Chapter 39
Trisha's POV
"Hey!" napalingon naman ako sa tumawag kahit na hindi ako sigurado kung ako nga ba ang tinatawag nito. Paglingon ko ay nakita ko ang buhay ko- si Suga.
"Suga?" gulat na sambit ko sa pangalan niya. Seryoso itong lumapit sa akin at tumango.
Oh my- Ito na naman ang aking fangirl feels.
"Yow. Army ka?" nakangiting tanong niya sa akin.
Oh my gosh! Nasisilaw ako sa gums mo, Suga bebe!
"Ah, eh." naiilang na sabi ko bago napakamot ng ulo. Nakaka-starstruck naman kasi ang lapit sa akin ni Suga.
Marupok po ako!
"Ih, oh!" nakangiting dagdag niya sa sinabi ko. Tiningnan ko naman siya ng masama bago umirap ng pabiro.
"Joke lang!" tumatawang sabi niya sa akin.
Kinikilig ako! Ano ba 'yan ang gwapo tumawa.
"Army ka nga?" tanong niya ulit sa akin kaya napatango na ako.
Nyeta! Na-ispeechless ako mga bes.
"Oo," naiilang na sagot ko sa kanya. Siguro iniisip na ni Suga na sobrang weird ko.
"Jinjja? Sinong bias mo?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami.
"Ikaw! Asawa nga kita eh!" yan ang gusto ko sanang isigaw sa kanya kaso nakakahiya naman 'yon diba?
"Ako?" natatawang tanong niya sa akin habang nakaturo pa sa sarili niya.
"H-Huh?"
"Sabi mo kaya, ikaw, asawa nga kita eh. Pfft!" tumatawang sabi niya kaya lalo kong nakita ang kanyang gums na nagpagwapo sa kanya.
But, what the heck? Narinig niya? Nakakahiya!
"Huwag kang mahiya sanay na ako sa ganon." nakangising sabi nito sa akin na para bang nababasa niya ang nasa isip ko.
Well, yeah. Marami nga palang may asawa sa kanya.
Hindi ako nag-iisa. Sad life!
ANO BANG gusto ng nga baliw na 'yun? Tsk! Nakapili na kasi ako sa canteen ng ospital at napili ng pagkain nila.
"Ate, tatlong ngang spaghetti at isang salad tapos dalawang chicken with mushroom soup." sabi ko doon kay ateng nagbebenta.
"Drinks po, ma'am?"
"Anim na bottled water na lang po." nakangiting sagot ko.
"Dami naman niyan!" sabi bigla sa akin ni Suga bebe na nasa tabi ki na pala.
"Jusko! Baki-"
Oh my Shining Gums! 'Yong face niya ang lapit sa face ko!
"Ops sorry!" hinging paumanhin niya ng makitang ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
'Yun na 'yon eh! Sayang.
"N-Nakabili ka na a-agad?" naiilang na tanong ko sa kanya.
"Oo. Pare-parehas na kami ng pagkain. Choosy pa ba sila, sila na nga binilhan." natatawang sabi niya sa akin.
"Buti ka pa. 'Yung kasing mga kaibigan ko iba-iba ang trip sa pagkain." nakaismid na sabi ko sa kanya.
"Mukha nga. Ang dami mong binili eh tapos may salad pa." tumatango-tangong sabi niya habang pinagmamasdan ang pagbabalot ng pagkain na inorder ko.
Matapos ilagay ni ate sa supot lahat ng pinamili ko ay nagulat na lamang ako ng kinuha ni Suga ang iba rito.
"Tulungan na kita."
"Luh? 'Wag na. Kaya ko naman." nahihiyang sabi ko bago hinila sa kanya ang pinamili ko ngunit talagang mapilit siya.
"Tsk," naramdaman ko na lang na kinuha niya sa kamay ko 'yong isang supot at nagdire-diretso ng lakad.
Oh my, Suga bebe! Why are you doing this to me? Waeyo!
Jusko! 'Yong kamay niya, ang lambot.
"Hey. Lets go!" nabalik lang ako ulirat no'ng tinawag niya ako.
"Ah, wait lang." agad ko namang binilisan ang lakad dahil malayo na siya sa akin.
"TRISHA, why so taga- Oh... Hi, kuya!" salubong agad sa amin ni Christine na parang kanina pa ako hinihintay.
"Yow, Lil' sis. Sup?" nakangiting bati sa kanya ni Suga bebe.
"Nothing's up, kuya. Everything is down!" tumatawang sagot sa kanya ni Christine.
Abnormal talaga 'to minsan.
"Naks, may swaeg ka na. Congrats!" tumatawang sagot nito kay Christine.
"Matagal na akong may swaeg." tumatawang sagot sa kanya ni Christine bago nag-thumbs up.
"Sige na, una na ako sa inyo. Baka namatay na sa gutom 'yong mga kasama ko eh." pagpapaalam niya sa amin habang nakangisi. Inabot naman nito sa akin ang supot na pinamili ko na siyang nagbitbit.
"Bye, kuya!" pagpapaalam ni Christine kay Suga.
"Bye! Bye rin, Trisha."
Kilala niya ako?! Oh my gosh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro