Chapter 47
Princess's POV
"Wala pa ring forever!" sigaw ko.
"Princess, why so bitter? Sayang ganda mo." sabi sa akin ni Angelli.
Walang maganda sa taong manloloko kaya walang forever.
"Ay nako! Kasalan na ba?" natatawang tanong ni Noelyn.
"Oh yeah!" sigaw ni J-hope.
"Who's the priest?" tanong ni Namjoon.
Nakaka-inlove talaga siya mag-english.
"Tayo ang mga abay tapos si Rapmon at J-hope ang magkakasal!" nakangiting sabi ni Shy.
"'Yun naman pala eh. Lets start na!" sabi ko sa kanila at tumayo na.
"S-Seryoso kayo?" tanong ni Trisha.
"Oh yes! This is not a civil at legal wedding pero dapat 'yung vows niyo sa isa't-isa totoo. Understood?" pag-eexplain ko sa kanya.
"Yeah. Start na tayo..." sabi ni Suga.
Seryoso na talaga siya? Gosh!
Nakatayo kaming apat na babae sa kanang gilid ng biglang hilahin ni Jimin si Noelyn.
"Problema mo, Jimin?" tanong ni Noelyn sa kanya.
"Double wedding 'to, oy!"
"Anong double?" tanong ni Shy.
"Don't tell me, Jimin type mo si Noe? Wag kang ano d'yan." pagbabanta ko sa kanya.
"Chill. Si Jin Hyung at Noe 'yung isa." nakangiting sabi niya sa amin.
"Anong si Jin? Bakit ako nadamay dito?" takang-taka na tanong ni Noelyn.
"Basta! Pumunta na kayong dalawa doon at naghihintay na 'yung mga gurang na feeling pari." sabi ni Jimin sabay tulak doon sa dalawa papunta sa unahan.
Double wedding? Edi double reception din?
Chibog-chibog na naman kami nito!
**
Noelyn's POV
"Nandito tayo ngayon upang tunghayan ang walang kwentang kasalan ng dalawang gurang sa Bangtan." panimula ni J-hope.
Grabe! Ang gago talaga nitong si kabayo.
"Wag ng mag-seramonya! Vows na agad." sabi ni Angelli sa kanila.
"Okay. Dahil hindi naman kami tunay pari. Sabihin niyo na lang ang vows niyo sa isa't-isa." sabi ni Namjoon.
Hindi naman sila tinatamad?
"Si Suga Hyung muna." tumatawang sigaw ni pandak.
Ang ingay talaga nito. Hyper na hyper na naman.
"Paano ko ba uumpisahan?" walang emosyon na tanong ni Suga.
"Sabihin mo 'yung gusto mong sabihin kay Trisha." sabi sa kanya ni J-hope.
"Okay. Trisha, I really don't know what to say but honestly I want to know you more. I can't say that I like you but I feel something here whenever I see you..." nakangiti nitong sabi kay Trisha.
Say what?!
Si Suga nag-english? Is this a miracle? Pero hindi talaga 'yun 'yong maka-agaw ng pansin ko.
Kinikilig ako sa vow niya.
"Shit! Hyung, nag-english ka? Seryoso?" naiiyak na tanong ni Jimin.
Siraulo talaga 'tong si Jimin.
"Patangkad ka muna." sigaw sa kanya ni Suga.
"Sus! Lumamang ka lang sa akin ng isang centimeter. Wag ka nga!" nakairap na sagot niya kay Suga.
"Shut up, guys! Si Trisha naman." pagpapatigil ni Namjoon sa dalawa.
"Ah... A-Ano bang s-sasabihin ko?" nauutal na tanong ni Trisha.
"Pota, Trisha! Pabebe pa ba is you? Wag ganern!" sigaw ko sa kanya.
"Hahahahahard!" tumatawang sabi ni J-hope.
"Naman kasi! Lagot talaga sa akin si Tin. Ito na, gusto ko lang sabihin na hindi ako umaasa d'yan sa sinabi mo na may something kang nararamdaman para sa akin. Kasi alam kong hindi rin naman totoo. Tanggap ko naman kasi na fan lang ako. Fan lang walang gir-"
**
Trisha's POV
Lord, bakit ganito?
Why you do this to me?
'Di ko na po kaya 'yung feels eh!
"When I say it, I mean it. Kaya 'wag mo akong pangunahan sa nararamdaman ko." nakayakap na bulong niya sa akin.
Mga bes, nakalimutan ko na ata huminga.
"Ehem! Mamaya na po 'yang pag-aano niyo. May next pang ikakasal..." sabi sa amin ni J-hope.
Letseng kabayo 'to. Kahit kailan panira!
**
Jin's POV
"Jin Hyung, ikaw na. Dali!" tuwang-tuwa na sabi sa akin ni Jimin.
"Bakit ba excited ka, Jimin?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Bilis na!"
"Noelyn, alam kong mahirap paniwalaan pero gusto kita. Hindi ko alam kung paano o bakit but please keep this..." sabay lagay sa kamay niya ng isang rubber band.
"Rubber band?" takhang tanong niya sa akin.
**
Third Person's POV
"Rubber band?" nagtatakang tanong ni Noelyn kay Jin.
"Rubber band kasi naniniwala ako na love is like a rubber band that held at both ends by two people. When one leaves it hurts other. So, please keep pulling and don't leave." mahabang paliwanag ni Jin.
Ipinagtaka ng lahat ng alisin ni Noe ang rubber band sa kamay niya at inilagay ito sa kamay ni Jin.
"Ako dapat ang nagsasabi sayo niyan. Kasi sa ating dalawa siguradong ikaw ang aalis at mang-iiwan. Lagi lang naman akong nandito eh. Kaya ako ang magsasabi sa'yo nito. Keep this, keep pulling, and don't ever leave." nakangiting sabi ni Noelyn na siyang niyakap ni Jin.
"Punyeta. Nakakaiyak. Why is that? Why so madrama 'yung kanila? Kaloka!" bulong ni J-hope na agad naman binatukan ni Namjoon.
"Epal ka talaga kahit kailan!" sabay-sabay na sigaw nila kay J-hope.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro