Chapter 4
Nasa tapat na kami ng bahay namin at nakatingin lamang ako sa labas ng bahay na tinutuluyan nina Jungkook.
Ano kayang ginagawa niya ngayon?
"Hoy, halika na. Mamaya sasabihin mo na naman na nauuna pa kami sa may-ari." singhal sa akin ni Noelyn bago ako hinila papasok ng gate namin.
"Oo na. Napakadaldal mo, Noelyn eh! Tatapalan ko na yan ng packing tape." sigaw ko sa kanya bago nagpatangay sa kanya. Ang lima naman ay nakasunod lamang sa amin at tumatawa.
"Ano ka ngayon! Wala kang panama dyan sa isang 'yan." tumatawang sabi sa kanya ni Shy.
Lakas talaga ng sapak ng mga babaeng ito.
"Tara na nga!" sabi ko sa kanila bago tumakbo papasok ng bahay.
"Dasi Run Run Run nan meomchul suga eopseo
Tto Run Run Run nan eojjeol suga eopseo
Eochapi igeosbakke nan moshae
Neoreul saranghaneun geot bakken moshae."
**
Jimin's POV
Nandito na kami ngayon sa bahay ng mga Chan. Nasa dining room kami habang si Mrs.Chan ay inihahanda na 'yong pagkain namin ng bigla akong makarinig ng babaeng nakanta ng Run.
"Dasi Run Run Run nan meomchul suga eopseo
Tto Run Run Run nan eojjeol suga eopseo
Eochapi igeosbakke nan moshae
Neoreul saranghaneun geot bakken moshae."
"Jimin, narinig mo ba 'yong nakanta?" tanong sa akin ni Taehyung na katabi ko. Nakaupo kasi kami sa pang-animan na lamesa at katapat namin si Jin Hyung at Jungkook.
"Oo. Galing nga eh..." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Tsk! Nandito na pala ang anak ko. Pasensya na kayo ha? Masyadong trying hard mag-korean eh." biglang sabi ni Mrs.Chan pagpasok niya ng dining room bitbit ang malaking mangkok ng pagkain.
"Nako, hindi po! Ang galing nga po mag-hangul eh." sagot ni Jin Hyung habang nakangiti. Napatango rin kami senyales ng pagsang-ayon.
"Teka po? Fan po ba namin 'yung anak niyo?" tanong ko sa kanya.
"Aba'y oo! Sobra. Pito nga silang magkakaibigan at siya ang nagpakilala sa anim na 'yon ng grupo niyo kaya ayon..." nakangiting kwento ni Mrs.Chan.
"Mukhang fan na fan po namin 'yong anak niyo ah." sabi sa kanya ni Jin Hyung habang nakangiti. Ako naman ay naglalagay na rin ng pagkain sa pinggan ko dahil kanina pa ako gutom.
"Nako! Pag nakita niyo ang kwarto ng batang 'yon. Pati unan mukha ni Jungkook ang naka-print." natatawang sabi nito bago umupo sa kabisera ng lamesa.
"Ano po bang pangalan ng anak niyo?" tanong ni Jungkook na kanina pa na nanahimik.
"Christine, Christine Chan!"
"Si ChrisTintin po?! 'Yung babaeng cute na weird?!" nanlalaking matang tanong Taehyung. Siniko ko naman siya dahil sa sinabi niya.
"'Yon bang pumunta sa inyo kanina? Oo eh. Cute ba 'yon? Pasensya na ha? Buti na lang hindi kayo pinagkaguluhan non." paghingi ng dispensa ni Mrs.Chan. Ang bait na nga niya ang sarap pa niyang magluto.
"So, sasaeng fan pala ang weirdong 'yon..." rinig kong sabi ni Jungkook kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Maknae!" saway sa kanya ni Jin Hyung.
"Pwede po ba namin makita 'yong kwarto niya, Mrs.Chan?" nakangiting tanong ko.
"Tita Cynthia na lang, masyado naman kayong pormal. Aba'y oo naman! Kumain muna kayo at titingnan ko lang ang kwarto niya ha?" tumango naman kami at lumabas na siya ng dining room.
"Watch your mouth, Jungkook." pagbabanta ni Jin Hyung sa kanya.
**
Christine's POV
"Oh! Nandito pala kayo?" bungad agad sa amin ni mama na kakalabas lang ng dining room.
"Hi, Tita Cynthia. Good evening!" sabay-sabay na bati nitong mga kasama ko kay mama.
"Good evening din! May gagawin ba kayo?" tanong nito sa amin. Mukhang good mood ata si mama ah?
"Wala, pumunta lang talaga rito para manggulo. Sa garden lang kami. Bye!" sagot ko sa kanya bago siya nilampasan at dumiretso sa likod-bahay namin. Sorry, ma, love pa rin kita.
"Guys, tanong lang. What if makita niyo sa personal ang bts anong gagawin niyo?" out of the blue kong tanong sa kanila ng makarating kami sa likod-bahay.
"Ako, mag-papapicture talaga ako. As in! Tapos kikidnappin ko na si Jin ko!"
Kilala niyo na naman siguro 'yung baliw na sumagot agad sa tanong ko diba?
"Ako, mag-papapicture lang tapos kung pwede iuuwi ko na si Hoseok." kinikilig na sagot sa akin ni Shy.
"Ako, magpapa-autograph, mag-papapicture, yayakapin si Jimin, at mag-papapicture ulit!" natatawang sabi sa akin ni Angie. Hindi naman halata na mahilig siya sa selfie.
"Ako, kahit ano! Basta makita ko lang ang asawa kong elyen!" tumatalon-talon pang sagot sa akin ni Ella. Ito talaga ang pinaka-hyper sa aming magkakaibigan.
"Ako? Sus. Kikidnappin ko lang naman si Namjoon." tuwang-tuwa na sagot sa akin ni Princess.
"Puro kayo kidnapped. Ako, itatago ko sa puso ko si Suga bebe! My gosh!" kinikilig na sagot ni Trisha sa akin. Napanganga na lang ako sa mga naging sagot ng kaibigan ko sa akin.
"Okay! Tama na. Pare-pareho naman kayo ng gagawin eh!" sabi ko sa kanila bago humiga sa damuhan. Tinabihan naman nila ako at tumitig sa maulap na kalangitan.
"Eh ikaw ba?" tanong sa akin ni Princess na katabi ko.
"Wala. Hindi ko naman nagawa 'yong mga pinlano ko bago sila makita eh." nakangusong sagot ko sa kanya. Totoo naman eh, naunahan ako ng hiya at kaba ng mga oras na 'yon.
"Bakit nakita mo na sila?!" gulat na tanong sa akin ni Trisha na nakaupo na ngayon at nakatingin sa akin.
"Actually, 'yong apat kong bias lang. Sabi pa nga ni Taehyung ang cute ko daw kaso 'yong asawa ko, ang sama ng ugali. Alam niyo 'yon? Pero mahal ko pa rin talaga siya..." mahabang sagot ko sa kanya. Nasa sa kanila na 'yan kung maniniwala sila sa akin o hindi.
"Ambisyosa ka talaga!" sigaw sa akin ni Noe. See? Mahirap talagang paniwalaan 'yung sinabi ko.
Ganon ba ako kahirap kapaniwalaan?
"Baliw!" sabi pa nito sa akin. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito.
"Kukuha lang ako ng meryenda sa loob ha? Alam ko naman na wala kayong kabusugan kahit kakakain niyo lang." pagpapaalam ko sa kanila bago pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok ko sa loob may mga narinig akong lalaking nag-uusap sa dining room kaya sumilip ako doon baka kasi mamaya magnanakaw 'yun.
Oh my god! Bakit nandito ang BTS mamamanhikan na ba si Jungkook babes ko?
Oh my god. I'm not prepared!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro