Chapter 52
Ella's POV
"So, what's the plan?"
"Can you pleash shut up, hyung? My nosh ish bleeding."
Bakit kasi kasama pa namin 'tong badjao na englishero? Nakakaubos ng dugo ha! Idagdag mo pang may elyen kaming kasama.
"Wag nga kayong mag-english. Baka bumaha ng dugo dito." saway ko sa kanila.
Nandito kasi kami sa Hotel Garden. Nagpaplano kung anong pwedeng gawin para magkabati si Christine at Jungkook.
"Kantahan niyo na lang si Miss Cute!" suhestiyon ni J-hope. Napairap naman ako sa sagot niya.
"Luh? Masyado ng common. Lagi niyo ng ginagawa 'yun." pagkontra ko sa kanya.
"Eh ano? Paglulutuin natin si V? Pagsasayawin natin si Rapmon Hyung at Jin Hyung? Oh my gosh! I cannot. That's so impossible!"
Ang O.A talaga ng kabayong 'to. Sarap lunurin eh.
"Alam ko na!" tuwang-tuwa na sigaw ko.
"Ganito ang gawin natin..."
**
Trisha's POV
"Nakakagigil talaga si Jungkook. Argh! Ang sarap niyang tirisin."
Pagmamaktol ko sa harap ng asawa ko.
Oh em gee! Asawa ko is heart heart pero bwiset pa rin si Jungkook!
"Relax ka lang, okay? Masyado mong ini-stress ang sarili mo kina Jungkook. Hayaan mo na silang dalawa. They are old enough to handle thereselves." mahabang sabi niya sa akin.
Nakakapanibago talaga si Suga bebe.
Noong isang araw pa siya english ng english.
Magugunaw na ba ang mundo? Malapit na bang sumabog ang araw?!
Oh my god. Kailangan na namin magpakabait kung ganon.
"Hyung, uuwi na raw tayo." pagsulpot bigla ni Jungkook sa tabi ni Suga bebe.
Uuwi na sila? Agad-agad?
"Trisha Min, mag-impake ka na. We are going home!" tuwang-tuwa na sabi ni Ella.
Saan ba sila mga nanggaling? At bakit uuwi na kami?
**
Christine's POV
"Christine, uuwi na raw tayo!" sabi ni Shy sa amin ng makasalubong namin siya entrance ng hotel.
"Huh? Bakit da-" napatigil ako sa pagsasalita ng may biglang malakas na pumreno.
"Sino naman 'yang bagong dating? Paalis na nga't lahat-lahat may bago pang makikigulo?" tanong ni Angelli.
"Myungsoo?" tawag ko sa lalaking kakababa lang ng sasakyan.
"Zeyon..."
"Oh my god! Kim Myungsoo ng Infinite?!" nanlalaking matang tanong ni Princess na kung saan na lang lumabas.
"Hi." nakangiting bati sa kanila ni Myungsoo.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"Sabi kasi ng pinsan mo nandito ka raw kaya pinuntahan kita." nakangiting sabi nito habang naglalakad palapit sa akin.
"Pauwi na rin naman kami. Sumabay ka na lang sa amin. Magpapasundo kami kay mama." sabi ko sa kanya.
"Okay lang ba?" tanong niya.
"Oo naman! Tara na muna sa loob. Mag-aayos pa kami ng gamit eh."
Pagpasok namin sa lobby nandoon sina Trisha, Suga, Ella, Noe, at... Jungkook.
"Kim Myungsoo?!"
"Ay shit. Ang gwapo!"
"Myungsoo Babe! Oh my gosh. Totoo ba ito? Tell me!"
"Hindi. Joke lang 'yan. Obvious ba?" pambabara ko kay Noelyn.
"Oh em gee! Nakakalakad ka?" nagtatakang tanong niya sa akin habang nakaturo sa may parte ng hita ko.
"Duh! Of course." mataray na sabi ko sa kanya.
"Eh?! Hindi masakit?" nakakunot-noong tanong niya sa akin.
Problema ba nito? Malamang makakalakad ako. Hindi naman ako sa hagdan nahulog ah.
"Hindi. Sa hita lang naman ako nasugatan."
"Huh? Bakit ka nagkasugat sa hita?" nagtatakang tanong niya.
Feeling ko hindi kami nagkakaintindihan.
"I think, hindi tayo nagkakaintindihan." naiiling na sabi ko sa kanya.
"Tingin ko nga rin."
"Manahimik ka na lang kasi, Noe." sabi ni Princess kay Noelyn.
"Bakit ba tayo uuwi na?" tanong ni Trisha.
"Oo nga!" pagsang-ayon ko.
"Basta!" ngiting-ngiting sagot ni J-hope sa amin.
Okay?
"Okay fine! Aayusin ko lang 'yung mga gamit ko." sabi ko sa kanila.
"Tulungan na kita?" pag-aalok sa akin ni Myungsoo.
Why so sweet, Myungsoo Baby?
"Luh, wag na! Kaya ko naman tsaka konti lang 'yun." nakangiting pagtanggi ko.
Ngumiti lang din siya sa akin at sinabing okay. Umakyat na ako at iniwang nakabukas ang pinto.
Sigurado naman akong susunod ang mga walang-hiya kong kaibigan.
Tumunog naman bigla ang pinto dahil may pumasok dito. See? Wala pang sampung minuto may nakasunod na sa akin.
Tahimik ko lang na inilalagay sa maleta ko 'yung iba kong gamit dahil inaantay kong magsalita ang kung sinumang pumasok sa kwarto ko.
Lumipas na ata ang limang minuto at tahimik pa rin siya kaya naisipan kong tignan kung may kasama pa ba ako.
"W-What are you doing h-here?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro