INTRO
May malaking salamin
Dugyot na pagmumukha
Panget na taste sa fashion
Kakaunti ang kaibigan sa mundo
Mas payat pa sa mga poste sa tabi
Sa sobrang tangkad nauuntog na
Isang taong pinanganak 'daw na bobo
Walang katale-talento
At higit sa lahat hindi gwapo
Oo ako yan, iyan ang tingin ng lahat sakin. Ako nga pala si Chisi Reyndolf Castro. Ang nagpapatunay na ang mundo ay isang tv show na kapag panget ka kukutsain ka. At kung gwapo o maganda ka, sikat ka.
Pero sa lahat ng panget na katangian ko ay may isang taong habol ng habol sa akin.
Kaya nyang sumayaw at kumanta
Sya ay sobrang ganda
Sya ay sobrang talino
Marami syang bagay na nagagawa
Wala syang arte
Sobrang bait nya pero may pagkapasaway
Kaya lang maliit sya pero cute
Kahit basahan ipasuot mo magmumukha syang nasa fashion show
Sya si Kari Aia Luna. She's the campus pride. The Ms. Almost Perfect ng Santa Ana Academy. She got the looks, the talents. And the boys wanted for their woman to have.
Nagulantang nya ang mundo ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Baka pinagttripan nya lang ako. Isa akong hamak na tagalupa at sya ay isang dyosang nag anyong tao.
"Chi, Gusto kita."
Tatlong salita
Lumabas sakanyang bunganga
Hindi ko inaasahan
Na saakin nya iyan sasabihan
Ako ay nagugulantang
Kaya ako ay napatanong nalang...........
"Bulag ka ba?"
****
A/N: Ito po ay nirevise upang mas mas maintindihan nyo :) I chose the old names of the characters. Mas maganda kasi sya. Para maremain ang story outline nya.
Basahin nyo po sana! Happy Reading! :) ;)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro