Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Blind #14

Kari Aia's POV

Tears can't stop from falling on my eyes. The truth is spreading on my system. I can't help it but to cry while running against the rain and the only destination I want to go is.....on the man who owns my heart.

As the road goes by the only thing on my mind is him by my side. The vision of him in my eyes is now clearer. As I see him waiting for me on our favorite spot. Tears kept falling and falling from eyes.

Ang kaninang mabilis na pag-takbo ay ngayong naging dahan-dahang  bumabagal. Gustuhin ko mang tumakbo para marating agad ang kinalalagyan nya ay hindi ko kaya. Parang nawala ang lahat ng nasa paligid namin at ang tanging nakikita ko  lang ay sya....sya lang.

Nang ilang hakbang nalang ang pagitan namin ay hindi nya napigilan at sya na ang pumunan nito. Nang narating ko na ang mga bisig nya ay naramdaman ko. Ramdam ko ang ritmo ng kanyang puso. Tila isang musika na sumasabay sa lyriko ng aking puso. Isang himig na ang isinisigaw ay pag-ibig.

"Damn! I'm so inlove with you!" Kahit nanginginig ang boses nya ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya.

Habang ang ulan ay pumapatak sa aking katawan. Ang aking matang naiwang luhaan. Ang pusong punong-puno ng kasiyahan. Ang kalumbayan ay tuluyan ng malilimutan. Kitang- kita ko sa mga mata nya ang kasiyahan na kanyang nadarama.

"C-chi!" I sobbed while saying his name. It's almost feel like home. Ang mayakap at mahagkan ang taong mahal mo ang pinakamasayang naramdaman ko.

"Ssshhh...Aia. Umuwi muna tayo. Tsaka na tayo mag-usap pag wala na tayo sa ulan. Ayokong magkasakit ka." He said that is his softest voice. It almost melt me but it doesn't. I admit it. My life isn't life without him on it.

He never let my hands go out of his touch. Every seconds I'm spending with him feels like forever. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala.

Inabot nya sa akin ang isang tasa ng mainit na chocolate drink. Tinanggap ko yun habang nakabalot ako ng kumot. Nakaupo sa sofa ng condo nya nakapagpalit na ako nang damit ko kaso ang luwag ng damit nya sa akin.

Hindi ako makatingin ng  diretso sa kanya. Pakiramdam ko matutunaw ako pagtumitig ako sa kanya. Nakaktakot, nakakakaba, sabayan pa ng tibok ng puso ko.

"Aia." Marahan nyang tawag sa pangalan ko. Tumingin ako sa kanya sinalubong ang mga mata nya na nagsusumigaw ng parehong nararamdaman ko para sa kanya.

"I'm sorry. I left you years ago. If the fate was with me, hindi hindi kita iiwanan. Sobrang hirap para sa akin yun Aia. Ang sakit sa akin na iwanan ka para sa taong alam ko, alam ko na mas deserve ang pagmamahal mo kaysa sa isang tulad ko." Umiling ako. Sya lang. Sya lang ang nararapat sa akin. Sa kahit anong estado ng buhay sya lang. Sya lang talaga.

"Natakot ako. Natakot ako para sa pamilya ko. Paano kong alisin nila ang tanging pinagkukunan namin ng ikabubuhay namin? Ayaw kong mawala sa mga kapatid ko ang tsansa na makapag-aral. Kahit masakit sa akin. Iniwanan ko ang buhay ko rito. Hindi alam ni Mama kung nasan ako. Nagpapadala lang ako nang sulat sa kanya para malaman nya na ayos lang ako. Kahit ang totoo gustong-gusto kong makasama sila. Ang pamilya ko." I can feel his mourns. I could feel the agony on his words.

"Pero alam mo kung ano yung nagpatuloy sa akin para tahakin yung landas na iyon? Yung isipang baka pag-balik ko pwede na ako sa mundo mo. Baka pag-nagsikap ako wala nang tao na aayaw sa akin para sayo. Yung walang pangkukutsa na matatamo kapag ako yung kasama mo." Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko sya nang mahigpit. Yung tipong sinasabi ko na 'nandito ako.'

"Wala akong laban. Sino ba naman ako nang panahon na iyon? Isa lang akong totoy na highschool student na walang palag sa kayamanan ng isang katulad ni Harvey. Pero alam mo yun, nadama ata ni Lord ladamang kasakitan ko. Kasi habang nasa malayo ako nakita ko sya. Nakita ko ang ama kong iniwanan kami." Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya. Yung galit na parang bulkan na sasabog sa kahit anong oras.

"Habang sya nagpapakasaya sa buhay nya ay hindi nya manlang naisip si Mama. Si Mama na nagpapakahirap para sa amin. Yung ginagawa nya lahat para mabuhay kami. Habang sya nagpapakasasa sa pera nya. Mayaman sya pero pinag-kait nya sa amin ang lahat. Ang lahat na para sa amin, ang lahat na dapat ay sa kapatid ko at kay Mama para di sila mahirapan pero sya mas pinili nya ang mga babae yun. " Bakit? Bakit kailangan nya tong pagdaanan ng mag-isa? Bakit di Mo ko isinama habang hinarap ang laban nya?

"Napatawad ko na sya. Matagal na panahon na. Kahit na ano pa ang nagawa nya ay hindi maitatanggi na Ama ko sya. Na kung wala sya wala din ako. Binibigay nya sa akin ang lahat. At nakaraang buwan pinakilala ko sya sa kambal Aia. Kahit kailan di sila nagtanong kung bakit. Basta alam nila kami ay buo na ulit." Kita ko ang ngiti sa kanyang labi. Na alam ko na masaya sya. Na masaya sya dahil buo na ulit ang pamilya nya.

"Aia ako pa rin ba? Ako pa rin ba ang mahal mo? Kasi ako, handa na akong aminin. Handa na akong isigaw sa mundo na ikaw ang pinakamamahal ko. Na ikaw lang simula noon hanggang ngayon." Yung mga salita nya parang isang musika na may isang tamang tono na pinapakalma ako.

"P-pero dati? Diba si Jillian?" Gusto kong makumpirma sa kanya ang lahat gusto kong sabihin nya sa akin lahat ng nararamdaman nya.

Gusto ko na sa kanya manggaling ang katotohanan. "She's just a friend. At yung bata don. May sakit yun. Kapatid sya ni Jillian at gusto nyang makilala ako. Nung nakita mo iyon? Nung nakita kitang nasasaktan gusto kong lumapit sayo at yakapin ka." Sabi nya. Parehas pala kami. Parehas ang nararamdaman sa isa't isa.

"Ssshhhh...wala kang kasalanan Chi. Wala. At kahit na anong  gawin mo ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Kahit na anong sakit ang idulot mo sa akin mamahalin kita. Mamahalin kita. Dahil ako si Kari Aia Luna. Ang taong minahal ka, minamahal ka at mamahalin ka." I said and kiss his temple.

"Mahal na mahal din kita Aia. At ngayon di na kita ulit papakawalan pa. Hinding hindi na. Kahit mawala ka sa aking mata hindi ako makakapayag. " Ramdam na ramdam ko ang pggmamahal sa bawat salita nya, sa bawat banggit ng letra nya

I smiled at him and hugged him tighter. Yung puso nya ramdam na ramdam ng puso ko. Kasing bilis ng tibok ng puso ko ang sa kanya. Mahal na mahal ko talaga sya. Kahit na taon, taon na ang lumipas. Alam ko sya na hanggang wakas.

"I love you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro