ENDING
Chisi Reyndolf's POV
"Chi, gusto kita." Ang pag-tibok ng aking puso ay di mapigilan sa saya ng aking nararamdaman.
Gusto kong tumalon at sumigaw na gusto ko din sya. Ngunit hindi ko iyon magagawa. Baka nabibigla lang sya sa nararamdaman nya. Baka hindi nya naman talaga ako gusto. Baka nabubulag lang sya sa nararamdaman nya. At baka phase lang yan at hindi naman talaga ako ang kanyang napupusuan.
"Bulag ka ba?" I know how ridiculous my question is. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako,kahit kailan na hindi ako mababagay sa kanya.
She's unreachable while me I'm just a nobody. Mali pala ako pala ang hadlang sa storya na binubuo nila ni Harvey. Kahit na gusto nya ako at gusto ko sya wala kaming magagawa kundi ang mawala sa piling ng isa't-isa.
Ramdam ko nasaktan ko sya marahil baka totoo nga? Baka totoo nga na ako ang gusto nya at hindi si Harvey? Pero hindi, hindi. Si Harvey dapat. Si Harvey yung bagay sya yung dapat paglaanan nya ng atensyon at pagmamahal nya yung hindi sa isang ako. Isang ako na ang maibibigay ko lang sa kanya ay ang pag-mamahal na alam ko.
As I turned my back on her. Lahat, parang nawala ang lahat sa akin. Sa pagpatak ng ulan. Sa pagpatak ng ulan sumabay ang pagsigaw ng aking nararamdaman. Pagsigaw na sya ay aking balikan. Na sya ay aking angkinin, angkinin ng pagmamahal na buong-buo. At alam ko pag pinagpatuloy ko to. Lahat ng meron ako maiiwan sa kanya. Sa kanya na mahal ko. Sa kanya na nagmamay- ari ng aking puso.
Lumingon ako. Humakbang ako ng isa para sa kanya ay magtungo. Mundo na ang desisyon na kaming dalawa ay hindi para sa isa't isa. Dahil nandon sya. Nandun sya yakap-yakap ng taong dapat na sa kanya. Yung taong pangarap ko hawak-hawak ng sa kanya ay ibang sumisinta. Yung taong nagmamay-ari ng puso ko, pag-aari na ng ibang tao.
Sa paglakas ng ulan. Ngayon ko lalong nadama kung paano masaktan. Akala ko madali na ipaubaya sya sa taong mas nararapat sa kanya. Pero hindi pala, ang sakit pala. Ang sakit sakit na na makita syang tinatahan ng iba. Imbes na ako pero iba ang sa kanya ay sumama.
"Ano ba yan! Chi! Mag-ayos ka naman. Gwapo ka naman e." Sabi ni Genieve at hinubad ang salamin ko.
Lumayo ako para sa ikabubuti ng pamilya ko. He threaten me na aalisan nya ng trabaho si Nanay sa palengke. I know how powerful his family is. At alam ko na isang sabi lang ni Harvey sa kanila ay tutuparin nila. At ayaw ko na pati pamilya ko madamay dahil sa pagmamahal ko. Ayaw ko na mahirapan sila. Okay na masaktan ako wag lang sila. Dahil baka di ko mapigilan at magkaroon ng patayan.
"Oo nga Chi! Unting pa-facial cleansing lang sayo gwapo ka na." Sabi ni Aristotle. Umiling ako. Marami ang nakipag kaibigan sa akin dito at nasanay na rin ako sa presensya nila.
"Tss. Ako na naman pinagdiskitahan nyo. Alis na ko." Kinuha ko lahat ng gamit ko at iniwan sila. Uuwi na ako.
Uuwi sa bahay na hindi ko naman tahanan. Pamilya na hindi ko naman kinagisnan. Isang pamilya na wala akong kaugnayan pero dito ako naninirahan.
Mali may kaugnayan pala ako. Nandun ang Ama ko. Ama ko nga ba? Oo biologically. Pero hindi sya nagpakatatay sa akin, sa amin. Pero tatay ko sya at sapat na rason na yun para sya ay aking respetuhin.
"Kuya Chi!" Isang batang babae ang tumakbo sa akin. Dala-dala ang isang teddy bear. Habang tumatakbo sya ay may napansin akong isang sulat.
"Yumi! Ano yan? Tsaka bakit nasa labas ka pa? Pumasok na tayo." She's my half sister. Anak ni Tatay sa labas dahil technically mag-asawa pa rin sila ni Nanay. Pero wala na ang ina ni Yumi.
"Pinapapabigay ni Artlyn! Kuya sabi ni ate Jillian pupunta na silang ibang bansa para magamot si Artlyn." Malungkot na pahayag nya. Ginulo ko ang buhok nya. She always reminds me of Aia. My little Aia.
How she acts is just like her. Kung paano sya maging bibo. Maging maganda kapag ngumingiti. Lahat pinapaalala nya sa akin.
"H'wag kang malungkot. Susulatan natin sya. At ayaw mo nun? Magaling na sya pagbalik nya at makakalaro na kayo. Okay?" Pagkasabi ko nun ay tumango sya at tumakbo pataas ng kwarto nya.
"Andyan ka na pala Chi." Ang boses na kilalang kilala ko na. Boses na kasing lalim ng akin at mga matang kamukha ng mga mata ko.
Nagmano ako upang rumespeto. Pero pagkatapos nun ay nilagpasan ko na sya. "Kailan ba matutunaw ang galit na iyong pinundar para sa iyong Ama?"
Umiling ako. The anger of mine is fuming like a gas with fire. Pag nakikita ko sya pinapaalala sa akin nito kung ano ang hirap na nadama namin habang sya, habang sya narito at nagpapalaki ng kanyang tiyan. Nagpapasarap habang kami naman ay nagdurusa. Inaalala kung paano kami makakain ng tatlong beses sa isang araw at sya dito nagtatapon ng pagkain?
"Pag napunan mo lahat ng sakit na nadama ko, nadama namin ng pamilyang iniwan mo. Habang nagpapakasasa ka sa makamundong pagnanasa." Pag talikod ko nandun si Yumi. Umiiyak sya. Ang mga luha nya. Pinapaalala sa akin yung mata niya.
Niyakap ko si Yumi na parang sya si Aia. Na parang sya yung babaeng pinakamamahal ako kaakibat ng aking mundo.
"This is it, Chi." Sabi ni Aristotle at tinapik ang balikat ko.
The white ceiling. The white aisle where she will be walked by her parents and send her to me. The color lavender gowns of the ladies match with the black tux of the gentlemen. The flowers mixed by roses and tulips.
"You can see it now clearly. You are both meant to be." Sabi naman ni Caleb habang nakatingin sa labas ng simbahan.
Yes. She is for me. And I am for her. Hahamakin ko ang lahat para sa akin sya. Sa akin sya mapunta. At sa akin ang bagsak nya.
Napangiti ako. It's like a dream. A dream that I never wanted to end. But this is reality, reality that I love her as much as she loves me.
Kasabay nang pagtunog ng kampana ng Simbahan na ito ay ang hudyat na nasa likod na sya ng malaking pintuan nito.
"Mr. Caleb and Mr. Aristotle please go on your respective position. The bride is already outside." Sabi ng wedding organizer namin.
Kinakabahan na naeexcite ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag basta ang alam ko mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya.
As the door opened it reveals the image of my wife. The white fabric is embracing on her body. The smile on her eyes never fades. She look at me, assuring that she's for me and not for anyone.
Ang bagal nya maglakad! Gusto ko na syang hilahin papunta rito! Papunta rito sa piling ko. Lahat sila ay nakatingin sa kanya habang sya ay nakasuot ng trahe de boda na pinasadya para talaga sa kanya.
"Still stalking her huh?" Ang mga tao ay nagpalakpakan ng matapos sya sa pagsagot ng isang katanungan.
Isang quiz bee ang sinalihan nya kaya heto ako nanonood sa kanya mula sa malayo.
"I'm not stalking her. Nagkataon lang na gustong mamasyal ni Yumi dito." Iniwan ko muna si Yumi sa play ground para makihalubilo sa mga batang kasing edad nya.
"Tss. Dahilan mo Castro laos na. At talagang dito pa sa school ipapasyal si Yumi? At no'ng nakaraan bakit sa Movers 2016 mo sya pinasyal e wala ngang kaalam alam si Yumi don." Napailing na lang ako sa sinabi ni Aristotle.
"Tss. Kung yan ang tingin mo wala akong magagawa." Her smile made my life again. I'm in the middle of breaking apart. But just one glance at her, I'm already fixed.
"Iba talaga tama mo. Ibang iba. By the way request ni Tito Chris na ikaw ang tumakbong president this year." Isang pangarap na gustong-gusto ng aking Ama. Hindi man sa kanya kundi para sa akin.
Gusto kong tumanggi pero nangako sya. Nangako sya na bubuuin nya ang pamilya para kela Chiris. Bininisita ko sila. Hindi ko hinahayaan na wala silang kahit ano habang ako nandito at nagpapakahayahay kasama ang suwail kong Ama.
"Alam ko. Pumayag na ako dyan. At hinihintay ko na ang petition na pwede na akong mangampanya."
Isang punyal ang tumarak sa puso ko habang tinitignan syang masayang ipinapahayag sa madla ang pangalan ng lalaking iyon. Wala akong nagawa kundi ang tumalikod. Hinagis ko kay Aristotle ang susi ng kotse ko.
"Kuhanin mo ang kotse ko. Susunduin ko lang si Yumi." Sa isang matigas na tinig ko iyon sinabi.
Huminto muna ako sa isang tindahan bumili ng Zest-O pampakalma ko. Baka bigla akong mawala sa wisyu at agawin ko syang bigla at gawing akin
Pero ayaw ko. Ayaw ko nang guluhin ang buhay nya masaya na sya don. Masaya na sya na wala ako sa buhay nya.
Pero nang huminto ako sa tapat ng play ground ay nakita ko sya. Kausap nya si Yumi. How cruel this world is it? Yung iniiwasan ko ay lalo akong pinalalapitan. Napaatras ako. Yung puso ko nahihirapan na namang mag-react pag nasa malapit lang sya.
Hindi ako makalayo para bang may kung anong humihila sa akin papunta sa kanya.
"Ingatan mo ang anak ko." Sabi ni Tita Kara or should I say? Mama?
Pero wala akong nagawa kundi ang tumango dahil hindi ko na maialis ang mga mata ko sa babaeng mahal na mahal ko.
Yung babaeng nagpagulo ng ikot ng mundo ko. Yung babaeng mahal na mahal ako. At alam ko na unang kita ko palang sa kanya simula nung mga bata kami, ay sya na. Sya na yung mamahalin ko hanggang sa mawasak ako.
"Chi?" Ang tinig nya ang nagpagising sa akin mula sa inaantok ko na diwa.
"Hmmm?" Sabi ko at hinilig ang leeg ko sa mga balikat nya.
"Gumising ka. Gutom na ako." Natawa ako sa sinabi nya. Nagtataka ako dahil kahit na anong kain nya ay hindi sya nataba.
"Lutuan mo ko. Gusto ko yung paborito ni Lelaine." Sabi nya. Napangisi ako ng mahimigan sa tono nya ang paninibugho.
"Jealous?" I teased her using my playful voice.
Tinulak nya ako palayo sa kanya. Nakita ko ang pagcrossed arms ng mga braso nya at pagtaas ng kilay nya. The hint of jealousy is very evident on her eyes. Damn! Ang saya lang na makita na gusto nyang sa akin lang ako, katulad ng pagiging gusto ko na akin lang talaga sya.
"Kung magseselos ako? Bakit naman? Ha! Hindi ako magseselos dahil sa pag-uusap nyo na sobrang lapit na halos maglampungan kayo." Damn! She's adorable! Ang sarap nyang gawing key chain!
Lumapit ako sa kanya at kinulong sya sa mga bisig ko. Lalo akong pinasasaya ng ganitong puwesto namin dahil mahal ko sya. My world is inside my arms. That she's mine and no one can ever make her away from me.
"Mahal kita Aia. Kari Aia, mahal na mahal kita. At walang kahit na sino ang makakaka-agaw sa akin mula sa iyo. Tandaan mo akin ka? At sayo lang.. sayong-sayo lang. I'm not a king nor a prince but you are my one and only Queen."
As her hands hold mine. I know it. I know that this is the start of our life. Our life that will lead us to happily ever after.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro