Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Jin's POV

Paglabas ko ng kwarto ni Noelyn ay narinig ko silang nagsisigaw.

Anong meron?

"Hyung." tawag sa akin ni J-hope.

"Bakit ang seseryoso ng mukha niyo?" tanong ko sa kanila.

Sina Namjoon, Suga, at J-hope ay seryosong nakatingin sa akin habang 'yung maknae lines ay parang galit na hindi mo maintindihan.

"Anong nangyare sa inyo? Kasama ba kayo nina Princess at ganyan din ang mukha niyo?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Oo kasama namin sila." sagot ni Taehyung sa akin.

"Hyung, bakit ka ganyan?" pagwawala ni J-hope.

"Matagal na akong gwapo. Problema niyo doon?" naiiritang tanong ko.

"Hindi 'yun. Tsk! Hyung, ano 'to?" seryosong tanong ni Jungkook habang pinapakita sa akin 'yung cellphone niya.

Picture namin ni Christine kagabi 'yung makikita doon.

Saan naman galing 'yun?

"Saan galing 'yan?" seryosong tanong ko.

"Hindi na mahalaga 'yun, hyung." seryosong sabi ni Jimin.

"Teka nga! Nagseselos ba kayo?" tanong ko kay Jimin at Jungkook.

Hindi sila nagsalita. Tsk! Pati ako pinagseselosan?

"At kayo naman, V at J-hope? Ano namang trip niyo?" tanong ko sa dalawa.

"Kasi bestfriend ko si ChrisTintin eh. Inaagawan mo ako." nakangusong sabi ni Taehyung.

"Kasi naman, hyung. Wala na nga akong chance doon makikiagaw ka pa? Wag namang ganon." nagrereklamong sabi ni J-hope.

"Ang ganda talaga ng Lil' Sis ko. Tsk! 'Di kayo papatulan no'n. Umayos nga kayo. Para 'yan lang eh." sabi ni Suga sa kanila.

"Ayoko na talaga! Tatalon na ako sa rooftop nitong ospital!"

Nagkatinginan naman kaming pito dahil sa sigaw na 'yon.

Dali-dali kaming pumasok sa kwarto at nakita namin 'yung pitong nag-iiyakan. Pati si Noelyn ay nakiki-iyak na.

Gising na siya. Thank, God.

"Tin, sabay na tayong tumalon!" sabi ni Trisha kay Christine.

Ibig sabihin si Christine 'yung sumigaw? Grabe. Buti nakakarinig pa 'yung mga kasama niya.

"Ayoko na... Masakit eh. Masakit!" umiiyak na sabi ni Noelyn.

"Excuse me?" sabi ni Namjoon kaya napatigil 'yung pito sa pag-tatantrums.

"Kanina pa kayo d'yan?" sabay-sabay nilang sigaw sa amin.

The fck! Kanina pa sila sigaw ng sigaw. Ano bang meron?

**

Ella's POV

Nandito pa rin kami sa kwarto ni Noe at nag-iiyakan ng biglang may poncio pilatong nagsalita.

"Excuse me?"

"Kanina pa kayo d'yan?" sabay-sabay naming tanong.

Eh sa nakakagulat sila eh! Nag-iiyakan kami dito eh.

"Hindi naman."

"Noe, gising ka na." nakangiting sabi ni Jin.

Gising na si Noelyn?!

**

Christine's POV

Nakakaloka talaga 'tong BTS. Bigla-bigla na lang napasok eh. Sarap pagkukutusan.

"Noe, gising ka na."

Wait! Ano daw? Si Noelyn gising na?

"Gising ka na!" sabay-sabay naming sigaw na anim.

"Duh! Halata ba? Gago kayo ah. Kanina pa tayo nag-iiyakan tapos itatanong niyo 'yan." sagot sa amin ni Noelyn.

"Wala kasi dito utak ko."

"Wala ako sa wisyo!"

"Wala akong pakealam sa mundo ngayon."

"Nasa Mars ata utak ko."

"Bangag ako. Sensya na!"

"Akala ko na nanaginip lang ako kanina."

Kanya-kanya naming sagot.

"Kingina niyo! Magbibigti na talaga ako." pag-tatantrums ulit ni Noelyn.

"Ayoko na. Pagkatapos no'n aalis na ulit sila. Hindi ko kaya!" umiiyak na sigaw ko.

Bigla namang tumigil 'yung anim sa pag-iyak at tumingin sa akin. 'Yung BTS naman nanonood lang sa amin.

Ngumiti ng malungkot 'yung anim. May mali ba sa sinabi ko?

"Mas masakit pala pagnatapos 'yung araw na 'yon kasi aalis na sila." bulong ni Noelyn.

"Yeah. 'Yun lang naman ang pinunta nila dito eh." sabi pa ni Shy.

This time 'yung iyak nila hindi kunwari. Alam kong nasasaktan talaga sila.

Reality sucks.

"Ahm, guys."

"Ano?!" tanong n'ong anim kay J-hope.

"Chillax nga lang kayo. Bakit ba kayo nag-iiyakan?" tanong nito sa amin.

"Wala."

"Ikain niyo na lang 'yang iniiyakan niyo." sabi sa amin ni Jin.

"Ikaw, Noe. Kumain ka na. Isang araw din 'yung itinulog mo 'no." dagdag pa ni Jin sabay tingin kay Noelyn.

Edi sila ng sweet.

Kailangan na naming sulitin ang araw kasama sila. Bilang na lang araw namin.

July 30, please huwag ka ng dumating...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro