Blind #5
Kari Aia's POV
"Kari! Ito na yung spaghetti! Ilagay mo na don!" Agad ko iyong kinuha si Kuya Iko naman ay nasa tabi ni Mira.
"Tss. Bakit mas excited ka pa ha Mira?" Masungit na tanong ni Kuya Iko kay Mira na ngayon ay smile all face! Alam nyo naman siguro kung bakit diba?
"Shut up Iko! You @sshole! Bumalik ka na sa kung saang lupalop ng Manila!" Inis na sabi ni Mira kay Iko na aamba ng suntok.
Pumunta sa may videoke si Mira para ayusin yun. Dahil mamaya sya ang kakanta. Magpapaulan na naman po ang kaibigan ko. Baka bumalik si Yolanda!
Agad akong umalis ron. Hay naku! Ewan ko ba kay Kuya Iko! Kahit na nibasted nya na si Mira matagal na ay patuloy pa rin nyang inaaway si Mira. Nakita ko si Tita Ria na kasama si Chiris at Chirus. Ang mga kapatid ni Chi na mga nasa elementary palang.
"Hi ate Aia! Waaah! Tingin mo po magugustuhan to ni kuya?" Inosente ang mga mata ni Chirus na kamukhang kamukha ni Chi. Samantalang si Chiris ay babaeng version nilang dalawa na chubby at cute.
"Oo, alam nyo naman na lahat ng ginagawa nyo ay naappreciate ni Kuya Chi." Sabi ko at ginulo ang buhok nilang dalawa.
"Hay Aia, salamat sa pagpunta ha. Alam mo naman na kayo lang ang kaibigan namin dito." Sabi ni Tita Ria.
"Okay lang po. I don't want to miss Chi's 16th Tita Ria. Tsaka po birth day nya po, ni Chi." Sabi ko at ngumiti. Tinignan ko ang orasan.
"Maya maya pabalik na mula sa palengke si Chi!" Sigaw ko kaya agad kung sinuot ang party hat na binigay sa akin.
I glimpse at the whole venue. This is just a small celebration. Not as fancy as the parties I've been. Not crowded as my birthday party. But I can see happiness in the eyes of the people around. Si Mama ay kakarating lang at nakikipagkwentuhan kay Tita Ria.
"Naalala ko nun! Naglalaro lang ang mga anak natin sa tabi ng daan tapos ngayon mga dalaga at binata na!" Nakangiting sabi ni Mama.
May humintong tricycle at yun na ang cue para isarado ang lahat lumabas naman si Kuya Iko para sya ang sumalunong kay Chi. Nasa gitna na kami ng sala nagtipon tipon. Ang mga bata naman ay ang may hawak sa cake na may nakalagay na 'HAPPY 16th BDAY Chisi!'
Kami ni Mama ang nagbake nyan para nas mapamura sila Tita Ria ng gastos. Nag-offer na kami. I made the cake with love. Kaya alam kong masarap yun!
"Ano bang meron? Asan si Mama?" Tanong ni Chi na rinig na sa labas.
Dahan dahang nagbukas ang pinto. Nagbibilang na si Tita Ria sa kamay! Ayan na si Chi! Waaaah excited na ko.
"HAPPY BIRTHDAY!" Sigaw namin at pinutok ang party poppers! Umulan ng confetti sa mukha ni Chi. Nakita ko naman ang gulat at saya sa mukha nya.
Agad syang yumakap sa Mama nya. Nagbigay sya ng pasasalamat. Sinuntok nya naman sa balikat si Kuya Iko. And the party goes on.
Nakaupo ako ngayon sa may garden nila. Kanina pa ko kain ng kain! Busog na busog ako! Waah! Grabe baka maimpacho ako! Hahahaha! Hawak ko sa kamay ko ang regalo ko kay Chi. Ibibigay ko ba? O hindi?
Pero nagulat ako ng pag-angat ng tingin ko nasa harapan ko na sya. Nakangiti sa akin. Wala syang salamin na suot ngayon kaya mas visible ang mga mata nya. Kahit na simpleng shirt at jersey lang ang suot nya nagagwapuhan pa rin ako sa kanya.
Napakagat labi ako. "Happy Birthday!" Sabi ko at tumayo para yakapin sya.
Yung tibok ng heart ko! Waaaah ang bilis! After all this years ganun pa rin ang epekto nya! Walang pinagbago! Sya pa rin. His presence is giving me so much emotions that I cannot explain.
"Thanks Aia, salamat sa effort na pagpunta dito." Sabi nya na nakangiti. Bakas ang saya sa mukha nya.
"Walang anuman! Tsaka Chi! Alam mo naman diba? Friends tayo? Diba?" Friends dyan muna kami. Sa total ay dyan naman nagsisimula ang lahat ng relation so why can't I try to be friends with him first? Righteu?
Kinurot nya ang pisngi ko. Alam kong nag-init iyon. Dahil sa biglaang haplos ng kanyang kamay sa mukha ko. Naramdaman nya kaya? O baka napaso sya?
"Syempre! Magkaibigan tayo." Sabi nya kaya napangiti ako. I'll take first what I can get. Sa susunod ko na inenext level. Pag alam kong kaya ko na sa ngayon I want this. To be part of his life. Hindi man sa school pero pag may pagkakataon.
"Ito nga pala regalo ko sayo. Sana magustuhan mo." Sabi ko habang nakayuko at nakataas ang kamay na inaabot sa kanya ang regalo ko na nakalagay sa paper bag.
Ginulo nya ang buhok ko bago kinuha iyon. I blushed at napatingala ako sa lalaking ito. He's smile. It's a genuine one. The one who reached his eyes. The sparkling of his eyes is inevitable. And it led me to smile too. This simple memory is one of the most cherished memories of mine.
Kinuha nya iyon. It reveals a simple eye glasses. A black one. Alam ko kung gaano katagal nya nang suot ang eye glasses nya. At sira na yun. Tinape nya yun. Nakita ko nung isang linggo habang nasa library sya.
"K-kasi n-napansin k-ko n-na sira na yung eye glasses mo kaya ayan niregalo ko." Damn! I stutter on my first phrase!
"Thank you Aia. I'm happy of it. Masaya ako sa binigay mo." Sabi nya at agad na sinuot nya ang binigay ko. Yung ngiti nya talagang sincere walang fake, talagang masaya sya sa binigay ko.
Yung simpleng appreciation nya malaking bagay na sa akin. Dahil mahal ko sya. Masaya na ko na mapasaya sya.
Ang puso ko di nya mapigilang matuwa ng makitang suot suot ng lalaking mahal ko ang bagay na binigay ko. It's overwhelming. Ang saya. Parang nalu-luha ako! Waaah ang babaw talaga ng luha ko! Damn tears of joy! Damn!
"Waaah! Uwaaah! Waah!" Humagulgol na ko sa iyak. Agad naman syang nag-panic ng makitang umiiyak ako.
"Bakit ka umiiyak? Wait Aia! Anon-langya!" Napa-kagat ako ng labi ko.
Bigla akong natawa ng makita syang nag-papanic. Kaya agad nya akong sinamaan ng tingin na tila na-aasar sya. At sa huli ay nag-tawanan kami.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro