Blind #7
Kari Aia's POV
Three straight weeks. Three straight weeks na akong iniiwasan ni Chi. I mean feeling ko umiiwas sya sa akin. Dahil t'wing nagtatanong ako sa room kung nandyan sya ay sasabihin ng mga kaklase nya ay absent sya pero pag-recess na nakikita ko sya sa canteen with his friend Jeron.
Tapos kapag tinatawag ko sya ay bigla syang magmamadali na parang may ibang lakad.
Kaya ngayon ay nakabusangot kong sisimulan ang araw ko. Baka busy lang si Chi! Duh! Hindi naman pwedeng araw araw kayong magkita! Pero bilang magkaibigan ay dapat nagpapansinan kami!
"Bakit nakabusangot ang prinsesang ito?" I was startled when I heard someone talked from my behind.
Agad ko itong nilingon at isang lalaking dala dala ang mga matang mapaglaro ang aking nakita. Mas lalo nyang pinasama ang araw ko.
"Stay away from me, Harvey." I said that and started to walk away from him.
"Prinsesa, paano ko lalayuan ang isang babae na mahal ko? Kung di nga lang kita makita nasasaktan na ko. Pano pa kaya pag lumayo na ako?"
"Alam mo naman pala na ganyan magmahal. Why? Bakit palagi mo kong pinapalayo kay Chi?" I don't like playing. As far as I can i-straight forward ko ang tao sa paligid ko. Oo pranka ako.
"Because he's not the right one for you." As he said that he look at my eyes intensely. I couldn't feel any thing. Wala akong maramdaman na pagbilis ng puso.
Hindi sya ang mahal ko. Kaya bakit hindi nya yun maintindihan?
"At sino ka para sabihin kung sino ang para sa akin?" Imbes na sumagot ay hinila nya ang kamay ko. Gusto ko mang bawiin ito ay mahigpit ang pagkakahawak nya rito na para bang pag-aari nya ako.
Hindi ko alam kung saan kami tutungo. "Harvey! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya ngunit di man lang sya natinag nang sigaw ko!
Ilang lakad ang aming ginawa nang magawa nya nang huminto. May pasok kami pero parang wala lang sa kanya na malate! Isang park ang sumalubong sa akin! Maraming bata na naglalaro sa play ground.
"Anong ginagawa natin dito? May pasok pa. Kung ikaw gusto mo magbulakbol ako hindi." Sabi ko at nagcrossed arms. Ayoko sa lahat nang nadadamay ang pag-aaral ko.
Umiling-iling sya. "Aia, open up your eyes. H'wag palaging puso ang pinapagana. Uso rin gamitin ang utak." Sabi nya sabay turo sa isang lugar na agad kong nilingon.
Isang ngiti na hindi sa akin nagawad ng kaming dalawa ang magkasama. Ang kislap ng kanyang mata na kita ang saya. Nagdulot ito nang sakit sa aking puso. Durog-durog na ang puso ko na kani-kanina'y buong-buo.
Si Chi, kasama si Jillian. His smile. Yung ngiti nya na hindi umabot sa tenga pag kami ang magkasama. Masaya sila kasama ang isang batang babae. Mukha silang masayang pamilya kung tititigan mo mula sa malayo.
'Ano ba Aia! Hindi pa nacoconfirm! Don't conclude.'
"So? Does this sight open up yung vision?" Tanong ni Harvey.
Umiling ako. "Hindi. Mas lalo mo lang pinatunayan na mahal ko talaga sya. Dahil di ako nasasaktan ng ganito kung hindi ko sya mahal." Sabi ko at iniwan sya doon.
Bakit kasama ni Chi si Jillian? May meaning ba ito? Oo nga no! Bakit di ko napansin! Sya ang itinext ni Chi na may aayusin sya! Pero bakit? Bakit di nya sinabi? Para alam ko kung saan ko ilulugar ang puso ko!
Mula sa malayo ay kitang kita ko sila. 'Aia! Ang kulit! Don't conclude any! Ask things first bago ka masaktan.'
"Ate? Bakit ka iyak? Gutom ba ikaw? Gusto mo kendi?" Napatingin ako sa isang bata. Kita sa mata nya ang lungkot dahil sa pag-iyak ko.
Agad kung pinalis ang lahat ng luha ko. "Okay lang be! Ano ka ba! Ayan o!" Sabi ko sabay ngiti.
"Ate, siguro po masakit heart nyo! Ganyan kasi si Ate Artlyn! Pag masakit heart nya naiyak sya." Sabi nitong bata.
"Ano ba pangalan mo bata? Tsaka sino si Artlyn?" Tanong ko sabay upo sa tabi nya.
Kausapin ko muna tong bata na to. Baka sakaling di ko maisip na 'baka' may something kay Chi at Jillian. Pero sana wala. Baka mamatay ako ng wala sa oras.
"Ako si Yumi! Si Ate Artlyn ayun oh! Kita mo kasama dalawa maglovers dun?" Sabi nya sabay turo kala Chi at Jillian.
Wrong move. Wrong move na makipag-usap sa batang ito. Tumulo ang luha ko. Sunod sunod sila. Walang hinto. Prang gripo.
'Kita mo kasama dalawa maglovers dun?'
'Kita mo kasama dalawa maglovers dun?'
Lovers? Nagmamahalan na sila? Habang ako naiwang luhaan.
Tama ba talaga si Harvey? Tama ba talaga na nabulag ako? Pero hindi! Alam ko sa sarili ko! Mahal ko sya! Mahal ko si Chi!
"Hala! Ate naiyak ka na uli! Masakit ba ang heart mo?" Tanong ni Yumi.
"Oo! Ang sama mo! Dinurog mo ang heart ko!" Syempre di ko sinabi yan baka umiyak din si Yumi.
"Oo be, ang sakit. Sobrang sakit."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro