Jin x Reader ~Fiancé~
*yawn* Mayroon akong 4 na kailangang gawin na request. Okay lang naman, bahala na nagpupuyat ako. WALA AKONG PAKE HAHAHHAHAHA
Sorry kung cliché ang naisip ko. Pagod ako, at sumasakit yung paa ko. Tulong TT^TT
At tsaka yung song po ay Tinkerbell ng APRIL.APRIL OVERLOAD!!
Dedicated to CarrotMonster222 MonsterCarrot11 KarelkateSantosSanto Thanks for requesting! ^_^
Ayaw mo na.
Ayaw mo na talaga.
Paano naman kasi, dahil ang pamilya mo ay nagmamay-ari ng isang NAPAKALAKING kompanya, ikaw ang magmamana nito. At yung future husband mo. Yup, correct, arranged marriage. Yung bagay na ayaw ng maraming tao. Malas mo lang, nangyayari na to sa'yo.
Sumasakay ka na sa sasakyan niyo (of your choice of course). Pinapameet ka na sa future fiancé mo. Wala ka namang magagawa, mahal mo kasi ang mga magulang mo kaya you'll never ever let them down.
You just sighed and went back staring at the sceneries from the window, resting your chin on the palm of your hand.
Yassssssss!! Yun ang pinakamataas na english sa isang sentence ni awtor sa month na 'to!! Wala na kasi akong update sa iba kong libro! Anyways, balik tayo sa story...
At last, nakarating ka na rin sa pupuntahan mo. Lumabas ka sa sasakyan mo, at tsaka pumasok sa restaurant.
~Timeskip dahil hindi ko alam/nakalimutan ko kung anong nangyayari sa isang sosyal na restaurant~
Umupo ka sa side ng parents mo, at tsaka nag-try ng best para ibigay ang 'cool' aura mo kahit na nagpapanic ka sa loob mo. Across mo ay isang lalaki na curiously tumititig sa'yo. At sa tabi niya ay isang babae at lalaki.
"Glad you came (Y/N)!" Bati ng iyong ina. "Well, he's gonna be your fiancé!"
"(Y/N), is that your name?" Tanong niya. Tumango ka lang. "What a beautiful name! I'm Kim Seokjin by the way, but you may call me Jin."
Bingyan ka niya ng smile. Hindi mo mapigilan kundi ngumiti na rin.
Anong ginagawa mo (Y/N)?! Umayos ka! Cut the smiling!
"Isn't my daughter pretty?" Tanong ng ama mo sa kaniyang...? Ama...?
"Yes! Indeed! She'll be the perfect pair for my son!" Sagot ng lalaki na tinatanong ng ama mo.
"Ah, wait, we have somewhere to go now? Don't we?" Tanong ng mama mo sa lahat. "Let's go now! And oh, kids, have fun!"
-_-
Pakunwari pa tong mama mo, alam mo naman na gusto lang niya na magkatuluyan kayo. Pero give him a chance nalang.
Dahil hindi mo gustong magsalita, binigyan mo na naman ang lalaki ng 'cool' aura. At tsaka nandito na ang favorite mong bagay! Si awkward silence! Yay!
Sarcasm po iyon.
"So um..." Sinimulan niya. "Where do you want to go?"
"In the park, I guess?" Anyaya mo. Gusto mo sanang maging maldita sa kaniya dahil makakapag-asawa ka sa murang edad, pero kawawa naman siya. At tsaka bigyan mo naman siya ng chance.
"Sure..." Sabi niya sabay tayo at hinawakan ang kamay mo at dinala palabas. Bakit niya hinawakan ang kamay mo habang papalabas sa restaurant, ay wala akong ideya. But you just pushed that thought aside.
At sa wakas, nakarating na rin kayo sa isang nearby park. Dahil childish mood ka ngayon, nakalimutan mo ang 'cool' aura mo at tumakbo patungong swing. Sa likod mo ay ang humahabol na Jin. Umupo ka sa isang swing and kick the soil under your feet to create a momentum to make the swing move. (XDDDDD Ewan ko kung ba't ko ginawang English yun)
"Wheeeee!!" Exclaim mo. Pinikit mo ang mga mata mo at tsaka binigay ang childish smile mo.
Tumingin lang siya sa'yo, at ngumingiti sa kung anong state ka ngayon. Child-like, innocent, at masayahin, hindi pareho nung kanina na mysterious, quiet, and cool. Type kase ni Jin yung childish, at tsaka siya yung magiging eomma na nag-aalaga. Nakakatawa ano?
"Do you want me to push you?" Tanong niya sa'yo.
"Ah, if you won't mind, then yes please!" Nakangisi mong sabi.
Sinimulan na niyang tulakin ang swing, at ikaw ay pinaparamdaman ang hangin na tumatama sa mukha mo.
"Nakakatuwa ka. Alam mo, hindi ko gusto ng forced marriage of our parents. " Bigla niyang sabi. Tumingin ka lang sa kaniya at nakinig. "Pero kung ganito ka ganda ang mapapangasawa ko, plus childish pa, baka ako na ang pinakaswerteng taong nabubuhay sa mundong ito."
Namula na man ang pisngi mo. Half flattered, half offended sa sinabing childish ka. Pinili mong mag-react sa sinabi niya.
"Um... Excuse me. I hate being called childish." Singhal mo. "You could've used euphemism on what you're saying, mister."
"Yep... Totally childish." Asar niya.
Nawala na lahat ng pasensya mo sa kaniya, kaya bumaba ka sa swing. Malas mo lang, nagmamadali ka kasing bumaba sa swing, at nung bumaba ka, medyo lumipad ka dahil sa lakas ng swing, at nadapa sa lupa. Mayroong sumasakit sa bandang ankle mo, at hindi mo mapigilan kundi kagatin ang lip mo para hindi ka umiyak.
"Are you alright (Y/N)?!" Nag-aalala niyang tanong.
"Yes, I'm alright!" Sabi mo, at tsaka pinilit ang sarili mong tumayo para suntukin siya sa pang-aasar niya na childish ka. But not for long when that stinging sensation went to you and you let out a hiss to the pain. Dun na tumulo ang luha mo.
"Geez," Napakamot siya sa ulo niya. "Hey, let me see your foot."
"No." Sagot mo habang umiiyak.
Nag-sigh siya at pinilit tignan ang paa mo. Ikaw naman ay pinipilit na kunin ang paa mo out of his grasp.
"Makes sense... May sprain ka." Sabi niya at mina-massage ang paa mo. Napailing ka lang pag may point na sumasakit ang paa mo.
"Geez, bata ka talaga. Napaka-clumsy mo."
Hindi ka na sumagot, dahil thankful ka sa ginagawa niya ngayon. After some minutes of paikot-ikot ng paa mo, hinalikan niya ang ankle mo.
Namula ka, bat ba naman niya ginawa ito awtor?!
"They say that when you kiss a wound, bruise, or sprain, it will heal immediately." Sabi niya with a straight face.
"Thank you..."
"Ha?" He looked at you curiously. Hindi siya makapaniwala na sinabi mo iyon.
"I SAID THANK YOU!!" Force mong sinabi habang namumula.
"Yep. Definitely childish." Sabi niya, at sinamaan mo siya ng tingin. "And cute too."
Tinignan niya ang relo niya at lumaki ang mata.
"It's time to go home." Sabi niya.
"And you know that my foot hurts. How am I gonna walk?!"
"You're not gonna walk." Sabi niya at nag-squat sa level mo. "Hop on."
Sinunod mo naman siya, habang namumula ang pisngi mo. That position yung lalaki ay kakarga sa'yo sa likod. Forgot ko po yung term na 'yon. Baka may mag-isip na couple ka'yo. Well, hindi siya entirely wrong dun, dahil fiancé mo siya. At nasisimula mo na siyang magustuhan...
"Hope you're comfortable at my back." Sabi niya at ngumiti. Habang ikaw ay dahan-dahang nawawala ng consciousness... "(Y/N)?"
"Zzzzzzzz..."
Ngumiti lang siya, at tsaka sinabing.
"Sweet dreams, My Cutie Fiancée."
Pinatay po ako ni ending. At ang layo po si beginning at ending. Ewan ko po sa imagination ko. Hay... AT!! 1 YEAR NA PO AKO SA WATTPAD! YAY!!
Extra ending po! Pero, makasisira ito (Baka) sa binasa niyo kanina. Read at your own risk! >.<
Extended Ending
"Luh, anong nangyari na?!"
"Shhhhh!"
"Sorry."
Akalain mo, ang mga magulang niyo ay nagstalk sa inyo. Sinundan nila kayo. Galing naman. -_-
Nagkakagulo sila dahil medyo masikip ang damuhan na pinagtataguan nila.
"OMG! Hinalikan ni Jin ang paa ng anak ko!" Proud na naisabi ng mama mo.
"Nasaan?!" Tanong ng mama ni Jin. "AY! ANG CUTE!!"
"Alam kong may charm talaga to si Jin. Napa-blush niya si (Y/N). Mana talaga siya sa tatay niya!" Sabi ng tatay niya.
"Kumpare! Aprub ako!"
Ang mama niyo dalawa ay tumitili dahil para silang nanonood ng drama sa TV, at ang papa niyo ay tumatawa na parang mga baliw. Ay, binabawi ko sinabi ko, baliw nga sila. -_-
Himala, hindi niyo sila nahuli na nag-eespiya sa inyo.
Kung ganoon magulang ko, patay ako. -_- Sa kahihiyan.
"AY PAUWI NA SILA! DALI! BILISAN NATIN! HINDI DAPAT NILA TAYO MAHULI NA NANDITO PALA TAYO!"
At dali-dali silang umuwi sa inyong bahay. The end. -_-
Pangit ng extended ending XPPPPPPPPPPPPPPPPP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro