Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

"Oh em gee! Oh em gee! Oh em gee!" paulit-ulit na tili ni Trisha.

"Trisha, hindi ka ba titigil sa kaka-oh em gee mo d'yan?" naiinis na tanong ko sa kanya.

Nandito kasi kami sa kwarto ko dahil nagwalk-out ako kanina.

Ikaw ba naman ang mabigla ng ganon. Hindi ko talaga inexpect.

Kaya ito, sinugod nila ako at para silang sinisilihan sa pwet.

"Grabe, Tin! Nag-hi siya sa akin like oh em gee!" hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Trisha.

"Narinig ko, okay?" mataray na sabi ko sa kanya.

"Ako rin, Christine! Grabe. Nakaka-inlove talaga mag-smile ang aking Hope..." kinikilig na sabi ni Shy.

"Grabe lang! Ako ang unang binati ni Jin. My heartue is oh my god!" tuwang-tuwa na sabi ni Noe.

"Sabay niya kaya tayong binati." sagot ko sa kanya.

"Kahit na. Tayo lang naman binati niya." nakairap na sagot ko niya sa akin.

"Malamang! Tayo lang naman kilala niya." nakangising sabi ko sa kanya at inasar pa siya lalo.

"I hate you, Cz! Nakakainis ka! Hmp!" naiinis na sabi niya sa akin.

"Mas nakakainis ka! Feeling." nakairap na sabi ko sa kanya.

"Parehas lang tayo." nakangising sabi niya sa akin.

"Baka nga!" nakairap na sagot ko sa kanya.

"Basta ako nginitian ako ni Rapmon! Shit. 'Yung dimples niya nakaka-inlove!" kinikilig na sabi ni Princess.

"Si Jimin my loves! 'Yung singkit niyang mata. Jusko!" isa pa 'tong si Angelli na hindi rin magkaigi.

"Basta si JolliV ko ako lang binati." tuwang-tuwa na sabi ni Ella.

"Ang gwapo nila. Grabe!"

"Mas gwapo sila sa personal! Nakaka-inlove."

"Ang bait pa nila!"

"'Yung obaryo ko wasak na wasak na! Paano pa kami magkakaanak ni Jin nito?"

"Basta ang masasabi ko lang... Sobrang gwapo nila!"

"Best day ever! Oh my gosh!"

"Tumahimik nga kayo..." sabi ko sa kanila.

"Hindi ka ba kinikilig, Tin?"

"Oo nga. Anyare sa'yo?"

"Duh! Paano 'yan matutuwa eh hindi nga siya pinansin no'ng bias niyang masama ugali."

"Hayaan mo na, nay. Nahalikan ka na naman ni tatay eh."

"Alam niyo. Ang ingay niyo! Doon kayo sa labas magkagulo. Wag dito sa kwarto ko. Marami akong iniisip, okay?" naiinis na sabi ko sa kanila.

Walang tigil ang mga bibig nila sa kaka-salita eh.

"Lagi mo na lang kami itinataboy. Ayaw mo na rin ba sa amin?" nakangusong sabi sa akin ni Shy. Napairap na lang ako dahil sa kaartehan niya.

"Ano na namang drama 'yan?" tanong ko kay Shy.

"Sorry! Nadala lang ng emosyon..." natatawang sagot niya sa akin.

"Nasaan na nga pala si Macey?" tanong ko sa kanila ng mapansing wala si Macey sa loob ng kwarto.

"Malay namin." walang emosyon na sagot ni Ella.

"Baka kasama ng BTS?" sagot sa akin ni Trisha.

"Edi wow." sagot ko sa kanila.

"Selos ka lang..." pang-aasar sa akin ni Trisha.

"Gusto mong siraan kita kay kuya?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"Ito naman joke lang. Labas na kami ha? Wag kang mag-susuicide." sabi niya bago naunang lumabas doon sa anim.

"Trisha Anne!"

Narinig ko na lang 'yung tawanan nila sa labas ng kwarto.

Sisiraan ko talaga 'yung mga 'yon sa BTS.

Mas malala pa pala pagkasama namin ang BTS.

Jusko! Ano ba 'tong nangyayari?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro