Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Blind #12

Kari Aia's POV

"Kari." I saw Harvey walking towards me. I smiled at him. Pero seryoso ang kanyang mukha. He looks like  having hard time?

Agad akong lumapit at yumakap sa kanya. "What's your problem? Ilang araw ka ng bugnutin!" Sabay pisil sa kanyang pisngi. Nagpout sya. Ilang araw na ring malalim ang iniisip nya.

"Kari, It just, being the Captain ball isn't that easy." Sabi nya he rested his face on my neck. Nasanay na ako kay Harvey.

Harvey is my boy bestfriend. Hindi ko sya boyfriend hinayaan lang namin na isipin ng madla na merong kami kahit wala. I feel platonic on him. And now, pakiramdam ko hindi totoo ang naramdaman ko para kay Chi dati.

I hugged him tight as my memories about me and Chi is flowing on my head. Miss ko na sya, miss na miss ko na sya. Pagkatapos namin mag-usap nun ay hindi nya na ako kinausap at bigla syang nawala nang parang bula maski sila Tita Ria hindi alam kung nasan sya. I know dapat galit ako pero kasi......mahal ko sya. At kahit anong gawin nya mahal ko pa rin sya.

"Kari, promise me you'll never go away. And you'll stay beside me. Promise." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Anong nakain nito at parang mawawala ako sa kanya?

"Bakit Harvs? May problem ba?" Handa naman akong tulungan sya, I can help him without any cost.

"Just promise me." Sabi nya at kinabig pa ko lalo palapit sa kanya.

"Promise. Okay na?" Sabi ko at tumawa, ang busangot nyang mukha ay unti-unting napalitan ng ngiti.

"Lika na nga! Sabi mo ililibre mo ko ng ice cream! Pano mo ko malilibre kong magda-drama ka?" Sabi ko at hinila na sya patayo.

"Kariiiii!" Napalingon ako sa tumawag sa akin it's Aris. Si Aristotle yung tumulong sa akin ng minsang may umaway sa aking humahanga kay Harvey. Di daw ako bagay kay Harvey. Pero okay lang bestfriends naman kami ni Harvey.

"Bakit Aris?" Ako lang ba yun o talagang masama ang tingin ni Harvey at Aris sa isa't isa? Napailing ako! Aia! Stop your imagination.

"Aia! Si Genieve kasi....absent sya! At wala kaming secretary!" Napakunot ang noo ko. So anong gusto nya ako muna ang secretary? Okay lang naman akong maging substitute kung isang araw lang kasi hectic rin ang sched ko dahil marami rin kaming activities.

"Ahm sige. Pero isang araw lang naman diba?" Tanong ko si Harvey naman ay kumuha ng sigarilyo mula sa isang kahon ng Malboro. Kaya bago nya pa masindihan kahit wala syang lighter ay hinablot ko na sa kanya iyon.

Pinanlakihan ko sya ng mata! Alam nya bang pwede akong maging side stream? At mas mauuna pa akong magka-lung cancer sa kanya kapag nag sigarilyo sya! Kaya dapat di tayo nagsisigarilyo. Bukod sa i-itim ang lungs natin e baka magka bronchitis tayo o kaya heart diseases! Tapos kawawa naman yung mga bata sa paligid ng mga nagcicigarette kasi baka magka asthma sila! At maadik sila sa nicotine, yun yung chemical na nagpapa-adik sa atin sa cigarette. At paglaki nila ay ma-adapt nila iyon at magiging main stream sila.

"Oo pwedeng bukas? Dadating na kasi ang Student Government President bukas e." Sabi nya sabay tingin kay Harvey. Pero wait! Yun ba yung 'President without a face'?

Magaling sya mag-lead kahit na tagong tago ang identity nya! And there's something on him. I want to know. Parang hinahatak ako papunta sa kanya, lalo na sa mga bagay na tungkol sa kanya na pinag-chichismisan ng mga estudyante rito. May mga negative sides pero may positive sides din lalo na nang nalaman nila na lalaki sya.

"Yung presidente? Waaaah! Isa ako sa makaksaksi ng mukha nya!" Excited na sabi ko. Pero biglang hinawakan ni Harvey ang balikat ko kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.

"Kari, diba may lakad tayo bukas?" Mariing sabi ni Harvey na para bang ayaw nya na pumunta ako roon.

"Sa Sunday na yun Harvs! Mas importante to! Aba matutulungan ko ang journalist team dito!" Agad akong pumirma sa substitution letter na para alam ng school ang ginagawa ko Excuse letter ganern!

"Harvey wala ka nang magagawa. This things are bound to happen with you on it or your with." Sabi ni Aris sa kanya bago nagpasalamat sa akin.

Nakita ko ang dumaang emosyon sa mata ni Harvey habang nakatingin sa papalayong si Aris. Bakit? Bakit sya galit? May nagawa ba si Aris na mali sa kanya? O baka lihim silang may hindi pinagkakasunduan.

"Harvey?" Umiling sya at nilibre nya ako ng ice cream. Pero tahimik lang sya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung bakit ganun? Para bang may kung anong mangyayari. Nakakatakot naman.

Kinuha ko ang isang white dress at snickers. Sabi ni Mira pag secretary daw kailangan on the go! Baka daw masungit yung President at akitin ko nalang daw sa kadyosahan ko! Adik talaga yun! Hakhakhak!

"Hoy! Babae! Bilisan mo! Isa kang spy ngayon na sexytary! Kaya dapat di ka malate! Hmp. Para to sa big scoop!" Part kasi si Mira ng journalist club at sya ang Chief Editor? Tama ba? Basta nasa journalist club sya! Hindi ko nga alam kung paano yan natanggap dun! Basta isang araw sabi nya celebrate kami dahil may club na sya.

"AJA!" Sabay na sabi namin at tumawa.

Habang naglalakad ako sa tahimik na corridor ay may earphone ako sa Tainga. Pero may kaluskos akong narinig lumingon ako.....pero wala nang sasakit pa na paglingon ko ay may mahal na syang iba! Charrrr!

Sanay naman ako na hindi ako ang mahal nya! Nakita ko na nasa tapat sila ng isang office.

"Kari! Andyan ka na! Bilisan mo paparating na ang President! Ipagtimola mo muna sya ng kape!" Sabi ni Plato kakambal ata to ni Aristotle e!

"K. Fine." Sabi ko at dumiretso sa pantry side malapit dito. I get some red velvet and a cup of coffee.

Dumekwat din ako ng isang Ensaimada! Kagutom kaya! Dapat pala nagtimpla rin ako ng akin.

Pero pag-dating ko sa tapat ng office ay wala na sila Plato doon. Agad akong ginapangan ng kaba! He's the president! Waaaah! Omy!

Kumatok muna ako para alam na papasok ako. Walang sumagot kaya binuksan ko na agad ang pinto.

"Good morning President--" Naputol ang sasabihin ko nang makita ko ang mga pamilyar na mata na matagal nang hinanap hanap ng aking puso't isip.

"Put my-" Nalaglag rin ang panga nya nang makita ako. Yung puso ko. Nagrereact sya. Bumilis na naman ang paggana nya. Parang isang natutulog na leon na gusto na namang kumawala sa dibdib ko.

At dahil sa sobrang pangingig ko ay nabitawan ko ang platito't tasa na hawak ko.

"Chi." Mahinang sambit ko aa pangalan nya. The way he looked at me with the same intensity, i can't stay longer I need to breath.

Pero iba ang ginawa ng katawan ko imbes na lumayo ay lalo pa akong lumapit sa kanya na para bang isang parte ng buhay ko ang nabuo. Kusang lumapat ang kamay ko sa pisngi nya. Para bang kay tagal nyang nawala at ang pagbabalik nya ang bumuhay sa puso kong matagal ng patay.

"Totoo ka?" Tanong ko habang hindi sinisira ang aming pagtititigan.

Di rin sya makapaniwala na makita ako sa harapan nya. Para bang wala syang alam na ako, ako ito. Na ito yung babaeng sinaktan at iniwan nya noon.

"Of course buhay na buhay ka." Ako na ang sumagot sa tanong ko.

Kasabay ng pagbalik nya sa mundo ko ay ang muling pagtibok ng aking puso.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro