Chapter 33
Nandito na ako sa salas namin at nagpauli-uli sa paglakad dahil kinakabahan ako.
Paano kung hindi niya magustuhan ang itsura ko?
"Ay kalabaw mong malaki!" gulat na sabi ko dahil biglang may malakas na prumeno sa harap ata ng bahay.
Napatingin naman ako sa cellphone ko na nag-vibrate bigla.
From: Myungsoo Baby
Hi, Zeyon. I'm already here outside your house.
Ibig sabihin si Myungsoo 'yong na busina?
Agad akong lumabas ng bahay dahil nakakahiya namang paghintayin ang aking prince charming.
"Hi." bati ko agad sa kanya nang makita ko siya sa harap ng sasakyan niya. Gwapong-gwapo ito sa simpleng suot na v-neck t-shirt na pinatungan ng isang leather black na jacket at kulay cream na pantalon.
"You look gorgeous, Zeyon." nakangiting sabi niya matapos akong tignan. Napatungo naman ako sa sinabi niya.
"S-Salamat. Ikaw din ang gwapo mo." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Thank you," natatawang sagot nito. "So, let's go?" tanong niya pa sa akin. Tumango naman ako sa kanya at pinagbuksan niya pa ako ng sasakyan.
"Thank you." ngumiti naman siya sa akin bago umikot papunta sa driver's seat.
"Okay ka lang ba?" tanong niya agad pagpasok sa sasakyan.
"Ahm, yeah." ngumiti naman ako kahit hindi niya ako nakikita dahil ang atensyon niya ay nasa daan.
Tahimik naming tinatahak ang daan patungong restaurant at wala pa atang dalawampung minuto ay nakarating na kami.Ang lapit lang naman kasi nito sa bahay. Nilalakad nga lang namin 'to ng mga kaibigan ko eh.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at inilagay ang kamay ko sa braso niya.
"Just relax okay?" tumango naman ako sa kanya at ngumiti.
Pagpasok namin sa loob ay nakita ko si Kuya Wen, isa sa crew dito sa restaurant.
"Good afternoon po, Ma'am at Sir..." bati niya sa amin ng makasalubong kami.
"Luh? Si Kuya Wen parang hindi ako kilala." natatawang sabi ko sa kanya.
"Po?" nagtatakang tanong niya. Si Myungsoo naman nakatingin lang sa amin.
"Kuya Wen, ako 'to. Si Christine..." nakangusong sabi ko sa kanya. Si Kuya Wen trip na naman ako.
"'Yong anak ni Ma'am Cynthia?" nagtatakang tanong niya sa akin na para bang takang-taka siya sa nalaman niya.
"Opo." nakangiting sagot ko.
"Ikaw ba 'yan, Tin? Aba! Hindi kita nakilala dahil sobrang ganda mo ngayon. Tsaka sino ba itong kasama mo? Boyfriend mo ba?" tanong niya habang nakaturo kay Myungsoo.
"Kuya Wen, matagal na po akong maganda. Ngayon niyo lang po ba nalaman?" natatawang tanong ko. Narinig ko namang tumawa si Myungsoo. "Tsaka ito pong kasama ko ay hindi ko boyfriend." dagdag ko pa.
"Akala ko'y boyfriend mo na eh. Sige na mauna na ko sa inyo at marami pang costumers." pagpapaalam niya sa amin.
"Sige po..."
"Mukhang close ka sa mga nagtatrabaho dito sa restaurant niyo ah." sabi niya sa akin habang naglalakad.
"Syempre naman. Lagi akong tambay dito eh." natatawa kong sabi.
"L!" napatingin ako sa lalaking tumawag kay Myungsoo.
"Woohyun?" nanlalaking matang sabi ko.
"L, sino 'to? Girlfriend mo?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Shut up, Namu." masungit na sagot sa kanya ni Myungsoo.
Luh? Bakit bigla 'tong naging cold?
"Kim Sae Ron?" tawag pansin ko sa babaeng katabi ni Woohyun.
Nasaan na si Sungyeol? HSLO cast is here.
"Hello, eonnie." nakangiting bati niya sa akin. Ngumiti lang din ako sa kanya pabalik. Sobrang ganda niya sa personal.
Ipinaghila ako ni Myungsoo ng upuan na nasa tapat ng upuan nina Sae ron at Woohyun.
Ang gwapo pala nito sa personal.
"Psst! L, sino 'yang kasama mo? Girlfriend mo?" rinig kong tanong ulit ni Woohyun kay Myungsoo.
"Hindi." simpleng sagot nito sa kanya.
"Tsk! Yelo ka ba ha? Ang cold lang?" natawa naman ako sa tinanong ni Woohyun sa kanya.
Bakit nga ba ang cold nito?
"Tinatawanan mo ako?" nakangusong tanong ni Myungsoo sa akin ng tiningnan ko siua.
"Huh? Hindi 'no. Natawa kasi ako sa tinanong niya sa'yo." sabi ko sa kanya bago ngumiti.
"Natawa ka sa sinabi ko? Pwede na ba akong joker?" nakangiting tanong sa akin ni Woohyun.
Napa-pokerface na lang ako sa tanong niya. Why so corny?
"Namu, tumahimik ka nga. Ang corny mo!" saway sa kanya ni Sae Ron. "Pagpasensyahan niyo po siya. Hindi po kasi siya naka-inom ng gamot." paghingi ng pasensya sa akin ni Sae Ron bago nag-bow ng kaunti.
"Kaya pala nababaliw na naman 'yan." umiiling na sabi ni Myungsoo.
"Oy! 'Di ako baliw 'no." depensa ni Woohyun sa dalawa.
"Tsk. Anong hindi? Kumain na nga lang tayo." sabi ni Myungsoo sa kanya at ipinaglagay pa ako ng pagkain sa pinggan ko.
"Grabe! Ang sarap talaga ng pagkain dito." sabi ni Woohyung habang ngumunguya.
"Tsk! Ayusin mo nga pagkain mo. Laglagan oh!" sabi sa kanya ni Sae Ron bago ito pinalo sa braso.
Ang cute talaga ng dalawang 'to.
"Zeyon..." tawag sa akin ni Myungsoo.
"Hmm?" nilingon ko si Myungsoo na natatawang nakatingin sa akin.
"Ang amos mo kumain." natatawang sabi niya bago ko naramdaman 'yong daliri niya sa gilid ng labi ko.
"Namu, ang sweet nila 'no?"
"Oo nga eh. Ang cold prince naging sweet prince na..."
"Bagay sila diba?"
"Yup!"
"Kayong dalawa, kumain na lang kayo d'yan. Nagbubulungan pa kayo eh dinig na dinig naman." saway sa kanila ni Myungsoo.
"L, hindi mo talaga siya girlfriend? Sayang bagay pa naman kayo. Diba, Sae Ron?" parang nang hihinayang na sabi ni Woohyun.
"Aha! Ligawan mo na kasi, Myungsoo." sapaw naman ni Sae Ron sa sinabi ni Woohyun.
Tumingin naman sa akin si Myungsoo.
Oh those beautiful eyes who captured my heart!
"B-Bakit?" naiilang na tanong ko sa kanya.
"Pwede ba kitang ligawan, Zeyon?"
Ano raw?! Nabibingi na ba ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro