Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Jin's POV

Nandito kaming walo ngayon sa labas ng emergency room at hinihintay na lumabas 'yong doktor na umaasikaso ngayon kay Noelyn.

Nang mag-collapsed siya kanina sa mga braso ko ay hindi ko alam ang gagawin ko. Sobra akong natakot ng makitang nasa ganong sitwasyon si Noelyn.

"Fvck!" mahinang usal bago ibinuhos ang galit ko sa pader.

"Jin!"

"Hyung..."

"Oh god!"

"Jin, okay ka lang?"

Sa lahat ng nag-react ay si Christine lang ang nagtangkang lumapit sa akin at daluhan ako. Maswerte si Noelyn na nagkaroon siya ng ganitong bestfriend.

Hindi tulad ko na walang kwenta.

"I'm not. But its okay..." walang emosyon na sagot ko sa kanya.

"P-Pero 'yung kamay mo." sabi nito habang nakatingin sa kamay kong dumudugo.

"Okay lang 'yan." nakangiting sabi ko sa kanya. Malayo 'to sa sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari kay Noelyn.

Sana siya rin...

**

Trisha's POV

Anong nangyari kay Jin? Bakit niya sinuntok 'yung pader?

Ganon na ba sila ka-close ni Noelyn o sinisisi niya 'yung sarili niya sa nangyari?

"Hyung!" napatingin kaming lahat doon sa tumawag.

Si Suga bebe ko!

"Okay ka lang ba, hyung?" tanong ni Taehyung kay Jin.

"'Yung kamay mo, hyung!" sigaw ni J-hope.

"Tsk! Okay lang ako." sagot sa kanila ni Jin.

"Anong okay? Tingnan mo nga 'yang kamay mo!" sigaw ni Suga bebe kay Jin.

Ang sweet ni bebe ko. Sana sa akin din.

"Nurse! Nurse!" tawag ni Namjoon doon sa dumaan na nurse.

"Y-Yes, sir?" nauutal na sagot nung nurse kay Namjoon.

Aba! Bakit namumula 'tong babaeng 'to? Ano siya kinikilig?

"Ahm, 'yung kamay kasi ng kaibigan namin nagdudugo pwedeng pakilinis tsaka palagyan na din ng bandage." nakangiting sabi ni Namjoon doon sa nurse. Halata naman na kinikilig 'yung babae. Psh!

"S-Sige po, sir. Sumunod na" hindi na natapos no'ng nurse ang dapat sasabihin niya ng sigawan siya ni Princess.

"Hoy, miss! Magtrabaho ka na lang pwede ba? Nag-papacute ka pa eh! Tsaka anong sumunod? I-coconfine mo pa ba si Jin? Kumuha ka na lang ng bulak, alcohol, at bandage. Go!" mahabang lintaya sa kanya ni Princess.

Si Princess na pinakamabait sa grupo nagalit? Is this true?

"Ryu..." mahinang tawag sa kanya ni Christine.

"Tsk! Beastmode ako bwiset. Kung maglalandian kayo huwag sa ospital baka dumiretso kayo sa morge!" sabi ni Princess bago magwalk-out.

Nakita ko namang napanganga si Namjoon sa sinabi ni Princess. Kahit naman kami eh ganon din ang reaksyon.

"Woah! Ang wild no'n." natatawang sabi ni Taehyung.

"Lakas maka-Christine eh!" sabi ni Jimin kaya binatukan siya ni Christine.

"Kingina mo, Chim. Huwag ako! At ikaw naman, miss kunin mo ang dapat mong kunin bago pa maubusan ng dugo 'to!" sigaw din ni Christine doon sa nurse.

Mukhang madodoblehan pa ah. Kawawang Nurse!

"Gutom na ako, nay." rinig kong sabi ni Ella kay Christine.

"Ano pa ako? Kayo nga galing sa restaurant eh." nakairap na sabi sa kanya ni Christine.

"Ako rin gutom na!" ungot ni Shy.

"Punta kayong morge kainin niyo 'yung laman loob no'ng mga bangkay doon." nakairap na sagot sa kanila ni Christine.

Ang sungit talaga nitong babaeng 'to.

"Tch. Inuuna kasi pag-pipicture bago kumain eh. Bibili lang ako ng pagkain sa baba." sabi ko sa kanila.

Selfie kasi ng selfie.

**

Suga's POV

I don't give a shit. I don't give a fck.

"Hyung, bili ka namang pagkain natin." sabi sa akin ni Taehyung.

"Ayoko nga. Tinatamad ako." sagot ko sa kanya bago sumandal sa pader at pumikit.

"Dali na. Gutom na gutom na rin kami. Diba?" tanong ni Taehyung doon sa mga gago at tumango naman sila.

"Tsk. Oo na!" nakairap na sabi ko sa kanila.

Nautusan pang bumili ng pagkain. Tss.

Habang naglalakad ay nakita ko ang kaibigan ni Christine. Makasabay nga sa kanya. Malay niyo bias ako no'n edi friends na kami!

"Hey!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro