KABANATA 5
ENZO
Napahilamos naman ako at napasandal sa upuan. I have just realized what I told her. I appear to have been hurrying her a little bit. I simply can't resist it. I am prepared to be patient, but this emotion is unbearable.
"I can wait," bulong ko sa hangin at napahilot na lamang sa aking sentido.
Isang katok ang nagpamulat sa akin at iniluwa nun si Erik na may dala-dalang isang bote ng alak. Maingat niya itong inilapag sa mesa kasama ang dalawang baso.
"Mukhang malalim ang isip ninyo po ngayon," wika ni Erik habang nagsasalin ng alak sa baso.
Matagal ko ng kasama si Erik at lubos ko siyang pinagkatitiwalaan. Byudo na ito at sa pagkatatanda ko ay hindi ko pa siya napapauwi sa kanilang probinsya. "Saka nga pala Erik, pwede ka ng umuwi at magbakasyon na muna sa probinsya ninyo. Ibibigay ko sa 'yo ang pang-limang buwan mong sweldo para naman may ipasalubong ka sa anak mo at hindi ba at magtatapos na siya?" wika ko at tila nagulat naman ito sa aking tinuran.
"Po? Paano po ka-"
"Huwag mo na po akong alalahanin, Erik. Kaya ko naman ang sarili ko. Naalala ko rin kasi na matagal-tagal na rin simula nang huli kang umuwi sa inyo," pagputol ko sa kanya at tumungga.
"Sa totoo nga po ay 'yan din po ang gusto kong sabihin sana sa inyo kasi gusto ko po sanang makita ang anak ko na makapagtapos. Malaki po ang utang na loob namin sa inyo dahil sa pagpapaaral ninyo po sa kanya," wika ni Erik saka nagsalin ulit ng alak.
"Pinagtrabahuan ninyo po 'yon at masaya na ako na mabalitaang makapagtatapos siya sa kanyang pag-aaral. Gusto ko na pong mapag-isa," wika ko at tumango naman ito at yumuko.
"Tawagin ninyo lang po ako kung may kailangan po kayo," wika nito at lumabas.
Napahilamos akong muli at napabuntong hininga. Pang-ilang buntong hininga ko na ba ito ngayong araw?
"Enzo, bigyan mo sana ako ng isang linggo para pag-isipan ng mabuti ang tanong mo. Pwede ba 'yon? Kung maaari rin ay huwag ka rin munang magpapakita sa akin sa loob din ng isang linggong pag-iisip ko," wika ni Amanda habang nilalaro ang kanyang mga kamay.
Napatingin naman ako sa kanya at tumango. Mahirap sa akin ang hinihingi niya lalo pa at nakauwi na ako. Kung noon ay natitiis ko dahil nasa malayong lugar ako ngunit ngayon ay parang napakahirap naman ng kanyang hinihingi ngunit kung iyon lamang ang paraan upang makuha ang kanyang kasagutan ay wala naman akong magagawa. Kailangan kong tiisin ang isang linggong hindi siya makikita.
Natahimik ako dahilan upang tumabi siya sa akin. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng isang bulaklak na dala ng kanyang mahabang buhok. Hindi nito alam ang pagtitiis na ginagawa ko upang hindi lang mahawakan ang malambot nitong buhok at pisngi nito. Higit pa roon ang pagpipigil ko na titigan nang matagal ang mga labi nito.
"Ganoon ba katagal?" tanong ko at narinig ko siyang bahagyang natawa nang mahina.
"Isang linggo lang naman Enzo. Saka para na rin makapag-isip ako ng maayos. Sa desisyong ito ay malaki ang magbabago kaya pag-iisipan ko nang mabuti. Ayokong masaktan ka at ang sarili ko sa huli, Enzo. Hindi ka mahirap mahalin at kahit na sino ay kaya mong paibigin. Minsan nga ay nagtataka ako kung bakit ako pa ang naisipan mong ligawan dahil kung tutuusin sa mundong nilalakaran mo tiyak ako na maraming mas magagandang babae ang nandiyan nakapaligid sa 'yo, Enzo," mahabang lintanya nito dahilan upang lingonin ko siya.
Hindi kasi nito alam kung ano ang pinagsasabi nito dahil hindi nito alam kung ano ang mayroon siya na wala sa iba. Tama nga si Alfonso, lingid nga sa kaalaman nito kung ano ang mayroon siya kaya hindi ko rin masisisi si Alfonso kung bakit baliw na baliw ito sa kanya.
"Amanda, I have been waiting for you for many years. At kahit na sa mga taong iyon ay nasa piling ka ng iba ay hindi pa rin nawala ang pag-ibig ko sa 'yo. Kung 'yon ang nais mo ay susundin ko," wika ko at tumayo. "I don't want to demand but even so the answer is no, I will still pursue you until I can longer fight for it," dagdag ko pa saka naglakad paalis.
Nilagok ko ang alak na nasa aking baso at inilagay na ito sa lababo. Tama na siguro ito upang makatulog ako nang maayos. Ayoko nang mag-isip pa. Mas lalo ko lang kasing pinapahirapan ang sarili ko sa tuwing iniisip ko siya. Isang linggo pa naman akong magtitiis na hindi na muna siya makita o ni makausap man lang.
Kinuha ko ang selpon ko na nakalapag sa mesa. Pigil na pigil pa rin ako na padalhan siya ng mensahe o tawagan man lang. Gusto kong marinig ang kanyang malamyos na boses ngunit ayokong suwayin ang kanyang utos.
Nahiga ako sa gilid ng kama at napatingin sa kisame. "Saan naman ako pupunta ng halos isang linggo para hindi siya makita?" Naiiling kong tanong at napatakip ng aking mga mata gamit ang aking bisig.
Naalala ko ang huling habilin sa akin ni Alfonso na pinanghahawakan ko pa rin magpahanggang ngayon. Noong unang pagkikita pa lang naming ni Amanda ay inaamin kung tinamaan na ako sa kanya nang husto ay batid kong pansin at alam ito ni Alfonso noon pa man kaya ganoon na lang din ang kagustuhan nito na maputol ang pagkakaibigan namin noon ni Amanda.
Hindi ko pa rin mapigilang hindi makaramdam ng sakit nang marinig na kailangan pa nito ng isang linggo para makapag-isip ng isasagot sa akin dahil iisa lang naman ang rason kung bakit at iyon ay dahil kay Alfonso. Kahit na wala na ito ay ramdam ko pa rin na mahal niya pa rin ito. Kaya ko bang masaktan? Ako na yata ang taong martyr kahit na alam ko na ang sagot ay pilit ko pa ring kinukubli sa aking sarili.
Ganito nga talaga siguro kapag tanga pagdating sa pag-ibig. Isusugal ang lahat kahit alam mong ubos na ubos ka na.
"Until I am unable to do so, Amanda, I will pursue you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro