ikaw
bawat dapithapon
ikaw ang hampas ng alon sa karagatan
ikaw ang lakas at hina, ang pagpatak ng ulan
sa hanging kay lakas
tataglayin ang puso sa galak
isang dalampasigang payapa
hindi labis o kulang
ikaw ay sapat
at kung sakali mang humarang
ang ulap sa magandang tanaw
ikaw ang magiging liwanag, ang sikat ng araw
bawat alikabok na liliparin
ay bahagi ng pangako na tutuparin
sa pagitan nating dalawa
ikaw ang sigla at saya
ang ikot ng mundo'y sa'yo
bawat letra sa tulang ito
lahat na mayroon sa mundo
ikaw ay ikaw, na s'yang aking gusto
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro