Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Princess's POV

Nandito ako ngayon sa lobby nitong hotel dahil nagkanya-kanya muna kaming magkakaibigan.

Nag-iscroll ako sa news feed ko ng makita ko 'yung post ni Christine tungkol sa isang video na magkasama ang BTS at Gfriend.

BTS x Gfriend? Oh my god!

"Ryu, nandito ka lang pala. Napanood mo na ba?!" na-eexcite na tanong sa akin ni Noelyn bago tumabi sa akin.

"Hindi pa eh. Pero nakita ko 'yung post ni Christine."

"Panoorin mo na. Nakakatawa siya tapos nakakakilig. Oh my!" kinikilig na sabi niya sa akin habang niyuyugyog pa ako.

"Ryu! Lee! Napanood niyo na ba?!" nagtatalon na tanong ni Christine ng makita niya kami. Mukhang hinahanap niya talaga kaming dalawa dahil lumabas siya ng elevator.

"Ako, oo. Si Ryu hindi pa!"

"Panoodin mo na, Ryu. Gravity 'yung feels ko. As in! Boom. Oh my god! Dream come true ito mga friend!" kinikilig na sabi ni Christine habang nakahawak pa sa kanyang mukha. 

Kami naman ni Noelyn ay nag-stream din habang nagtititili dahil sa kilig.

"Pakshet na 'yan! Naiinis ako."

"Grabe. 'Yung part ni V sa umpisa na sinabi niyang father tapos 'yung isang member ng Gfriend ang nagsabing mother. Selos si ako!"

"Nakakaiyak! Ang galing mag-basketball ni Suga bebe! Shoot eh."

"Ang pangit kaya ng Gfriend. Pangit sila!"

Sinong lapastangan ang nagsabing panget ang Gfriend?!

**

Christine's POV

Dahan-dahan kong nilingon 'yung mga nag-cocomplain sa likod namin nina Princess.

Nakita ko 'yung apat na para na namang pinagbagsakan ng lupa ang mga itsura.

Anong pangit ang Gfriend? Ilulubog ko talaga 'yung nagsabi no'n sa Antartic Ocean.

"Tin, napanood niyo na ba 'yung family song ng BTS?" tanong sa akin ni Trisha.

"Oo. Kinikilig nga ako eh..." sarcastic na sabi ko sa kanya.

"Bakit ka kinikilig?! May nakasama silang girl group. Hindi sila bagay. Panget ang Gfriend!" sigaw ni Angelli.

"Yah! Hindi sila nararapat sa Bangtan." sabi ni Trisha.

Pinaningkitan ko sila ng aking singkit na mga mata dahil sa mga sinabi nila.

"Anong sabi niyo?" sabay-sabay naming tanong na tatlo.

"Uh-oh..." rinig kong bulong ni Shy.

"F-Fan ba kayo ng Gfriend?" nauutal na tanong ni Trisha.

"Yes. With capital Y!" sagot ko sa kanya.

"Oo! Kaya kung gusto niyo pang mabuhay ay tumakbo na kayo. Pakyu!" sigaw sa kanila ni Noelyn kaya nagkanya-kanya ng takbo 'yung apat.

"Tangines 'yung mga 'yon! Panget daw ang Gfriend! Ano ibabaon ko na sa semento?" nang gigigil na tanong ni Princess.

"Ano, Cz? Ipaparesbak na ba natin?" tanong sa akin ni Noelyn.

"Kukuhanin ko 'yung mga bomba ni Hitler. Iisa-isahin ko 'yung apat na 'yon!"

Wala silang karapatan para sabihan ng panget ang Gfriend. Pati ikaw!

Oo, ikaw! Ikaw na nagbabasa nito. Pag nalaman kong binabash mo ang Gfriend. Lagot ka sa akin.

GABI na ng magsawa kami sa kakapanood sa family song ng BTS at Gfriend kaya naisipan naming pumunta nina Noelyn sa mini studio nitong resort.

Para siyang bar pero more on ktv 'yung mga nandito.

Nakita ko ang Bangtan kasama 'yung apat at si Macey na nagkakantahan.

"Mga hindi nag-aaya, oh." sabi ko bago maupo sa tabi ni Macey.

"Ewan ko ba sa apat na 'to. Ayaw kayong puntahan." sabi ni Jin sa amin.

Tiningnan naman ni Noelyn at Princess 'yung apat ng masama.

Ang kumakanta ngayon ay si Jimin. Alam niyo ba kung anong kinakanta niya?

Siya lang naman ay kumakanta ng Totoy Bibo habang nagsasayaw kasama si J-hope.

Kingina lang diba? Lakas ng trip eh.

"Oy, kabayo at pandak! Anong trip 'yan?" tanong ni Namjoon sa kanila.

"Tangina mo, Badjao!" sigaw sa kanya ni J-hope.

That kabayo at pandak. Ang hard eh.

"Pakantahin niyo naman 'yung girls!" sabi ni Jin sa kanila.

"Oo nga! Si Trisha muna." sabi ko bago tumawa ng nakakaloko.

Its payback time.

"Aba! Anong ako?" gulat na tanong nito sa akin.

"'Yung marry your daughter version mo para kay kuya." kinikilig na sabi ko.

"Manahimik ka, Tin! Ayoko nakakahiya." umiiling na sabi niya sa akin. Binatukan ko siya dahil sa kaartehan niya.

"Meron ka ba no'n?" sabay na tanong namin ni Noelyn.

"Anong kanta 'yun? Parinig naman..." sabi ni Suga habang nakangiti.

"Go, Trisha! Kaya mo 'yan."

Tinulak-tulak pa namin siya ni Ella para kunin 'yung mic kaya wala din siyang nagawa kasi sinuggest ni Suga.

"Bago ako kumanta. Isusumpa ko muna si Tin na mababaog siya. Labyah!"

"Fck you din!" nakangiti kong sabi.

Napatingin naman sa akin si Jungkook at biglang ngumisi.

May saltik na talaga 'yun.

**

Trisha's POV

Kingina! Mababaog talaga 'tong si Christine pagkakanta ko.

"Game na! Go, Trisha!" sigaw ni Ella.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Kinakabahan ako na nahihiya na natatae!

Kaya mo yan, Trisha! Aja.

"I'm gonna marry you, Suga to make you my gu— life. I want you to be the only man that I love for the rest of my life. I give you the best of me till the day that I die..."

Napatingin naman ako kay Suga bebe na nakangiti sa akin.

**

Christine's POV

Ano ba 'yan. Ba't ako kinikilig? Walang forever 'no!

"Dalaga ka na talaga, Trisha!"

"Forever na ito, guys!"

"Ayieeee! Kinikilig ako!"

"Eonnie, hayaan mo sa kasal niyo ako ang kakanta."

"Oh my god! Singer ka na, Trisha!"

"Oy, pang-pilipinas got talent na siya!"

Kanya-kanyang asar no'ng anim na babae kay Trisha. Pati si Macey naki-asar na rin.

"Kingina niyo. Manahimik nga kayo!" sabi sa kanila ni Trisha

Ako naman. Ito nagpipigil maging bitter. Letse na 'yan!

"Jusko! Kinikilig ako pero wala talagang forever!" natatawang sigaw ko.

"Si hyung kinikilig!" asar ni Jimin kay Suga.

"Magpatangkad ka muna." natatawang sabi ni Suga.

"Si Kuya kinikilig..." asar ko din kay Suga.

"Tigilan niyo kong dalawa. Pagbubuhulin ko kayo." sabi sa amin ni kuya pero nakangiti pa rin.

"Hyung, gusto ko 'yun." sabi sa kanya ni Jimin kaya tiningnan ko siya ng masama.

Nginitian lang ako ng loko.

"YoonSha at ChrisMin is sailing! Woot. Woot." tumatawang sigaw ni Noelyn.

"Shut up, Noe!" singhal ko sa kanya.

"Forever does exist!" sabay-sabay na sigaw nila.

"Tse! Wag niyo akong idamay d'yan. Intindihin niyo 'yung magpapakasal!" sabi ko sa kanila.

"Hindi ako magpapakasal 'no!" sabi ni Trisha.

"Weh?" nakangising tanong ko.

"I think. I should buy an engagement ring now." sabi ni Suga habang nakatingin kay Trisha.

What! Maniniwala na ba talaga ako sa forever?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro