Epilogue
Christine's POV
"Concert na nila ngayon..." malungkot na sabi ni Shy.
It's been two months simula ng huli naming nakita at nakausap ang Bangtan.
Pati si Angelli nakisabay din. Isang buwan na simula ng umalis siya. Ang sabi niya lang lilipat na sila ng bahay and until now wala pa kaming balita sa kanya.
Nandito tuloy kaming anim sa harap ng bahay namin nagmumuni-muni.
"Miss ko na sila." seryosong sabi ni Noelyn habang nakatingin sa dating tinirahan ng Bangtan.
"Nood tayong live stream?" pag-aaya ni Ella.
"Kayo na lang. May aayusin pa ako eh." sagot ko sa kanila.
"Ayokong manood. Mas lalo lang akong masasaktan." nakatungong sabi ni Trisha.
"Wag na nga kayong magdrama. Ganyan talaga ang buhay eh." sabi sa amin ni Princess.
Tama siya.
This is life. We must go with the flow dahil kung hindi, baka malunod tayo sa sarili nating buhay.
Napatigil ako sa pagsesenti ng biglang may pumreno ng malakas.
De javu.
May van na tumigil sa harap namin at mga sampung hindi kilalang lalaki ang lumabas.
"Sumama kayo sa amin!"
Hinawakan kami ng mga lalaki sa braso at isa-isang ipinasok sa van.
"Bakit? Sino kayo?!"
"Bitawan niyo ako! Ano ba!"
"Pakawalan niyo kami!"
"Sino ba kayo?! Pota naman oh!"
"Bitawan niyo nga ako! Nasasaktan ako!"
Kanya-kanyang pagwawala ang ginagawa ng mga kaibigan ko ngayon while me? Ito iniisip kung ano bang ginawa naming anim at kinikidnapped kami ngayon.
"Who are you? What do you want from us?" tanong ko sa kanila.
"Hindi kami ang may kailangan sa inyo."
"Then let us go! Damn it." naiinis na sabi ko sa kanila.
"Hindi pwede. Baka pagalitan pa kami ng mga boss namin. Manahimik ka na lang kung ayaw niyong masaktan."
"Sasaktan niyo ako? Then do it." pang-hahamon ko sa lalaking nakahawak sa akin.
"Nay!"
"Cz."
"Tin!"
"Oy. Bakit mo sinaktan 'yan? Lagot tayo kay boss niyan."
"Masyadong matapang eh!"
Nginisian ko siya at pinunasan 'yung labi kong dumugo dahil sa sampal ng pangit na 'to.
Letse! Nagkaroon pa ako ng instant sugat sa mukha.
"Ano bang kailangan niyo sa amin?! Wala naman kaming ginawa sa inyo diba?" umiiyak na tanong ni Ryu.
"Tumahimik kayo kung ayaw niyong pati kayo masaktan!"
Tiningnan ko naman 'yung anim para ipahiwatig na wag na silang makipagtalo.
"Bago man ako mamamatay sana makita ko ulit ang Bangtan." rinig kong bulong ni Shy.
Sana nga kasi kahit ako natatakot sa pwedeng mangyari sa amin ngayon.
Hanggang ngayon ay bumibyahe pa rin kami at hindi ko alam kung nasaan na ba kami ngayon.
"Nasaan na kaya tayo? Nakalabas na tayo ng Manila ah." bulong sa akin ni Noe.
'Yung apat nakatulog na. Tsk! Mamamatay na't lahat-lahat nagawa pang matulog.
"Hindi ko rin alam."
Habang nag-uusap kami ni Noe ay bigla kaming tumigil sa isang malaking kumpanya?
"Hoy, gising! Gumising kayo d'yan!" sigaw sa amin ng mga pangit na goons na ito.
Nilabas kami nang mga pangit sa sasakyan at kinaladkad papasok sa kumpanyang nasa tapat namin.
"Aray! Ano ba?!" singhal ko sa lalaking kumakaladkad sa akin.
Letse naman kasi! Hilahin ba naman ako. Natapid tuloy ako doon sa nakaharang na parang humps sa may entrance.
"Bakit tayo dito dinala? Ibebenta ba nila tayo?" rinig kong tanong ni Shy.
"Ganon na ba tayo kaganda kaya tayo ang kinuha nila?" nagtatakang tanong ni Ella.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa tanong niya o matatakot. Like seriously?
"Tumahimik nga kayo d'yan!"
Itong pangit na 'to namumuro na sa akin. Pangit na nga, epal pa! Sarap tusukin ng baba ni Hoseok eh.
Pumasok kami sa isang malaking opisina na may maraming lalaki na katulad ng mga kumuha sa amin.
"Boss..."
Dahan-dahang humarap sa amin 'yung tinawag nitong pangit na 'to na boss at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
"Bang Shi Hyuk?!" sabay-sabay na sigaw naming anim.
"Sabi na't kilala niyo ako. Pasensya na pala sa pagkidnapped sa inyo reward ko kasi 'yan sa mga boyfriend niyo." nakangiting sabi nito sa amin.
"Boyfriend? Wala ako noon eh. Pwede si Bwii na lang?" natatawang sabi ni Ella.
"Oh my god. Bang Shi Hyuk, ang gwapo mo pala sa personal." kinikilig na sabi ni Trisha.
Ano raw? Pati si Bang Shi Hyuk na-tripan eh.
"Bang Shi Hyuk, nasaan na ang asawa ko?" nagkukunwaring umiiyak na sabi ni Princess.
"Bang Shi Hyuk, penge ticket! Hahabol ako sa concert." nakangusong sabi ni Shy.
"Bang Shi Hyuk, kahit sampung sapak na lang sa mga pangit na 'to para sa pananampal nila kay Cz okay na!" naiinis na sabi ni Noe bago tumingin doon sa lalaking nanakit sa akin kanina.
"Who hurts Zeyon?"
Dahan-dahan kaming napalingon sa lalaking nagsalita at nakita ko ang lalaking dalawang buwan ko ng hindi nakikita.
"Nand'yan na pala 'yung mga hinahanap niyo eh. At Shyeena, sorry to say but tapos na 'yung concert." nakangiting sabi ni Bang Shi Hyuk sa amin.
Pero ako? 'Yung atensyon ko ay nasa pitong lalaki na masama ang tingin sa mga lalaking nasa loob ng opisina ni Bang Shi Hyuk.
"Manager-nim, anong ginawa ng mga alipores mo sa mga 'yan?" nakakunot-noong tanong ni Jin habang nakatingin sa mga lalaking nakapalibot sa amin.
"Manager, sino sa mga 'yan ang nanakit sa kapatid ko?!" masama ang mukha ni Suga ng sabihin niya iyon.
Nakakamiss sila!
"Manager, anong kalokohan na naman 'to?" nagtatakang tanong ni J-hope.
"Manager, bakit mo naman hinayaan na saktan nila si ChrisTintin!" nakangusong tanong V bago lumapit sa akin.
"Bespren, namiss kita." nakangusong sabi niya sa akin bago ako yakapin.
"Uy, Taehyung chansing ka ah!" sigaw ni Jimin kay V.
Totoo nga sila. Nandito na ulit sila sa harap namin.
"Miss Cute, namiss ka namin!" sigaw ni J-hope bago yumakap sa akin.
"Namiss ko rin kayo." bulong ko sa kanila.
"Tsk."
Sa isang iglap lang ay nawala ako sa loob ng opisina ni Bang Bang Bang dahil hinila ako palabas ni Jungkook at dinala sa rooftop nitong building.
Pagkarating namin doon ay tinitigan niya ako na para bang sinusuri.
"Does it hurt?" tanong niya habang nakahawak ang isang kamay sa mukha ko.
Hindi ako sumagot at sa halip ay ngumiti ako sa kanya at yumakap ng mahigpit.
"Namiss kita..." bulong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi.
"Mas namiss kita, Zeyon."
**
Noelyn's POV
"Mag-sosolo na naman sila." naka-ismid na sabi ni Shy.
"Magkanya-kanya na tayo mga hyung!" sigaw ni Taehyung at hinila na rin palabas ng opisina ni Bang Shi Hyuk si Ella.
Edi wow. Sila na nga! Nakaka-bitter ha pero parang lalong gumwapo si Jin?
Oh my gosh!
"Geh na. Magkanya-kanya na kayo! Tsk. Umamin na kayo sa mga 'yan. Sanay naman akong mag-isa eh." sabi ni Jimin bago lumabas ng opisina ni Bang Bang Bang.
"Tsk. Tsk. Kawawa naman si Chimchim." naiiling na sabi ni Bang Bang Bang.
Cute ng tawag ko sa kanya 'no? Pauso ni Cz yan eh.
Nabigla ako ng bigla akong nilapitan ni Jin at hinila palabas ng building na 'yun.
"Hop in." sabi ni habang iniintay akong pumasok sa van.
Dahil natanga ako bigla eh wala na akong nagawa kundi ang sumakay.
Choosy pa ba ako?
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Kahit saan. Namiss ko lang talaga ang asawa ko." nakangiting sabi niya habang diretsong nakatingin sa daan.
Tangines. Ang landi talaga ni Jin.
Kakainis!
**
Princess' POV
"Cess..." mahinang tawag sa akin ni Namjoon.
Naglalakad kaming dalawa ngayon palabas ng building na 'to.
'Yung lima ay hindi ko na alam kung saan dinala noong kagrupo nitong katabi ko.
Kanya-kanya muna kaming anim ngayon.
"Bakit?"
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"I miss you..."
Hala? Ansabe niya mga bes? Pwede rewind? Para kasing ano eh, parang nakakakilig.
"Y-You? You missed me?" nanlalaking matang tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.
"Yeah. I miss you. I miss you so much..." tumatawang sabi niya bago ako yakapin.
Oh my god! Oh my god!
He missed me daw! RapCess on the way na talaga ito mga bes.
**
Shy's POV
"Beshy!" tawag sa akin ni J-hope.
Kanina niya pa ako tinatawag na Beshy. Nakakaloka lang!
Matapos kong magdusa simula ng umalis sila hanggang ngayon friendzone pa rin?
"Chay, pansinin mo naman ako! Alam mo bang miss na miss kita tapos 'di mo manlang pala ako papansinin." napatingin naman ako bigla sa kanya dahil sa sinabi niya.
Ano daw? Namiss niya ako? Pasipa ko kaya 'to kay J-hope?
"Anong sabi mo?!" nakakunot-noong tanong ko sa kanya.
Ngumuso siya sa akin bago ako inirapan.
"Wala!"
"Ano na nga kasi? Dali papansinin na kita, beshy." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Umamin na ko sayo't lahat-lahat. Beshy pa rin? You want kick to your facue from ma' Baby Jhorse?" mataray na tanong niya sa akin.
So, umamin na nga siya? Is it for real?!
"Syempre joke lang 'yun! Alam mo namang ikaw ang Hope ko eh." nakangiting sabi ko sa kanya.
Ngumiti din siya sa akin bago ako niyakap ng mahigpit.
"Damn. I didn't know that I'll miss a person like this."
Jusko, J-Hope. Tumigil ka na! Baka hindi ako makapagpigil at iuwi na kita sa amin.
**
Trisha's POV
"Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa'yo, Trisha Min." seryosong sabi sa akin ni Suga bebe.
Kakalabas lang namin ng opisina ni Fafa Bang Shi Hyuk.
"Huh?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
May dapat ba siyang gawin sa akin? Oh my god. Bata pa si ako!
"Tsk. Alam mo bang miss na miss kita? Argh! Itanan na lang kaya kita?" nakakunot noong sabi niya sa akin.
Wait, what?! Itatanan niya ko?
Oh my gosh! Sige, kahit saan mo pa ako dalhin basta ikaw.
"Talaga?" nakangising sabi niya sa akin.
"Huh?" tanong ko ulit.
Kanina pa ko huh ng huh dito. Punyeta naman kasi! Nakaka-speechless.
May kidnappan pa kasing naganap eh.
"Tsk. Sabi mo kasi, sige. Kahit saan mo pa ako dalhin basta ikaw. So, payag kang itanan kita?" nakangiting tanong niya sa akin.
Oh those shining gums!
**
Ella's POV
"Hoy, Yicaeya!"
"Bakit ba, Taetae supot?"
Kanina pa kami mukhang tanga dito. Tatawagin niya ko sa jejemon kong pangalan tapos tatawagin ko siyang Taetae supot.
Abnormal na naman ako.
"Bakit ba ang tahimik mo? What happenned to you?" seryosong tanong niya sa akin. Napanguso naman ako bago sumagot.
"Kasi naman! Lakas ng pakulo ng manager niyo ha? Like duh. I'm so haggard pa kaya." maarteng sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.
The Taehyung's signatured smile.
"Bakit? Nako-consious ka ba sa itsura mo? Don't worry! Maganda ka pa rin para sa akin. Ikaw lang ang pinakamagandang babae para sa akin." nakangiting sabi niya bago ako niyakap at hinalikan sa noo.
"O-Oy, ano ba..." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Wag ka ng mahiya, Future Mrs.Kim." nang-aakit na sabi niya bago ako kinindatan.
Kingina mo, Kim Taehyung! Panindigan mo ako.
**
Third Person's POV
Habang ang anim na miyembro ng BTS at BTY ay masayang magkakasama.
Si Jimin na naglalakad sa isang parke ay may nakasalubong na babae.
"Angelli?" tawag ng binata sa babaeng nakita.
"Jimin..."
"Ikaw nga. Bakit ka nandito?" nakangiting tanong sa kanya ni Jimin.
"Naglalakad-lakad lang. Diba concert niyo ngayon? Bakit ka nandito? Dapat nagpapahinga ka na." nag-aalalang tanong ni Angelli sa kanya.
Napangiti naman si Jimin dahil sa pag-aalala sa kanya ng dalaga.
"Nag-aalala ka sa akin 'no? Okay lang ako. Ikaw nga d'yan eh gabing-gabi na naggagala ka pa. Umuwi ka na bago ka pa magkasakit." sabi sa kanya ng binata bago ibinalot dito ang suot na jacket.
"Mag-iingat ka. Magkikita pa tayo." nakangiting sabi ni Jimin bago itinuloy ang paglalakad.
"Until we met again, Park Jimin." mahinang bulong ng dalaga bago ipinagpatuloy ang paglalakad.
**
Christine's POV
Sa gabing ito, lahat kami ay naging masaya.
Masaya kasama sa piling ng taong mga mahal namin.
At ngayon ay handa na kaming ipaglaban kung ano ang nararamdaman namin para sa isa't-isa.
Walang takot at walang pangangamba.
Love may be really hard for us but love isn't love without pain.
I knew it from the start that there is a reason why BTS became our neighbors but I didn't know what is it.
And now, I already know why.
Loving you might conquer a thousand consequences but I will never leave you. We will face it together.
- The End -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro