Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Good morning, sunshine! Today is another day.

Panibagong araw na naman at salamat kay Papa God dahil doon.

"Christine, bumangon ka na d'yan. Pumunta ka na sa tapat!" rinig kong sigaw ni mama sa labas ng pinto ng kwarto ko. Araw-araw na lang na ganito ang binungad sa akin ni mama.

"Ano na namang gagawin ko doon?" tanong ko kay mama ng mabuksan ko ang pinto. Nakapameywang pa ito at may hawak na sandok.

"Ano bang ginagawa ng katulong?" nakataas kilay na sabi niya sa akin.

"Seriously, ma? Katulong talaga?" nakangusong sabi ko sa kanya.

"Ayaw mo ng ten thousand? Sabihin mo lang..." sabi niya bago ngumisi.

Ganoon na ba ako kamukhang pera sa paningin ni mama?

"Tsk! Pwede pakain muna? Gutom na 'yong mga dragon ko sa tiyan eh." nagmamaktol na sabi ko sa kanya.

"Mamaya na pagbalik mo." walang kagatol-gatol na sagot sa akin ni mama.

Lagi na lang ganito eh! Kaya ako namamayat.

Nakabusangot kong nilampasan ko si mama at umalis na ng bahay kahit na nagwawala 'yong mga dragon ko sa tiyan.

**

Taehyung's POV

Tahimik kaming nanonood ng balita dito sa salas ng biglang may mag-doorbell.

Luh? Bakit kami binibisita ni Dingdong Dantes?

May interview ba kami?

"Hoy, Taehyung! Buksan mo 'yong pinto." sigaw ni Jimin Hyung sa akin.

Pagbukas ko ng pinto ay hinanap ko agad si Dingdong Dantes kaso si ChrisTintin naman ang nakita ko.

Edi dapat ang sinabi 'ChrisTintin'.

"Hi, ChrisTintin." bati ko sa kanya. Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa 'tong si ChrisTintin.

"Hello..." nakangiting bati niya sa akin.

"Bakit ka nandito?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Bawal ba ako dito?" tanong din niya sa akin. Napaisip tuloy ako kung bakit tanong ang sagot niya sa tanong ko.

"Hindi naman?" alanganin kong sagot sa kanya. Baka isipin ni ChrisTintin na ayaw ko siyang nandito.

"Ahm, nandito ako kasi pinapunta ako ni mama. Gawa nga ng you know." naiilang na sabi nito sa akin.

Na-gets ko naman 'yong tinutukoy niyang you know. Hindi naman kasi ako slow! Gwapolang.

"Ah! Halika pasok ka." binuksan ko ng ayos ang pinto para makapasok siya.

"Christine?"

"Hi, Jimin. Good morning!"

"Ikaw na naman?!"

**

Christine's POV

"Ikaw na naman?!" napatingin ako sa lalaking galit na naman na sumigaw.

"J-Jungkook..."

"Jungkook!" saway sa kanya ni Jin.

"Good morning, Christine. May kailangan ka ba?" bati sa akin ni Jin ng malampasan niya si Jungkook. Ngumiti ako sa kanya ng malaki at umiling.

"Si mama kasi pinapunta ako gawa nga ng tulungan ko raw kayo sa gawaing bahay."

"Tsk! Umupo ka d'yan." sabi sa akin ni Jungkook ng makalapit siya sa amin. Napatanga naman ako dahil sa sinabi niya.

"Huh?" sabay-sabay naming tanong nina Taehyung, Jimin, at Jin.

"Tsk!" nagulat na lang ako ng bigla niya kong hinawakan sa braso at inuupo sa sofa.

Hala.

Oh my god!

Please someone help me.

I think i'm gonna die!

Hinawakan ako ni Jungkook!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro