Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Human Dog! Rapmon x Reader


Lexiiiiiii~~~~~~~~~~~~~~~ Baka gusto mo ng werewolf~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ XDDDD


Dedicated kina AppleOnTop  at Destruction_Princess. Thanks for requesting! ^_^

Picture nga pala ni Namjoon sa taas!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hatinggabi na nung parang nauuhaw ka. Gusto mo pa sanang matulog, kaya lang, pinapatay ka ng uhaw mo. Dahan-dahan kang tumayo sa kinahihigaan mo, at nag-rub ng mata mo. Ina-adjust pa ng mata mo, dahil nga hindi ka pa sanay sa lightings ng kuwarto mo, nung may nakita kang gumagalaw sa tabi mo.


Inakala mo na si (Dog/Name) iyon. Yup, mayroon kang alagang aso, at pinayagan ka ng mga parents mo na ipatira sa bahay, pero pag matutulog na kayo, mananatili si (Dog/Name) sa kwarto mo. Nakita mo siya sa kalye, pagala-gala lang, at naisipan mo namang gawing alaga siya. Bakit mo naisipang alagaan siya? Dahil mayroon siyang jams kahit na aso siya. Pero medyo imposible namang maging si (Dog/Name) iyon dahil matangkad naman ang 'bagay/tao' na iyon.


Nung nakapag-adjust na yung mata mo, laking gulat mo nalang na may nakita kang badjao sa tabi mo. Sisigaw ka na sana, dahil sino bang hindi sisisgaw pag may nakita kang lalaki sa tabi mo, ng tinakpan niya ang bibig mo.


"Mmph!"


"Wait, (Y/N), before you scream, let me explain! I'm (Dog/Name – D/N)!"


Aba! Marunong palang mag-english tong badjao na'to!' An unang naisip mo sa lalaking to.


Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig mo. Hindi ka na sumigaw, dahil kumalma ka na.


"Pero! Aso siya! Huwag mo nga akong biruin!" Sinamaan mo siya ng tingin.


"That's the point! Half-human half-aso ako." Explain niya.


"Pero papaano?!" Natatarantang tanong mo. Feel mo na panaginip to, kaya kinurot mo ang sarili mo. Napasigaw ka ng maliit at dun mo nalamang hindi ka nananaginip.


"Merong nagkamali sa experiment ko, kaya naging half-tao, half-aso ako." Sabi niya.


"So...? Okay lang ba ang dog food na pinapakain ko sa'yo?" Tanong mo. Yep, most random question sa buong mundo, galing sa nagpupuyat niyong awtor.


"Okay lang, dahil half-aso ako, mayroon na akong taste na kagaya ng aso, so no worries."


"Babalik ka pa bilang si (D/N), diba?" Tanong mo.


"Oo, but it is still based if I want to become a human, or become a dog, and sometimes, yung kemikal na ang gumagawa. So nag-tatransform akong aso o human unexpectedly."


"Meron bang lunas dito?"


"Unfortunately, I'm not sure at the moment. Kaya paparito muna ako dito. And oh, I actually forgot to introduce myself, I'm Namjoon."


"There's no need na diba dahil kilala mo na ako?" Tumango siya. "Okay... Matulog na tayo."


"Wait..."


"Ano?" Tanong mo sa kaniya.


"Hindi ako komportable sa sahig." Sabi niya. "So pwede bang sa kama mo?"


Tumango ka. "Okay, sa sofa (mayroon kang sofa sa loob ng kuwarto mo) nalang ako matutulog." At nagsimula ka nang lumakad patungong sofa, ng may pumigil sa'yo.


Hinawakan kase ni (D/N), ay, ang ibig kong sabihin ay si Namjoon, ang kamay mo. At tsaka hinatak ka pabalik sa direksiyon niya. Tumama ka sa chest niya, at tsaka bumulong sa tenga mo.


"Matutulog ka katabi ko sa kama." Sabi niya with a husky voice. "Wala akong gagawin. Maliban nalang kung papayagan mo ako~"


"Yahhhhhhh!!" Namumula mong bulyaw at kumalas sa pagkakahawak sa'yo ni Namjoon. Ngumisi lang siya sa'yo at nag-wink.


"Siyempre, nagbibiro lang naman ako." Sabi niya. "Pero kung gusto mo yun, of course, your wish is my command~"


"MATULOG KA NA NGA LANG (D/N), ESTE NAMJOON!"


~~TIMESKIP TO IDK~~


Eventually, nalaman mo na isang estudyante si Namjoon sa paaralan niyo. Palagi siyang sumasama sa'yo patungong paaralan. Popular rin pala 'tong badjao na'to. Maraming babae rin naman ang nagkakandarapa(?) sa wits, dimples, at looks niya. Admit mo, cute rin naman siya kahit na hindi siya marunong mag-aegyo.


As time passes by, unting-unti kang nahuhulog kang Namjoon, pero feeling mo na hindi mutual ang feelings niya sa'yo. Eh, paano ba naman, maraming magagandang babae ang nagkakagusto kang Namjoon, at ikaw lang ay isang simpleng babae, kaya pilit mo na kalimutan ang pagtingin mo kay Namjoon.


Isang araw, nakita mo si (Random/Boy/Name - R/B/N) na hingal na hingal. Curiosity got over you, kaya linapitan mo siya.


"Uy, (R/B/N), ayos ka lang ba?" Nag-aalala mong tanong. "Hingal na hingal ka yata."


"Ah! (Y/N)! Um..." Bigla na lang siyang namula. "Pwede... Ba tayong mag-usap? Sa um... isang private place?"


"Hmmm... Sure, wala naman akong gagawin eh."


Hinila ka niya sa isang lugar, hinahawakan ang kamay mo dahil siya ang naglead sa way. Mas lalo siyang namula dahil lang sa physical contact ng kamay niyo.


Ano kaya ang gusto niyang sabihin? Bihira lang kaming mag-usap. Last time, may project kami sa Science, at yun na ang last time na nag-usap kami. 1 month na yata yung pag-uusap namin noon.


Hindi mo alam, mayroon palang badjao ang sumusunod sa inyo. Counted as stalking. -_-


Hinila ka niya sa isang corner ng corridor. Wala naman medyong tao doon.


"So, (R/B/N), anong gusto mong sabihin?"


"(Y/N)," Bigla na lang siyang sumeryoso. "Mayroon akong pagtingin sa'yo, matagal na. Kaya, pwede bang manligaw?"


"HA?!" Malakas mong nasambit. Namumula na ang mga pisngi mo.


"Please..." Hinawakan niya ang mga kamay mo.


Um... Pa'no ba to... Cute rin naman siya... Pagbibigyan ko nalang siya.


Sasagutin mo sana siya ng...


"Hey! Babe! Nandito ka lang pala!" At may umakbay sa balikat mo. Tumingin ka sa gilid mo, at nakita si Namjoon na umaakbay sa'yo.


Wait... Tinawag ba niya akong babe?! Namumula mong inisip.


"Huh?" Nagtatakang tanong ni (R/B/N).


"Um... Sorry... I'm afraid that you actually confessed to my girlfriend."


WAHHHHTT?! ANO NA NAMAN BANG NAISIPAN NI NAMJOON?!


"Oh... Um... Sorry... Sige... Nevermind nalang (Y/N)... B-bye!" Nahihiyang paalam ni (R/B/N) sa iyo. Sino ba namang hindi mahihiya sa nangyari?!


"Teka Namjoon! Sinong nagsabi na girlfriend mo ako?!" Namumula mong tanong.


"Para yatang kailangan mo ng tulong ko eh."


"Tama ka naman..." Bulong mo sa sarili mo.


After an awkward silence, bigla nalang nagsalita si Namjoon.


"Um... (Y/N), I mean it..." Nahihiya niyang sabi.


"Ang ano?"


"The girlfriend part." Sabi niya at tumingin sa'yo.


"Okay... WAIT WHAT?!"


Nag-sigh muna siya tapos hinawakan ang mga kamay mo.


"(Y/N), my beautiful owner, yes, you're beautiful in my eyes. You're beautiful, caring, awesome, funny, and extraordinary. You've stole my heart, ever since you took care of me. I like-no- I lo-----"


Maganda na sana ang pag-confess ni Namjoon, kaya lang...


"Bowowow!!"


Naging aso na naman siya.


Pucha rin naman ohhhh! Andun na eh!


Napatawa ka nalang sa confession ni Namjoon. Alam mo na kung ano ang sasabihin niya. Ang tanong, sasagutin mo ba siya?


"Sasagutin lang kita pag ganap ka ng tao." Nakangisi mong sabi.


"BOWOWOWOWOWOWOWOWOW!!!!"


Napatawa ka na lang dahil para mo na ring narinig siya na (Y/N) NAMAN EH!! SAGUTIN MO NALANG AKO!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Minamadali ko po itong chapter na 'to! Here you go! ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro