Jungkook x Reader ~Agawan Base~
Naglaro kami nito ng kaklase ko nung Grade 5 pa kami. Medyo nandaya sila dahil ang base namin ay may dalawang passage. At sa kanila ay 1 lang. Hay naku...
Song po sa taas ay Hurry Hurry ng APRIL ^_^
~~~~~~~~
Flashback
"Ang galing mo naman (Y/N)!" Bati ni Jungkook sa'yo. Ikaw lang naman ang palaging nanghuhuli ng mga players sa kabilang team. At tsaka ikaw rin ang naka base. Meaning, parang ikaw ang MVP sa team niyo.
"Siyempre! Ako pa!" Pagmamayabang mo. "Pero, ang galing mo din no? Ikaw lang ang hindi ko nahuli..."
"Ummm... Compliment ba yun?"
"Hmmm... Oo." Nakangising sabi mo."Pero sa susunod, dapat matalo mo na ko."
"Sige ba! Sa susunod matatalo na kita!"
"Promise?"
"Promise!"
"Mmmmmm... Pero kahit na nagpromise ka, papahirapan kita sa promise mo!"
"(Y/N) NAMAN EH!!"
Flashback ends...
Magsisimula na siya in 1 minute...
Ano nga ba ang ginagawa mo? Nag-wawarm up para hindi mabigla ang katawan mo.
Mabigla? Sa saan?
Sa Agawan Base.
Puro lang kase ang PE class niyo ng mga Olympics, eh nakakasawa na. Nagbotohan kayo kung ano ang
gagawin niyo sa PE class ngayon. Majority ay pumili ng Agawan Base.
Naaalala pa ba kaya niya? Tanong mo sa sarili mo.
Bata pa kase kayo nung nagpromise siya na matatalo ka niya sa Agawan Base. Hindi na kayo nakapaglaro dahil busy na kayo sa elementary days.
At eto na ang kaniyang chance para maprove sa'yo na kaya ka niyang matalo sa Agawan Base.
"Magsisimula na ang laro in 3..."
Pinagpapawisan ka na. Naging partner kase palagi kayong dalawa ni Jungkook pag may physical activities. Kayong dalawa ay tanyag sa pangalang 'The King and Queen of PE'. Nakakatawang pangalan ano?
"2..."
Pero ngayon, magkaiba na kayo ng team... Alam mo na ngayon, hindi mo dapat siyang mamaliitin.
"1..."
At eto na. Malalaman na kung sino ang mas magaling sa inyong dalawa.
PRRT!!
Ang team mo ay tumatakbo na sa court. Hinahabol kung sino ang hindi nakatapak sa kanilang base. At bumabalik pag may member sa ibang team na naghahabol sa kanila. Ikaw, walang humpay kang nangunguha ng mga member sa kalaban. Yung iba, binabantayan ang base.
Pero ang dapat mo talagang bantayan ay si Jungkook.
Kung gaano kadami ang nahuhuli mo, ganun din kang Jungkook. Kung magpapatuloy pa ito, magiging tabla ang laban.
Bumalik ka sa base mo dahil mayroong naghahabol sa'yo. Nung nakatapak ka na sa base niyo, lumayo yung naghahabol sa'yo.
"Guys, hahatiin natin ang team." Plano mo. "Yung mga mabibilis at magaling umilag sasama sa akin.Yung iba, babantayan ang mga 'preso' at ang base.
At dahil ang galing mong leader, walang sumuway sa'yo. Dapat mailigtas mo ang mga kasama mo.
"Tatakbo ka'yo para madistract yung kalaban. Pag may nakahalata na sa akin at hahabulin ako, dapat marecharge kayo at hahabulin siya. Kuha?"
"Kuha!"
"Sige, in three, two, one... GO!"
Kanya-kanyang takbo ang mga kagrupo mo. Ikaw ay mabilis na tumatakbo sa mga kagrupo mo. Habang abala sila sa paghahabol sa ibang members, may ilan namang sinubukang habulin ka. KEYWORD: SINUBUKAN. Ang iba sa team mo ay hinabol yung naghahabol sa'yo, kaya wala siyang choice kundi lumayo sa dadaanan mo.
Malapit na!
At...
Nahawakan mo ang palad ng team mo!
Pagkatapos dun ay nag-scatter na naman kayo. Shock yung kabilang team dahil hindi nila inakala na nandun ka at pinalaya ang mga bihag.
Ngumisi ka at iniisip kung ano ang reaksiyon ngayon ni Jungkook.
Baka nlulungkot na siya... Isip mo.
"May paparating!"
Dinalian mong nag-charge tapos inaantay yung kalaban.
Marami-rami rin sila na sumusugod sa base. Desperado ba sila? Ano kaya ang gagawin nila? Bakit parang may mali? Tanong mo sa sarili mo.
At dun mo naalala. Nawawala si Jungkook!
"BALIK DITO! BANTAYAN NIYO ANG BASE! ANG IBA BANTAYAN ANG MGA PRESO!" Utos mo sa lahat.
Bumalik ang mga kagrupo mo at biglang tumakbo patungo sa mga preso. Ikaw ang nangunguna, dahil mataas-taas pa rin yung speed mo kahit takbo ka nang takbo kanina.
Pero, too late na.
Nahawakan na ni Jungkook ang palad ng kasapi niya. Dinalian nilang takbo nung malapit ka na.
JEON JUNGKOOK!! Pagmamaktol mo sa isipan mo.
Dinalan mo rin ng takbo para mahuli kahit konti sa kalaban. Kahit lang si Jungkook ok na.
Pero para lang wala na silang MVP. Wag nga kayong mag-isip ng ganyan!
Too bad... Wala kang nahuli kahit isa. Lumayo ka na sa kanila dahil baka mahuli ka kapag narecharge na sila.
Tumakbo ka patungong base niyo. Ang mga mata mo ay nagliliyab, hindi dahil nagagalit ka sa kaniya, kundi sa challenge na talunin ang team ni Jungkook.
Biglang tumahimik. Walang sumusugod sa kaniya kaniyang team. Nakikita mo si Jungkook na bumubulong sa mga kasama niya.
Baka nagpaplano sila.
Pero ang nakakapagtaka ay bakit sulyap ng sulyap si Jungkook sa direksiyon mo. Mayroon ding pagkakataon na mag-eye lock kayo. Pero kusa naman siyang titingin balik sa kagrupo niya.
"Sugod na tayo!" Sabi ng isa mong kasamahan.
Wala ka naming problema dito, kaya lang, nakakapagpabagabag kung ano ang pinaplano ni Jungkook. Tinango mo nalang ang ulo mo. Sumugod na naman kayo. Hinahabol nang kalaban ang mga kagrupo mo. Pero ang nakapagtataka ay kung bakit hindi ka hinahabol ng kalaban. Naging imbisibol ka kaya?
Nagising ka ulit sa katotohanan nung sinasabi ng utak mo na kumanan ka. Sinunod mo naman, pero bakit naman sinabi yun ng utak mo. Tumingin ka sa likod mo at nakita si Jungkook na hinahabol ka.
HA?! SI JUNGKOOK?! Lagot ka, mabilis din yung batang yun. Tinangka mong pabilisin ang mga paa mo sa pagtakbo, pero hindi na yata kaya.
PA-PA-LA-PIT KA NA SA BAS-----
Hindi na gumagalaw ang katawan mo. Nagsisimula ka nang maging mansanas. Pero nagustuhan mo---- ANO BANG PINAGSASABI MO AWTOR?!
Binack-hug ka kase ni Jungkook at tsaka sinabi niya malapit sa tenga mo.
"Nahuli din kita~!"
At tsaka hinalikan ang pisngi mo.
Magpasalamat ka dahil ang team mo at ang team niya ay naghahabulan pa. Kung hindi, medyo mahihiraapan kang i-explain ang nangyayari. At tsaka nakakahiya kaya.
Pumunta ka sa mga bihag ng kalaban. Naguguluhan ang utak mo kung ano ang ginawa ni Jungkook kanina. Hindi ka makapag-isip ng maayos.
At tsaka naalala mo na kung ano ang dapat mong gawin ngayon.
Nakita mo si (F/N- Friend name) na tumatakbo pabalik sa base. Nung nakita ka niya, nanlaki ang mata niya.
Paano ka ba napunta diyan? Guess ko, yan ang tanong niya sa sarili.
"Iligtas mo na nga ako dito!" Sigaw mo.
Mapagkakatiwalaan si (F/N) sa ganito. Pag wala ka upang mamuno, si (F/N) ang lagi mong binibigyan ng responsibilidad.
Nakikita mong nagpaplano sila. Sana naman gumana...
Binigyan na sila ng signal ni (F/N). Tumatakbo na naman sila, yung malapit lapit sa'yo, hinahabol ng kalaban. Saan na kaya si (F/N)?
Hinanap mo siya, pero laking gulat mo na nandoon siya sa stage, nagtatago. Mayroon kasing stage ang court, at medyo malapit siya sa presohan.
Galing ng naisip mo (F/N)! Nakangiti mong isip.
Lumingon ang nagbabantay sa'yo. Tumingin ka sa ibang direksiyon para hindi nila malaman na si (F/N) ay nandun sa stage, inaantay ang pagkakataon upang mailigtas ka, at makabalik sa grupo.
Nung tumalikod ang nagbabantay sa'yo, dahan-dahang bumaba si (F/N) para hindi siya makagawa ng ingay. Galing ng stealth niya, wala ngang nakapansin.
Hinawakan niya ang palad mo at tumakbo palayo sa presohan.
"Anong-------?"
Binilisan niyo ang takbo patungong base niyo. At sa wakas, nakaabot din kayo.
"Paano naging bihag ang aming MVP?" Biro niya. Gusto sana niyang magalit ka sa kaniyang pagbibiro, pero namula ang reaksiyon mo.
"Ah, eh... Erm..."
"Uy, ayos ka lang ba?" Tanong niya. "Namumula ka yata bigla. May sakit ka ba?"
"AH! WALA!!" Bulyaw mo sa kaniya. "Ah, s-sige, sugod na tayo! Para matapos na'to!"
??? Binigyan ka niya ng nagtatakang look.
Pero, para matakasan mo ang pagtatanong ni (F/N), tumakbo ka na papalayo sa base, at nanghuli ng mga kalaban.
Marami-rami rin ang nahuli niyo, pero mayroon naming nahuhuli sa iyong team. Pero hindi naman ito nakababahala dahil marami pa rin kayo. Kung 11 nalang kayo, kina Jungkook ay 7 members nalang.
Takbo ka ng takbo, dinadakip ang mga kalaban na hindi pa nakaparecharge. Bumalik ang mga kalaban sa kanilang base. Pero may isang kulang, asan na ba si Jungkook?
Hinanap mo siya sa mga bihag, pero wala. Wala din naman sila sa kanilang base. At dun ka na nag-alala. Baka papunta na siya sa base niyo.
"Guys, nawawala si Jungkook sa kanilang base." Sabi mo sa kagrupo mo.
"Si Jungkook lang? Si Jungkook lang yung napansin mo?" Nakangising sabi ni (F/N).
"HA?! SO ANG IBIG MONG SABIHIN MAYROON PANG NAWAWALA?!" Bulyaw mo sa kaniya.
"AIEEEEEEE~~~~ Si Jungkook lang iniisip~~~~~~!" Kantiyaw niya.
"LANGYA! SO ANG IBIG MONG SABIHIN PATUNGO NA SILA DITO AT HINDI MO AKO SINABIHAN?!"
"Parang ganun na nga." Sabi niya sabay shrug.
"PUSIT! ALAM MO BA NA MATATALO TAYO?!" Binatukan mo siya. "BAT NGAYON MO LANG SINABI?!"
"Sorry! Nakalimutan ko." Nag-peace sign siya.
-____-
"Guys bantayan niyo yung base, baka patungo na si Jungkoo-------"
"BASE!"
Tumalikod ka at nakita si Jungkook habang nakapatong ang paa sa bato. Nanlaki ang iyong mga mata.
Hindi, hindi ka makapaniwala.
"ANG WINNER! ANG TEAM NI JUNGKOOK!"
Ang laro na napakagaling mo.
Natalo ka...
Pero, natupad niya ang kaniyang pangako.
Sa totoo lang, nalulungkot ka. Mataas din naman ang pride mo. Pero masaya ka dahil kahit na pinahirapan mo siya, natupad pa rin niya ang kaniyang pangako...
"Uy, congrats sa pagkapanalo mo." Nakangiting sabi mo.
"Oo nga. Hindi ko aakalain na matatalo kita." Sagot niya.
"MINAMALIIT MO BA KO?!"
"Baka..." Sinabi niya, at nabigyan mo siya ng death glare.
"JEON JUNGKOOK!"
"Easy lang..." Sabi niya tapos pinikit ang kaniyang mga mata. "Haha, para pa rin ng dati..."
"Oo nga no... Pero uy, galing mo. Natupad mo yung promise mo..."
"Naalala mo ba kung ano ang dapat na kabayaran?"
"Ha?" Hindi mo na yata naaalala.
"Alalahanin mo..." Sabi niya sabay smirk sa'yo. Pilit mong inaalala kung ano ang nangyari...
Flashback
"(Y/N) NAMAN EH!!"
"Bleeeee!!" Dinilaan mo siya. "Pero kung mananalo ka, babayaran kita. Anong gusto mo?"
"Hmmmm..." Nag-iisip siya." P1,000,000!"
"UY! YUNG KAYA KO NAMANG IBIGAY!"
"Um... Baka maging girlfriend kita?"
"Sus! Yun lang? Simple naman nun! Sure kang wala kanang ibang hiling?" Tanong mo.
"Maliban sa P1,000,000, wala nang iba!"
"Deal!"
FLASHBACK ENDS...
Namumula mong inalala ang nakaraan. Akala mo naman hindi siya seryoso! Pero teka, seryoso nga ba siya sa'yo?
"Alin dun?" Pagsisinungaling mo, pero namumula pa rin ang pisngi mo. "H-Hindi ko kase naaalala."
"Psh. Wag kang magsinungaling. Alam ko na alam mo yung kabayaran."
"SERYOSO KA?!" Mas lalo ka pang namula.
"Oo naman. Kaya, ano (Y/N)-jagiya, magiging akin ka ba?"
Idedeny mo na nagkakagusto ka sa binatang iyon. P-pero g-gwapo naman siya...
"S-sige, payag ako." Nagmamadali mong sagot. "PERO D-DAHIL LANG SA KABAYARAN! HUWAG KANG MAG-ISIP NG GANYAN!"
"Ang sama mo rin magsinungaling ano?"
"Shut up."
EXTENDED ENDING
"Uy, (Y/N)-jagiya." Bigla niyang sabi.
"Ano?"
"Mayroon kasing nag-bobother sa akin kanina pa eh." Sabi niya sabay tingin sa'yo.
"Ano nga eh?"
"Diba nagpromise ka din na pag nahuli kita sa agawan base, may kiss ako sa pisngi?"
Langya. Nagdadasal ka kase kanina pa eh. Na hindi niya maaalala yung pangako mo. Pero para yatang tinalikuran ka ng langit kanina pa eh.
"NAAALALA MO RIN YUN?!"
"Siyempre naman." Sabi niya at nag-smirk. "Bayad na."
Wala ka namang magagawa. Rules are rules. Sumide view siya para mahalikan mo ang pisngi niya. Ikaw naman ay namumulang lumalapit sa pisngi ni Jungkook. Nung parang napakalapit mo na, ay medyo kang tumigil. Huminga ka ng malalim, at linunok ang lahat ng pride mo. Pero bago mo mailabas ang hangin, lumingon siya sa'yo. At aksidente ka niyang nahalikan.
O baka hindi naman talaga yun aksidente.
Naka-smirk pa kase siya in between your kiss. Dahil petrified ka, hindi ka nakagalaw agad. Binawi niya ang kiss, at tsaka sinabing.
"Lasang (Favorite Candy)."
"Yahhhhhh! Lagot ka sa'kin Jeon Jungkook! Pinahiya mo na ako maraming beses ngayong araw!!" Sigaw mo at hinabol siya.
Pero tumakbo siya papalayo sa'yo.
"Pero hindi mo natupad ang promise mo na kiss sa pisngi." Naka-smirk niyang sabi habang tumatakbo. "May utang ka pang kiss."
"PAPATAYIN TALAGA KITA JEON JUNGKOOK!" At naghabulan kayo throughout the day.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro