Chapter 5
"Hoy, Christine!"
Napatalon naman ako sa sobrang gulat dahil sa sigaw ni Noelyn sa likuran ko.
Baliw 'to papatayin ata ako sa heart attack eh.
"Bakit ba?!" inis kong tanong kay Noelyn nang lingunin ko siya.
"Ang tagal mo kasi tapos nakasilip ka pa dyan. Ano ba sinisilip mo?" tanong nito bago pinilit ding sumilip sa dining room.
Bago pa siya tuluyang makasilip ay itinulak ko na siya palabas.
"Wala, doon ka na. Gutom ka na agad eh!" pagtataboy ko sa kanya na sinunod naman niya. Haynako, stress na ako sa nangyayari sa buhay ko ha!
Naglakad ako papunta sa kusina na kunwari hindi sila nakikita kaso bigla namang lumabas ng kusina si Jungkook babe.
Muntik na nga akong mabangga sa kanyang broad chest. Err... im kilig!
Matangkad naman ako. Sadyang sobrang tangkad lang ni Jungkook.
"Tatayo ka na lang ba d'yan at haharang sa dinadaanan ko?" napabalik naman ako sa ulirat ng magsalita siya.
"S-Sorry..." sabi ko dito bago siya nilampasan.
"Tsk! Such a weird fan. Liar." rinig kong sabi pa nito bago ako tuluyang makalampas.
Oo, fan nila ako. Fan na fan! To the point na minsan umiiyak ako pag narerealize ko na hindi naman magkakatotoo 'yung mga pangarap ko. Pero hindi naman ako weird diba?
Diba?!
Okay fine, pero hindi naman ako liar? Seriously? Bakit alam na ba nila na 'yung buong kwarto ko ay puro picture nila at hindi lang ako basta-basta na fan?
Nakakainis! Siguro kung nandito si JK ipagtatanggol ako non.
Damn, I miss my bestfriend.
"Feeling gwapo masyado! Sabagay gwapo naman siya. Pero kasi... Aish! Bakit sa halip na mainis ako sa kanya mas minamahal ko pa siya? Tanga ka na nga, Christine!" sabi ko sabay sampal sa sarili ko.
"Na lulukring na lulukring na lulukring." napalingon naman ako sa taong nakanta sa likod ko at nakita ko si Noelyn. Nandito na naman siya?
Wait! Nakita niya kaya?!
"Bakit nandito ka na naman?! May nakita ka ba?!" nanlalaking matang tanong ko sa kanya.
"Huh? Wala. Ikaw lang ang nakita ko. Isang babaeng nagiging abnormal lang naman." sabi nito bago tumabi sa akin.
Hay! Akala ko nakita na niya ang BTS.
Pero nasaan 'yon? Hindi kaya nagtago sa ilalim ng lamesa?
"Eh ano ka pa? Tsk! Oh, dalhin mo sa labas!" sabay abot ko sa kanya ng tray. Kinuha naman niya ito bago ako iningusan.
"Opo, mam!"
Sumunod na ako sa kanya paglabas niya pero nagtagal ako sa dining room.
Bakit nawala 'yong mga 'yon? Saan kaya sila nagtago?
"Noe, susunod ako kukunin ko lang 'yong laptop ko sa kwarto ko!" sabi ko sa kanya bago siya makalabas papuntang garden.
"Sige!"
Umakyat ako sa taas upang pumunta sa kwarto ko at may narinig akong nag-uusap sa loob ng kwarto ko.
Hala! Sinong nagnanakaw sa pictures ni Jungkook?!
"Ma?!"
"Mga iho, ito na nga pala ang anak ko si Christine. Sa kanya lahat ng nasa kwartong 'yan." nakangiting sabi ni mama doon sa apat.
Kaya pala sila nawala dahil pumunta sila dito.
Shit. 'Yong mga merchandises ko!
"So, you're my fangirl huh." nakangising sabi sa akin ni Jungkook.
"H-Huh?" lutang na tanong ko sa kanya.
"Tsk! It's too obvious." sabi niya sabay turo sa mga merchandises kong naka-display sa kwarto.
"Oo. B-Bakit masama ba? Sa pagkakaalam ko marami ka namang fangirls diba? Mas marami pa nga silang merchandises kesa sa akin eh." lakas loob kong sagot sa kanya. Wala akong pake kung idol man siya napupuno rin naman ang pasensya ko eh.
Ano bang big deal sa pagiging fangirl ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro