Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Blind #15

Kari Aia's POV

"Liit." The poke on my cheeks woke me up from a deep slumber.

"Ano ba yan! Ang aga-aga pa e!" Sigaw ko pero agad akong napabalikwas nang napagtanto ko na ako lang ang mag-isa sa condo na to at wala akong kasama.

Kaya sino ang gigising sa akin? May multo ba dito? Wala namang history ang condo na to eh! Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Chi. Nanlaki ang mata ko.

"TANGKAD!" Sabi ko at yumakap sa kanya pero napalayo rin ako nang naisip ko na di pa pala ako nakakaayos hehe.

He's now my boyfriend, after we graduated from college he courted me. Syempre nung una pakipot at pabebe muna! Aba syempre kahit na landakan ang pagmamahal ko sa kanya hindi puwedeng easy to get ako! And after several months sinagot ko sya. Marami nang nagbago sa physical features nya. Pero yung eye glasses na binigay ko nung birth day nya dati. Suot nya pa rin. Never nyang pinalitan. Parang sya sa puso ko kahit kailan di mapapalitan.

"Bilisan mo. Mamaya sungitan ka na naman ni Mira. Alam mo namang buntis yun." Yes mas nauna pang magkaka-anak sa akin si Mira dahil nakipag One Night Stand sa isang stranger! Kaya ayan nagbunga. But it wasn't Caleb. At ito namang si Caleb biglang gustong akuin ang baby na dinadala ni Mira. Pero ayaw ni Mira. Naka move on na kasi si beshy kay Caleb matagal na. Pero go back kay baby.

Kahit naman magalit ako sa kanya ay nandyan na ang baby. Hope ko lang cute yung baby. Naku! Pero syempre inaanak ko yun kaya kahit nasa tiyan palang love ko na. Si Mira at ako ay nag-partnership sa pagpapatakbo ng isang coffee shop. Minsan ako ang nagbebake minsan naman barista ako. All around ako! Boss na nga customer service pa!

"I can always tell to Mira na absent ako." Sabi ko nang nakapout. He chuckled. And that made me blush.

"Tss. Ang tamad mo. Tayo na!" Hinila nya ako patayo pero yumakap lang ako sa kanya ng tumayo ako. Hahaha!

"Tulog pa ako Tay." Bata-bataan na sabi ko. Alam kong sasakyan nya ang trip ko na to.

"Ano ba yan anak. Pinapairal mo na naman ang katamaran mo. Dinamay mo ako." Yung boses nya parang lolo habang sinasabi iyan kaya di ko napigilan na humalakhak.

Si Harvey naman ay happily living na kasama si Kliena, his wifeu. May anak na rin sila si Melody Kitshei. Ang cute kaya nang batang yun! She's 2 yrs old.

"Oo na Tangs! Ito na tatayo na ako. Kung ikaw tatay ko baka snobin lang kita!" Sinuot ko ang fluffy slippers ko na mukhang baboy at pumunta ng kusina.

"Luto ka na Liit. Gutom na ako." Sabi nya at umupo sa sofa na parang kanya yung bahay.

At ngayon ganyan na sya nahawaan na ng katamaran ko! Charr! Gusto nya daw matikman luto ng isang cute na gaya ko kaya nagrequest sya sa akin na ako magluto bago sya umuwi kagabi. Ginagawa ko kasi syang cook pag nandito sa unit ko.

"So yan lang talaga ang pinunta mo rito? Naku patay gutom ka talaga Tang!" Kinuha ko ang ingredients at dumiretso sa sink. Nagsimula na akong hiwain ang gulay. Syempre healthy living ang ate nyo hihi.

"Siyemper." Natawa ako sa tono nya na parang bakla. He did grown from my Chi who always acting like a big brother to me when I was a child. And the Chi who happened to be my Chi when highschool. He's more mature pero alam nyan na ang salitang 'friendly'.

"Aia, I'm so luck to have you." While saying that he moved next to me and hugged me tight. I can feel the sounds of his heartbeats with the same intensity as mine.

Yung pag-mamahal namin sa isa't isa hindi nababawasan. Para ngang araw-araw nadadagdagan eh. Corny pakinggan pero yan ang aking nararamdaman.

"When we were younger, highschool students to be exact. Pakiramdam ko hindi ako deserving sayo. Alam mo yun yung kahit kayang-kaya kitang abutin pero di ko magawa dahil sobra ka para sa akin. Sobra. Ang bait-bait mo. Maganda, may magandang puso, talented, matalino at may kaching. Ano naman ang makukuha mo sa akin? Diba e parang na sayo na ang lahat." Tinuloy ko ang paghihiwa ko. Pinakinggan ang lahat ng kanyang sinasabi.

Hindi Chi. Ako nga yun e. Sobra ka para sa akin. Sobra-sobra. Dahil ikaw yung lalaking papangarapin ng lahat ng babae sa mundo. Responsable, family first, loyal lahat aya na sayo na bonus pa na mas gumwapo ka ngayon. Pero hindi yun ang rason kung bakit mahal kita. Mahal kita kasi mahal kita.

Walang rason. I just love him unconditionally.

"Samantalang ako. Working student na hindi pa matalino. Wala pang talent. Wala pang pera. Kaya nung mga panahon na iyon. Nilalait pa ako ng mga tao. Kaya nung panahon na iyon kahit masakit isipin. Si Harvey ang tamang tao para sayo para sa akin." His grip tighten like he will never let go of me.

Ganito pala ang nararamdaman nya nung panahon na iyon. Society sucks dahil sa kanila may mga tao na bumababa ang self esteem.

"I love you Chi." I said dahil ayaw ko nang ituloy nya ang sinasabi nya. It brings back memories and images of him being in pain and it hurts me.

"Kaya ngayon, Aia gagawin ko ang lahat. Gagawin ko para sayo. Para sa atin. Para hindi masira ang relasyon na to. And ipapakita ko sa Diyos at sayo na ako lang. Ako lang ang para sayo at wala nang iba." Tears falling on my eyes when he bend his knees infront of me.

"Mahal na mahal kita. At kung pahihintulutan mo ko sa gusto ko. Gusto ko na makasama ka sa habang buhay. Gusto ko na kasama kita habang nilalakbay ang buhay. I want to grow old with you. I want you to be the mother of my children. The one who waits for me if I'll be going home late. Yung taong magpapawala ng stress ko sa trabaho. Yung magiging asawa ko. At naalala mo dati, diba sinasabi mo samundo na ako ang gusto mo pero tinatanong ka nila kung bulag ka ba. Ako kasi oo, bulag na bulag na sa pagmamahal ko para sayo. Kaya ngayon." May kinapa sya sa bulsa nya at nilabas nya ang isang maliit na kahon. Kahon na kulay maroon.

My hands are shaking. My body is trembling. My heart couldn't do but to pump fast as it can. The love of my life is infront of me.

"You'll be my wife, Aia." Sabi nya wala nang tanong tanong pa isinuot nya sa akin ang singsing at niyakap ako.

Tears can't stop from falling. And the only thing I can do is saying this.

"Yes, kahit di mo ako tinanong. I love you Chi."

♡♡♡♡♡♡♡♡

A/N: Helloooo! thanks for reading the story of Aia and Chisi. This is the last chapter ng storya nila. And I hope nagustuhan nyo! Huhuhuhu ilang buwan ko tong sinulat. Mamimiss ko ang pag-iisip ko ng scenes nila Aia at Chi.

Next nito ay Epilogue na. Waaaah! 😍

-Kuneho 🐰🐰🐰

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro