sa locker area. Kahit bawal, kinuha ko ang phone ko para isearch ang meaning noon.
"You're so beautiful..." pagbasa ko sa translation. Kaagad uminit ang aking pisngi at tumambol ng malakas ang puso ko. I smile. "Ang ganda ko raw."
Tumingin ako sa kisame na para bang nakatingin ako sa langit. I smile again. "Lord, thank you for letting me meet him."
Kahit saglit lang iyon, natutuwa pa rin ang puso ko...kasi ngayon lang ako ulit naging masaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro