Blind #2
Kari Aia's POV
Ako lang mag-isa ang uuwi ngayon kasi si Mira ay kanina pa nakauwi dahil maaga kaming pinalabas pero dahil may practice ako kasama ang 'Fluffy Movers', kami ang dance troupe na pambato ng SAA. Kaya eto ako late na nakauwi ang lola nyo!
Nakita ko si Chi na naglalakad rin parehas kami ng paroroonan dahil magkapit bahay kami! Nagpapasalamat ako kay Lola na doon nya piniling tumira. Siguro kakatapos nya lang sa kanyang trabaho. Working student kasi si Chi, tinutulungan nya ang Mama nya sa pag-papaaral sa kanyang mga kapatid.
I always admire that personality of him. Instead of being a cool highschool student-who acts like a man but the truth is they were just a boy and chickboy who's always thinking about the 'makamudong pagnanasa', he was raised well by Tita Ria even if their father left them before everything turns like this.
He's always thinking about his family's future. He's a family centered man. A tiny smile just form in my lips. Never nyang inuna ang sarili nya. Dahil para sakanya, pamilya muna bago ang iba.--
"Awww." Sabi ko ng bigla akong nabangga sa isang matigas na bagay.
Pag-angat ng aking ulo ay nakita ko na sobrang lapit ko na kay Chi. Kaya agad akong napalayo sakanya. Agad akong yumuko.
"Sorry!" Sabi ko at yumuko uli.
"It's okay. Ayos ka lang ba?" Tanong nya. Kaya agad agad akong tumango ng maraming beses.
Isang ngisi ang bumalandra sakanyang mukha na agad na ikinapula ng aking mga pisngi. Is he smirking? Inayos nya ang kanyang salamin sa bahagyang pag-hawak sa gitna ng kanyang salamin.
"Yes! I am alright!" Sabi ko at nag- salute sakanya. Ginulo nya ang buhok ko at nagsimula ng maglakad muli.
Hinabol ko sya at sinabayan sa paglalakad. Tumingala ako sakanya. Tumingin din sya sa akin kaya agad kong iniwas ang aking mga mata sakanyang mga tingin.
"Pwede bang sumabay saiyo? Chi?" Tanong ko sakanya at huminto naman sya.
"Sinong makakatangi sa cute na kagaya mo? Ha? Kari Aia Luna?" Malokong sinabi nya kaya napalo ko sya sa balikat. Medyo chansing mga teh! Payat ang braso nya kaya hininaan ko lang hampas.
Isang tawa ang kanyang pinakawalan kaya agad akong nahiya na kasama ko ang aking matagal ng minamahal ng palihim.
"D-diba? Sabi mo nakaraan h'wag akong lumapit sayo? Pero bakit ngayon kinausap mo ako?" Tanong ko. It's not that I don't like na he's talking to me. Actually gustong gusto ko nga e!
"Wala kasing tao. Nakakahiya kasing makita ang isang tulad ko na kasama ka." Sabi nya at nagkamot ng ulo. Agad akong napanguso sa sinabi nya.
"Is it embarrassing to be with me?" Medyo malungkot kong pahayag sakanya. Nakakahiya siguro akong kasama kaya ayaw nyang may makakitang ibang tao sa amin.
Agad syang umiling at tumigil. Dahil dun ay natigil din ako. "Hindi naman sa ganun Aia. Alam mo na ang mga tao, ang isang panget na tulad ko ay hindi bagay na makita sa isang halos perpektong kagaya mo." Agad akong nakaramdam kasakitan sa aking kalooban.
He's degrading himself because of what will people say about him. This society wants me to belive that the world isn't cruel. It's the people who live in there.
"Chi, don't think like that. Ang mga tao sa paligid natin ay hindi magdidikta sa mga gagawin natin. It's us. Nasa sa atin ang desisyon dahil buhay natin to wala silang magagawa sa gagawin natin." Sabi ko sakanya sa isang seryosong tono.
"H'wag na natin itong pag-usapan, Aia. Bakit ngayon ka lang uuwi?" Wala na akong nagawa kundi isuko ang aming naiwang usapan. Kari don't let this chance to be ruined.
Natuwa naman si ako. Ayyieee kinikilig ako! Concerned ang kuya nyo sa kyot na ako.
"May practice kami sa Fluffy Movers! Grabehan nga e! Ang hirap ng mga steps. Nakakapagod. Pero alam mo ba Chi?" Sabi ko sabay tingin sakanya na ngayon ay nakangiti na. I don't know why they say that he is ugly. Is it because of his chocolate skin? Or his pimples? I don't know, the only thing I know is I love him.
"Ano?" Tanong nya upang masagot ang una kong tanong sakanya.
"Si Fenny! Naturuan ko syang sumayaw! Ang saya kasi naibahagi ko sa iba yung kaalaman ko. Diba? Si Fenny yung nahihirapang sumayaw sa halos lahat ng Fluffers (Tawag sa meyembro ng Fluffy Movers.) Alam mo yung feeling na ganun? Yung alam mong may mabuti kang nagawa para sa kapwa mo? Ganun ang naramdaman ko. " Sabi ko sakanya at ngumiti.
"Ikaw Chi? Kamusta pagtatrabaho mo?" Tanong ko sakanya. Dahil ako lamang ang nagkukwento.
"Hmmm..." Sabi nya na tila nagiisip nilagay nya pa ang isang daliri sa ibaba ng kanyang baba. "Ayun masaya pa rin kahit nahihirapan. Para to sa aking pangarap at sa pamilya." Sabi nya at ngumiti.
Isa syang barista sa isang malapit na coffee shop dito sa may bayan namin. Gusto nyang maging isang tanyag na patisserie. At dahil kapartner ng cake o tinapay ang kape dito nya iyon sinimulan. Ang matuto kung pano gumawa ng isang masarap at malinamnam na kape upang ipareha sa isang masarap na cake o tinapay.
Pano ko nalaman yan? Secret!
"Alam mo na. Dahil iniwan kami ni Papa ay kailangan ni Mama ng aalalay sakanya para mataguyod ang pamilya namin. At isa pa, natutulungan din ako nito mga pangangilangan ko." Sabi nya.
"Oh! Andito na pala tayo." Sabi nya kaya agad akong napaharap sa aming bahay.
Oo nga andito na kami. Kainis. Sana pala mas malayo pa bahay namin para mas mahaba ang quality time namin. Hihihi.
"Pumasok ka na. Maga-ala sais na. Baka mahamugan ka." Sabi nya at ginulo ang buhok ko.
Tumalikod na sya. Pero pinigilan ko sya sa pamamagitan ng paghawak sakanyang braso.
"Can we talk like this in the school?" Tanong ko sakanya. I want like this, I want us to be like this.
Matagal syang napatitig sa akin na tila nag-iisip. Sana pumayag sya sa aking kagustuhan. Ito ang gustong gusto kong matupad sa lahat ng pangarap na nabuo sa aking isipan.
Ngunit isang iling ang isinagot nya sa akin. Na dahilan kung bakit nabawasan ng slight ang pag-asa ko.
"I'm sorry Aia, I can't, we can't." Sabi nya at tumalikod na sa aking kinaroroonan. Pero ilang saglit pa ay nakarating sya gate nila ay lumingon sya sa akin.
Sinenyasan nya akong pumasok na kaya agad kong nabuksan ang pintuan. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa mga simpleng galaw na kanyang ginawa o ginagawa. Napasandal ako sa pintuan at pinadaosdos ang saril pababa.
Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko upang damhin ang ritmo ng tibok nito. "Chisi Reyndolf, you're always ending up giving me this kind of effect." Mahinang usal ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro