Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Burning Love


Naglalakad ang dalawang magkasintahan na si Jara at Dion pasakay ng barko papuntang Mindoro.

Kasagsagan ng semana santa at maraming biyahero sa loob ng barko.

Ito lamang kasi ang araw na p'wede magbakasyon si Dion sa trabaho sa Manila.

Nang nasa teheras na sila ng barko. Kaagad na nagsalita si Dion habang pinapagpag ang hihigaan nilang dalawa.

"Love, baka hindi ako gusto ng papa mo?" kinakabahan na sambit ni Dion kay Jara na umupo sa gilid ng kama.

Napatingin naman kaagad ang dalaga sa nobyo at mabilis na sinapo ang pisngi nito at hinimas.

"Ano ka ba love. Huwag ka mag-alala mabait si papa. Siya na nga mismo nag-imbeta sa'yo para makilala ka niya. Lalo na ikaw ang magiging ama nang dinadala ko," nakangiting sambit ng dalaga. 

Nagbuntong-hininga si Dion. Matamis siyang ngumiti sa nobya sabay halik sa noo nito.

Sa tinuran ni Jara, kahit papaano napawi ang agam-agam ng binata.

Mahigit tatlong oras silang naglayag sa malawak na karagatan. Madaling araw na sila nakarating sa pampang ng Mindoro. Nang makababa ng barko ay pahirapan naman ang pagsakay sa mga bus, dahil sa kapal ng tao na gustong makauwi.

Nasa pang-apat silang hanay naka-upo. Siya ang nasa bintana dahil kanina pa bumabaliktad ang sikmura niya, sabayan pa nang malakas na aircon ng bus. Samantalang si Jara ay sanay na sanay sa ganitong byahe.

Napadako ang mata ni Dion sa lalaking pumasok. Chinito ito, at sa palagay niya ay kaedaran lang nila. Ngumiti ito kay Jara at umupo sa pinakalikod ng bus.

Nakita niyang kumunot ang noo ni Jara, dahilan upang ipagtaka ng nobyo.

"Love, sino 'yon?" mahinang sabi ni Dion.

"Kababata ko si Amyas," matamlay na tugon nito sabay sandal ng ulo sa nobyo.

Napa-angat na lang ng ulo si Dion, dahil marami pa siyang hindi alam sa dalaga.

Sapagkat dalawang buwan lamang niya ito nakakasama. Kahit parehas silang nagtatrabaho sa isang kompanya ay minsan lang sila nagkukuwentuhan. Ang alam niya lamang ay basic information ng nobya. May malawak silang sakahan, Retired soldier ang kanyang ama at nag-iisang anak lang ito.

Bago pa nga maging magkasintahan ang dalawa ay likas na habulin ng mga babae si Dion, dahil sa guwapo at matikas niyang pangangatawan. Sabayan pa ng sense of humor nito, na nagpapataas ng sex appeal ng binata ay madali siyang nakakabingwit ng babae. Kung magpalit nga ito ng babae ay parang damit lang. Basta makuha niya ang pagkababae ng mga ito at pagsawaan ay basta na lang niya itong iiwanan.

Lahat ng iyon ay binago magmula nang makikilala niya si Jara. Alam niyang crush siya ng dalaga, dahil palagi itong nagbibigay motibo kung nasa trabaho sila. Kaya nga nang manligaw siya ay wala pang isang araw ay napasagot na niya ang dalaga.

Mabilis na binigay ni Jara ang pagkababae nito nang hilingin ito ni Dion. Ngunit sa malas nila ay nabuo ang kalibugan nilang dalawa. Hindi naman naisip na iwan niya ang dalaga, sapagkat alam niya ang pakiramdam ng walang kinalakihan na ama.

"Nandito na tayo sa terminal!" sigaw ng konduktor nang huminto ang bus.

Kaya kaagad na bumaba silang dalawa. Nakita niyang lumapit ang lalaki sa puwesto nila.

"Kumusta Jara!" nakangiting sabi ng lalaki kay Jara.

"Siya ba?" sabi ng lalaki kay Jara na nakangiti.

Hindi kaagad ito sumagot at tumingin kay Dion bago magsalita.

"Amyas, si Dion mapapangasawa ko," masiglang sambit niya at hinawakan ang kamay ni Dion.

Napalitan ang nakangiting mukha ng lalaki ng napakaseryoso. Saka ito tumango-tango.

"Nice to meet you pre. Alagaan mo sana si Jara." Nilahad niya ang kamay upang magsingkamay kay Dion, kaagad namang sinuklian ito ni Dion bilang respeto.

Umalis na ang lalaki at sina Dion naman ay sumakay ng tricycle upang pumunta sa bahay ni Jara.

Medyo liblib ang bahay nina Jara at kaunti lamang ang mga taong dumadaan. Wala rin mga streetlight kaya tanging ilaw lamang ng tricycle ang nagpapaliwanag ng daan.

Pinagmasdan ni Dion ang paligid. Nakadama siya nang kaba nang huminto na ang sasakyan sa isang lumang bahay na yari sa kahoy. Tahol ng aso ang sumalubong sa kanila pagkababa nila. Binuhat ni Dion ang mga maleta nilang dalawa.

" Pa, nandito na po kami," sigaw ni Jara sa bakal na gate

Mabilis na bumukas ang kahoy na pinto.

"Oh, anak kumusta ang byahe," tanong ng Amang si Delfin.

"Lakas ng alon pa. May bago na palang building sa bayan. Kailan pa 'yon?"

"Last year pa.tagal mo na kasing hindi nakakauwi rito," nakangiting sambit ng Amang si Delfin.

"Pa, si Dion po," pagpapakilala ni Jara kay Dion na katabi niya. Nahihiyang ngumiti si Dion at mabilis na nagmano sa ama ni Jara.

"Pasok na at alam ko na pagod na pagod kayo sa byahe," sabi ng ama nito.

Nang nasa loob na sila ay agad kinausap ng kanyang ama ang nahihiyang si Dion.

"Iho, saan kayo nagkakilala ng anak ko," seryosong sabi ng kanyang ama. Hindi siya makatingin ng diretso rito sapagkat tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Parehas po kasi kaming nasa production team, tapos nagka-develop-an po," nahihiyang tugon niya sa ama ni Jara.

Tumango lang ito. Parang hindi makahinga siya sa bawat titig ng ama ng nobya.

"Excuse me po, saan po pala ang cr niyo rito?"

"Lumakad ka pakaliwa sa kusina," malamig na tugon ng Amang si Delfin.

Medyo malaki ang bahay nila. Siguro panahon pa ito ng kastila sa isip ni Dion. Tadtad ng mga certificate at medal ang pader nila. Tabla ang sahig. May limang kuwarto ang bahay nila. Ang bintana ay gawa sa vintage window wooden panel. Sa dulo ay ang kusina. Medyo modernize na ito at sementado.

Nang tapos na si Dion sa cr napahinto ito at napatago sa pader nang marinig niya ang mahinang pinag-uusapan ni Jara at ng ama nito.

"Naku anak, hindi ba adik ang asawa mo at bakit ang daming tattoo?" seryosong sabi ng Amang si Delfin.

"Anak, sure ka ba talaga riyan sa mapapangasawa mo? Hindi biro ang pagpapakasal! Mukhang playboy!" dugtong pa niya.

"Pa, mabait po si Dion, alam ko pong hindi niya lolokuhin," mahinang sabi niya sa ama.

"P-Pero-" sabi ng kanyang Amang si Delfin.

"Mawalang galang na po! Pero mahal ko si Jara. Narito po ako dahil gusto ko pong panagutan ang anak namin. Basbas niyo lang po sana ang hinihingi namin para pagpapakasal po namin. " mahabang sabat ni Dion na nagpatahimik sa ama ni Jara.

Nakita niyang nagbuntong-hininga ang Amang si Delfin at ngumiti.

"Pasyensiya ka na Dion, alam mong nag-iisang anak ko lang si Jara. Kung ano man ang narinig mo ay hindi ko intensiyon na masaktan ka. Kapakanan lang ng anak ko ang sinisiguro ko," makabuluhan na saad ng ama ni Jara.

"Alam ko po iyon at naiintindihan ko po kayo," nakangiting sambit nito sa kaniya.

"Pa, mabuti po siyang tao.Nagmamahalan po kaming dalawa. Para sa magiging apo niyo. Sana po suportado niyo po ang mamahalin ko," naluluhang sambit ni Jara.

"Sorry Dion, siguro nadala lang ako ng emosyon kanina. Sana ingatan mo ang anak ko, pero tandaan mo huwag na huwag mong lolokuhin si Jara. Dahil may kahihinatnat ka,"seryosong sabi ng ama ni Jara.

Nakaramdam ng takot si Dion sa binitawang salita ng ama ni Jara.

"Pa, please naman! Huwag niyong takutin si Dion," sabi ni Jara na hinawakan ang nanginginig na kamay ni Dion. 

"Oh siya matulog na kayo. Nahanda ko na rin ang matutulugan niyo," sabi ng Amang si Delfin.

Kaya mabilis na tumungo sina Dion sa kusina kung saan doon malapit ang kanilang kuwarto.

Nakatulog na sila ng mahimbing. Dahil sa tindi ng init ay nagising si Dion. Napansin niya na mahimbing pa rin na natutulog si Jara.

Umalis siya sa kuwarto at mabilis na tumungo sa kusina. Kumuha agad siya ng tubig sa ref, saka ito ininom.

Babalik na sana siya nang marinig ang isang ungol ng babae sa labas ng kusina.

Dahil sa kuryusidad pasimpleng sumilip sa jalousie na bintana si Dion.

Lumaki ang mata niya sa pagkagulat nang biglang mahagip ng mata nito ang isang magandang babae na nakaupo sa mahabang bangko habang walang pang-itaas, dahilan upang masilayan niya ang kanyang malulusog na pinya. Habang hinahalikan siya sa leeg ng lalaki, na halata sa katawan niya na alaga ito sa banat ng buto. Kahit madilim sa labas ay nakita pa rin ito ni Dion dahil sa liwanag ng buwan.

Natutuwa naman ang mga mata ni Dion sa nakikita. Hindi niya lubos maisip na makikita siya ng ganito sa probinsiya. Matagal-tagal rin siyang natingga simula nang mabuntis niya si Jara.

Nabitin naman ito nang biglang bumulong ang babae at lumakad na sila sa isang maliit na bahay, na yari lamang sa plywood.

"Sino kaya 'yon?" bulong nito sa sarili sabay kamot sa ulo.

Bumalik na lamang ito sa kuwarto nila.

Kinaumagahan nasa sala silang tatlo at nag-uusap, kung kailan sila magpapakasal ni Jara.

Nauhaw si Dion, kaya umalis muna ito sandali at tumungo sa kusina. Doon niya nakita ang pamilyar na mukha.

Ang babaeng nakita niya kagabi sa labas ng kusina. Nagwawalis ito sa bakuran.Napatingin ito kay Dion, kaya bahagya siyang nahiya at iniwas ang tingin sa babae. Napainom kaagad ito ng tubig.

Nakita ni Dion ang papa ni Jara na lumapit sa babae.

"Alexandra! Halika may ipapakilala ako sa'yo" sabi ng Amang si Delfin

Ngumiti ito kay Dion. Namamangha si Dion sa kagandahan ng babae. Sa mala-anghel na mukha nito, balingkinitan na katawan at malaporselanang kutis. Lahat ata ng lalaking ngingitian niya'y mahuhulog sa kaniya."Hi, ako si Dion fiance ni Jara," kalmadong sabi ni Dion.

"Ah, ikaw pala iyon. Nice to meet you po," mahinhin niyang tugon habang nakangiti. May dimples pa ito sa magkabilang pisngi, na lalong nagpakilig sa binata.

"Dion, si Alexandra umuupa sa amin dito. Nandiyan siya nakatira." Tinuro ng ama ni Jara ang maliit na bahay na gawa sa tinagping plywood.

"Nagtatrabaho siya sa grocery store namin," dugtong pa nito.

"Yong lalaki naman si Tikboy, hardenero namin rito," tinuro naman nito ang lalaking nakita niya rin kagabi, na nagdidilig ng mga halaman.

Umalis na ang papa ni Jara. Naiwan si Dion na mag-isa sa kusina. Bago siya umalis ay palihim itong lumingon kay Alexandra, na nakatingin rin pala sa kanya. Dahilan upang gumapang ang hiya sa kanilang dalawa.

Wala silang ginawa maghapon kundi pag-usapan ang darating na kasal. Bench wedding ang naisipan na concept nila. Sa susunod na taon nila balak magpakasal. Gusto kasi ng magkasintahan na ma-ipanganak muna ang sanggol na nasa sinapupunan ng nobya.

Nasa kusina sila at kumakain nang magsalita si Jara.

"Love, parang gusto ko ng hinog ng papaya," sabi ni Jara kay Dion na katatapos lang kumain.

"Mahal, may apple diyan, gusto mo balatan kita?" malambing na sabi nito sa kaniya.

"P-Pero gusto ko ng hinog na papaya!" inis na sambit ni Jara.

"Ay naku Dion, masanay ka na kay Jara at naglilihi iyan. Sige na sundin mo na siya," sabi ng Amang si Delfin.

"Saan naman kaya ako makakakuha ng hinog na papaya pa?" nakangiting sambit niya habang tinititigan ang nobya na nakahalumbaba.

"May tanim kaming papaya riyan sa taas ng burol. Teka tawagan ko si Alexandra na samahan ka," sabi niya.

Mabilis na tinawag ng Amang si Delfin si Alexandra. Pumunta naman ito agad sa kusina.

"Ne, p'wede samahan mo muna ang Sir Dion mo maghanap ng papaya diyan sa bukid," pakiusap ng ama ni Jara.

"Oo Sir Delfin. Tara Sir Dion,"sabi ni Alexandra.

Kaya lumabas sila ng bahay upang maghanap ng hinog na papaya.

Dahil hindi sanay ang katawan ni Dion sa pag-akyat madali itong napagod.

"Pahinga muna tayo," sabi niya kay Alexandra.

Umupo sila sa nakatumbang malaking puno.

"Matagal na ba kayo sir ni Ma'am Jara?" walang prenong tanong ni Alexandra.

"Dalawang buwan pa lang kami," hingal na tugon ni Dion sa dalaga.

"Ang bilis naman niyo pong magpakasal sir. Siguro mahal na mahal mo siya," nakangiting sambit nito.

"Huwag mo na lang akong i-sir, Dion na lang," sabi ni Dion na nakangiti.

Tumawa siya ng mahinhin. "Nakakahiya naman po. Kuya Dion na lang po?"

"Mas lalo iyan parang ang tanda ko naman ata. Parang magka-edad lang naman ata tayo."

Nakitang namula ang dalaga tila nahiya sa tinuran ni Dion.

"Ilan taon ka na ba? Ako kasi Twenty three pa lang," dugtong ni Dion.

"Twenty two," mahinang sambit ni Alexanda habang hindi mapakali sa kinauupuan.

Ngumiti kaagad si Dion. "Isang taon lang naman pala tanda ko sa'yo. Kaya Dion na lang!" ngumiti ito.

Nakita niyang napakagat labi ito habang hinawi ang mahabang buhok.

Nang medyo okay na sila ay nagsimulang maglakad ulit ang dalawa, upang kumuha ng papaya. Pabalik na sila sa bahay nang magsalita si Dion.

"Matagal ka na ba nag-uupa sa bahay?" sabi ni Dion habang may bitbit na hinog na papaya

"Hindi. Lastweek lang ako nandiyan. Ang bait nga nila eh, pinatuloy nila ako at binigyan nila ako ng trabaho. Hirap kaya magbagong buhay lalo na-" tumigil siya sa pagsasalita

Napahinto si Alexandra sa paglalakad, kaya agad na lumingon si Dion upang hintayin ang dalaga.

"N-Na?" takang tanong ni Dion.

"Wala akong tinapos. Saka," napaluha ito habang naglalakad.

Mabilis niyang pinunasan ang luha.

"Ayun, kung ano-anong trabaho napasukan ko hanggang-" yumuko ito at hindi na nasundan pa ang sasabihin.

"Oh bakit huminto ka?"

"Nakakahiya baka i-judge mo ako!" mahinang sambit ng dalaga.

"Hindi ako judgemental na tao. Sige lang huwag ka mahiya sa akin," nakangiting sambit ni Dion.

"Naging escort ako sa isang club sa Malate, Manila" mabilis niyang sambit kay Dion, na halatang nagulat.

"Oh, akala ko hindi mo ako i-judge bakit natulala ka?" sabi ni Alexandra.

"Nagulat lang ako. Buti umalis ka sa trabaho na gano'n." Ngumiti si Dion nang pilit. 

Sa isipan niya'y naawa siya kay Alexandra. Bakas sa mata ng dalaga ang pagsisisi.

"Oo, kaya nandito na ako. Nagbabagong buhay!" masiglang tugon nito sabay hawak sa kamay ni Dion.

"Sana atin lang dalawa ito. Baka kasi paalisin nila ako sa bahay," nagsusumamong sambit ni Alexandra.

Tumango naman si Dion. Wala naman siyang balak sabihin ito talaga. Baka mag-away pa sila ni Jara.

Madalas nang tumutungo sa kusina si Dion. Pasimple niyang sinisilip si Alexandra at hinihintay na lumabas sa kaniyang bahay. Labis siyang natutuwa kapag nakikita at nakaka-usap ang dalaga.

Isang araw nakita niya si Alexandra, na naka-upo lamang sa mahabang bangko at umiiyak. Lalapitan na sana niya ito, ngunit nakita niya si Tikboy na tumabi sa dalaga.

Nakita niyang nag-aaway ang dalawa.

"Ano ba ayaw ko na please!" sabi ni Alexandra kay Tikboy.

"Sorry na babe," nagsusumamong sambit ni Tikboy.

"Ayaw ko na! Pagod na ako!"inis na giit ni Alexandra.

Biglang bumalik ng kuwarto si Alexandra at padabog na sinara ang pinto.

Nalaman ni Dion, na nakipaghiwalay si Alexandra kay Tikboy. Kaya lalo siyang na palapit sa dalaga. Kaya nga nang bumalik sa Manila si Dion upang magtrabaho. Maliban na kinakamusta niya si Jara, ay kinakamusta niya rin si Alexandra.

Hanggang nagpasyang mag-resign si Dion upang doon na lamang sa Mindoro magtrabaho, para maalagaan niya si Jara.


Dalawang buwan na ang nakaklipas

Nagising si Dion na wala si Jara sa kanyang tabi.

Kaya hinahanap niya ito. Narinig niya na may nag-aaway sa labas.

Nakita niya sa gate si Jara na kausap ang pamilar na mukha. Lumapit siya rito at narinig niya ang pag-aaway ng dalawa.

"P-Pwede ba Amyas! Huwag mo na akong guluhin! Tigilan mo na kami" galit na giit ni Jara.

"Please naman mahal pa rin kita Jara. Please," sabi ni Amyas. Halatang lasing na lasing ito, dahil may bote ito ng red rose na hawak.

Patakbong pumunta sa gate si Dion at kaagad na hinila si Jara palayo roon.

"Pare, umalis ka na! Baka tumawag ako ng barangay para paalisin ka rito!" bulyaw ni Dion.

"Ito Jara! T@ng-*na kailan mo lang ito nakilala! Ako simula bata pa tayo kilala na kita!" nagmura pa lalo ito at dinuduro si Dion.

" Minahal kita kahit- " Hindi natuloy ang sasabihin ni Amyas, dahil mabilis na sinuntok siya ni Dion.

Sumuray-suray ito at pilit na bumabangon.

"Minahal kita Jara, kahit na-" mahinang sabi niya na kumapit sa rehas na gate.

"Umalis ka na Amyas! Kung ano man tayo noon! Hanggang doon na lang 'yon!" madiin na pagkakasabi ni Jara.

"Nagbago ka na talaga Jara!" bulyaw ni Amyas habang umi-iling.

Napakunot naman ng noo si Dion sa sanabi ni Amyas.

Napabaling ang atensiyon ni Dion nang magsalita si Jara.

"Love, m-masakit ang tiyan ko!" sabi ni Jara, kaya mabilis na binuhat ni Dion ang nanghihinang si Jara.

Mabilis na pumunta sa gate si Tikboy at si Sir Delfin na pinapaalis si Amyas na nagwawala.

"Kami na bahala rito. Pumasok na kayo sa loob!" seryosong sabi ni Sir Delfin. Mabilis naman na sinunod iyon ni Dion.

Narinig pa nila ang sigaw ni Amyas habang papasok sila sa loob ng bahay.

"Jara! Jara! I'm sorry!" sigaw na paulit-ulit ni Amyas.

Kinabukasan ay nagulantang ang lahat nang malaman na nagpatiwakal si Amyas. Bumaril daw ito sa ulo sa kaniyang bahay. Kahit si Dion ay hindi makapaniwala. Si Jara naman ay nalungkot sa nalaman.

Nasa sala ngayon si Jara at Dion. Nakaupo si Dion, habang si Jara ay nakatayo at nakatingin sa bintana.

"Oh, Love okay ka lang?" sabi ni Dion kay Jara. Nakita niya kasing hindi mapakali ang nobya.

Lumapit kaagad si Jara kay Dion at umupo. "Love na-gu-guilty kasi ako. Feeling ko kasalan ko!" malungkot na sabi ni Jara.

"Wala kang kasalanan okay," Hinalikan ni Dion si Jara sa noo. "Masama iyan sa baby natin ang masyadong nag-iisip" babala pa ni Dion kay Jara.

Dahil walang magawa si Dion maliban sa pagbabantay kay Jara, naisipan niyang libutin ang buong bahay.

Napadapo ang paningin niya sa isang pinto sa loob ng bahay. Matagal niya na itong gustong buksan simula noong tumuntong siya sa bahay nina Jara.

Kaya hindi siya nagdalawang-isip na buksan ito.

Tumambad sa kanyang harapan ang mga lumang upuan, mga kahon na nakaselyado, at mga bagay na halatang hindi na ginagamit. May agiw na ang mga ito, at kumapal na ang alikabok sa tagal na nakatago ito sa loob.

Nilibot niya pa ang paligid. Nagawi siya sa isang nakatumbang picture frame. Umismid ang mukha niya nang makita ang pangit na mukha ng isang babae. Kulot ang buhok, makapal ang kilay, sarat ang ilong, at makapal ang labi.

Nagulat naman si Dion nang marinig niya ang boses ni Jara.

"Love, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap!" nagtatampong sambit ni Jara.

"Kilala mo ba ito?" Tinaas ni Dion ang picture frame.

Nagbuntong hininga si Jara at nilapitan si Dion. Kinuha niya agad ang picture frame.

"Si Rafaela ito. Sila ang dating may-ari ng bahay na ito, bago kami lumipat dito," seryosong tugon ni Jara.

"Rafaela?" Parang narinig niya ang pangalan na iyon.

"Bakit parang nagulat ka?" takang tanong ni Jara.

"Kapangalan niya kasi dati na nagpapadala ng love letter sa akin, noong college ako."

"Love letter love? Hindi mo pa 'yan nakukuwento sa akin. Ang daya mo!" sabi ni Jara na naghalukipkip ng kamay.

"Wala iyon love, hindi ko na nga maalala mga sinulat niya noon. Tara alis na tayo rito." Inakay ni Dion si Jara na umalis sa bodega.

Dahil madalas lamang sa bahay si Jara ay palaging nagkikita si Dion at Alexandra. Pagkatapos ng trabaho ni Dion sa opisina. Sinusundo niya si Alexandra na sabay na silang umuwi.

Dahil sa madalas na pagsasama ng dalawa ay lalong nahuhulog ang loob niya kay Alexandra. Mas matagal pa ang pagsasama nila, kaysa kay Jara na palaging gabi lamang niya nakakasama. Kung hindi lang siguro buntis si Jara, ay nagawa na niyang iwan ito.

Habang siya ay pauwi. Nagtaka siya nang walang madatnan na tao sa bahay maliban kay Alexandra.

"Nasaan si Jara, si papa?" tanong niya kay Alexandra.

Napalunok si Alexandra. "S-Sinugod siya k-kanina sa hospital!" nabubulol na sambit ni Alexandra.

Kaya mabilis na pumunta sa hospital si Dion at naabutan niyang tulala si Jara.

"Love, okay ka lang?" sambit niya "Kumusta baby natin?"

Pumikit si Jara at nagsalita. "Wala na siya," sabi nito habang umaagos ang luha sa mata

Gumuho ang mundo ni Dion sa binitawang salita ni Jara. Hindi niya lubos na maisip na wala na siyang anak na pinapangarap.

Simula noon ay unti-unti rin na nagbago ang pakikitungo ni Dion kay Jara. Madalas itong nakikipagkita kay Alexandra, at hindi nagtagal naging magkasintahana ang dalawa.

Balak nang umalis ni Dion sa bahay nina Jara, upang malaya na siyang makipagrelasyon kay Alexandra.

Hanggang isang gabi napansin ni Jara na wala sa kuwarto ang kinakasama. Kaya hinanap niya ito. Nabigla siya nang mahuli niya si Dion na kahalikan si Alexandra sa labas ng kusina.

"Hayop kayo!" agad na nilapitan ni Jara si Dion at pinagsasampal.

"I'm sorry Jara, nagmamahalan kami!" nagsusumamong sambit ni Dion na hinawakan ang kamay ni Jara.

"Kailan mo pa ako nilalagyan ng tae sa ulo, Dion!" galit na sigaw ni Jara.

Humagulgol nang malakas si Jara. Nakita iyon ni Sir Delfin na kararating lang galing sa trabaho.

Sa sobrang galit ng ama ni Jara ay kumuha ito ng shutgun at ipuputok kay Dion at Alexandra. Kaya tarantang tumakbo ang dalawa sa burol.

Tumago sila sa malalaking puno. Habang hinahanap sila ng ama ni Jara gamit ang flashlight.

Hingal na hingal na ang dalawa at natatakot sa susunod na mangyayari sa kanila.

Napasigaw si Alexandra nang tamaan ang mukha nila ng flashlight.  Tumulo na ang pawis nilang dalawa nang makita ang nakangising si Sir Delfin habang kinasa ang shutgun. Ipuputok na sana niya ang baril ngunit isang malakas na palo ang nagpatumba rito.

Nakita nila si Jara na napakaseryoso ng mukha.

"Ayaw kitang mamatay Dion. Lahat nang lalaki na lumuluko sa akin. Pinapatay ni papa!" seryosong sambit nito.

Nanginginig na si Dion at Alexandra sa sinabi ni Jara.

"Pasalamat ka mahal na mahal kita!" giit ni Jara.

"Anak, bakit mo tinutulungan sila!" galit na sabi ng Amang si Delfin, na bumangon at hinawakan ang ulo.

"Pa, please tama na! Mahal ko si Dion!"

Sinampal niya agad si Jara.

"Linoko ka na nga! Tanga ka pa!" bulyaw nito kay Jara, na hinawakan ang namulang pisngi.

Habang nagtatalo ang mag-ama ay pasimpleng tumatakas sina Dion.

"Tumakas na tuloy!" malakas niyang tinulak si Jara, kaya natumba ito. Hinabol niya ulit sina Dion. Mabilis niyang  pinutok ang baril. Tumama ang bala nito sa katabing puno na dinaanan nina Dion.  Kaya nagpasigaw na si Jara sa labis na takot.

Sina Dion naman ay hindi lumilingon at patuloy pa rin sa pagtakbo sa kagubatan.

Hingal na hingal na sumandal sila sa puno.

Nakarinig sila ng sigaw na alam nila  boses ito ni Jara.

"Dion, nasaan na kayo!" nag-aalalang sambit ni Jara habang iniilawan ang bawat sulok ng puno.

Lumabas si Dion. "N-Nasaan ang papa mo?" nanginginig na sambit ni Dion.

"Umalis na siya. Kaya sumama kayo sa akin. Ligtas kayo roon!" sabi ni Jara.

Walang magawa ang dalawa  at sumama kay Jara.

Habang naglalakad. Napansin ni Dion ang dugong nasa kamay ni Jara.

"N-Napaano 'yan?" nag-aalalang sambit ni Dion.

"Pinigilan ko si Papa na habulin kayo. Natumba ako at  tumama ang kamay ko sa bato," mahinang saad ni Jara.

"Salamat Jara!" seryosong sambit ni Dion.

Nasa isang farm mechanery building sila dinala ni Jara.

"Nandiyan muna kayo. Hindi rito pumupunta si papa," sabi ni Jara.

"Ayan, may silid diyan. Para sa mga trabahador! Magpahinga muna kayo."

"I'm sorry Jara" sambit ni Alexandra.

Hindi siya pinansin ni Jara at nakatitig lang kay Dion.

"Hindi kayo makaaalis sa lugar na ito, maraming bantay si papa sa bukid. Alam ko na ipana-utos niya na hulihin kayo."

"J-Jara, salamat. sana mapatawad mo kami!": nagsusumamong sambit ni Dion.

Umiling siya "Ayaw kitang makitang mamatay, Kahit masakit sa akin. Ginawa ko ito," lumuhang tugon  ni Jara.

"Bukas na bukas pupunta ako rito para tulungan kayo makatakas. Kailangan ko lang magpakita kay papa.

Nagpahinga na nga sina Dion at Alexandra. 


Kinaumagahan. Nabigla si Dion na wala si Alexandra sa kanyang tabi. Kaya hinanap niya ito.

'Dion, tulong!" narinig niya ang sigaw ni Alexandra, kaya mabilis niyang hinanap ito.

Nakarating siya sa isang kuwarto na puro dayami.

Nagulantang siya nang makita ang isang naka-bonnet na lalaki na tabon ang mukha. Nakapatong ito kay Alexandra habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg nito. Patakbong nilapitan ni Dion ang lalaki, saka niya ito tinadyakan.

Kaagad na bumangon ang lalaki at aambang sasaksakin si Dion. Ngunit mabilis na naiwasan ni Dion ang pagsaksak ng lalaki. Sinuntok niya ito, kaya nabitawan ng lalaki ang kutsiyo.

Mabilis na hinubad ni Dion, ang bonnet ng lalaki at nabigla siya nang makita si Tikboy.

Pinulot ni Tikboy ang kutsiyo at aambang sasaksakin ulit si Dion.

Dalawang magkakasunod na putok ng baril ang narinig ni Dion.

Tumama ito sa katawan ni Tikboy.

"Hayop ka!" nangagalaiti na sabi ni Jara.

Nakahinga nang maluwag si Dion habang inalalayan si Alexandra na makatayo.

Napabaling ang atensiyon niya na hindi tinigilan ni Jara si Tikboy na umaagos na ang dugo sa mga tama niya. Kumuha pa ito ng dos-por-dos at pinagpapalo ang ulo ni Tikboy. Namula na ang mukha nito at na maga ang mata dahil sa mga dugong sumisirit dito. 

"Jara, tama na! Patay na siya!" nag-aalalang sambit ni Dion.

Nakita niyang ngumisi si Jara at pinunasan ang dugong tumalsik sa  pisngi.

"Palpak kasi! Sabi ko 'yong babae lang huwag ka ng idamay!" inis na sambit ni Jara habang nanlilisik ang mata.

Kumunot ang noo ni Dion sa sinabi ni Jara.

"A-Anong sabi mo!" natatakot na sabi ni Dion, na napaatras silang dalawa ni Alexandra sa labis na kilabot. 

Mabilis na binalibag ni Jara ang dos-por-dos na kahoy at kinuha ulit ang baril na nasa bulsa.

"Hindi mo ba nakikita Dion," malambing na sabi ni Jara.

"Lahat ng ito ginagawa ko para maalagaan ang relationship natin!" nakangising sambit niya sabay kasa ng baril na hawak.

Nanlaki ang dalawang mata ng dalawa sa labis na takot nang tinutok ito ni Jara sa kanila. 

"Ginawa ko ang lahat para sayo! P-Pinapatay ko si Amyas, at  s-si papa para sa'yo,"naluluhang sambit niya habang nakataas pa rin ang baril, na anomang oras ipuputok niya ito.

"Nababaliw ka na!" buong tapang na sigaw ni Dion. Akmang susugurin niya na si Jara ngunit binaril siya nito sa paa, kaya napahandusay siya sa sahig,

Namalipit sa sakit si Dion na nagsisigaw habang hawak-hawak ang may tamang paa.

Napasigaw si ALexandra sa pagkabigla na ngayon ay nakatutok ang baril sa dalaga.

"Dahil sa babaeng ito nasira ang plano ko!" madiin na sambit ni Jara.

"Maawa ka sa akin please!" pagsusumamo ni Alexandra kay Jara habang nakaluhod at dinikit ang dalawang palad. Humahagulgol na ito sa labis na takot at kaba.

"Ang makating higad dapat tinitiris!" Agad niyang tinutok ang baril sa ulo ni Alexandra na lalong lumakas pa ang hagulgol. Walang magawa naman si Dion na nakalupasay.

" Jonas!" sigaw ni Jara sa tauhan nito na nasa labas.

"Itali mo 'yang dalawa at dalhin sa gilingan! Bilisan mo!"

Mabilis na dinala ng lalaki sina Dion at Alexandra sa gusali, kung saan doon ginigiling ang mga karne ng baboy.  Tinali ng lalaki sina Dion at Alexandra sa magkahiwalay na poste.

Takot na takot na silang dalawa habang nakatali ang dalawang kamay.

"Maawa ka sa akin please," naluluhang sambit ni Alexandra kay Jara.

"Nagmamakaawa ako sa'yo Jara," sabi naman ni Dion. 

Tila bingi ito at pumapalakpak habang tumatawa.

"Maawa Dion! Sa akin ba naawa ka nang linalait-lait mo ako noon!" turo pa ni Jara sa sarili.

"Hindi kita maintindihan," umiiling na sambit ni Dion.

"Hindi mo ako maintindihan, ako lang naman ito si Rafaela!" seryosong saad nito kay Dion.

Huminto ito at nagbuntong hininga. Inikot-ikot niya ang mahabang hibla ng buhok at nagsalita.

"Ako lang naman ang babaeng patay na patay noon at hanggang ngayon sa'yo!," malambing na wika niya.

"I-Ikaw si R-Rafaela?" nangininig na tanong ni Dion.

"Oo, nagparetoke ako para sa'yo!" Sabay tutok nito ng baril kay Dion.

"Naalala ko noon. Gusto ko na sanang magpakita sa'yo. Kaso narinig ko sabi mo sa kaibigan mo." Lumuha si Jara.

"Na sana sexy at maganda ako. "Mabilis niyang pinunasan ang luha.

Umiiyak lang sina Alexandra at Dion habang nagpapatuloy sa pagsasalita si Jara.

"Nagpakita ako sa'yo noon. Graduation natin sa college. Pero ano sabi mo sa akin! Ang pangit ko! " matigas na sigaw ni Jara.

"Kaya nga noong nakita mo ang dating picture ko sa bodega namin. Halatang nandiri ka pa! Hindi mo man lang ako natandaan!" inis na sambit ni Jara.

"Ngayon na maganda na ako." Nugumiti ito " Sexy! Akala ko mapapasa akin ka na talaga!" seryosong sambit niya, na pinalitan kaagad ng malungkot na mukha.

Nasisiraan na ng bait si Jara. Iiyak ito at maya-maya'y tatawa.

Hinawakan niya ang ulo at sinabunutan ang sariling buhok.

"Pero nang mawala ang dinadala mo sa akin! IIwanan mo na lang ako! Hindi ako basahan Dion!" bulyaw ni Jara.

"I'm sorry k-kung n-nasaktan kita! H-Humingi ako nang patawad sayo," naiiyak na sambit ni Dion.

"Okay lang! Alam ko naman na wala kang kasalanan." Hinaplos nito ang guwapong mukha ni Dion.

Tumingin ito ng masama kay Alexandra.

"Makati talaga ang babaeng ito!" sumalubong ang kilay niya na lumapit sa nanginginig na si ALexandra.

"No, please buhayin mo lang ako. Titiyakin kong hindi na ako gugulo sa relationship niyo!" naluluhang saad ni Alexandra.

Ngumisi si Jara. "Mahal mo ba si Dion?" sabay tutok ng baril sa bunganga ni ALexandra.

"H-Hindi ko siya m-mahal'" nanginig na sambit ni Alexandra.

"Good! Ikaw Dion mahal mo ba si Alexandra," madiin na sigaw ni Jara.

Tumingin si Dion kay Alexandra na umiiling.

"Hindi ko siya mahal!" Umiwas siya nang tingin. Dahil sa puso niya mahal na mahal niya ito.

.

"Buti naman! Kasi ito mangyayari sa inyo!" Buong lakas na kinaladkad ni Jara ang katawan ni Tikboy at inihulog sa malaking gilingan.

Narinig nila ang lagitnit ng mga nawawasak na buto nito, habang lumalabas ang pinong mga laman sa isang lalagyan.

Kumabog na ang mga puso nilang dalawa. Alam nila sa oras na ito nakaapak na ang paa nila sa hukay.

Napasigaw na si Alexandra na namamaos nang lumapit si Jara sa kaniya.

"Please maawa ka Jara! Pakawalan mo lang si Alexandra. Ako. Ako na lang," giit ni Dion na umiiyak.

"Ang swerte mo naman Alexandra! Anong mayro'n ka na wala ako!" Sinampal niya si Alexandra sabay mahigpit na hinawakan sa baba.Sa lakas ng sampal ay dumugo na ang  gilid ng labi ni Alexanda.

"Ano bang nagustuhan mo rito?" galit na sabi ni Jara. "Ito ba!"Pinunit niya ang damit ni Alexandra. Nahuburan na ito nang tuluyan. 

Nag-iiyak na lamang si Alexandra sa labis na takot, habang tinatapunan siya niJara ng mga nagiling na laman sa hubong katawan nito. Masangsang na ang amoy ni Alexandra at puno na ito ng dugo sa katawan.

"Ayan! Bagay sa'yo 'yan! Napakaruming babae ka! Mang-aagaw!"

Walang maisip si Dion, kung paano sila makakaalis sa baliw na si Jara.

"Ano bang kailangan ko para tigilan mo na ito Jara!" nagsusumamong sambit ni Dion.

"Mahalin mo lang ako, Dion!" malamig na tugon ni Jara.

Kaya mabilis na nagsalita si Dion "Mahal na mahal kita! Please sorry nagkamali ako" humingal ito at nagsalita "Sana pakawalan mo na si Alexandra. Pangako. Hindi kita iiwan!" seryosong sambit ni Dion.

"Talaga, hindi mo ako iiwan!" masiglang sabi ni Jara.

Tumango si Dion. 

Mabilis na  tinanggal  ni Jara ang tali sa mga kamay ni Alexandra na nanghihina.

Dahil sa kabaliwan ay hindi na alam ni Jara ang ginagawa. Lumapit ito kay Dion at tinanggal din ang pagkakatali.

"Dion, love, salamat." Yinakap niya si Dion. 

Lumaki ang mata ni Dion sa takot nang bumulong si Jara.

"Pero kailangan natin patayin ang kabit mo, para ako lang talaga ang nasa puso mo."

Bumaling ito kay Alexandra na pilit na bumabangon dahil sa labis na panghihina.

"Alexandra, umalis ka na takbo!" sigaw ni Diyon na yinakap nang mahigpit si Jara.

Kaya pilit itong bumangon at tarantang tumakbo palabas ng building.


Sa  tindi ng pagod nawalan ng  malay si Dion. Nagising na lamang siya na nasa bahay ulit ni Jara.

"Bakit nandito ako? Anong nangyari?" mahinang sambit niya.

"Dion, mabuti gising ka na." Narinig niya ang boses ni Alexandra. Medyo malabo ang paningin niya kaya kinusot niya ang dalawang mata. Nahihilo pa rin siya.

"Dion, okay ka lang?" sabi ni Alexandra.

"Alexandra," matamlay na sabi ni Dion.

Napahinto ang dalaga sa pagsasalita. 

 Tila lumilinaw na ang pandinig at paningin ni Dion.

Kinilabutan siya na hindi si Alexandra ang bumungad sa kaniya.

"J-Jara! Nasaan si Alexandra?" nababahalang sambit niya na napa-atras sa pagkakahiga.

Bumuntong-hininga si Jara.

"Hays, 'di ba pinatakas mo siya. Kung gusto mo siyang makita. Kumain ka muna!" malambing na sabi ni Jara habang  may tray itong dala na puno ng masasarap na pagkain.

"Dalawang araw ka na nakaratay sa higaan. Kaya alam ko nagugutom ka na," sabi ni Jara, na pilit na sinusubuan si Dion.

"Ayaw ko kumain!" Mabilis niyang hinawi ang kutsara.

" Please Jara pakawalan mo na ako!" mahinang sambit ni Dion.

"P'wede kang umalis at hanapin si Alexandra, basta kumain ka muna," nakangiting sambit ni Jara.

Kahit alam niyang may tupak si Jara ay sinunod niya ang pangako nito. Inubos niya ang pagkaing dala ni Jara.

Tumango si Dion "Siguro p'wede mo na ako pakawalan," mahinang sambit niya.

"Oo naman, love p'wede ka nang umalis. Go hanapin mo na si Alexandra," malambing na tugon ni Jara. 

Umalis kaagad si Jara sa kuwarto. Kaya nagmamadaling tinanggal ni Dion ang swero na nakakabit sa kamay niya. Pagtanggal niya ng kumot na nakabalot sa kaniyang katawan.


 Lumaki ang mata niya at napasigaw sa pagkabigla.


"A-Anong ginawa mo sa akin Jara!" naiiyak na sabi ni Dion nang makitang putol ang dawang paa niya.

Pumasok kaagad si Jara sa kuwarto at may dala itong box ng regalo.

"Bakit ka sumisigaw!" pa-inosenting sambit ni Jara na nakangiti.

Tila demonyo ito dahil sa kaniyang nanlilisik na mga mata.

"Hayop ka!" galit na galit na sigaw ni Dion kay Jara.

"Alam ko kasing tatakas ka, kaya pinutol ko na! Sayang naman may gift pa naman ako sa'yo."

"Baliw ka na Jara!  Baliw!"

"I'm crazy for you!" nakangising sambit ni Jara na binigay ang regalo kay Dion habang kumakanta ng crazy for you.

Mabilis na binalibag ni Dion ang binagay na regalo ni Jara.

Lalo siyang nasindak nang lumabas dito ang pugot na ulo ni Alexandra. Namutla siya habang nanginig ang mga kamay sa tindi ng takot.

"A-lexandra," paulit-ulit na tawag ni Dion habang nakatiitig sa pugot na ulo.

Bumingisngis nang malakas si Jara at pumalakpak.

"Huwag ka mag-alala Dion. Masarap naman  'di ba ang luto ko sa kabit mo!"

Kaagad na bumaliktad ang sikmura ni Dion sa sinabi ni Jara.

"Demonyo ka Jara!" lumuluhang sigaw ni Dion habang sinusuka ang kinain.

Si Jara naman ay walang tigil sa pagtawa.

Napaiyak pa ito sa labis na galak habang pinagmamasdan ang nanlulumong si Dion.

"Akin ka lang Dion! Akin ka lang!" umaalingawngaw ang nakakakilabot na sigaw ni Jara sa loob ng bahay.

"I love you not only for what you are, 

but for what I am when I am with you"

*******

wakas

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro