Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Amihan

kay lamig ng hangin
sa bawat dapo sa balat
giniginaw ang puso
saksi ang paghilom ng sugat

Amihan, walang kupas ang katiyakan
sa bawat hampas nito'y
ikaw ang nasa isipan

sa paglalakbay ng liwanag tungo sa gabi
sa bawat pagtama ng orasan
sa bawat liwanag ng buwan
Amihan, ikaw ang nadarama
ngayon at palagi
hahanap-hanapin
ang bagsik ng iyong kapangyarihan

labis ang pagsusumamo
na sana'y narito ka
yakap-yakap ang aking bisig
habang nanginginig
likas na mapanlinlang
isang kay gandang palaisipan, Amihan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro