Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

J-Hope x Reader ~Indirect Kiss~


Requested by me "^_^

Pagbigyan niyo na ako please. "^_^


Pic ni J-Hope at Cheki Love ng PURETTY sa taas~!

~~~~~~


"Nasaan na ba siya?" Naiinip mong sinabi.


Ngayon, pupunta ka sa mall kasama si Hoseok dahil naperfect mo ang test mo. Matalik na magkaibigan kayo, kahit na nakalalamang siya ng 1 grade level sa'yo. Sabi kasi niya na pag naperfect mo ang kahit isang test mo, ay lilibrehin ka niya. Eh ngayon, late siya.


Luh, baka tumakas na siya! Isip mo. Pero baka rin hindi. Alam naman niya na bubugbugin ko siya pag tinakasan niya ko.


Umiinit na yung ulo mo. Saan na ba kaya talaga siya?!


"UY! SORRY LATE AKO!" Sigaw ng isang napakapamilyar na boses.


Lumingon ka sa likod mo, at nakita si Hoseok na hingal na hingal at pinagpapawisan.


"IKAW!! BAT ANG TAGAL MO?!" Napasigaw mong tanong.


"S-sorry!!" Natatakot niyang sabi. "Hinahanap ko lang kase yung savings ko!"


"Hayyyyyyy... Sige na nga, pasok na tayo."


Hinila mo si kabayo patungong entrance sa mall. Himalang walang aberya sa pagpasok niya. Walang umaapela sa baba niya, salamat naman.


"Uy, wag mo na akong hilahin." Sabi niya at nag-pout. Binitawan mo ang kamay niya, at lumingon sa kaniya.


"Saan mo gustong lumibot?"


"Kahit saan. Hindi na kase ako nakakapunta ng mall eh." Sabi mo at nag-shrug. "Hmmm... Ah! Ganda ng damit!"


Tumakbo ka patungo sa isang shop. Dinalian mong kinuha yung damit at sinuot ito sa fitting room. Habang si Hoseok ay sumusunod sa'yo. Well of course, hindi naman siya pumasok sa fitting room. Kung sino yung nag-iisip nun, seryoso?


~~Timeskip~~


"(Y/N)! Gutom na ako!" Pagmamaktol ni Hoseok sa likod mo.


Well, pinabitbit mo naman siya ng 4 na shopping bags na puno ng damit. Bilib ka naman sa kabayong ito dahil nakaya ng kaniyang budget ang lahat na pinapabili mo.


"Sige." Pagsang-ayon mo. "Ah, dun nalang tayo sa ice cream stand."


Pumunta ka sa ice cream stand, wala naman talagang tao kaya madali kang nakapag-order.


"Um, excuse me miss."


"Ah! Hello!" Nakangiting bati niya.


"Magkano po ba ang ice cream?"


"Libre lang!" At nagsimula na siyang kumuha ng cone at pinaikot-ikot ito sa ice cream machine. (Plano ko sanang maghugot eh XP)


"Ha?" Nagtataka mong tanong.


"May special kase ngayong araw. Pag may couples namag-oorder, libre lang." Sagot niya at binigay ang sorbetes.


Namumula ang pisngi mo. Ba't kayo napagkamalan na isang couple? Pero, dahil nga siya ang nagbibitbit ng mga shopping bags mo, possible iyon. Lumingon ka sa likod mo at nakitang namumula rin ang pisngi ni Hoseok.


"P-Pero h-hi----- Mmmph!" Tinakpan mo ang kaniyang bibig at tumawa.


"Ah, salamat!" Dinalian mong kinuha ang ice cream at pumunta palayo sa stand.


Nung napakalayo mo na sa stand, kinuha mo na ang kamay sa bibig ni Hoseok.


"Bakit mo naman ginawa yon?" Tanong niya.


"Ayaw mo ba ng ice cream?"


"Siyempre naman! Gusto ko!"


"Too bad, akin na to." Sabi mo at dinilaan ang napakalaking ice cream.


"ANG SAMA!!"


"Bleeeeeeee!! Kung gusto mo talaga ng ice cream, bumili ka ulit dun." Nakangisi mong sabi.


"Or..." Binalik naman niya ang smirk.


"O ano?" Tanong mo at dinilaan mo ulit ang ice cream.


"May tumutulong ice cream oh." Sabi niya, at dinilaan ang ice cream. Habang naka-smirk.


JINJJA?! N-N-N-N-N-NAG I-I-I-I-INDIRECT KISS KAMI!!!!! Isip mo habang nagmukha ka ng kamatis.


"H-HOSEOK!!"


"Ano? Diba napagkamalan tayo na couple? E di pwede yun." Nakangisi niyang sabi.


"P-pero n-napagkamalan lang tayo."Never ending stutter. Galing.


"Ano? Gusto mo talagang totohanan?"


"AH EH IH..."


"Parang gusto mo yata."


"Di no!"


"Pag hindi ka mag-blush sa gagawin ko, hindi na kita aasarin. Pero kung na fail ka... Mamaya ko nalang sasabihin ang consequences."


"Sige ba!" Hindi mo aakalain na ang desisyon mo ang magpapahamak sa'yo.


"Basta wag kang gumalaw..."


Sinunod mo naman ang sinabi niya. Hinawakan niya ang baba mo. Hindi ka dapat mahulog dito. Pinalapit niya ang mga mukha niyo. Mayroon na sanang pula, pero napigilan mo. Habang nagkatagpo ang ilong niyo dalawa. Malapit ka ng mamula....


Pero binitiwan niya ang hawak sa baba mo.


"O di ba?" Nakangiti mong sabi. "Hindi mo na ako aasa---- mmph!"


Bigla ka nalang niyang hinalikan. Out of nowhere. Hindi mo inaasahan iyon, kaya hindi ka nakapagdefend sa anong ginagawa niya ngayon. Kaya, pulang-pula ang mukha mo ngayon.


"May sinasabi ka (Y/N)?" Nakangisi niyang tanong."


Speechless...


"Ganun ba talaga kasarap ang halik ko?"


"PUCHA KANG KABAYO KA!" Sinuntok mo siya, pero inilagan lang niya lahat. "FIRST KISS AT FIRST INDIRECT KISS ANG KINUHA MO SA'KIN! ANONG SUNOD?!"


(Author: Huehuehuehue, para kang awtor, ang susunod ay... Mmph!

Wattpad Friends: Sorry, byuntae lang po siya paminsan-minsan. "^_^)


Na-shock siya sa sinabi mo.


"F-First kiss mo pala 'to?! Akala ko naman na iilang kiss mo na 'to! I cannot... My heartu is... My heartu is... Oh my God..."


"Anong akala mo sa'kin?!"


"Maganda ka kaya..." Natrail-off siya sa kaniyang sinabi at nagblush.


Mas lalo ka pang namula.


Awkward Silence...


Hay naku... "-_-


"S-sorry pala kung nakuha ko ang first kiss mo..." Pagbasag ni Hoseok sa katahimikan. Salamat naman.


"Wala naman tayong magagawa niyan... Nagawa na eh... kagaya lang ng pagsira niya sa puso ko..." Sabi mo, pero medyo tumahimik ka sa hugot part mo.


"Meron pang magagawa." Sabi niya ng nakangiti. "Kung magiging girlfriend kita, pwede na."


"HA?!" Ang rami na nangyari na kababalaghan. Hindi mo na kaya...


"P-pero kung ayaw mo, okay lang." Nakangiti pa rin siya, pero may nakita kang iba sa mga mata niya, na para bang forced smile 'to.


Sa totoo lang, may crush ka rin sa kabayong kasama mo. Kaya ayaw mo siyang nasasaktan, plus bestfriends pa kayo. At tsaka ginawa mo kung anong unang pumasok sa isipan.


"Okay lang, if you didn't feel the same way, basta-----"


At tsaka ang unang pumasok sa isipan mo ay halikan mo siya. Shock pa nga siya eh, took him seconds before he could process what's happening right now. Pero he kissed back.


"I guess... Oo ang sagot mo?!" Mas lumaki ang ngiti niya.


"ANO SA TINGIN MO?!" Namumula mong sigaw sa kaniya.


"Alam mo, mayroon kang ice cream sa lips mo." At tsaka lumapit siya sa mga labi mo.


"WELL, KAHIT NA GIRLFRIEND MO NA AKO, NOPE!" Sinuntok mo siya sa baba niya at knock-out!!!


Winner, by TKO, the horse's girlfriend, (Y/N)(L/N)!

~~~~~

Before niyo ako masuntok, hala! Nandun si (bias/name)! *tumakbo palayo*


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro